Nakalimutan niyang naka-pambahay pa siya.Ang paborito niya pang pajama!Ang pajama niyang suot ay bigay ni lolo butler.Gawa sa purong bulak at may cartoon na disenyo.Medyo pambata ang itsura pero sobrang komportable.Gustong-gusto ito ni Rana.At sa isip niya mag-isa lang naman siyang nakatira sa bahay na ito.Wala namang makakakita kung ano ang suot niya.Kaya pinili niyang gamitin ito.Hindi niya inasahan na sa araw na magsusuot siya nito ay saka pa siya matatagpuan ng dating asawa.Napakamot nalang siya sa ulo.Nabangga pa niya ang kamay nito.Na parang talong na ngayon.Napakamalas talaga.Gusto na sana ni Rana na isarado ulit ang pinto para magpalit.Pero nakaharang pa rin si Bryson doon.Ayaw paawat kahit kalahating hakbang.Wala siyang nagawa kundi papasukin na muna ito.Kailangan na rin niyang lagyan ng yelo ang kamay nito.Pinag-iisipan pa niya kung sasamahan pa niya ito sa hospital.Pero mas pinili niyang lagyan nalang muna ito ng yelo tapos ay bahala na siya sa buhay niy
Hindi natutuwa si Rana na makita si Bryson.Sa tuwing makikita niya ito ay naaalala niya ang kanyang hangal na desisyon sa pagpapakasal rito.Bumabalik sa kanyang alala ang lahat ng masasakit na pinagdaanan niya sa kamay nito.Ang magandang mood niya ay agad nawala.Kaya gusto niyang paalisin agad ang lalaki para makabalik siya at makatulog muli.Bumalik sa ulirat si Bryson at naglabas ng isang dokumento.Iniabot ito kay Rana.Hindi na sana tatanggapin ng dalaga ngunit nakikita niyang nababasa na ito sa kamay ni Bryson.Tinanggap niya iyon at bahagyang sinulyapan.Isang listahan pala ito ng mga bagay.May nakasaad na mga item at mga petsa.“What is this?” mataray niyang sabi kay Bryson.Ngunit hindi agad sumagot ang binata.Inangat niya ang tingin rito.He was struggling to massage his hand.“‘Wag mo na kasing galawin! Mamaya mas lalong mamaga ‘yan.”Umangat ang tingin ni Bryson.Malambot at tila pagod ang mga mata nito.“Namamanhid kasi eh.”“Eh bat’ ang tagal mo kasing binabad?! Jus
Walang silbi ang mga sinasabing paliwanag o realization ni Bryson para kay Rana.Hindi lang ito walang kwenta, kundi nakakadagdag pa sa kanyang inis at pandidiri.Mas lalo lang lumala ang pagkamuhi niya sa lalaki.Namutla ang mukha ni Bryson.Bahagya na rin siyang naiinis.Hindi niya inasahan na ang paghingi niya ng tawad, na pinaghirapan pa niyang ihanda ay babalewalain lang ni Rana nang ganoon kabigat.Mariin siyang napapikit.“Kailangan mo ba talagang maging ganito kababaw? Hindi mo manlang ako pakinggan ng mabuti.”Umalpas ang galit sa puso ni Rana.Napaayos siya ng upo.“Ano bang gusto mo? Na makisalo ako kay Pey sa isang asawa? Na patuloy kong lunukin ang lahat ng sakit at paninilbi sa pamilya mo na parang alipin?”Napabuga ng malalim na hininga si Bryson.Habang lalong nagagalit si Rana.“Bryson, huwag mo akong subukang dalhin sa sukdulan.”Gusto lang sana niya ng maayos na paghihiwalay.Pero kung patuloy pa rin ang mga ito sa panggugulo ay baka may magawa siyang hindi na niya
Umismid si Rana at saka tumawa ng nang-uuyam.Tinitigan pa ang binata.Aliw na aliw siyang nakakakita siya ng emosyon dito habang tinatanong ang bagay na iyon.“Sa tingin mo ba?”Tumikhim si Bryson.Bahagyang kumunot ang noo.“Pakiramdam ko, may hindi lang pagkakaintindihan. I believe you’re not that kind of person.”Napanguso si Rana at tumango-tango.“Kung gusto mo samahan mo akong pumunta sa ospital para ipaliwanag kay Tita Eliza na wala talagang namamagitan sa inyo ng anak niya. Para rin mawala na ang bumabagabag sa kanya at makalabas na siya ng ospital.”Nagpakita si Rana ng waring nag-iisip na ekspresyon.Saka ngumiti at tumingin kay Bryson. Naiiling siyang natawa.“Sinabi ba ng tita Eliza mo sa’yo na sa ospital lang siya mananatili hangga’t hindi pa naaayos ang gusot na ginawa niya?”Lumalim ang kunot sa noo ni Bryson.“Tita didn’t mention that.”“Ah, ibig sabihin doktor ang nagsabi.” Tumango si Rana. Muling natatawa.“What’s so funny?”Walang emosyong tumitig si Rana kay Bryso
Sa isip ni Rana ay napailing siya nang palihim.Natatawa sa kuryosidad na lumalabas kay Bryson.They never talk about Vern and her.Kaya ang marinig ito sa lalaki ay nakakatawa para sa kanya."Oo naman. Siyempre oo. Kapag sinabi ko ang silangan, hindi siya nangangahas pumunta sa kanluran. Wala ring ibang nagtatakda ng mga patakaran para sa akin. Wala akong sinusunod ngayon. Mas nakakagalaw ako ng matiwasay. In short, mas maayos ang buhay ko ngayon kaysa noong nasa pamilya mo ako. Daang beses na mas maayos."Hindi na naman nakapagsalita si Bryson.Hindi man niya gusto ang sinabing iyon ni Rana ay totoo naman din ang mga reklamo nito.Halata din naman sa mga ngiti niya ngayon.Na hindi niya masyadong nasisilayan noon sa bahay nila. Rana thought unkindly to herself, if Bryson kept being so tactless she would have to aim straight for his heart.Gusto niyang saktan ito upang magising sa mga pagkakamaling ginawa nito sa kanya.Hindi siya makapaniwalang makakaya pa rin ni Bryson na magkunwa
Bryson entered.Hindi maitsura ang kanyang mukha nang makita ang dalawang magkahawak kamay.Nanghihina siyang napaupo sa sofa.Habang si Pey ay gulat na gulat.Dinala nga ni Bryson si Rana pero bakit nandito rin si Vern?Hindi ba’t ayaw na ayaw niya na nakikita ako at ang nanay ko?Ito ang mga naglalaro sa isipan ni Pey.Walang tigil sa pagkabog ang kanyang dibdib.Palaisipan sa kanya na naririto silang lahat. Hindi rin mapanatag ang emosyon ni Eliza.Sa totoo lang, may takot pa rin siya kay Vern.Hindi tulad ni Ralf na palaging maayos ang kilos, si Vern ay may balanse ng kabutihan at kasamaan.Noong bagong pasok pa lang siya sa pamilya Santiago ay tinuruan siya nito ng mabigat na leksyon.Para ipakita kung sino talaga ang may-ari ng bahay at ipaintindi ang tunay niyang kalagayan."Vernon, anak, bakit ka nandito?"Hindi maipagkakaila ang tingin nito sa kamay ng dalawa.Halos mapanis ang kanyang ngiti.Sandaling natigilan si Eliza pero agad din siyang ngumiti nang buong saya kay Vern.
“Wala kang karapatang magsalita dito, Rana. Pwedeng tumahimik ka na lang?! Mas lalo mong pinapagulo ang sitwasyon.”Natatakot si Pey na magsabi pa ng hindi kontroladong bagay si Rana, kaya agad niya itong pinigilan.Tumawa si Rana ng may pang-iinsulto.Halos itulak niya si Vern na sa kanyang harapan para lang mas maharap ang mag-ina.“Ginagawa niyo na tapos hindi niyo kayang aminin? Parang ngayon lang. Klarong klaro na ang nanay mo ang unang naghanap ng gulo sa akin. Siya ang pumunta sa lugar ko. Sumubok pang pwersahang pumasok mismo sa bahay ko. Tapos ako pa ang pinapalabas na may kasalanan?”Napayuko si Bryson.Inilagay niya ang nakakuyom na kamao sa kanyang bulsa.Nagtatagis ang kanyang panga dahil sa mga naririnig.At sa nagiging tahimik na response ng ginang.If they are innocent they would react.“Ang mga kasinungalingan niyong mag-ina ay talagang nakakabilib! I-KMJS na ‘yan!”Sinubukan pa ni Rana na magbiro habang nagtatagis ang panga sa galit para sa mag-ina.They never learn
Nang ilabas ang footage ng CCTV ay agad na naunawaan ni Bryson na naloko siya.Hindi si Rana ang nambully sa kanila.Kundi sina Eliza at ang kanyang bodyguard.Hindi na kailangan ni Rana na ipaliwanag ang nangyari.Kahit sino ay makikitang malinaw kung sino talaga ang nang-aapi at nagmamalaki gamit ang koneksyon nila."‘Yan ba ang sinasabi n'yong hinimatay dahil kay Rana? Nagdala kayo ng bodyguard para pilitin sirain ang pintuan ng bahay ng iba. Tapos bawal pang ipagtanggol ang sarili at tumawag ng pulis?"Asik ni Vern.Nag-iinit na ang kanyang mata sa galit.Halos manginig na siya sa inis para sa mag-ina.Kahit kailan ay wala itong ginawanag tama."At dahil tinawagan kayo ng mga pulis, nagkunwari pa kayong hinimatay. Pagkatapos lahat ng sisi ay isinisi kay Rana!”Malamig ang tono ni Bryson habang malamig ding nakatingin kina Eliza at Pey.Hindi na mapakali ang dalawang babae.Hindi na alam kung paano pang lulusutan ang gusot na ito.Wala nang lakas ang mag-ina para magsalita.Nakayuk
"Sixty point eight million once.""Sixty point eight million twice.""Sixty point eight million three times!"“Sold!” sigaw ng host."Congratulations to this lady. You’ve successfully bid for this jade ring at sixty million and eight hundred thousand pesos!"Natigilan sina Bryenne at Pey.Tila hindi na nila naririnig ang sinabi ng host.Hindi maka-recover si Bryenne.Parang binagsakan siya ng bloke ng yelo sa ulo.Unti-unti niyang nilingon si Rana.Nakaupo na ito ngayon at may malapad na ngiti sa kanya.Nanginig si Bryenne.Alam niyang napasok niya sa patibong ni Rana.Naisahan na naman siya nito!"Anong gagawin natin? Tayo ba talaga ang kailangang magbayad ng gano'ng kalaking pera?"“What a fucking con bitch!” galit na galit na sabi ni Bryenne.Namutla rin si Pey.Nagsisisi habang nakatingin kay Bryenne.Hindi siya mapakali sa inuupuan.Kung alam lang niya ay sana’y pinigilan na niya kanina pa si Bryenne.Kung sana hindi siya nagpadala sa kayabangan nito ay walang silang problema nga
"Padala mo kay Froilan ang mga larawang kuha sa auction. Ipa-imbestiga mo kung bakit sila nag-aagawan sa singsing na iyon.”Tuluyan nang nakalimutan ni Bryson ang inis para sa kaibigan.Hindi pa rin sila nakakapag-usap ng matino matapos ang insidenteng nangyari sa bahay ng mga Esquivel.Ganon pa rin ang desisyon ni Bryson.He wants him out of his company.After all this, ipapaalala niya ang resignation letter. "Sige." tanging nasabi ni Moss.At habang nasstuck sa traffic ay kusa na rin siyang nagtatanong-tanong sa kanyang mga koneksyon.Para na rin mas mapadali ang pag-iimbestiga sa singsing na iyon.Hindi nagtagal ay nalaman na rin niya ang pinagmulan ng jade na singsing.Nakakunot ang kanyang noo.Naguguluhan sa nalaman.“Ayon sa aking credible source, si Bryenne daw ang naglagay niyon sa auction.”Nagkatinginan silang dalawa ni Bryson.Nagpatuloy si Moss sa pagbabasa sa kanyang cellphone.“Sa kanya galing ang halos lahat ng ipina-auction sa mga alahas na kategorya.”Malalim ang is
Kumikislap ang mga mata ni Pey at kunwari’y nagtatakang tumingin kay Bryenne.“So, you mean..”“Malamang nakilala ni Rana na kanya ang mga gamit na ito. Kaya gusto niyang bilhin lahat pabalik.” tumaas ang kilay ni Bryenne. “Kung ganoon, bakit hindi natin siya pahirapan sa presyo?”Tutal ay balak naman talaga nilang pataasin ang presyo.Ngayon ay tinutuloy lang nila ang plano.“Sigurado ka bang uubra ’yan?”“Bakit naman hindi? Tingnan mo na lang!”Punong-puno ng kumpiyansa si Bryenne.Pero nabigo siya.Hindi na muling nagtaas ng paddle si Rana.Kanina lang siya nag-bid para hindi si Andy ang gumastos. Sa totoo lang maliban sa jade na singsing ay wala siyang balak bilhin ang iba.Hindi lang si Rana ang di na nag-bid.Pati si Andy na katabi niya ay tahimik na rin.“Anong problema niya? Bakit hindi na siya bumibili? Hindi kaya hindi niya nakilala ang mga gamit?”Dismayadong-dismayado si Bryenne.Nakaayos na sana ang plano.Ngunit mukhang papalpak na naman yata dahil hindi naman kumakagat
Sampung minutong pahinga.Kaya naman agad na nagpaalam si Andy para sa banyo.Kaya sinamahan nalang siya ni Rana na pumunta roon.Pagdating nila sa may pinto ay muli na naman nilang nakasalubong sina Pey at Bryenne.Mabilis na tumapang ang itsura ni Rana.While Bryenne was on her defensive stance too."Aba talagang ayaw mo kaming tantanan. Sinusundan mo ba kami? Dukha! May pera ka ba?" pangungutya agad ni Bryenne kay Rana.“Sobra namang liit ng mundo para sa atin. Palibhasa pakalat-kalat kasi ‘yang pagmumukha niyo.” ganti naman ni Rana.Natawa si Andy.Nagkatinginan sila ni Rana.“Tara na. Sa ibang floor tayo. Kaya pala sobrang panghe ng cr dito. May mga baboy na gumamit.”Agad niyang nilampasan ang dalawa.Hindi na lumingon pabalik.Wala na siyang balak makipagtalo sa mga ito.Nakakaubos ng energy ang kabobohan ng mga ito.Magmumukha lang siyang walang pinag-aralan kung gagawin niya 'yon.Katulad ng dalawa."Che! Mas mapanghe ka!” iritadong sabi ni Bryenne. "Kala mo kung sino. Kanina
Tinignan ni Bryson ang cellphone nang maramdaman ang pagba-vibrate nito.The auction was about to begin.And here’s his mother, calling him. “Nasaan ka, anak?”Halos hindi niya marinig iyon dahil may nagsasalita na sa harap.“I have important errands to run, ma. Bakit may nangyari ba?”“Ewan ko ba..” umubo ng ilang beses ang ginang. “Nahihilo ako ng sobra at parang hindi na makahinga. Parang kulang na naman ako sa gamot.”“Naubusan ka?”“Yes, my dear.”Halos lunurin iyon ng nagsasalita sa harap.Kaya naman halos mapatingin rin sa kanya ang mga nakakarinig sa boses niya.Maging sina Rana at Andy ay napatingin sa direksyon niya.“Hold on. Hindi kita marinig. Lalabas ako, ma.” he urgently said.Agad na tumayo si Bryson upang makalabas ng hall.Nagkatinginan sina Rana at Andy. Hindi maintindihan ni Moss ang nangyayari kaya agad siyang sumunod.“Anong nangyari? May problema ba?”Tuloy-tuloy si Bryson palabas.Hindi na rin napapansin ang mga bumabating negosyante sa kanya.“Hindi na tayo
“Sigurado ka ba?” Gulat na gulat si Andy habang nakatingin kay Rana. Kinuha ni Rana ang isa pang talaan sa tabi niya.Sa tanong ni Andy ay tila ba nagdalawang-isip pa siya.Binuklat ito hanggang sa hulihang bahagi at unti-unting sumeryoso ang kanyang mukha.“Sigurado ako. Hindi lang ‘yung kwintas na iyon. Pati na rin ang mga hikaw na ito. Pulseras, mga cufflink, at itong singsing na jade.”“Ganito karami?” Namangha si Andy. “Pero ‘di ba mga alahas mo ‘yan bilang dowry? Paanong napunta dito? Talagang binenta nila?”Nang maalala ni Rana ang pagdating nina Bryenne at Pey kanina alam na niya.Mapait siyang ngumiti sa loob-loob niya.“Ako rin gustong malaman.”Rana filled with much anger.Talagang hindi tumitigil ang bruha na iyon na inisin siya. “Eh anong gagawin natin ngayon?” tanong ni Andy. “Gusto mo bang kontakin ang organizers? O gusto mo ba ako na lang ang bumili ng mga ito?”Bumalik sa ulirat si Rana at tumingin kay Andy.“Lahat ng ito ay mga alahas na dinala ko mula sa bahay nami
Nang makita si Bryenne na umalis ay agad na humabol si Pey. Nakita rin niya si Bryson pero hindi siya naglakas-loob na batiin ito. Wala na siyang mukhang maihaharap dito. Kahit hindi naman siya gaanong sumali sa usapan ay siguradong hila-hila siya pababa ni Bryenne."Lintek talaga 'tong tanga na 'to. Nadamay pa ako!" gigil niyang bulong habang hinahabol si Bryenne.Sa kabila ng gamit niyang tungkod ay mabilis siyang kumilos at agad na naabutan si Bryenne.Halos itago nila ang mga mukha dahil sinusundan sila ng tingin ng mga tao. May isa pang binangga si Bryenne sa sobrang init ng ulo.Hindi inakala ni Bryson na ganoon ang gagawin ni Bryenne, kaya’t napapapikit nalang siya sa inis. Umigting ang kanyang panga ng magtama ang mata nila si Rana. Mariin ding nakatingin sa kanya si Andy.Palaisipan sa kanya kung paanong nagkakilala ang dalawa. Ngunit hindi na rin niya masyadong pinagtunaan ng pansin. Kinakain pa siya ng hiya dahil sa ginawang kapalpakan na naman ni Bryenne at Pey.But, knowin
“Hah!”Namumula na ang tenga ni Bryenne sa galit.Sa isip niya ay nagtawag na si Rana ng kakampi dahil hindi na siya nito kaya.Napangisi siya sa sariling imahinasyon.“Sino ka ba ha? Pumapayag kang maging tuta ng babaeng ‘yan? O baka naman pareho kasi kayong social climber?!”“Alam mo Bryenne, sayang ka.” sabi ni Rana.Tumaas ang kilay ni Bryenne ngunit hindi na rin nagsalita.“Apelyido mo lang tanging maipagmamalaki mo. But, the rest of you?”Ni- head to foot ni Rana si Bryenne.Kitang-kita ang pandidiri sa kanyang mukha.“All of it. Are trash.”“Ikaw ang dapat ilagay sa basurahan!”Susugod na sana si Bryenne ngunit mabilis siyang pinigilan ni Pey.Nabitin sa ere ang kanyang kamay.“Ano ba, Bryenne. Stop acting like a kid! My gosh.” muli siyang tumingin sa paligid. “Ang daming nakatingin!”Muli ay natauhan si Bryenne.Nilingon niya ang mga taong nagbubulugan na ngayon.Ang iba ay may hawak pang cellphone.“That’s right. Ipakita mo kung gaano ka kababa, Bryenne. Hayaan mo silang i-re
Nang makita ni Pey na seryoso si Froilan sa pag-asikaso ng kanyang mga papeles para makalabas ng bansa at pati ang tirahan nila ng kanyang ina sa ibang bansa ay inayos na.Nataranta siya.Nauna na niyang kinausap ang ina nina Bryson at Bryenne.Ngunit, sa kasamaang-palad ay hindi rin mabuti ang ugali ng pamilya Deogarcia.Sa halip ay puro paghingi lang sila ng kung anu-anong bagay sa kanya.Bawat buka ng kanilang bibig ay kailangan may kapalit kang ibibigay sa kanila.Kung hindi niya maibigay ang mga hinihingi ng ginang na Deogarcia, tiyak na ni katiting na tulong ay hindi niya pwedeng asahan.Galit na galit si Pey halos pumutok ang kanyang ngipin sa inis.Ngunit wala na siyang malalapitang iba.Habang siya'y puno ng poot at kaba, bigla niyang nakita sa balita na sinubukan ni Bryson na makipagbalikan kay Rana.Ngunit tinanggihan ito ng huli.Sa sandaling iyon ay parang nalaglag si Pey sa kailaliman ng tubig na puno ng yelo.Nanlamig ang kanyang buong katawan.Ang dami na niyang ginawa