เข้าสู่ระบบ“A-Ako, Marcus? Kinukuwestyon mo ang pagiging asawa ko? B-Bakit?” naguguluhang wika ni Nimfa habang gulat pa ring nakatingin sa asawa.
Umiling si Marcus bago hinilot ang magkabilang sentido. “Arturo, dalhin mo si Harry sa kuwarto nila sa itaas,” utos nito sa mayordomo na kakatayo lang. Tumango ito bago sinunod ang utos ng asawa. “Hindi kita kinukuwestyon, Nimfa. Ang akin lang, nandito ka naman sa bahay, kasama mo si Claire, bakit hindi mo man lang siya tinulungan—” “Oh, eh, bakit parang kasalanan ko? B-Bakit parang isinisisi mo sa ‘kin ang nangyari, ha? Kakababa ko lang, Marcus. Maghapon ako sa kuwarto, kaya wala akong alam.” “Really? Alam mo, Nimfa, ang babaw mo. Bisita natin si Claire, tinulungan mo sana siya imbes na ikulong mo ‘yong sarili mo sa kuwarto. Tingnan mo siya, she's soaking wet. Malaki ang posibilidad na magkasakit siya.” Ngumisi si Nimfa. Hindi na niya maintindihan ang asawa. Masyado na nitong ipinapahalata sa kaniya na mas gusto nito si Claire kaysa sa kaniya na mismong asawa nito. Lubusan siyang nasasaktan nang sandaling iyon. Gulong-gulo na siya sa mga nangyayari. Ganoon ba kabaliw si Marcus kay Claire para isisi ang lahat sa kaniya? Nakakabaliw na! “Ako? Tutulungan ni Nimfa? Asa ka pa, Marcus. Anak ko nga hindi niya pinalagpas, ako pa kaya.” Si Claire nang makalapit ito sa tabi ni Marcus. “Akala mo nalimutan ko na ‘yong ginawa mo kay Harry? Hindi, Nimfa. Habang-buhay ko ‘yong aalalahanin…” Umiling siya. “Ayoko nang magpaliwanag, Claire. Kahit naman lumuhod ako, hindi niyo pa rin ako paniniwalaan. Sinaktan ni Harry ang sarili niya, isinisi niya ‘yon sa ‘kin dahil napagsabihan ko lang—” “Kahit na, bata pa rin siya!” putol ni Claire sa kaniya. “Ang bata, nirerespeto, hindi sinasaktan.” “Eh, kung irespeto niya rin ako? Kaya mo bang ipaintindi ‘yon sa bata? Hindi, syempre, dahil pareho lang kayo ng ugali.” “Gágá ka, ah!” Muli sanang lalatay ang palad ni Claire sa pisngi niya, pero mabilis itong pinigilan ni Marcus. “Enough, you two!” suway nito sa kanilang dalawa. “Hindi tayo magkakaintindihan kung mag-aaway tayo. Ayokong maging one-sided kaya let's—” Natawa si Nimfa. “Ayaw mong maging one-sided? Talaga ba, Marcus? Eh kaninang umaga hanggang ngayon, one-sided ka. Mas pinapaboran mo ang mag-ina kaysa sa ‘kin na sarili mong asawa!” asik niya bago tumalikod. Humakbang siya ng ilang beses, pero bigla rin siyang huminto. Halos isang minuto siyang nakayuko, nakatitig lamang sa sahig. Hindi nagtagal, emosyonal siyang humarap sa dalawa bago itinuon ang mga mata kay Marcus. “Maghiwalay na tayo, Marcus. Mag-file na tayo ng annulment para matapos na ang lahat ng ‘to…” malamig niyang wika. Hindi man lang nagpakita ng pagkagulat si Marcus sa mukha. Imbes, blanko lang ito. Pero mayamaya pa, naglakad ito palapit sa kaniya habang si Claire ay nakasunod dito. “No!” madiin nitong sabi na ikinagulat niya. “N-No? Bakit no? Ito naman ang gusto mo, ‘di ba? Sa loob ng tatlong taon, hindi ko naramdaman ang pagmamahal mo sa ‘kin. Hindi ko naramdaman ang presensya mo bilang asawa ko. Delacroix ako, p-pero parang wala lang ako sa ‘yo. Para lang akong palamuti sa Christmas tree. Kaya bakit ayaw mong tapusin na natin ang lahat ng ‘to?” Umiling si Marcus bago bahagyang ngumisi. “You're Delacroix, Nimfa. Dala mo ang apelyido ko. Ayokong magkaro'n ng isyu na nakipag-annul ako sa ‘yo. Mananatili ka sa kasal na ‘to, whether you like it or not…” “At saan ka pupulutin kapag nakipag-annul ka kay Marcus? Eh, pareho nating alam na galing lang tayo sa kangkungan. Gusto mo talagang karirin ‘yan?” Sabay tawa ni Claire. Sa katunayan, iyan ang rason kaya ayaw niyang ipamukha sa asawa niya ang panlilinlang nito sa kaniya. Walang-wala siya sa buhay. Hindi siya nakatapos sa pag-aaral. Wala siyang gagamitin kung sakaling matuloy ang annulment nila ni Marcus. Pero hindi na niya kinaya ang mga nangyayari, sumabog na siya. Humantong na siya sa desisyong tapusin na ang lahat. Talagang ipinapamukha ng asawa sa kaniya na hindi na talaga siya nito mahal. Kung magtagumpay man siya, hahayaan na lang niya ang tadhana kung saan man siya dalhin. Dahil ang totoo, mas gugustuhin niyang maging mahirap—bumalik sa dati niyang buhay—kaysa manatili sa isang relasyong puno naman ng kataksilan. “Hindi mo alam ang pinagdaanan ko bago ako makarating sa sitwasyong ‘to, Claire. Kinailangan kong lumuhod ng ilang oras sa initan. Ilang buwan ko ‘yong tiniis hanggang sa makuha ko ang tiwala ni mámá sa ‘kin. Pero handa akong sayangin ang pinagdaanan ko, matapos—” “What did you say? Pinaluhod ka ni mom sa initan?” nagtatakang putol ni Marcus sa kaniya. Hilam ang mga mata, tumango si Nimfa. “Pagkatapos ng kasal natin, hindi ba't nagpasya si mámá na tumira tayo sa mansyon? Habang wala ka, Marcus, habang abala ka sa pagtatrabaho mo, nasa initan ako, nakaluhod. Uhaw na uhaw na ‘ko. Ngalay na ngalay na ‘ko. Pero tiniis ko ang mga ‘yon dahil sa ‘yo kasi mahal kita. Gusto kong makuha ang tiwala ni mámá kasi… kasi gusto kitang makasama nang matagal.” “Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin?” kalmadong tanong ng asawa sa kaniya. “Hindi ako pinayagan ni mámá. ‘Yan ang totoo, Marcus. Desidido na ‘ko. Gusto ko nang makipaghiwalay sa ‘yo. Annulment… ‘yan lang ang nais ko.” Pagkasabi niya noon, pumanhik na siya sa ikalawang palapag. Bumalik siya sa kuwarto nila bago humiga sa kama. Tahimik siya roong umiyak, iniisip ang mga pinagdaanan niya noon. Naghirap siya, pero ngayon, kataksilan naman ang isinukli sa kaniya ni Marcus. “I'm sorry, hindi ko alam na pinagdaanan mo ‘yon.” Hindi pa man nag-iinit si Nimfa sa puwesto, isang tinig bigla ang nagpahinto sa kaniya. Hinarap niya ito, at nakita niya ang asawa na may hawak na isang basong tubig. Dali-daling siyang bumangon bago kinuha sa kamay nito ang baso saka inisang lagok iyon dahil sa matinding uhaw. Kinuha ni Marcus ang baso at ipinatong sa nightstand kapagkuwa'y umupo sa tabi niya. Sa mukha ng asawa, lutang ang awa roon. Inayos pa nito ang buhok niya, inipit sa magkabilang tainga niya. “Three years, Nimfa, for three years, ni hindi man lang ba sumagi sa isip mo na sabihin ‘yon sa ‘kin?” mahinahon nitong tanong habang matamang nakatingin sa mga mata niya. “Para sa'n pa, Marcus? Nangyari na, ‘di ba?” “Pero hindi pa rin makatarungan ang pinagawa sa ‘yo ni mom. It's… it's unacceptable. Dámn it!” Sabay yakap nito sa kaniya. Sa una, nagulat si Nimfa, pero sa huli, masuyo niyang tinanggap ang yakap ng asawa. Isinubsob niya ang mukha sa balikat nito at doon tahimik na umiyak. Hindi siya umiiyak dahil sa mga naranasan niya noon—umiiyak siya dahil, matapos ang napakatagal na panahon, ngayon lang niya muling naramdaman ang pagmamahal ni Marcus para sa kaniya.7 YEARS LATER…“May hawak akong alas—malaking alas.”Paulit-ulit na umuukit sa isipan ni Nimfa ang sinabi ni Claire. Pitong taon na ang lumipas, ngunit hanggang ngayon, tangan pa rin niya ang mga salitang iyon na parang kailanma’y hindi kumukupas.“Handa ka na ba?”Mabilis siyang bumalik sa reyalidad nang marinig ang tinig ng asawa. Nakalabas na pala ito ng sasakyan at nakabukas na ang pinto sa gilid niya.Marahas siyang bumuntong-hininga bago tumango. Inalalayan pa siya ng asawa na makababa ng sasakyan “Ano raw ba'ng nangyari kay ‘Nay Sylvia?” tanong niya sa asawa kapagkuwan.“Hindi ko pa alam, wifey. Hindi ko na natanong si Tonette dahil sa kaba. Halika na at para masagot na ang katanungan mo.”Tanging tango lang ang itinugon ni Nimfa sa asawa. Ipinagsalikop pa nito ang kanilang mga kamay bago sila naglakad papasok sa ospital na nasa harap nila.Dumiretso sila sa nurses’ station at inalam kung nasaan ang nanay-nanayan nila. Nang ipaalam sa kanila ang numero ng kuwarto nito, agad si
“Galit ka pa rin ba sa akin, wifey?” Mabilis na napalingon si Nimfa sa asawa. Kasalukuyan silang nakahiga sa kama habang nakatabon ang kumot sa kanilang mga hubad na katawan.Marahas na bumuntong-hininga si Nimfa bago bahagyang umupo sa kinalalagyan. “Hindi naman ako magagalit sa iyo kung hindi ganoon ang reaksyon mo. Tama ka, nanghihinayang ako sa ibinigay ni mamá. Kasi saan ka makakapulot ng isang milyon? Iyon lang ang ikinatatampo ko, hubby. Masyado kang nagpadala sa sitwasyon, nauwi tuloy sa hindi pagkakaunawaan,” pahayag niya kay Zachary habang nakatitig sa kisame.Sandaling walang imik ang asawa bago niya naramdaman ang masuyo nitong paglapit sa kaniya. Bahagya nitong inayos ang buhok niya, sinigurado nitong walang matitira sa mukha niya.Lumunok siya bago ito binalingan. At mula sa mukha nito, wala siyang ibang makita kundi ang pagsisisi.“Nagkamali ako, wifey. Tama ka nga, nagpadala ako sa sitwasyon kaya ganoon agad ang reaksyon ko. Nagalit ako, na sana'y kalmado lang dapat
“‘Wag mong hayaang matapos ang araw na ito na hindi kayo nagkakaayos ng asawa mo. Please Zachary, fix that matter immediately.”Marahas na nagpakawala ng hangin sa bibig si Zachary bago umiling. “Para rin naman sa kaniya ang sinasabi ko, ‘nay. Ano po ba'ng mali sa sinabi ko na ‘wag na siyang tumanggap ng kahit anong regalo sa may koneksyon sa kaaway namin? ‘Yon lang naman po ang sinabi ko,” sambit niya habang unti-unting namamasa ang mga mata.“Tell me what happened, Zachary.”“Binigyan po ng cheke ng ina ni Marcus si Nimfa. P-Para po kay Zacharias. Kinuha ko po ‘yon tapos… tapos pinunit ko. ‘Nay, naintindihan mo ba ako? Mali ba ang ginawa ko?” At tumulo ang ilang butil ng mga luha sa magkabila niyang pisngi.“No, Zachary. What you did wasn't wrong. You're just being protective to your wife, and I understood you. Bilang asawa, ang gusto mo lang ay kaligtasan ng mahal mo. Wala kang mali na ginawa.”Tumango siya. “S-Salamat po, ‘nay. Sinubukan ko pong ipaintindi ‘yan sa kaniya, pero… pe
Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan. Unti-unti ring nakatagpo ng katahimikan ang kanilang mga buhay, kahit nananatili pa ring malapit sa kanila ang mga taong nais silang saktan.Si Nimfa, mas pinili na lamang na umiwas sa anumang gulo. Samantala, si Zachary ay walang ibang ginawa kundi ang bantayan at paulit-ulit na paalalahanan siya na mag-ingat. Wala naman siyang ibang magawa kundi sundin ang asawa, lalo pa't kung iyon ang ikakabuti niya.“Sasama ka sa akin?” nangingiting tanong ni Sylvia kay Zacharias habang karga niya ito.Tumawa lang ang anak at nang subukan itong kunin ng nanay-nanayan niya, walang pag-aalangan itong sumama. “Oh my God! You're so sweet. Nimfa, ako na muna ang bahala kay Zacharias. Go greet your guests.”Malapad niyang nginitian ang matanda. “Salamat po, ‘nay. Kapag pagod na po kayo, tawagin niyo lang po ako.”“Hindi ako mapapagod kay Zacharias, I swear.”Natawa na lamang si Nimfa sa sinabi ng matanda. Mayamaya'y nagpaalam na siya rito upang batiin at asikasu
“Of course not,” mabilis na depensa ni Marcus sa asawa. “Hindi? Binanggit mo ang pangalan niya, Marcus. ‘Wag mo nga akong gawing—”“Baka imahinasyon mo lang ‘yon,” aniya bago nagsimulang magbihis kahit bahagyang kumikirot ang katawan niya dahil sa pagbagsak niya kanina.Pero tila hindi nakampante ang asawa. Bumaba ito sa lamesa bago siya sinampal ng ilang beses sa mukha at sunod-sunod na pinaghahampas sa kaniyang dibdib.Hindi kumibo si Marcus, hinayaan niya lang ang asawang saktan siya habang wala pa rin itong humpay sa pag-iyak. Nang mapagod, nanghihina itong bumagsak sa lapag.“Niloloko mo ako, Marcus. Paano mo nagawa ito sa akin? Pinagkatiwalaan kita tapos ito ang gagawin mo?”Umiling siya bago lumuhod sa harap nito. “I didn't cheat on you, baby. Wala akong binabanggit na pangalan ni Everly. It… it could be your imagination. I was shouting your name, not Everly’s.”“Hindi ako bingi, Marcus.” Iling ng asawa. “Sa bibig mo na mismo nanggaling, Marcus. Umamin ka na lang sa akin, nilo
Natatawang umiling si Marcus bago inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.“What… what did you say?” tanong niya sa asawa, natatawa pa rin.“Mahirap bang intindihin ang sinabi ko, Marcus? Naamoy ko sa inyo ni Marco ang bruhildang Nimfa na ‘yon. Ano'ng ginawa mo, Marcus? Nakikipaglandian ka ba sa dati mong asawa, ha?!” Natawa na naman si Marcus. “A-Ako, nakikipaglandian sa kaniya? Are you out of your mind, Claire? Pinakasalan pa kita kung—”“Sabihin mo na lang ang totoo!” hiyaw ng asawa.Halos dumagundong ang boses nito sa loob ng sasakyan na ikinatigil ni Marcus. Halos isang minuto siyang walang kibo bago marahas na bumuntong-hininga.“Nakasabay ko sina Nimfa at Zachary sa ospital. Si Dr. Salazar din ang pediatrician ng anak nila.” Huminto siya, sandaling tinitigan ang asawa sa mga mata nito bago ikinuwento ang lahat-lahat ng nangyari.“Ano'ng pakiramdam na muli mong nakausap at nakatabi ang dati mong asawa?” nakangising tanong ni Claire sa kaniya.Napa-amang siya. “Ano? Anong klas







