Bumaba ng hagdan si Benjamin, mabigat ang kanyang pakiramdam. Lumingon pa siya sa paligid bago tuluyang mapansin na wala ang painting na ginawa nila ni Celestine noon. Hindi ito nakasabit sa dingding.
Nagulat na lang siya nang makita na nasa may trash can ang painting at sira-sira na ito. Huminga siya nang malalim. Naalala niya kung paano ba nila nakuha ‘yong painting na iyon. Pagkatapos kasi siyang pakasalan ni Celestine ay lagi na itong nagtatanong kung pwede ba siyang samahan ng asawa sa pagso-shopping. Dahil busy siya sa trabaho ay hindi pumapayag si Benjamin. Hanggang sa dumating ang birthday ni Celestine, pumunta ito sa kumpanya para hanapin siya at tanungin. “Pwede mo ba akong samahan sa mall ngayon? Birthday ko naman, e. Kung sobrang busy mo, pwede naman na thirty minutes mo lang akong samahan. Promise! After noon, hindi na ako mangungulit pa sa iyo.” Dahil na-guilty na rin siya sa paulit-ulit na pangungulit ng asawa tapos lagi naman siyang hindi pwede ay pumayag na rin siya. Noong una, akala pa niya ay sasabihan siya nito na bilhan siya ng regalo o di kaya ay ilibre siya sa mamahaling restaurant pero laking gulat niya sa hiningi ng asawa. “Benj, pwede bang hawakan ko ang kamay mo kahit saglit?” Pumayag naman siya dahil madali lang naman ang pinapagawa ni Celestine. Isa pa, ayaw din kasi ni Celestine na mapagod siya. Habang hawak-hawak ang kamay ng asawa ay may nakita silang handicraft store. Masayang pumasok si Celestine doon at nakita niya ang nasabing painting. Agad niyang niyaya si Benjamin na gumawa noon. “What do you think, Benj? Feeling ko, mare-relax tayo kapag lagi nating nakikita sa bahay ang ganitong klaseng painting.‘Di ba, ang saya noon? Ano? Bilhin na natin?” “Ikaw ang bahala. Kung saan ka masaya,” simpleng sagot lang ni Benjamin pero sobrang saya na ni Celestine. Sa tingin niya ay childish act lang iyon ng asawa kaya pumayag na siya. Tutal, birthday din naman ni Celestine. Habang nagbabayad na sila sa cashier ay nakakita si Benjamin ng sunud-sunod na texts galing kay Diana. Noong pauwi naman sila ay tawag ito nang tawag sa kanya. Alam man ni Celestine na tumatawag si Diana ay wala itong sinabi na kahit ano kay Benjamin. Nagulat na nga lang siya dahil masaya pa rin nitong nilagay sa may living room ang painting na binili nila. Todo ngiti pa nga ito. Simula noon ay hindi na nga niyaya ni Celestine si Benjamin. Kahit tuwing birthday niya ay hindi na siya nagyayaya na magpunta sila sa mall o kung saan man. Ilang minuto pa ay bumalik na sa ulirat si Benjamin. Kukunin niya sana sa may basurahan ang sirang painting pero nakita niya ang isang papel sa coffee table. Nang lapitan niya ito ay nanlaki ang mga mata niya dahil nakumpirma niyang ang divorce papers nila iyon. Mas lalong lumaki ang mga mata niya nang makita na may pirma na ang pangalan ni Celestine. Isa lang ang ibig sabihin noon, payag na ito sa divorce na dati pang inalok ni Benjamin sa kanya. Habang pino-proseso niya pa ang mga bagay ay biglang may nag-text sa kanyang cellphone. Ang buong akala niya ay si Celestine iyon pero nalungkot siya nang malaman na text lang pala iyon mula sa kanyang kapatid. “Benj, malapit na ang 70th birthday ni Grandma kaya maghanda daw kayo ni Celestine. Alam mo naman iyon, kailangan ay lagi kayong nakaayos. Isa pa, big event iyon kaya huwag kayong mawawala. Naipadala na ang invitation sa lahat ng mga guests. Oras na ma-late kayo sa event, patay kayo ni Celestine!” Hindi alam ni Benjamin kung anong dapat niyang maramdaman. Hindi pwedeng hindi niya iharap si Celestine sa kanyang pamilya. Sa kabilang banda, ang bahay kasi ng mga Yllana ay nasa sentro ng Nueva Ecija. Ang lolo ni Celestine na si Manuel ay ayos na ayos dahil nagkaroon sila ng konting salo-salo sa mansion nila. Masaya nilang pinagdiriwang ang pagbalik ni Celestine sa poder nila. “I-congratulate natin si Celestine. Sa wakas ay nakaalis na siya sa mala-impyernong buhay kasama ang Benjamin na iyon!” ani Manuel. “Alam mo, Celestine? Tutal, nandito ka naman na sa atin ay bakit hindi mo manahin ang kumpanya ni Daddy? Gusto na niya kasing mag-retire soon!” sabi ni Jolo, isa sa mga kapatid ni Celestine. “Hindi, kailangan ay sa ospital magtatrabaho si Celestine. Samahan niya dapat si Lola kasi alam naman natin na kailangan talaga siya ni Lola roon. Isa pa, sayang naman kung hindi magamit ni Celestine ang skills niya, hindi ba?” sagot naman ni Alicia, isa pa sa mga kapatid niya. “Uy, pwede rin silang mag-aral ni Mommy ng jewelry design! Makakatulong siya roon!” nakangiting sabi ni Bekkah. Walang sinagot ni isa si Celestine sa kanyang mga kapatid. Tahimik niya lang na kinuha ang kanyang kutsara at tinidor dahil ang lahat ng pagkain na hinanda ng kanyang pamilya ay paborito niya. Habang busy na nagke-kwentuhan ang kanyang pamilya ay tiningnan niya ito isa-isa. Hindi niya maiwasang hindi maluha dahil kahit na sinaktan niya ang mga ito ay buong puso pa rin nilang tinanggap si Celestine bilang kapamilya nila. Alam niya sa kanyang sarili na ito pa rin ang pamilya na kanyang iniwa noon pa. Malinaw na sa kanya ngayon na ang pamilya ang pinaka-importante na bagay sa mundo at hindi ang kung sino-sino. Habang tahimik na tinitingnan ang kanyang pamilya ay pinangako niya sa kanyang sarili na kahit kailan ay hindi na niya sasaktan ang mga ito at ipagpapalit sa mga taong kahit kailan ay hindi naman talaga siya minahal. “Hayaan mo siya kung gusto niyang ituloy ang pagme-medisina niya!” “Hindi, mag-business na lang siya!” “Uy, yung jewelry design, maganda din ‘yon ha! Nakakapunta kaya sa iba’t ibang bansa ang mga taong nag-aaral ng ganoon!” Hindi na alam ni Celestine kung sino sa tatlong kapatid ang papanigan. Hindi tuloy maiwasan ng kanyang ama na mapailing habang nakatingin sa anak na si Celestine. “Celestine, ano ba kasi ang pinipili mo?!” sabay-sabay na nagsalita ang tatlong kapatid niya. Napakagat labi na lang siya bago sumagot doon sa tatlo. “Ah, ano.. Sa ano ang gusto ko..” hindi siya makapagdesisyon dahil alam niya na kahit anong piliin niya ay may masasaktan siya. Sasagot na sana siya pero may kotse siyang narinig sa may labas ng bahay nila. Alam niyang si Shiela iyon kaya inayos na niya ang kanyang sarili at nagpaalam sa mga kapatid niya. “Guys, aalis muna ako ha? Pangako, pagbalik ko ay sasagutin ko na kung ano ‘yong tinatanong niyo sa akin.” Pagkasabi noon ay lumabas na ng bahay si Celestine. Nakangiting binati siya ni Shiela. “O, ayos ka na ba? Aba, mukhang nagkakasiyahan kayo ng pamilya mo roon, ah?” “Huh? Naku, ayaw ko muna ng mga topic na binabato nila sa akin. Ang gusto ko ngayon ay magsaya muna. Kaya, halika na,” sagot naman ni Celestine pagkatapos ay sumakay na sa kotse ni Shiela.Nag-aalaga ng kanyang balat si Celestine sa bahay nang bigla niyang marinig ang malakas na sigaw ni Wendell sa ibaba.“Sobrang kapal ng mukha ng Benjamin Peters na ‘yan! Pinakialaman ang mga kargamento ni Benedict Salvador sa kalagitnaan ng gabi! Ano bang pumapasok sa utak niya at nangingialam?”Binuksan ni Celestine ang pinto at pumwesto sa railing sa second floor, pinagmamasdan si Wendell na galit na galit sa sala ng kanilang bahay.“Anong kinalaman ng mga kargamento ni Benedict Salvador kay Papa?” tanong ni Celestine sa kanyang sarili mula sa taas.Napatingala si Wendell, saka nag-isip. “Wala pa naman ngayon, pero malapit na tayong makipag-cooperate kay Benedict Salvador. Kung may mangyari sa kumpanya nila, madadamay din ang kumpanya natin!”Galit pa rin ang tono niya nang sabihin iyon.“Ano bang pinaggagagawa ni Benjamin? Anong gusto niya? Hindi naman ‘yan nakikialam sa customs noon! Bakit ngayon pa siya nangialam?!”Napakagat-labi si Celestine habang nakahawak sa railing, malali
"Malapit na ang taunang cruise party sa Villamar City, Mr. Peters. Ihahanda ko na po nang maaga ang isusuot ninyo. If you want to suggest something, pwede naman po," sabi ni Veronica habang lumingon."Isasama niyo po ba si Miss Valdez sa cruise party?"Tahimik lang si Benjamin, tanda ng pagpayag."Veronica," pagod na sabi ni Benjamin habang itinaas ang mga mata,"Suriin mo ang medical records noong gabing dinukot ako."Sandaling natigilan si Veronica pero agad din siyang tumugon,"Opo! Sige po. Walang problema.”"Miss Valdez, patay na po si Reynaldo Reyes.”Sa isang café, nakasuot ng sunglasses si Diana habang umiinom ng kape. Nang marinig niya ito, tila gumaan ang pakiramdam niya.Pero hindi pa rin siya lubos na nasiyahan,"Sabi ko patayin mo, ang bagal mo namang kumilos! Wala kang kalakas-lakas ng loob! Kung pwede lang, ako na ang pumatay sa kanya, e!"Walang nagawa ang inuutusan niya kundi magpaliwanag,"Miss Valdez, espesyal kasi ang pagkakakilanlan niya, ginawa ko na ang lahat ng
Pumunta pa rin si Benjamin sa ospital kahit na hindi siya sumagot kay Veronica.Sinabi ni Georgia sa kanya na posibleng pinatay si Reynaldo sa loob ng kulungan ng ilang beses dahil sobrang hina na rin ng kanyang katawan.Diretsong pumasok si Benjamin sa ward, wala nang nakakabit na kahit anong hospital equipment kay Reynaldo.Nakahawak lang ito sa gilid ng kama at tinitingnan si Benjamin na parang may awa sa kanyang mga mata.May gusto pa sana siyang sabihin kay Benjamin noon, pero wala na siyang lakas para magsalita pa.Alam ni Benjamin na wala na itong silbi sa kanyang buhay at isa nang malaking kabaitan na pinayagan pa niya itong mabuhay hanggang ngayon.Yumuko si Benjamin, tinitigan si Reynaldo ng madilim ang mga mata, puno ng paninikil ang tono niya,"Reynaldo, huling beses ko na itong itatanong. Si Diana ba talaga ang nagligtas sa akin noon?"Tinitigan ni Reynaldo si Benjamin, unti-unting naging malabo ang kanyang paningin.Gumalaw ang kanyang mga labi.Hindi marinig ni Benjamin
Sa huli, inihagis ni Benjamin ang raketa at kalmadong sinabi, “Talo na ako sa’yo.”“Mr. Peters, umaamin ka na ba ng pagkatalo mo? Eh hindi pa nga ako seryoso sa paglalaro?” biro ni Benedict habang nakasandal sa net, natawa pa.Hindi na sumagot si Benjamin sa kanya, kinuha lang ang tubig niya sa gilid at uminom. Mabilis na lumihis ang tingin niya kay Celestine.Basa ng pawis si Celestine noon at namumula pa ang kanyang mukha.Pakiramdam niya, may mali sa pagitan nina Benedict at Benjamin.“Tapos na ako, ayaw ko na munang maglaro. Nakakapagod, e ,” sabi ni Celestine kay Benedict. “Maliligo muna ako tapos diretso na akong uuwi. May pag-uusapan pa kayo ni Daddy tungkol sa trabaho, hindi ba?”“Oo. Pero, gusto mo bang ihatid kita sa inyo? Pwede naman,” biglang alok ni Benedict kay Celestine.Medyo nagulat si Celestine sa pag-alok ni Benedict noon pero agad din siyang tumanggi, “Hindi na, salamat na lang, Mr. Salvador.”Dumiretso si Celestine sa women’s locker room para maligo at magpalit ng
Nang bumalik si Wendell sa tennis court, nakita niyang naglalaro ng tennis si Celestine at Benedict. Kita sa kanyang mga mata ang tuwang nadarama dahil may ibang taong kasama ang kanyang anak.Ganito ang Celestine na nasa kanyang alaala — puno ng sigla at buhay, hindi nilalamon ng ingay at gulo ng araw-araw na buhay.Malakas ang resistensya ni Celestine, kaya nakakasabay siya kay Benedict.Siyempre, hindi niya alam kung nagpapaluwag lang si Benedict dahil unang beses ng paglalaro nila ito.“Bihira sa babae ang ganito kagaling mag-tennis. Good job, Miss Yllana,” ani Benedict na walang pag-aalinlangang pinuri siya.Uminom ng tubig si Celestine at tumingin sa kanya, “Salamat, Mr. Salvador.”“Pwede tayong maglaro ulit mamaya kung gusto at kaya mo pa,” sabi ni Benedict habang kinukuha ang kanyang raketa, kalmado ang tono, walang bahid ng higit na intensyon.Tumango si Celestine, “Sige. Walang problema.”“Daddy,” tawag ni Celestine kay Wendell.Simula nang pumasok sa stadium ay panay tawag
“Pero ang bata pa rin niya kaya kailangan ka niya.” napakunot-noo si Celestine nang sabihin iyon.Ngumiti si Dr. Feliciano sa kanya, “Darating din ang panahon na lalaki siya, kaya tinuturuan ko na siya nang mas maaga.” Kayo ni Miss Georgia, umuwi na kayo at magpahinga, ha.”Nanahimik na lang si Celestine.Hindi na siya nagsalita pa at umalis na sila ni Georgia.Pagpasok sa elevator, habang nakatingin si Celestine sa mga numerong kumikilos, narinig niya si Georgia, “Pinagsisikapan niya ‘yon dahil sa posisyon bilang deputy director. Hayaan mo na.”“Karapat-dapat ba siya sa position na iyon?” tanong ni Celestine kay Georgia.Ngumiti si Georgia, “Oo, sapat na ang mga ginagawa niya para maging deputy director.”“Maliban kay Caroline Dimagiba, siya na ang pinakaangkop para sa position na iyon.”At dahil sa sinabi ni Georgia, alam na ni Celestine sa sarili niya ang dahilan kung bakit ganoon na lang kung magtrabaho si Dr. Feliciano.Si Dr. Feliciano na ang deputy director, sigurado na iyon.H