공유

Chapter 62

작가: Lirp49
last update 최신 업데이트: 2024-10-22 23:59:05

SA MGA SANDALING iyon ay nasa ospital si Irene. Ngayon niya makukuha ang resulta ng medical examination na isinagawa sa kanya noong isang araw.

Matiyaga siyang naghihintay sa kinauupuan habang binabasa ng Doctor ang medical results.

"Kahit papaano ay healthy ka at walang komplikasyon mula sa naging operasyon mo," panimula ng Doctor saka muling nagbasa.

Pero naiinip na si Irene kaya hindi na napigilang magsalita, "Natanong ko na dati 'to sa Doctor na nag-opera sa'kin. Posible pa'ng magkaanak ang isang babae kahit naoperahan na sa ovary. Tama naman 'yun. 'di ba, Dok?"

Tumango-tango naman ito habang seryoso ang ekspresyon. "Ang gusto mo bang itanong ay kung posible ka pang magbuntis? Oo, malaki ang tiyansa pero..." pambibitin pa nito.

"Pero ano, Dok? Sabihin niyo na agad," may kabang tugon ni Irene.

Mabigat na napabuntong-hininga ang Doctor saka nilapag ang hawak na medical results sabay tingin sa mga mata ni Irene. "'Wag sanang panghinaan ang loob mo pero ayon sa nakikita ko rito sa med
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (4)
goodnovel comment avatar
Catheline Jaravelo
next pls,,Buti Naman iniwan nya na Ang baliw.
goodnovel comment avatar
Sasaki Yuzuki
Buti nga sira ulo ka tinulongan kana nga ni Chris eh demonyo kaparin
goodnovel comment avatar
Ros Faith
more update please
댓글 모두 보기

관련 챕터

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 63

    MALAYO na ang kotseng sinasakyan ni Chris mula sa mansion nang mag-ring ang orihinal niyang cellphone. Tumatawag si Irene na isa lang ang ibig sabihin...Alam na nitong nakaalis na siya. Paniguradong nagwawala na iyon sa inis.Hindi niya sinagot ang tawag pero tuloy pa rin sa pagtunog kaya in-off niya ang volume ng cellphone. Matapos ay tumingin sa labas ng sasakyan.Bumabagal ang takbo ng kotse dahil sa traffic.Sa pagkakataong iyon ay nag-beep naman ang cellphone. May mensahe sa kanya si Irene.Irene: Hindi ka makakatakas sa'kin, Chris! Hahabulin kita kahit sa'ng lupalop ka pa ng mundo magpunta!"Baliw," iyon na lamang ang nasabi niya na ikinalingon ng dalawang tauhan na nakaupo sa unahan ng sasakyan. "May iba pa bang madadaanan? Baka maabutan tayo ng babaeng 'yun," aniya sa dalawa."Hahanap ako ng shortcut, Sir," tugon ng driver.Ilang sandali pa ang lumipas ang muling tumunog ang cellphone, pero sa pagkakataong iyon ay si Louie na ang tumatawag.Umugong lang si Chris bilang tugon.

    최신 업데이트 : 2024-10-23
  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 64

    MALALIM na ang gabi pero hindi pa natutulog si Shiela. Nasa kwarto siya ng anak habang pinagmamasdan itong mahimbing na natutulog sa crib.Ilang araw na ang lumilipas pero wala pa rin balita tungkol kay Chris. Kamusta na kaya ang kanyang asawa?Sana man lang ay may pagkakataon silang makontak ito.Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang Nanny. "Nandito pa pala kayo, Ma'am," anito."May kailangan ka ba?""Wala naman po, itsi-check ko lang kung maayos ba ang puwesto ni Archie, baka kasi nakatagilid na naman ang ulo.""Inayos ko na," ani Shiela saka muling binalik ang tingin sa anak."Kung gano'n ay maiwan ko na kayo at magpapahinga na po ako," saad ng Nanny saka marahang sinara ang pinto.Ilang sandali pa ay nakarinig si Shiela nang mahinang ugong ng sasakyan. Tumayo siya upang silipin sa bintana kung anong nangyayari sa labas.Nakita niyang kararating lang ng isa sa mga kotse ni Louie. Mukhang kauuwi lang nito mula sa business trip na pinuntahan noong isang araw.Matapos m

    최신 업데이트 : 2024-10-23
  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 65

    DAHIL sa magandang balita ay nag-celebrate sila sa araw na iyon. Lumabas at kumain sa isang mamahaling restaurant ang buong mag-anak."Nakakatuwang magkaka-apo akong muli," ani Maricar habang hinihintay nila ang pag-serve ng in-order na pagkain.Napangiti naman silang nakarinig.Si Laurence na kanina pa hindi mapakali sa kinauupuan ay nilapitan si Shiela. "Tita, kailan po lalabas si baby? Para may kalaro na ulit ako, 'yoko na kay Archie kasi 'di ako pinapansin."Nagtawanan ang matatanda sa sinabi nito."Ang kulit mo kasi kaya gano'n," ani Luiza sa kapatid. "Alam niyo bang inirapan siya minsan ni Archie kasi ang ingay niya."Napuno muli ng halakhakan ang table sa sinabi nito."Totoo, Archie? Tinarayan mo si kuya Laurence?" kausap naman ni Shiela sa anak na nakakandong sa kanya.Tumingin lang ang bata saka muling itinuon ang atensyon sa hawak na laruan.Habang nagkakatuwaan ang mga kababaihan at bata ay tungkol naman sa negosyo ang pinag-uusapan nina Louie at Chris.Natigil lang ang dal

    최신 업데이트 : 2024-10-24
  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 66

    SA PAGDAAN ng mga araw ay unti-unting lumalabas ang sintomas ng pagbubuntis ni Shiela.Iyong halos araw-araw sumusuka ito paggising sa umaga. Bigla-biglang nahihilo at kung minsan ay nagtataray.Pero madalas ay bigla na lang iiyak ng walang dahilan.Gaya lang din ng pagbubuntis noon kay Archie ang mga sintomas pero malala lang ang paglilihi.Maraming pagkain na gustong ipabili pero sa halip na kainin ay gustong si Chris ang umubos.Kung minsan pa nga ay tatawag sa trabaho at tatanungin kung kailan ito uuwi."Bakit, may gusto kang kainin?" tanong ni Chris.Sinabi naman agad ni Shiela ang kini-crave na pagkain."Sige, bibili ako mamaya pag-uwi may malapit dito sa kompanya.""Ayoko riyan, gusto ko 'yung sa may labas ng subdivision," ani Shiela."Parehas lang naman sila ng lasa, pero sige. Kung diyan ang gusto mo'y bibili ako," ani Chris.Ang bilin kasi sa kanya ng Ina at Zia na lahat ng gusto ni Shiela ay dapat niyang sundin o ibigay dahil mahirap talagang intindihin ang babaeng nagdadal

    최신 업데이트 : 2024-10-24
  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 67

    WEEKEND ng araw na iyon, nasa bahay lang ang buong mag-anak para sa family bonding.Pero si Louie at Chris ay nasa study room, nagtatrabaho pa rin sa halip na magpahinga.Si Shiela naman ay nasa playroom ng mga oras na iyon, nagbabantay ng anak maging si Lucas."Ang bilis niyang matuto, nag-uumpisa na siyang gumapang," aniya sa Nanny habang pinagmamasdan si Lucas na paunti-unting gumagapang palapit kay Archie."Kaya nga po, Ma'am. Walang-duda na matalino siyang bata.""Mukhang nagmana siya kay Henry, matalino 'yun laging nangunguna sa school namin dati."Habang nag-uusap ang dalawa ay nag-beep ang cellphone niya. Nag-notif ang reminder na sinet-up noong nakaraang buwan."Buti na lang at nakalimutan ko talaga," ani Shiela."Ang alin po, Ma'am?""May check up ako bukas. Pwedeng ikaw muna bahala sa mga bata? Puntahan ko lang si Chris." Sabay tayo at labas ng kwarto.Habang patungo sa asawa ay hawak-hawak ni Shiela ang tiyan na nagkaka-baby bump na. Pangatlong buwan na niya ngayon kaya ex

    최신 업데이트 : 2024-10-25
  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 68

    TULUYAN nang humagulgol si Shiela sa sinabi ng Doctor. Hindi niya nais isuko ang anak."H-Hindi na ba magagawan ng paraan? Baka pwede pa natin siyang mailigtas, please, Dok. Hindi ko siya gustong isuko," iyak ni Shiela. Hinawakan niya pa ang kamay nito habang nakikiusap."Pero ikapapahamak mo rin kung mananatili siya," ani Michelle. "Pasensiya ka na, hindi ko gustong saktan ang damdamin mo pero ito lang ang nakikita kong paraan."Marahang binitawan ni Shiela ang kamay nito saka tinakpan ang sariling mukha. Hindi ganitong balita ang gusto niyang sabihin sa pamilya lalo na kay Chris.Iniyak niya ang sakit na nararamdaman. Ilang sandali pa ay suminghot siya at pinunasan ang pisngi kahit dumadaloy pa rin ang luha. "Pwede... pwede bang saka niyo na lang siya kunin 'pag tuluyan ng hindi tumitibok ang puso niya? Gusto ko rin sanang ilihim na muna natin 'to dahil hindi ko alam kung magagawa ko bang sabihin sa pamilya ang--" hindi na niya kayang magsalita pa sa sobrang sakit ng nararamdaman.P

    최신 업데이트 : 2024-10-25
  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 69

    NAGING mabilis ang pagresponde ng mga pulis na naka-standby sa malapit. Agad na binuksan ang selda at nilapitan si Irene na nakahandusay sa sahig, duguan. Saka, tinakpan ang leeg nitong may lasl*s.Ang iba namang pulis ay inilabas ang dalawang bilanggong na sugatan at wala ng malay.Si Chris naman, bagama't humakbang palapit ay natuliro. Tila bumagal ang oras para sa kanya ng sandaling iyon. Hindi siya makapag-isip. Nabablangko sa nasaksihan.Parang aparisyon na umulit-ulit sa paningin niya ang ginawa ni Irene.Kung hindi pa nilapitan ni Ramirez at tinapik sa likod ay hindi siya matatauhan."Ayos ka lang?" anito.Tumango siya kahit hindi naman iyon ang totoo. Pinagpapawisan siya ng malamig, maging ang kamay ay nanginginig."Ang mas mabuti pa'y sumama ka sa'kin. Nabigla ka sa ginawa niya." Saka inakbayan ni Ramirez palayo.Ngunit nanatili ang tingin ni Chris sa kumpol ng mga medics na sinusubukang iligtas si Irene."M-Magiging okay lang siya, 'di ba? Maililigtas pa siya, 'di ba?""Oo n

    최신 업데이트 : 2024-10-26
  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 70

    MAKALIPAS ang dalawang araw ay nagising si Irene. Nang una ay inakala niyang tuluyan na siyang namatay ngunit nang makitang may Nurse ang sa kanya ay sumusuri ay bigla na lang siyang naiyak."B-Bakit?" garalgal na halos walang boses ang lumalabas sa kanyang bibig.Napansin naman iyon ng babaeng Nurse na agad inilapit ang mukha. "Ano po 'yun, Ma'am?""Bakit niyo pa ako binuhay. Hinayaan niyo na lang sana akong mamatay."Mahina man pero naunawaan iyon ng Nurse na makikitaan ng pagkabigla sa mga mata.Tumayo ito nang maayos at saka lumingon. "Gising na ang pasiyente."Ilang sandali pa ay nagpakita kay Irene ang pulis na dumakip sa kanya noon. Agad na rumehistro ang galit na nararamdaman."Ba't niyo pa ako dinala rito? Hinayaan niyo na lang sana akong mamatay!" ani Irene na gusto itong sugurin pero hindi niya kayang bumangon mula sa kama.Nanghihina pa ang buo niyang katawan. Bukod roon ay may posas ang magkabila niyang kamay kaya hindi niya rin ito maaabot at masasaktan."'Wag ka nang gu

    최신 업데이트 : 2024-10-27

최신 챕터

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 16

    HINDI mapaniwalaan ni Archie ang narinig habang umiiling-iling. "H-Hindi... Niloloko mo lang ako para maapektuhan ako!"Napakunot-noo si Chantal. "Ba't ko naman 'yun gagawin?""Dahil galit ka sa'kin."Muntik ng matawa si Chantal, mabuti na lang at tinakpan niya ang sariling bibig. "Nagkakamali ka, Archie. Kung gusto man kitang saktan... Edi sana, hindi na 'ko bumalik rito. Mas mainam para sa'kin ang gano'n."Natauhan naman si Archie at napaatras. Hindi mabitiwan ang tingin kay Chantal, kinukumbinsi ang sariling baka nagsisinungaling ito.Pero hindi dahil tunay ang kanyang nakikita.Hanggang sa mapansin niya ang pagbukas ng banyo. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto.Napabuntong-hininga si Chantal saka nilingon ang asawa."Tapos na kayong mag-usap?"Tumango si Chantal. "Narinig mo ba lahat?"Umiwas ng tingin si Felip saka naglakad palapit sa kama upang kunin ang damit. "Magagalit ka ba kung sabihin kong, oo?""Hindi," ani Chantal. "Alam mo naman an

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 15

    NAPANGANGA sina Shiela at Asher habang kinilig naman si Amber na tinakpan pa ang bibig. Ngunit si Chris ang naging matindi ang reaksyon."Ano?! Pa'nong-- Bakit?!" nagugulahan niyang tanong. Dahil para sa kanya, mananatiling bata si Chantal. Hindi pa siya handang mag-settle down ito. Lalo na ngayon na limang taon itong nawala at bumalik na kasal na sa iba?!Napangiti naman si Chantal sa naging reaksyon ng Ama. Kaya nilapitan niya ito at nilingkis ang braso, tila naglalambing. "Sorry po. 'Pa."Napabuntong-hininga naman si Chris. "Hindi, pasensiya na rin. Nabigla lang ako sa sinabi mo." Pagkatapos ay binalingan si Felip. "Maaari ba kitang makausap?"Tumango naman ito saka sumunod patungo sa study room."Kinakabahan ako," ani Chantal habang nakatanaw sa dalawa."Don't worry. Kakausapin lang siya ng Papa mo," komento naman ni Shiela. "Gusto mo bang samahan muna ako sa kusina? Gusto kong lutuin ang paborito mo. Si Felip-- Ang asawa mo, anong gusto niyang pagkain para maihanda ko rin."Sinab

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 14

    LIMANG TAON ang lumipas...Marami ang nangyari sa loob ng mga panahon na iyon. Naging presidente ng kompanya si Archie. Napagtagumpayan niyang i-expand ang negosyo sa iba't ibang bansa sa loob lang ng dalawang taon ng ganoon kabilis!At pormal na rin itong na-engaged kay Heather at ikakasal na ngayong taon, pina-finalized na lang ang magarbong kasal.Nakapagtapos na ng elementarya si Amber habang si Asher naman ay kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo. Ilang birthdays, okasiyon at holidays ang nagdaan pero...Wala pa rin silang naging balita kay Chantal.Dinamdam ng husto ni Shiela ang pag-alis ng anak. Si Chris naman ay nagalit nang malaman na nilihim ng dalawa ang relasyon.Nagalit rin siya sa sarili dahil pakiramdam niya, isa siya sa dahilan kaya nagkalabuan ang dalawa hanggang sa napagpasiyahan na nga ni Chantal na lumayo.Kung alam niya lang, hindi na sana niya ipinares si Archie kay Heather.Pero habang tumatagal, unti-unti na nilang tinanggap na hindi na ito babalik pa kahit anong

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 13

    SA ISANG IGLAP ay tumulo ang luha sa mga mata ni Chantal. Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon pero mas nanaig ang galit at pagkabigo.Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ni Archie. Oo, siya itong nakipaghiwalay pero ni minsan ay hindi niya kinalantari si Edward o ibang lalake. Ginamit niya man ang binata pero hindi siya humantong sa kahit na anong physical touch.Si Archie mismo ang paulit-ulit na nagsasabing walang namamagitan na relasyon kay Heather pero ano itong nakikita niya ngayon?Sa huli, sa halip na sugurin ang dalawa ay umalis na lamang siya at bumalik sa restaurant. "Excuse po, sa'n dito ang restroom niyo?""A-Ayos lang kayo, Ma'am?" tanong ng waitress sabay turo sa direksyon ng restroom. "Doon banda, Ma'am."Tumango lang si Chantal bilang pasasalamat saka nagmamadaling magtungo roon. Hindi siya pwedeng bumalik sa table na ganoon ang kanyang itsura, paniguradong tatanungin siya ng pamilya kung bakit siya umiiyak.Pumasok siya sa isa sa mga cubicle saka i

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 12

    BAGO pa man makakilos si Chantal ay binuksan na agad ni Archie ang pinto ng kotse at hinila siya palabas. "S-Sandali, nasasaktan ako!" exaggerated niyang sabi kahit hindi naman ganoon kahigpit ang pagkakahawak nito."Lumabas ka riyan, kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot!" inis na sabi ni Archie.Nang walang ano-ano ay hinawakan ni Edward ang braso nito. "Pare, nasasaktan mo na ang kapatid mo.""Hindi ko siya kapatid!" sumabog na ng tuluyan si Archie saka tinabig ang kamay nitong nakahawak.Hindi naman nagustuhan ni Edward ang inasal nito kaya lumabas siya sa kotse upang harapin ang binata.Naalarma naman si Chantal, kinakabahan na baka magkagulo ang mga ito kaya lumabas na rin siya sa sasakyan at humarang sa pagitan ng dalawa. "Please, 'wag kayong mag-aaway." Saka hinarap si Archie. "Nanuod lang kami ng movie kaya sorry kung hindi ko napansin ang tawag mo."Para naman walang narinig si Archie at nakipagsukatan pa ng masamang tingin kay Edward. "Sugod," paghahamon pa niy

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 11

    SA HALIP na sagutin ang tanong ay ngumisi lang si Archie at pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa balikat ng dalaga.Hindi naman iyon nagustuhan ni Chantal dahil amoy na amoy niya ang alak sa katawan nito. "Ano ba, ang baho mo!" Saka ito tinulak-tulak.Ngunit hindi natinag si Archie at niyakap lang ito nang mahigpit. "Miss na miss na kita.""Lasing ka na!" reklamo ni Chantal saka pilit kumakawala. Nang matagumpay na maialis ang braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang ay agad siyang umalis sa kama. "Umalis ka na bago pa may makapansin." Sabay turo sa pinto.Kumurap-kurap si Archie at sa isang iglap ay bigla na lang sumigaw, "Ba't ganyan ka sa'kin?!"Napasinghap at nataranta si Chantal sa ginawa nito. Natatakot siyang baka marinig ito ng kasama nila sa bahay. Kaya dali-dali siyang lumabas ng kwarto matapos kunin ang phone. Tumakbo siya hanggang sa makababa ng hagdan.Kapag lasing si Archie, kailangan niya lang hindi magpakita para hindi siya kulitin. Dahil kapag hindi siya lumayo ay p

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 10

    SIMULA ng bumalik si Chantal sa Baguio ay lagi na niyang dinadahilan na busy siya sa tuwing pinapauwi kapag may okasyon. Kung hindi naman ay sinasadya niya talagang wala si Archie, nalalaman niya iyon kapag tinatawagan niya si Asher o hindi kaya si Amber.Sa loob ng limang buwan ay hindi siya umuuwi hanggang sa dumating ang Christmas holiday.Hapon ng araw na iyon ng dumating siya sa bahay. Mahigpit na yakap sa bewang ang sinalubong ng kapatid."Mabuti naman at nandito ka na, Ate! Kanina pa kita hinihintay," excited na sabi ni Amber.Hinaplos naman ni Chantal ang buhok nito. "Sina Mama at Papa?""Si Papa, wala pa pero si Mama ay nasa kitchen, nagluluto."May lumapit naman na katulong at nag-alok na ito na lamang ang mag-aakyat ng bagahe sa kwarto.Hinayaan naman ni Chantal at sumunod kasama ang kapatid. "Si Asher, nasa'n?""Nasa room... Si kuya Archie naman ay hindi pa umuuwi like Papa," tugon ni Amber.Medyo natigilan saglit si Chantal ng banggitin nito ang pangalan ni Archie. Hindi

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 9

    NAPALUNOK si Chantal habang nakatitig sa Ina. Kulang na nga lang ay mabuwal siya sa labis na kabang nararamdaman."... 'Ma," sambit niya pa rito.Bumuntong-hininga si Shiela saka in-off ang ilaw. "Dis-oras na ng gabi pero nag-iingay kayong dalawa ni Archie. 'Wag niyong hintayin na si Chris ang magising." Pagkatapos ay tumalikod na siya upang lumabas."S-Sandali lang, 'Ma," pigil ni Chantal. "Hindi ba kayo magtatanong?"Lumupaypay ang balikat ni Shiela saka nagsalita ng hindi ito nililingon. "Hindi na kailangan ng tanong, halata naman." Saka sinara ang pinto.Akmang magsasalita at pipigilan pa ito Chantal pero sa huli ay pinili na lamang manahimik. Nanghihina siyang bumalik sa kama at naupo.Ilang minuto siyang natahimik, lumuluha habang iniisip kung anong sunod na gagawin ngayon natuklasan na ang lihim nilang relasyon ni Archie?Ang pag-iyak niyang iyon ay nakatulugan niya hanggang sa magising na halos hindi niya maibuka ang mga mata. Namamaga sa labis na pag-iyak.Nanunuyot din ang l

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 8

    NANATILING tahimik ng ilang segundo sa kwarto kaya binuksan na ni Shiela ang pinto at tumambad sa kanya ang anak na nakatayo sa malapit. "Si Chantal?" tanong niya nang hindi ito makita, saka pumasok sa loob.Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto at nilingon si Archie. "Ba't 'di ka sumasagot, nasaan ang kapatid mo?"Napalingon naman si Archie sa pinto ng banyo nang bumukas ito at lumabas si Chantal na nakatungo.Kumunot-noo naman si Shiela saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Ano bang nangyayari sa inyo at ba't kayo nagsisigawan?""Wala lang po 'yun--""Nainis ako," putol ni Archie sa sasabihin ni Chantal. "Kasi naman, ilang beses ko ng sinasabi na kung hindi naman niya gusto ay 'wag siyang basta-bastang um-oo sa mga request niyo."Napasinghap si Shiela sabay baling ng tingin kay Chantal. "Totoo ba? Napilitan ka lang na um-oo na makipag-date kay Edward?""Kilala niyo naman si Chantal, 'Ma. Mahihiya 'yang humindi sa inyo," si Archie ang sumagot.Naikuyom naman ni Chantal ang

좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status