Alam naman niya kung gaano kahalaga para sa pamilya niya ang career at business pero gusto naman niyang buuin ang kanyang sarili dahil alam niyang nasayang ang tatlong taon ng buhay niya kasama ang Benjamin Peters na iyon.
Pumunta sila sa The A Club para magsaya ni Shiela. Tinakpan niyang maigi ang kanyang tainga dahil sa lakas ng sounds sa The A Club. Kitang-kita niyang nagsasaya na ang ibang tao dahil nagsasayaw ito sa gitna, sa dance floor. Sumakit pa nga ang mata niya dahil sa kung anu-anong kulay ang nakikita niya sa The A Club. Nakasuot siya ng red-tight skirt at naka-10 cm high heels. Pansin ang kanyang mahahabang legs. Dahil tight nga ang kanyang suot ay kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan. Nag-make up din siya para naman magmukhang presentable siya oras na may lumapit sa kanya. Nakalugay din ang kanyang curly na buhok. Isama mo pa ang magaganda niyang mata na sa tuwing ngi-ngiti siya ay parang nakangiti na rin ang mga ito. Paminsan-minsan ay naiilawan siya sa The A Club kaya kitang-kita ng mga tao ang bagong tattoo sa likod niya. Sa sobrang ganda ng tattoo ay parang gusto nang halikan ng mga nakakakita ang parteng iyon ng katawan niya. Tiningnan ni Shiela ang kanyang kaibigan at naaawa siya. Kahit sabihin pa ni Celestine na wala siyang pakialam pero kilala siya ni Shiela simula bata pa lang, alam niyang nasasaktan si Celestine. Masakit para kay Celestine ang lahat pero sa huli ay kasalanan naman niya iyon. Ang kailangan niya lang ngayon ay lumaklak ng alak para makalimutan pansamantala ang lahat. Naniniwala pa rin si Celestine na wala nang magmamahal pa kay Benjamin nang ganoon kalalim kung hindi siya lang. Sa isip-isip niya, hindi ba talaga magsisisi si Benjamin na hindi siya minahal nito? Lahat ng lalaki ay nakatingin kay Celestine. Napapalunok na lang ang mga lalaking nakatingin sa kanya. They shout all their praises for Celestine. “Sobrang ganda talaga niya! Grabe!” sabi noong isa. “Ang swerte ng isang Benjamin Peters na maging asawa siya, ‘no?” Tumigil ang malakas na music kaya tinapon ni Celestine ang isang bottle ng whiskey sa gitna ng stage. Pinabyaan niya ang sarili na sumayaw-sayaw sa dance floor. Nang marinig niya ang pangalan ni Benjamin ay tumingin agad siya sa mga tao roon. “Nirentahan ko ang buong club na ito ngayon kaya kung sino man ang magbanggit pa sa pangalan ni Benjamin ay umalis na lang!” sigaw niya. Pagkasabi noon ay nakinig naman ang mga tao sa kanya. Ang hindi nila alam ay nakatingin si Benjamin sa di kalayuan Halos mabasag na ang wine glass na hawak niya. Kasama niya ang kaibigan niyang si Sean. “Tingnan mo nga naman, kitang-kita na sobrang saya ng asawa mo simula noong pinirmahan niya ‘yong divorce papers niyo! Saka, ngayon ko lang nakita ‘yong tattoo niya sa likod? Ang ganda, ah!” natatawang sabi ni Sean. Pagkasabi noon ay tiningnan pa ng mabuti ni Sean si Celestine. Para bang akit na akit ito sa asawa ng kaibigan niya. Inis na inis si Benjamin pero wala siyang magawa. Tahimik lang siya na nakatingin din sa kanyang asawa. Sa tatlong taon kasi na mag-asawa sila ay ni minsan, hindi niya nakitang nagbihis ito nang ganoon sa harap ng ibang tao. Kung lalabas man sila ay laging sinisigurado nito na maayos at disente ang suot nito. “Narinig mo ba ang sinabi ng asawa mo? Hindi ka na raw niya mahal. Ang tapang niya para sabihin iyon ah?” pang-aasar pa ni Sean sa kanyang kaibigan. Pagkatapos noon ay nakangiting tiningnan pa rin ni Sean si Celestine. Tiningnan lang ni Benjamin ang kanyang asawa. Alam niyang pakana lang ni Celestine ang lahat para suyuin siya ni Benjamin. “Talaga lang? Naku, sigurado ako na pagkatapos lang ng tatlong araw ay babalik na rin sa akin si Celestine. Hintayin na lang natin,” sagot ni Benjamin kay Sean. Naging malamig ang tingin ni Benjamin sa asawa nang makita nito na nakahilig ang ulo nito sa balikat ng iba. Maya-maya ay may binulong sa kanya ang lalaki, inis na inis naman si Benjamin dahil hindi niya iyon rinig. Kitang-kita ni Benjamin na sobrang saya ni Celestine habang nakikipag-usap sa iba’t ibang tao. Ang lahat ay sa kanya ang atensyon, kung sinu-sino rin ang nagbibigay ng wine sa kanya at masayang tinatanggap ni Celestine ang lahat ng iyon. Aminado si Benjamin na sobrang ganda ng asawa niya, sigurado siya na kung sino man ang lumapit dito ay talagang mahuhulog, sa ngiti pa lang nito ay panalo na. Hanggang sa may isang boses na narinig sila sa crowd. “Bagay na bagay talaga si Celestine Yllana at si Anthony Ang!” Kaya naman, lakas loob na nagtanong si Celestine sa lalaking kakakilala niya pa lang. Wala na siyang paki kung sino man ang makarinig sa kanila. “Ang sabi nila, Mr. Ang, bagay daw tayo. Kasal ka na ba?” pagkasabi noon ay pagewang-gewang si Celestine habang hawak ang isang wine glass. Kumunot ang noo ng lalaki dahil matapang siyang tinanong ni Celestine. “Single ako, bakit? Gusto mo ba akong pakasalan?” matapang na sagot ng lalaki, ang lakas tuloy ng hiyawan ng crowd. Halatang kilig na kilig sila sa natutunghayan. “Bakit naman hindi? Sa totoo niyan, single din ako,” pagkasabi noon ay ngumiti si Celestine. Pinakinggan lang ni Benjamin ang mga sagot ni Celestine. Kunwari ay wala siyang pake rito. Pero, sa hindi malaman na rason ay parang hindi niya kaya na umupo lang at walang gawin. “Di ba, kayo ni Benj-” hindi na nabuo pa ni Anthony ang kanyang sasabihin dahil agad na tinakpan ni Celestine ang kanyang bibig. “Huwag na huwag mong masabi ang pangalan niya rito. Wala naman kasing kwenta ang lalaking iyan sa buhay ko,” sagot ni Celestine kaya lalong nagalit si Benjamin sa kanya. Dahil sa narinig ay hindi napigilan ni Benjamin na basagin ang baso na hawak niya. Kitang-kita na galit ang namamayani sa puso niya. Hindi makapaniwala si Benjamin dahil alam niyang mahal na mahal siya ni Celestine pero ang dali lang nitong lumandi sa kung sinu-sino sa labas.Pumikit-pikit pa si Lance bago sumagot sa tanong ni Celestine. Paano nga ba niya iyon sasagutin? Hindi naman nila iyon napag-usapan ng Tito Benjamin niya. Ang buong akala kasi nila ay matatapos na ang lahat sa pagbibigay kay Celestine ng cypress grass.Sa isip-isip niya..‘Itong cypress flower grass na ‘to... Syempre, galing iyon kay Tito. Hindi naman sa akin. Naku, paano ba ‘to?’Ngumiti si Lance nang makaisip na ng isasagot, “Binili ko rin lang ‘yan sa iba kaya ako nagkaroon niyan.’“Mahal ba ang bili mo roon sa taong iyon?” tanong ni Celestine sa kanya.Umiling agad si Lance.Ni singkong duling, wala siyang ginastos doon, kung sasabihin niya lang ang totoo kay Celestine.Nagkibit-balikat si Celestine. “Ah, okay.”“Dahil mukhang marami ka nang alam sa mga halamang-gamot, mayroon ka pa bang ibang bihirang halamang gamot na na sa’yo na pwede mong sabihin sa akin? Kung meron pa, bibilhin ko rin iyon,” Uminom ng tubig si Celestine, may bahid ng pag-asa sa kanyang mga mata na sana ay me
Natigilan sandali si Benjamin. Lumingon siya sa direksyong pinuntahan ni Celestine at bahagyang napakunot ang noo.Magkikita si Celestine at si Lance para kumain? Bakit? Anong gustong malaman ni Celestine tungkol sa kanya?’Sumagot si Benjamin sa message ni Lance sa kanya, “Tumanggi ka. Hindi kayo dapat magkita.”Agad namang nag-reply si Lance."Tito, sabi niya maraming salamat daw sa pagbibigay ng cypress grass sa kanya. Wala siyang ibig sabihin, gusto lang daw niyang magpasalamat at ilibre ako ng pagkain. Okay lang naman siguro iyon, hindi ba?”Nanatiling tahimik si Benjamin. Iniisip pa rin kung anong plano ni Celestine kay Lance. Nag-text ulit si Lance sa kanya, “Pupunta ba ako?”Papasagot na sana si Benjamin nang hawakan ni Diana ang kanyang palad at nakangiting nagtanong, “Ano yang tinitingnan mo?”Umiling lang si Benjamin at pinatay ang kanyang cellphone para hindi na magtanong pa si Diana sa kanya.Nakangiting medyo nakapikit si Diana, “Benj, kain tayo sa labas? Gutom na ko, e
Isa lang namang bag 'yan, bakit parang nagyayabang pa siya? Nasa kanya pa rin naman si Benjamin at walang balak si Celestine na agawin siya.Bahagyang tumingin si Celestine sa kanyang bahagyang nakalapit at nakapigil na braso, at hindi niya mapigilang makaramdam ng pag-aalab sa kanyang dibdib.Nakuha niya ang lahat, pero nawala naman ang pinakamamahal niya.Hindi niya alam kung siya ba talaga ang panalo o talunan sa laban na iyon.Habang tumatagal ang pagtitig ni Diana kay Celestine, lalo lang siyang nababahala."Miss Yllana, okay na po ang bag niyo," paalala ng babae kay Celestine.Tumango si Celestine at palakad na sana siya papunta sa counter.Magbabayad na sana siya.Biglang lumapit si Benjamin at tumayo sa tabi ni Celestine. "Ako na ang magbabayad dito."Pinigilan nito ang kamay ni Celestine na iaabot na sana ang kanyang bank card.Napatingala si Celestine at nakita niyang iniabot na ni Benjamin ang kanyang black card.Napahinto si Celestine at kusa siyang lumingon sa likod.Doon
Tiningnan ni Celestine ang kanyang lola nang makahulugan, nais tumanggi, ngunit hindi niya alam kung paano magsisimula.Tumango ang ibang mga tao sa paligid at nagsabing, "Malaki talaga ang naitulong ng halamang cypress na ito sa amin, Miss Yllana. Dapat ka talaga naming pasalamatan! Sige na po, kung wala naman kayong gagawin, pwede po bang mailibre namin kayo?""Oo nga po, ang aming science project ay umusad dahil sa halamang cypress na ito! Dapat talaga tayong magpasalamat sa kanya!"“Narinig mo ’yon? Iyan ang matagal nang hinahangad ng lahat,” biro ni Celia kay Celestine.Ngumiti si Celestine sa kanyang Lola, tumango, at mahina siyang umungol bilang pagsang-ayon sa matanda.Narinig niya iyon.Kaya nilibre na siya ng mga tao at kumain sila sa labas.Pagkaalis sa laboratory, hindi rin nakalimot ang lahat na pasalamatan si Celestine Sa pagbalik niya, tinawagan ni Celestine si Vernard at tamad na sinabi, “Pakigawan mo ako ng appointment sa batang Lance Carreon na iyon.”Bata pa si Lan
Tumingin si Celestine sa mukha ng kanyang lola.Bagama’t 70 years old na ang matanda, matikas pa rin ito at may tindig ng isang tunay na lider. Hindi mo aakalaing matanda na siya, parang nasa 50 years old lang.Tuwid ang likod nito at kahit medyo maluwag na ang balat, hindi pa rin ito nakabawas sa kanyang kagandahan.Tunay ngang si Lola Celia ay may pusong malamig lang sa panlabas pero mabait naman ang kanyang kalooban.Kung siya si Celestine, matagal na niyang pinayagang umalis si Becky. Baka kung ano pa ang sinabi niya rito.O di kaya ay pinarusahan pa niya ito dahil sa pagsasabi ng kung anu-ano sa kanya.Tutal, hindi naman iyon lang ang kanilang tanging pag-asa. May mga paraan pa para magkaroon ng progress ang kanilang ginagawang experiment.Pero si Lola Celia, pinahahalagahan ang bawat araw na inilaan nila sa pananaliksik kaya wala siyang oras magpaalis ng kasama sa laboratory.Kulang na sila sa oras kung titingnan. Ayaw din ni Lola Celia nang papalit-palit ng tauhan.Bumukas ang
Papasagot na sana si Celia sa tanong ng babae nang bigla nitong lingunin si Celestine.Tinanong niya, “Prof, bakit ka nagdala ng isang taong hindi naman yata makakatulong sa atin? Para namang wala siyang kwenta.”“Ano’ng walang kwenta? Apo ko siya! Tumigil ka nga dyan.” Naiinis na sagot ni Celia sa sinabi ng babae.Tiningnan niya si Celestine, pero halatang hindi maganda ang tingin niya rito.Hindi pinansin ni Celestine ang tingin ng babae sa kanya. Sa totoo lang, alam naman niyang isa siyang "outsider" sa paningin ng iba.“Becky, apo ko siya. Hindi siya iba sa akin,” mariing ulit ni Celia roon sa babae.Si Becky ay isang mahalagang tao sa laboratory, ngunit mayabang ang personalidad nito. Madalas niyang maliitin ang ibang tao. Pero dahil napakahalaga ng kanyang posisyon niya at isa siya sa mga natatanging pinili mula sa daan-daang applicants, matagal na siyang tinitiis ng lahat, kabilang na roon si Celia.Sa totoo lang, mahusay naman talaga siya kaya nga lang ay may kakaibang ugali