LOGINMayamaya pa, nang maramdaman ni Nimfa na bahagyang gumalaw ang asawa, humiwalay na siya rito. Napansin niya agad ang pamamasa ng mga mata nito habang matamang nakatingin sa kaniya.
“Umiiyak ka ba, Marcus?” tanong niya sa asawa. Marahang umiling si Marcus bago ngumiti. “N-No…” tanggi nito bago hinawakan ang mga palad niya bago masuyong pinisil ang mga iyon. “Naaawa ako sa ‘yo, Nimfa. Tatlong taon na tayong magkasama sa bahay na ‘to, pero hindi mo man lang sinabi sa ‘kin ang ginawa sa ‘yo ni mom. Kung… kung alam ko lang, pipigilan ko siya. You don't deserve something like that…” lintaya pa nito. Nang sandaling iyon, walang ibang maramdaman si Nimfa kundi ang matinding awa ni Marcus para sa kaniya. Basag ang boses nito, tila nakikisimpatiya. Kahit papaano, natuwa siya. Hindi niya inaasahan na ganito ang magiging reaksyon ng asawa niya. Buong akala niya'y babaliwalain lang nito ang rebelasyon niya, ngunit heto't sinundan siya sa silid nila upang humingi ng tawad sa nagawa ng ina nito sa kaniya ilang taon na ang nakakalipas. “Wala na ‘yon, Marcus. Nakalipas na ‘yon. Naghilom na ‘ko. ‘Yong mga sugat na natamo ko, n-nawala na kaya ‘wag ka nang mag-alala sa ‘kin.” Umiling ang asawa. “Pinakasalan kita no'n dahil mahal kita, hindi para pagmalupitan ka. Gosh, I'm so stûpid… I am so fúcking stûpid.” “Hindi, Marcus. ‘Wag mong sisihin ang sarili mo, okay?” At masuyo niyang sinapo ang pisngi nito bago ito tinitigan sa mga mapupungay nitong mata. “Tinanggap ko ‘yon para sa ‘yo kasi gano'n kita kamahal. At hanggang ngayon, Marcus, mahal pa rin kita…” Napalunok si Nimfa nang sandaling iyon. Hindi naglaon, dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ng asawa. Akala niya'y ilalayo ni Marcus ang ulo sa kaniya, ngunit hindi man lang ito kumibo kaya nagpatuloy siya hanggang sa magdikit ang mga labi nila. Nakaramdam agad nang matinding kasiyahan si Nimfa nang maramdaman niya ang malambot at mainit na mga labi ng asawa. Napapikit siya, halos maiyak dahil sa emosyong bumabalot sa kaniya. Makalipas ang ilang segundo, naramdaman niyang sinapo ni Marcus ang likod niya bago nito ginalaw ang mga labi. Buong pusong tumugon si Nimfa sa asawa, na nagpainit ng buong katawan niya. Ramdam niya ang kapusukan ni Marcus, umabot pa sa punto na inihiga na siya nito sa kama habang nasa ibabaw siya nito—patuloy na nagpapalitan ng mga laway. Hindi nagtagal, bigla na lang humiwalay si Marcus sa kaniya. Tinitigan pa siya nito sa kaniyang mga mata—na parang ngayon lang siya nito nakita sa buong buhay nito. Mariing lumunok si Nimfa at nakuha pa ring ngumiti sa kabila ng ginawa ni Marcus. “May problema ba, Marcus? Ayaw mo ba nito? Hawakan mo ‘ko, Marcus. Please, hawakan mo ‘ko…” desperada na niyang saad bago puwersahang kinuha ang isang kamay ng asawa bago ipinatong sa kaniyang dibdib, ngunit napasinghap na lang siya nang haklitin ni Marcus ang sariling kamay bago bumaba sa kama. “Ano'ng ginagawa mo, Nimfa? Are you out of your mind?” gulat nitong tanong, tila nagising sa reyalidad. Kagat ang ibabang labi, bumaba si Nimfa sa kama. “Ano'ng ginagawa ko? Seryoso ka ba, Marcus? Asawa mo ‘ko, ‘di ba? Masama bang maging desperada sa ‘yo? Kasal tayo, h-hindi ba ‘to normal para sa ‘yo?” mangiyak-ngiyak niyang tanong. “You're so weird, Nimfa. My God, I can't believe magagawa mo—” “Ano ‘to, Marcus? Ano ‘to, ha?” Sabay angat niya ng kamay niya kung saan nakasuot sa isa niyang daliri ang wedding ring. “Hindi ba ‘to patunay na may karapatan ako sa ‘yo? Marcus, ano ba'ng naging pagkukulang ko sa ‘yo at bakit hindi ko maramdaman ang pagmamahal mo sa ‘kin?” walang paligoy-ligoy niya pang tanong dito. Umiling si Marcus, halatang pinipigilan lang magalit. “Hindi pa ba sapat ang presensya ko para maramdaman mo ang pagmamahal ko sa ‘yo? God, Nimfa, ito na naman tayong dalawa. Pagtatalunan ba natin ‘to? We should think more about Claire, baka magkasakit siya sa ginawa ni mom. At alam mo kung bakit nangyari ‘yon sa kaniya? Dahil sa kasambahay na kinuha mo kung saan!” Napa-amang si Nimfa sa gulat. Si Claire na naman? Hindi na niya alam kung saan siya lulugar sa pamamahay na ito dahil walang ibang ginawa ang asawa niya kundi isama sa usapan ang hipag nito. “So ako talaga ang sinisisi mo kung bakit nangyari ‘yon sa kaniya? Marcus, bulag ka ba? Si Harry mismo ang naglagay sa kaniya sa sitwasyong ‘yon. Ina siya, dapat lang na—” “What? Turuan ng leksyon si Harry? Saktan? Gano'n ba? Just like what you did to him? You hurt Harry too, Nimfa.” “Hindi ko siya sinaktan, Marcus. Pinagsabihan ko lang ‘yong bata. Kilala mo ‘ko, mabait akong tao. Alam ng Diyos kung gaano ako ka—” ‘’Yan, gan'yan ka. Palagi mong sinasali ang Diyos sa usapan. Alam mo, Nimfa, katulad ka lang ni mom. Banal nga, bayolente naman.” “Marcus, ser-seryoso ka ba? B-Bakit ako ‘yong pinagmumukha mong masama? Eh, sa bahay na ‘to, ako ‘yong biktima, ako ‘yong nasasaktan. Pati kinuwestiyon ba kita sa tuwing sinasali mo si Claire sa usapan? Hindi, ‘di ba? Tinitiis ko na lang na marinig ang pangalan niya kahit sukang-suka na ‘ko. Please, Marcus, tapusin na natin ang pagsasa—” “No! Hinding-hindi ‘yon mangyayari!” Pagkasabi noon ni Marcus, lumabas na siya ng silid. Pagkalabas niya, agad bumungad si Claire sa kaniya. Nakasandal sa pader, suot ang nightgown habang pinaglalaruan ang sariling buhok. “Napakadrama talaga ng asawa mo, Marcus. Bakit hindi mo na lang tanggapin ‘yong gusto niya na makipag-annul sa ‘yo?” Umiling si Marcus bago hinawakan ang kamay ni Claire saka ito inaya sa opisina niya. Nang makarating, kinandado niya ang pinto at walang pakundangang binuhat ang babae patungo sa kama. Marahan niya itong inilapag doon bago umibabaw rito. “Si Harry, nasa'n?” tanong niya. Kagat ang labi, iniangkla ni Claire sa batok niya ang mga braso. “Tulog na siya sa kuwarto. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, baby. Bakit ayaw mong—” “Hindi ko kaya, baby. Hindi ko alam, p-pero ayokong mawala si Nimfa sa buhay ko.” “Pero hindi mo na naman siya mahal, ‘di ba?” Tumango siya. “Hindi na.” “If so, then I think mas maigi kung tratuhin mo siya nang tama.” “Pag-iisipan ko pa.” “Papayag akong maging mabuti ka sa kaniya, basta't ako lang ang hahawakan mo. Touch my body, Marcus…” pang-aakit ni Claire sa kaniya. Ngumisi siya. “Ikaw lang naman ang hinahanap-hanap ko, wala nang iba…” tugon niya bago nilukumos nang mapusok na halik ang babae.“Of course not,” mabilis na depensa ni Marcus sa asawa. “Hindi? Binanggit mo ang pangalan niya, Marcus. ‘Wag mo nga akong gawing—”“Baka imahinasyon mo lang ‘yon,” aniya bago nagsimulang magbihis kahit bahagyang kumikirot ang katawan niya dahil sa pagbagsak niya kanina.Pero tila hindi nakampante ang asawa. Bumaba ito sa lamesa bago siya sinampal ng ilang beses sa mukha at sunod-sunod na pinaghahampas sa kaniyang dibdib.Hindi kumibo si Marcus, hinayaan niya lang ang asawang saktan siya habang wala pa rin itong humpay sa pag-iyak. Nang mapagod, nanghihina itong bumagsak sa lapag.“Niloloko mo ako, Marcus. Paano mo nagawa ito sa akin? Pinagkatiwalaan kita tapos ito ang gagawin mo?”Umiling siya bago lumuhod sa harap nito. “I didn't cheat on you, baby. Wala akong binabanggit na pangalan ni Everly. It… it could be your imagination. I was shouting your name, not Everly’s.”“Hindi ako bingi, Marcus.” Iling ng asawa. “Sa bibig mo na mismo nanggaling, Marcus. Umamin ka na lang sa akin, nilo
Natatawang umiling si Marcus bago inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.“What… what did you say?” tanong niya sa asawa, natatawa pa rin.“Mahirap bang intindihin ang sinabi ko, Marcus? Naamoy ko sa inyo ni Marco ang bruhildang Nimfa na ‘yon. Ano'ng ginawa mo, Marcus? Nakikipaglandian ka ba sa dati mong asawa, ha?!” Natawa na naman si Marcus. “A-Ako, nakikipaglandian sa kaniya? Are you out of your mind, Claire? Pinakasalan pa kita kung—”“Sabihin mo na lang ang totoo!” hiyaw ng asawa.Halos dumagundong ang boses nito sa loob ng sasakyan na ikinatigil ni Marcus. Halos isang minuto siyang walang kibo bago marahas na bumuntong-hininga.“Nakasabay ko sina Nimfa at Zachary sa ospital. Si Dr. Salazar din ang pediatrician ng anak nila.” Huminto siya, sandaling tinitigan ang asawa sa mga mata nito bago ikinuwento ang lahat-lahat ng nangyari.“Ano'ng pakiramdam na muli mong nakausap at nakatabi ang dati mong asawa?” nakangising tanong ni Claire sa kaniya.Napa-amang siya. “Ano? Anong klas
“Zachary! Nasaan ka na? Hubby?” patuloy sa paghiyaw ni Nimfa.Pero hindi pa rin ito lumulutang kaya humahagulgol siyang bumalik sa loob ng bahay. At saktong nakita niyang masayang nakikipag-usap si Benjie sa nanay-nanayan niya.“Benjie, tulungan mo si Zachary!” sigaw niya rito.“Bakit, Ma'am Nimfa? Ano'ng—”“Nasa ilalim siya ng tubig,” tugon niya habang nanginginig ang boses.Dali-dali namang tumalima si Benjie. Sumunod siya rito, at nakita niyang tumalon na ito sa swimming pool. Hindi na niya alam ang gagawin nang sandaling, malakas ang pagkabog ng puso niya, pakiramdam niya'y kakawala na iyon sa kaniyang dibdib.“Oh my God, Nimfa. What happened?” mayamaya pa'y tanong ng nanay-nanayan niya.Kinagat niya ang ibabang labi bago umiling. “K-Kasalanan ko po ang nangyari, ‘nay. Inutusan ko po siyang tumalon, h-hindi ko naman po inaasahan na susundin niya ako,” sagot niya.“He'll be alright, I know it.” At sinapo nito ang magkabila niyang balikat.Hindi na siya umimik, patuloy pa rin siya s
Nang makabalik si Marcus, agad ibinalik ni Nimfa ang anak nito. Pero hindi pa man ito nahahawakan ng dating asawa, muli na namang umiyak ang bata. “He liked you,” natatawang sambit ni Marcus.“Mukha nga,” tugon niya bago inayos ang pagkakahawaak sa anak nito. “Akin na ‘yang gatas niya, ako na magpapadėde sa kaniya.”Tumango naman ang lalaki. Nang iabot nito sa kaniya ang bote, isinubo niya agad iyon sa bata. Tinanggap nito iyon kaya wala sa sariling siyang napangiti habang pinagmamasdan ito.“Okay lang ba ‘yan sa iyo, Nimfa? If you're uncomfortable, just tell me. Hayaan mong ako na lang ang mag-alaga kay Marco.”Bumuntong-hininga siya bago ito binalingan na kasalukuyang nang nakaupo sa tabi niya.“Sa tingin mo ba lalapit ako sa iyo kung hindi kumportable sa akin? Bata ang pinag-uusapan natin dito, Marcus. Pareho nating alam na may nakaraan tayo, pero ‘wag mo na ‘yong isipin. Si Marco ang dahilan kaya lumapit ako, h-hindi i—”“I know. I know he's the reason because you're also a mothe
“Kaya ko naman to, eh, wifey. Hindi ka na sana sumama sa akin. Nagpahinga ka na lang sana sa bahay,” sambit ni Zachary nang huminto sila sa harap ng ospital kung saan nila ipapa-check up si Zacharias sa pediatrician nito.“Ayokong manatili sa bahay na hindi nakikita si Zacharias. Kung nag-aalala ka pa rin sa akin, ‘wag na, hubby. Okay na okay ako, oh,” saad ni Nimfa sa asawa bago inalis ang seatbelt sa katawan.Walang gawa ang asawa kundi umiling bago bumuntong-hininga. Nauna na siyang lumabas ng sasakyan, habang si Zachary naman ay kinuha ang anak nila sa backseat. Pagkatapos, naglakad na sila patungo sa ospital habang bitbit ng asawa ang anak nilang nasa carrier. Subalit nakakailang hakbang pa lang sila, bigla na lang huminto si Zachary.“Oh, ano'ng nangyari, hubby?” naguguluhan niyang tanong sa asawa.“Tāngina,” mura nito habang nakatingin sa isang direksyon.Sinundan niya iyon, at bahagya siyang nagulat nang makita ang dating asawa, si Marcus, habang bitbit din nito ang anak papa
“Appointment? Ano'ng sinasabi mo, Marcus?” naguguluhang tanong ni Claire nang ipaalam niya rito na magkakaroon ito ng appointment bukas kay Dr. Devanadera, ang kilalang psychiatrist ni Bryes.Bumuntong-hininga si Marcus bago umupo sa kama kahit nakatapis lamang ng tuwalya ang katawan. Mataman niyang tiningnan sa mga mata ang asawa bago mariing lumunok.“Dr. Devanadera is a psychiatrist. She will help you, baby,” kalmado niyang sambit upang hindi ito mabigla.Pero nanlaki agad ang mga nito, tila hindi makapaniwala sa sinaad niya. Inalis nito ang suot na headphones bago tumitig sa kaniya.“Psychiatrist? Ano'ng tingin mo sa akin, baliw? Marcus naman, bakit sa daming klase ng doktor sa mundo, bakit sa doktor pa ng utak? Hindi ako baliw, Marcus! Hindi ako ba—”“I'm not saying you're crazy, baby. Iniisip lang kita, lalo na si Marco. You almost kīlled him, remember? Kung hindi ako dumating, b-baka pinaglalamayan na natin siya. You need Dr. Devanadera, baby. Please, baby, para rin naman sa ka



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



