NAGKATINGINAN sa isa't isa sina Shiela at Enzo matapos marinig ang boses ni Chris sa kabilang linya. Kaya mabilis na hinablot ni Shiela ang phone saka in-end ang call.Hindi niya pwedeng sagutin ang asawa lalo at may kasama siya. Hindi niya pwedeng sabihin kung sino si Enzo dahil hindi naman niya ito kaibigan, paniguradong mabubuko ang pagsisinungaling nila kay Evelyn kapag sinagot niya ang tawag ni Chris.Kaya nagmessage na lang siya sa asawa.Shiela: Lowbatt ang phone kaya in-end ko ang call.Lame excuse pero iyon na lang ang pumasok sa isip niya ng mga oras na iyon. Ilang sandali pa ay nagreply ito.Chris: Sino 'yung sumagot?"Asawa mo?" bulong ni Enzo malapit sa tenga nito.Marahan niya itong tinulak nang maramdaman ang hininga nitong tumatama sa kanyang mukha. "'Wag ka ngang dikit nang dikit," ani Shiela saka nireplyan ang asawa.Shiela: Nahulog ko ang phone, may nakapulot lang."Grabe," komento ni Enzo matapos makita ang reply nito. "Pa'no kung malaman niya?"Naging matalim ang
THREE HOURS AGO...Habang kumakain sina Shiela at Enzo ay dumating si Rolan."'Pa," anas ni Shiela saka mabilis na tumayo upang yakapin ang ama."Pasensya ka na at ngayon lang ako. Nagmadali talaga akong makabalik agad para sa'yo."Umiling sabay ngiti si Shiela. "Ayos lang po."Napatingin naman si Rolan kay Enzo at napakunot-noo. "Sino itong kasama mo, anak?"Pinakilala naman ni Shiela ang binata at gaya ng inimbento na kasinungalingan ay sinabi niyang magkaibigan silang dalawa.Tumayo si Enzo at saka nakipagkamay habang nagpapakilala. Kaya napakunot-noo si Rolan. "Kung hindi ako nagkakamali ay anak ka ni Michelle?""Tama ka po, Tito."Ang maaliwalas na ekspresyon sa mukha ni Rolan ay biglang naglaho saka tiningnan ang anak. "Ang sabi ni Evelyn ay may gusto ka raw sabihin sa'min?"Natigilan si Shiela at biglang kinabahan. Kung kanina ay medyo malakas pa ang loob niya na sabihin ang totoo ngayon naman na kaharap na niya ang Ama ay bigla siyang naduwag.Pero kung ipagpapaliban niya ang
Chapter 134NALUHA si Shiela nang masaksihan ang tagpong iyon saka humakbang palapit upang sugurin ang dalawa nang pigilan ni Enzo kaya tiningnan niya ito nang masama. โBitawan mo โko.โโAt ano, susugurin mo sila? Ospital โto, Shiela, paniguradong magkakagulo kung gagawin mo โyan.โโWala akong pakialam, kaya bitawan mo na โko.โ Saka nagpumiglas pero ayaw talaga siyang bitawan ng binata. โBitaw sabi!โUmiling lang si Enzo. Sa inis ni Shiela ay tinulak niya ito saka umalis sa lugar.โSandali lang!โ Habol pa ng binata.Samantalang si Chris naman na walang kaalam-alam na naroon ang asawa ay hinawakan ang magkabilang balikat ng dalaga. โA-Anong ginagawa mo?!โRumehistro ang pagkabigla at hiya ni Sheilla sa nagawa. โH-Hindi ko sinasadya!โ Saka tumakbo palayo.Nasapo na lamang ni Chris ang sariling noo. Hindi niya akalaing ang pagmamagandang-loob sa empleyado ay ganoon ang maidudulot. Kailangan niyang linawin ang lahat bago pa lumala kaya sinundan niya ito.Sa labas ng ospital ay nahabol ni
NAPATIIM-BAGANG si Chris nang mayabangan sa sinabi nito. Hindi rin niya gusto ang kakaiba nitong ngiti, halatang nang-iinis. โAnong kailangan mo sa asawa ko?โNapakunot-noo si Enzo na animo ay walang kaalam-alam sa tinutukoy nito. โWhat do you mean?โโAsawa ko ang sadya mo sa loob, si Shiela.โNagtaas ng kilay si Enzo. โReally? Then, baโt ko naman sasabihin saโyo kung anong kailangan ko sa kanya.โโKasi ako angโโโOh, come on! Wag na tayong maglokohan dito,โ putol ni Enzo. โMatapos nang nakita namin sa ospital, nasasabi mo pa talaga โyan?โNaguluhan naman si Chris. โA-Anong ibig mong sabihin? N-Nasa ospital kayo ni Shiela kahapon?!โโAno pa ba sa tingin mo?โAng Guard na palipat-lipat ang tingin sa mga ito ay hindi malaman kung ano ang dapat gawin. Kung pipigilan ba ang dalawa bago pa magkagulo o tatawag sa Moreno mansion upang kunin ang permiso upang makapasok si Enzo.โMawalang-galang na mga, Sir. Sa oras na magkagulo kayo rito ay tatawag ako nang pulis. Maba-ban din kayo at hindi n
MAHIGPIT ang kapit ni Shiela sa damit ng asawa habang umiiyak. โSorry talaga,โ pagngawa niya pa.Natawa naman si Chris dahil ang pangit ng iyak nito. โโWag ka nang umiyak, baka isipin pa nila inaaway kita.โ Matapos ay pinagsalikop ang kamay nilang dalawa. โTara sa kotse at marami-rami pa tayong dapat pag-usapan. Kailangan nating ilabas lahat ng sama ng loob sa isaโt isa para maayos natin kung ano man ang hindi pagkakaunawaan.โTumango naman si Shiela saka nagpahila rito patungo sa kotse. Una siyang pinasakay at ito na rin mismo ang kusang nagkabit ng seat-belt. Natawa nga siya dahil sa extra effort nito. โKaya ko naโโ hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang sunggaban ng halik.Nabigla man sa ginawa ng asawa pero agad ring tumugon si Shiela. Awtomatikong nilingkis ang dalawang braso sa batok nito. Bahagya lang nilaliman ni Chris ang halik saka humiwalay. Isang matamis na ngiti ang iginawad, lumabas ng kotse at sinara ang pinto saka lumipat sa driver seat. Matapos ay nagmaneho
PUMASOK si Chris sa cloakroom upang mabilisang magpalit ng damit habang ang cellphone ay inipit sa pagitan ng leeg at tenga. โNasaโn ka at pupuntahan kita ngayon.โSinabi ni Sheilla ang lugar kaya agad siyang lumabas ng kwarto.Paakyat na nang mga sandaling iyon si Maricar upang magpahinga nang mabilis na dumaang ang anak. โSaโn ka pupunta?โโMay importante lang akong gagawin, โwag niyo na โkong hintayin,โ tugon ni Chris na lakad-takbo ang ginagawa. โBuksan niyo ang gate!โ utos niya pa sa isang tauhan na nakabantay sa gate ng mansion bago pumasok sa sasakyan.Matapos buhayin ang makina ay agad niyang pinaharurot ang kotse. Mabuti na lamang at hindi traffic kaya agad rin siyang nakarating sa sinasabi nitong lugar.Pero nang makita ang signage sa itaas ay napakunot-noo siya. โAnong ginagawa niya sa motel?โKahit kahina-hinala ang lugar kung saan binabalak ni Sheilla na wakasan ay sariling buhay ay pumasok pa rin siya sa loob. May sumita naman na staff at sinabi niyang may hinahanap lang
LINGGO ng araw na iyon kaya walang pasok si Chris. Pero maaga siyang umalis ng bahay kasama ang anak at ang Nanny nito upang sunduin ang asawa dahil magsisimba sila.Pagdating ay pinapasok sila sa Moreno mansion. Agad kinarga ni Shiela ang anak at hinalik-halikan. โAng bango naman ng Archie koโฆ Nasa taas si Lolo, iaakyat ko muna para makita niya ang bata.โTumango lang si Chris at naghintay sa may salas kasama ng Nanny. Mayamaya pa ay may lumapit na katulong na may dalang inumin para sa kanilang bisita.Sa taas, sa mismong kwarto ng matanda ay kumatok si Shiela. โโLo, gising na po kayo?โโTuloy ka,โ ani Mario.Binuksan ni Shiela ang pinto at nakangiting pumasok. โKasama ko si Archie.โNakatalikod ng mga sandaling iyon si Mario nang mapalingon at ngumiti. โAnong ginagawa mo rito?~โ malambing na saad niya sa bata.Lumapit si Shiela. โMagmano ka kay Lolo, Archie.โAng inosenteng bata ay sinunod naman ang utos ng Ina.Bakas sa mata ni Mario ang tuwa saka hinaplos-haplos ang buhok nito. โG
Chapter 139KAHIT abala ang mag-asawa sa pag-serve ng pagkain sa mga customer ay napansin pa rin nila ang isang babaeng papalapit kasama ng dalawang naka-unipormeng lalake.Sa suot pa lang ng babae at sa kasama nito ay walang duda na nagmula ito sa mayamang pamilya. โKausapin mo at baka may kailangan,โ ani Ernesto.At iyon naman ang ginawa ni Victoria. โMagandang araw, Miss. May kailangan po kayo o hinahanap?โTumango si Shiela saka ngumiti. Natigilan si Victoria dahil sa malapitan ay kahawig nito ang anak lalo na nang ngumiti.โHello po, itatanong ko lang kung may kilala kayong Sheilla?โNagbago ang ekspresyon ni Victoria matapos nitong banggitin ang pangalan ng anak. โBakit, anong kailangan mo sa kanya?โNilahad naman ni Shiela ang kamay saka nagpakilala, โAko nga po pala si Shiela, may kailangan lang ako sa kanya, nandiyan ba siya?โMapanuri ang tingin ni Victoria pero kalaunan ay tumango. โSandali at tatawagin ko. Tumuloy ka muna.โNgumiti lang si Shiela. Hindi niya gustong makais
HINDI mapaniwalaan ni Archie ang narinig habang umiiling-iling. "H-Hindi... Niloloko mo lang ako para maapektuhan ako!"Napakunot-noo si Chantal. "Ba't ko naman 'yun gagawin?""Dahil galit ka sa'kin."Muntik ng matawa si Chantal, mabuti na lang at tinakpan niya ang sariling bibig. "Nagkakamali ka, Archie. Kung gusto man kitang saktan... Edi sana, hindi na 'ko bumalik rito. Mas mainam para sa'kin ang gano'n."Natauhan naman si Archie at napaatras. Hindi mabitiwan ang tingin kay Chantal, kinukumbinsi ang sariling baka nagsisinungaling ito.Pero hindi dahil tunay ang kanyang nakikita.Hanggang sa mapansin niya ang pagbukas ng banyo. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto.Napabuntong-hininga si Chantal saka nilingon ang asawa."Tapos na kayong mag-usap?"Tumango si Chantal. "Narinig mo ba lahat?"Umiwas ng tingin si Felip saka naglakad palapit sa kama upang kunin ang damit. "Magagalit ka ba kung sabihin kong, oo?""Hindi," ani Chantal. "Alam mo naman an
NAPANGANGA sina Shiela at Asher habang kinilig naman si Amber na tinakpan pa ang bibig. Ngunit si Chris ang naging matindi ang reaksyon."Ano?! Pa'nong-- Bakit?!" nagugulahan niyang tanong. Dahil para sa kanya, mananatiling bata si Chantal. Hindi pa siya handang mag-settle down ito. Lalo na ngayon na limang taon itong nawala at bumalik na kasal na sa iba?!Napangiti naman si Chantal sa naging reaksyon ng Ama. Kaya nilapitan niya ito at nilingkis ang braso, tila naglalambing. "Sorry po. 'Pa."Napabuntong-hininga naman si Chris. "Hindi, pasensiya na rin. Nabigla lang ako sa sinabi mo." Pagkatapos ay binalingan si Felip. "Maaari ba kitang makausap?"Tumango naman ito saka sumunod patungo sa study room."Kinakabahan ako," ani Chantal habang nakatanaw sa dalawa."Don't worry. Kakausapin lang siya ng Papa mo," komento naman ni Shiela. "Gusto mo bang samahan muna ako sa kusina? Gusto kong lutuin ang paborito mo. Si Felip-- Ang asawa mo, anong gusto niyang pagkain para maihanda ko rin."Sinab
LIMANG TAON ang lumipas...Marami ang nangyari sa loob ng mga panahon na iyon. Naging presidente ng kompanya si Archie. Napagtagumpayan niyang i-expand ang negosyo sa iba't ibang bansa sa loob lang ng dalawang taon ng ganoon kabilis!At pormal na rin itong na-engaged kay Heather at ikakasal na ngayong taon, pina-finalized na lang ang magarbong kasal.Nakapagtapos na ng elementarya si Amber habang si Asher naman ay kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo. Ilang birthdays, okasiyon at holidays ang nagdaan pero...Wala pa rin silang naging balita kay Chantal.Dinamdam ng husto ni Shiela ang pag-alis ng anak. Si Chris naman ay nagalit nang malaman na nilihim ng dalawa ang relasyon.Nagalit rin siya sa sarili dahil pakiramdam niya, isa siya sa dahilan kaya nagkalabuan ang dalawa hanggang sa napagpasiyahan na nga ni Chantal na lumayo.Kung alam niya lang, hindi na sana niya ipinares si Archie kay Heather.Pero habang tumatagal, unti-unti na nilang tinanggap na hindi na ito babalik pa kahit anong
SA ISANG IGLAP ay tumulo ang luha sa mga mata ni Chantal. Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon pero mas nanaig ang galit at pagkabigo.Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ni Archie. Oo, siya itong nakipaghiwalay pero ni minsan ay hindi niya kinalantari si Edward o ibang lalake. Ginamit niya man ang binata pero hindi siya humantong sa kahit na anong physical touch.Si Archie mismo ang paulit-ulit na nagsasabing walang namamagitan na relasyon kay Heather pero ano itong nakikita niya ngayon?Sa huli, sa halip na sugurin ang dalawa ay umalis na lamang siya at bumalik sa restaurant. "Excuse po, sa'n dito ang restroom niyo?""A-Ayos lang kayo, Ma'am?" tanong ng waitress sabay turo sa direksyon ng restroom. "Doon banda, Ma'am."Tumango lang si Chantal bilang pasasalamat saka nagmamadaling magtungo roon. Hindi siya pwedeng bumalik sa table na ganoon ang kanyang itsura, paniguradong tatanungin siya ng pamilya kung bakit siya umiiyak.Pumasok siya sa isa sa mga cubicle saka i
BAGO pa man makakilos si Chantal ay binuksan na agad ni Archie ang pinto ng kotse at hinila siya palabas. "S-Sandali, nasasaktan ako!" exaggerated niyang sabi kahit hindi naman ganoon kahigpit ang pagkakahawak nito."Lumabas ka riyan, kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot!" inis na sabi ni Archie.Nang walang ano-ano ay hinawakan ni Edward ang braso nito. "Pare, nasasaktan mo na ang kapatid mo.""Hindi ko siya kapatid!" sumabog na ng tuluyan si Archie saka tinabig ang kamay nitong nakahawak.Hindi naman nagustuhan ni Edward ang inasal nito kaya lumabas siya sa kotse upang harapin ang binata.Naalarma naman si Chantal, kinakabahan na baka magkagulo ang mga ito kaya lumabas na rin siya sa sasakyan at humarang sa pagitan ng dalawa. "Please, 'wag kayong mag-aaway." Saka hinarap si Archie. "Nanuod lang kami ng movie kaya sorry kung hindi ko napansin ang tawag mo."Para naman walang narinig si Archie at nakipagsukatan pa ng masamang tingin kay Edward. "Sugod," paghahamon pa niy
SA HALIP na sagutin ang tanong ay ngumisi lang si Archie at pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa balikat ng dalaga.Hindi naman iyon nagustuhan ni Chantal dahil amoy na amoy niya ang alak sa katawan nito. "Ano ba, ang baho mo!" Saka ito tinulak-tulak.Ngunit hindi natinag si Archie at niyakap lang ito nang mahigpit. "Miss na miss na kita.""Lasing ka na!" reklamo ni Chantal saka pilit kumakawala. Nang matagumpay na maialis ang braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang ay agad siyang umalis sa kama. "Umalis ka na bago pa may makapansin." Sabay turo sa pinto.Kumurap-kurap si Archie at sa isang iglap ay bigla na lang sumigaw, "Ba't ganyan ka sa'kin?!"Napasinghap at nataranta si Chantal sa ginawa nito. Natatakot siyang baka marinig ito ng kasama nila sa bahay. Kaya dali-dali siyang lumabas ng kwarto matapos kunin ang phone. Tumakbo siya hanggang sa makababa ng hagdan.Kapag lasing si Archie, kailangan niya lang hindi magpakita para hindi siya kulitin. Dahil kapag hindi siya lumayo ay p
SIMULA ng bumalik si Chantal sa Baguio ay lagi na niyang dinadahilan na busy siya sa tuwing pinapauwi kapag may okasyon. Kung hindi naman ay sinasadya niya talagang wala si Archie, nalalaman niya iyon kapag tinatawagan niya si Asher o hindi kaya si Amber.Sa loob ng limang buwan ay hindi siya umuuwi hanggang sa dumating ang Christmas holiday.Hapon ng araw na iyon ng dumating siya sa bahay. Mahigpit na yakap sa bewang ang sinalubong ng kapatid."Mabuti naman at nandito ka na, Ate! Kanina pa kita hinihintay," excited na sabi ni Amber.Hinaplos naman ni Chantal ang buhok nito. "Sina Mama at Papa?""Si Papa, wala pa pero si Mama ay nasa kitchen, nagluluto."May lumapit naman na katulong at nag-alok na ito na lamang ang mag-aakyat ng bagahe sa kwarto.Hinayaan naman ni Chantal at sumunod kasama ang kapatid. "Si Asher, nasa'n?""Nasa room... Si kuya Archie naman ay hindi pa umuuwi like Papa," tugon ni Amber.Medyo natigilan saglit si Chantal ng banggitin nito ang pangalan ni Archie. Hindi
NAPALUNOK si Chantal habang nakatitig sa Ina. Kulang na nga lang ay mabuwal siya sa labis na kabang nararamdaman."... 'Ma," sambit niya pa rito.Bumuntong-hininga si Shiela saka in-off ang ilaw. "Dis-oras na ng gabi pero nag-iingay kayong dalawa ni Archie. 'Wag niyong hintayin na si Chris ang magising." Pagkatapos ay tumalikod na siya upang lumabas."S-Sandali lang, 'Ma," pigil ni Chantal. "Hindi ba kayo magtatanong?"Lumupaypay ang balikat ni Shiela saka nagsalita ng hindi ito nililingon. "Hindi na kailangan ng tanong, halata naman." Saka sinara ang pinto.Akmang magsasalita at pipigilan pa ito Chantal pero sa huli ay pinili na lamang manahimik. Nanghihina siyang bumalik sa kama at naupo.Ilang minuto siyang natahimik, lumuluha habang iniisip kung anong sunod na gagawin ngayon natuklasan na ang lihim nilang relasyon ni Archie?Ang pag-iyak niyang iyon ay nakatulugan niya hanggang sa magising na halos hindi niya maibuka ang mga mata. Namamaga sa labis na pag-iyak.Nanunuyot din ang l
NANATILING tahimik ng ilang segundo sa kwarto kaya binuksan na ni Shiela ang pinto at tumambad sa kanya ang anak na nakatayo sa malapit. "Si Chantal?" tanong niya nang hindi ito makita, saka pumasok sa loob.Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto at nilingon si Archie. "Ba't 'di ka sumasagot, nasaan ang kapatid mo?"Napalingon naman si Archie sa pinto ng banyo nang bumukas ito at lumabas si Chantal na nakatungo.Kumunot-noo naman si Shiela saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Ano bang nangyayari sa inyo at ba't kayo nagsisigawan?""Wala lang po 'yun--""Nainis ako," putol ni Archie sa sasabihin ni Chantal. "Kasi naman, ilang beses ko ng sinasabi na kung hindi naman niya gusto ay 'wag siyang basta-bastang um-oo sa mga request niyo."Napasinghap si Shiela sabay baling ng tingin kay Chantal. "Totoo ba? Napilitan ka lang na um-oo na makipag-date kay Edward?""Kilala niyo naman si Chantal, 'Ma. Mahihiya 'yang humindi sa inyo," si Archie ang sumagot.Naikuyom naman ni Chantal ang