Inilibot ni Scarlett ang tingin sa loob ng bahay. Walang emosyon at sinlamig ng yelo ang mga mata nito nang i-angat ang hawak nitong patpat na kahoy. Unang tumama ang kahoy sa malaking TV na nasa dingding. Isinunod niya ang refrigerator, salaming mesa, mga pigurin, mga larawan, at kung ano pang mahagip ng kanyang mga mata. Hindi siya tumigil hanggang sa hindi niya nakikita na nabasag na niya ang lahat.
Isang matinis na sigaw at tahol ng mga aso ang gumising sa nahihibang niyang diwa.
"Oh my God! Anong ginawa mo!"
Nabitawan niya ang patpat na kahoy na hawak niya at napatingin sa duguan niyang mga kamay subalit kahit na may sugat siya, hindi siya nakaramdam ng anumang hapdi. Mas masakit parin ang ginawa ni Liam sa kanya. Napaatras siya pero natigilan din nang makaapak siya ng mga bubog. Inilinga niya ang tingin sa paligid.
Basag lahat!
Sobrang gulo ng buong bahay!
Sira na ang lahat ng gamit na naroon…
Hindi siya makapaniwala habang nakatingin sa mga kalat sa paligid. Siya ba talaga ang may gawa ng lahat ng ito? Pero sa kabilang banda, nakaramdam siya ng tuwa sa kanyang nagawa at hindi niya mapigilan ang sarili na mapangisi. Nababaliw na yata siya pero natutuwa siya sa kanyang nagawa.
Nakatitig naman si Amelia kay Scarlett na parang isa ng baliw. Sa nanginginig niyang mga kamay, agad niyang idinial ang numero ng pulis para ipahuli si Scarlett. Baka kung ano pa ang pumasok sa utak nito at patayin siya.
Nakaupo si Scarlett habang kaharap ang isang police officer habang umiiyak ang ina ni Liam. Unti-unti na siyang kumalma at napagtanto ang kanyang nagawa. Kinakabahan niyang kinuyumos ang laylayan ng kanyang damit.
"Totoo bang binasag mo ang mga gamit sa bahay niya?" Baling ng pulis sa kanya.
"Ako naman ang bumili ng mga gamit na binasag ko," tugon niya.
Tumalim ang titig ni Amelia sa kanya. "Anong pag-aari? Hiwalay na kayo ng anak ko kaya wala ka ng karapatan pa sa lahat ng bagay sa bahay ko!" Singhal ni Amelia.
Dinukot niya ang kanyang cellphone at ipinakita sa pulis ang listahan kung saan niya na nabili ang mga gamit na nabasag niya. Halos hindi na nga niya maibili ang sarili niya para lang sa kaginhawaan ng mga ito na mas lalong nagpasama ng loob niya.
Mataman na tinitigan ng pulis ang ipinakita niyang listahan habang wala paring tigil sa kakatalak si Amelia sa harapan nila.
"Divorce na sila ng anak ko kaya lahat ng gamit na naroon ay pag-aari na ng pamilya ko. Isa pa, sinira ng babaeng yan ang bahay ko at nanggulo siya doon kaya dapat lang na pagbayaran niya ang ginawa niyang kabulastugan!"
"Gusto niyo po bang magsampa ng kaso laban sa kanya o makipag-areglo nalang?" Tanong ng pulis.
"Makikipag-areglo ako sa kanya basta ba bayaran niya ako," taas noo nitong sagot.
Napatitig siya sa ina ni Liam. Noon paman ay ayaw na nito sa kanya at sigurado siyang ngayong hiwalay na sila ng anak nito ay nagdidiwang na ang babae.
"Tutal hindi ka naman iba sa akin dahil dati kang asawa ng anak ko, hindi na ako magsasampa ng kaso laban sayo. Bayaran mo ako ng three hundred thousand, tapos ang usapan."
Hindi siya makapaniwalang napatitig kay Amelia. At saan naman siya kukuha ng ganun kalaking halaga ng pera?
"Bakit? Ayaw mo? Sinira mo ang bahay Scarlett kaya natural lang na bayaran mo ako. Kailangan kong ipaayos iyon at bumili ng panibagong kasangkapan para magamit namin," anito nang hindi siya magsalita.
Mas lalo lang nadagdagan ang kanyang galit sa ginang. Wala na itong ibang ginawa mula ng maikasal siya kay Liam kundi apihin siya. "Gaya ng sabi ko, gamit ko ang mga yun kaya pwede ko iyong sirain kahit kailan ko gusto. Isa pa ay wala akong pera. Wala kang mapapala sakin."
Mapanuyang ngumisi ang ina ni Liam. "Akala mo ba hindi ko alam na binigyan ka ni Liam ng pera nang magdivorce kayo? May natangay kang one hundred thousand mula sa anak ko!"
Mas lalo lang siyang nakaramdam ng pait sa kanyang narinig. "Sa tingin mo ba mababayaran ng pera ni Liam ang lahat ng nagastos ko magmula ng maikasal kami? Sa loob ng walong taon, lahat-lahat ng bayarin sa bahay ako ang sumasagot dahil wala namang ibang ginawa ang anak mo kundi maglakwatsa kasama ang mga kaibigan niya at gamitin ang pera niya para sa pansarili niyang kasiyahan. Kung bibilangin natin lahat, hindi sapat ang perang sinasabi mo."
Bahagyang nakaramdam ng pagkapahiya si Amelia pero mabilis naman itong nakabawi. "Kung makapagsalita ka akala mo kung sino ka na! Bakit? Sa loob ba ng walong taon na nakatira ka samin hindi ka nakitulog at nakikain? Ikaw ang may kasalanan sa akin kaya natural lang na magbayad ka at kung magmamatigas ka talaga pwes mapipilitan akong ipakulong ka!"
Pinukol niya ang isang malamig na tingin si Amelia. Tapos na ang pagpapakabait niya. Hindi na niya hahayaan pang tapak-tapakan siya ng sinuman kahit pa ito ang ina ng lalaking dati niyang minahal.
"Talaga? Ipapakulong mo ako? Masasabi mo pa kaya ang bagay nayan kapag ipinaalam ko sa boss ni Liam ang pagtataksil niya sa akin habang kasal kaming dalawa?"
Nang marinig ni Amelia ang sinabi ni Scarlett ay napalunok siya at nakaramdam ng kaba. Hindi niya aakalain na may ganitong ugali pala ang babae. Ngayong malapit na ang promotion ni ng anak niya, hindi ito pwedeng masira kung hindi ay mauuwi sa wala ang pinaghirapan ni Liam.
"Nababaliw ka na talaga Scarlett! Hindi magagawa ng anak ko ang ibinibintang mo sa kanya! Ikaw ang may kasalanan kaya naghiwalay kayong dalawa!"
Hindi na pinansin pa ni Scarlett si Amelia at ibinaling na ang atensyon sa pulis. "Magbibigay po ako ng shopping records at bank statement na magpapatunay na akin ang mga gamit na iyon."
Tumango naman ang pulis. "Okay, I will verify the said evidence."
Tahimik namang pinagmasdan ni Amelia ang pangyayari. Hindi niya ito nagugustuhan pero nanatiling tikom ang kanyang bibig at naghihintay lang ng pagkakataon na maisahan niya si Scarlett.
Ilang sandali pa'y tumunog ang cellphone ni Scarlett kaya't ibinalik ito ng pulis sa kanya. Nang tingnan niya ang screen ay isang unregistered number ang tumatawag sa kanya. Kung sa ibang pagkakataon ay hindi niya ito papansinin pero ngayon ay nais niyang ibaling ang atensyon sa iba kaysa sa ina ni Liam kaya't naisipan niyang kausapin ang sinuman sa kabilang linya.
"This is Attorney Kairo Timothy Vasquez of Nexus Legal Group, is this Scarlett Dorothy Lopez?" Ani ng isang baritonong boses sa kabilang linya.
Nangunot ang kanyang noo nang marinig ang isang hindi pamilyar na boses gayunpaman. "Yes, it's me. Ano pong sadya nila?"
"Pwede ba kitang makausap ngayon? I have an important matter to discuss with you."
Naguguluhan man ay naisipan nkyang sang-ayunan ang lalaki lalo pa't mukhang isa itong abogado. "O—okay. Nasa Makati Police Station ako ngayon."
"Sige, hintayin mo ako. Papunta na ako diyan…"
Tatlo silang magkakapatid at si Liliana ang kaisa-isang babae sa pamilya. She was spoiled since childhood at maalwan ang buhay niya. Kahit pa noong nagpakasal siya kay Janus Sandoval na general manager ng Sandoval Group, hindi nagbago ang lahat sa pagitan nila ng pamilya niya.Pero ngayon ay humagulhol siya ng iyak para ilabas ang lahat ng bigat na nararamdaman niya. Totoo man na hindi basta-basta mawawala ang pinagsamahan nila, but it won't change the fact na hindi siya ang totoong anak ng mga magulang niya.Nang umiyak na si Liliana, hindi narin napigilan pa ni Emily ang kanyang sarili na mapaiyak. Agad niyang nilapitan si Liliana at niyakap ang babae. Namumula narin ang mga mata ni Leonardo habang si Landon naman ay nakatayo lang sa isang tabi.Ilang saglit pa'y napatingin siya sa kanyang Grandma Carmen at Tito Lucas. "Grandma, Uncle, wala po akong planong makipagkumpitensya kay Liliana tungkol sa properties na sinabi niya. Binibiro ko lang naman siya noon para inisin siya."Katuna
Katunayan ay nagkaroon lang naman sila ng ideya dahil sa anak ni Landon. Natanong nito sa kanila kung ano ang blood type nina Leonardo at Emily para sa assignment nito."Daddy, anong blood type nina Grandpa at Grandma?" Tanong ni Luke."Pareho silang type AB," sagot ni Landon.Kinuha ni Luke ang kanyang notebook at sinulat ang sagot nito. Maya-maya pa'y unti-unting nangunot ang maliit na noo ni Luke. "Pareho po kayong lahat na type AB pero bakit si Tita Liliana type O siya?"Agad namang lumapit si Landon sa kanyang anak at tiningnan ang laman ng notebook nito. "Anong blood type ng Tita Liliana mo?""Daddy naman eh! Type O nga!" Nayayamot nitong sagot."Sinong nagsabi sayo?" Muling tanong ni Landon."I called Tita Liliana to ask. Sabi niya type O siya."Pinatapos muna ni Landon sa aralin nito si Luke bago niya kinausap ang mga magulang niya."Dad, sigurado po ba kayo na kapatid ko talaga si Liliana?" Tanong ni Landon sa mga magulang niya.Napailing si Leonardo bago sumagot. "Kapatid mo
Malakas na napabuntong hininga si Scarlett bago sumandal sa sofa at pinanood ang unti-unting paglubog ng araw."Wag mo ng isipin pa ang bagay nayun Scarlett. Malay mo sa ikalawang test magiging negative na ang resulta," kumbunsi pa niya sa sarili niya kahit na ayaw namang kumalma ng puso at utak niya.Pakiramdam niya tumaya siya sa lotto't sumakay ang lahat ng numero niya at ang huling number nalang ang hinihintay niya. Literal na hindi talaga siya mapakali!Hindi naman makapaniwala si Liliana sa narinig niya mula sa kanyang ama. Hilaw siyang natawa bago nagsalita."Is this some kind of prank, Dad?" Tanong pa niya.Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Leonardo bago nagsalita. "Hindi ako nagbibiro, anak. I know it sounds absurd and it will be hard for you but it's the truth," anito sa basag na boses.Lumaki siyang emosyonal. Kahit nga palabas sa telebisyon iniiyakan niya. Kaya naman ngayon habang sinasabi niya ang totoo kay Liliana, hindi niya mapigilan ang sarili na umiy
Lumapag na ang eroplanong sinasakyan ni Liliana. Sinundo siya ng family driver ng mga Van Buren na si Mang Bert. Kinuha ng lalaki ang kanyang suitcase at iginiya siya papuntang parking lot."May problema po ba sa mansion, Mang Bert? Bakit bigla nalang akong ipinatawag ni Grandma Carmen?" Kaswal na tanong nj Liliana."Namiss lang po siguro kayo ni Madam Carmen, Miss Liliana," sagot ni Mang Bert habang abala na sa pagmamaneho.Marahan namang tumawa si Liliana. "Masyado kasi akong busy nitong mga nakaraang buwan. May bagong project na ilalaunch ang kumpanya. Pabalik-balik ako sa abroad kaya hindi ko na nabisita si Grandma.""Sigurado akong matutuwa si Madam Carmen na makita kayo," tugon ng lalaki.Ilang sandali pa'y pumasok na ang sasakyan sa malawak na bakuran ng mansion. Maya-maya pa'y tuluyan ng huminto ang sasakyan at agad na lumabas ng passenger's seat si Liliana."Mang Bert, pwede bang ipahatid nalang ako ng mga luggage ko sa itaas. Pupuntahan ko na agad si Grandma.""Wala pong prob
Napahilamos ng mukha si Leonardo at hindi malaman kung ano ang gagawin niya. “Tulungan mo ako, Mom. Ano ba talagang dapat kong gawin para maayos ang lahat ng ito?”Umayos ng upo ang ginang at pinukol siya ng isang masamang titig "Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ba't anak mo si Scarlett? Hindi mo siya inalagaan kaya aksidente siyang nawalay sa inyo. Ngayon gusto mong makabawi tapos ako ang tatanungin mo? Inalagaan kita mula ng maliit ka pa hanggang sa ngayon, Leonardo. Wag mong sabihin na hanggang sa mamatay nalang ako itatanong mo parin sakin kung ano ang gagawin mo?!" Nayayamot nitong asik.Napasabunot ng sariling buhok si Leonardo. "Hindi naman namin ginusto na mangyari ito, Mom. Masyadong magulo ang ospital ng araw nayun kaya maling bata ang naibigay ng nurse sa amin."Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Carmen. "Kahit na nagkamali ang nurse, responsibilidad mo parin na hanapan ng solusyon ang nangyari. Tinawagan ko na si Liliana at darating siya mamayang alas kwa
Matapos makausap ang kanyang ina, agad na nilukob ng labis na kalungkutan ang puso ni Scarlett. Siguro dahil sa kaguluhang nangyari, mali ang batang nakuha ng mga magulang niya. Mariin siyang napapikit. Grabe namang maglaro ang tadhana sa kanya kung ganun.Matapos makapagpaalam ni Leo kay Kairo, umuwi na siya sa mansion kasama ang kanyang asawang si Emily na hanggang ngayon ay umiiyak parin. Mabilis na nagtago ang mga kasambahay nang makita ang sitwasyon ng amo nilang babae. Alam nilang may nangyari kaya umiiyak ang ginang dahil kahit kailan ay hindi pa nila ito nakita sa ganung sitwasyon. Ngayon palang.Nakaupo naman si Carmen Van Buren at nanonood sa mga goldfish na nasa fish pond habang may ilang mga larawan sa kanyang kandungan. Nang makita niyang papalapit na ang mag-asawang Leo at Emily sa gawi niya, iminuwestra niya ang upuan malapit sa kanya."Maupo kayo."Tinulungan ni Leo na unang makaupo si Emily bago ito tumabi sa asawa. "Nakatulog po ba kayo ng maayos Mom?"Huminga ng mala