Nanlamig ang puso ni Rana. Maging siya ay hindi makapaniwalang masasabi niya ito.
"Mula ngayon, wala na tayong kinalaman sa isa’t isa. Pakasalan mo si Pey o kahit sino pa. Wala na akong pakialam!"
Tinapon niya ang singsing kay Bryson. Rumehistro sa mukha nito ang disgusto sa ginawa niya.
Pinulot nito ang singsing. "Gusto mong makipaghiwalay? Ibibigay ko ang gusto mo. Pero bago iyon, kailangan mong pagbayaran ang kasalanan mo."
Matatag ang tingin ni Rana.
"Noon, tiniis kita dahil mahal kita. Pero ngayon, napagtanto ko kung gaano ako naging bulag para mahalin ka! Gusto mong kunin ang bato ko? Ito oh! Dalawa pa." she raised her two middle fingers at him.
Lalong nagalit ang lalaki.
"Bakit hindi bato mo ang ibigay mo? Tutal mahal na mahal mo naman siya diba?"
Itinulak niya ang doktor at tumakbo papasok ng kwarto ni Pey. Sinubukan siyang pigilan ngunit mabilis siyang nakapasok sa loob.
Nakahiga si Pey sa kama at nakikipag-usap sa nurse.
"You want my life? Hindi ko inakalang may mas ibababa ka pa, Pey." gigil niyang bungad rito dahilan para mapatalon ito sa gulat.
"Rana.."
PAK!
Isa ngunit mula sa ibaba ang sampal na ibinigay ni Rana kay Pey.
"Isa lang. Maka-isa lang ako sa'yong, hitad ka!"
"Rana!" Hinabol siya ni Bryson sa loob.
Madilim ang ekspresyon nito. Nawala ang lambot na naramdaman niya para sa babae kanina. Ngayon ay sigurado siyang kinamumuhian niya ito.
"Ano, natatakot kang saktan ko siya?" nanunuyang sabi ni Rana.
Napatingin si Bryson kay Pey na umiiyak na. "Huwag kang matakot, hindi kita hahayaang mapahamak."
Nababaliw na tumawa si Rana.
Kumislap ang isang tagumpay na ngiti sa mga mata ni Pey. "Bry, ang sakit..."
Mabilis na kumilos si Rana at pinindot ng bahagya ang kanyang tiyan gamit ang daliri.
"Weh? Parang hindi naman. Hindi pa naman lumulusot yung kamay ko sa tiyan mo, oh." pinindot-pindot nito ang tyan ni Pey.
"Rana!" saway ni Bryson.
"Rana, hindi kita sinisisi. Kung ayaw mong i-donate sa akin ang organ mo, hindi ako magtatampo."
Tumawa si Rana at tumango-tango. Tinatanggap niya na baliw na talaga ang babaeng ito. Ika nga nila, maging mabait sa mga hayop.
"Kung gusto mong makuha ito, kailangan mong masaktan nang sapat."
Isang malamig na aura ang bumalot kay Rana habang mas lumapit siya kay Pey.
Bigla niyang hinawi ang malinis na tela na nakatakip sa katawan ni Pey, kaya lumantad sa lahat ang sugat sa kanyang tiyan.
Biglang dumilim ang mukha ni Bryson.
Sa kanyang maputing tiyan, may isang hiwa lamang na tatlong sentimetro ang haba. Mababaw lamang at hindi na dumudugo.
Tulad ng inaasahan ni Rana, hindi matalim ang ginamit. At hindi rin kayang saktan nang matindi ni Pey ang kanyang sarili.
"Hindi ako tulad ni Bryson na 2 mb ang utak para isiping aabot sa bato mo ang pang-ahit ko ng kilay." ngumisi siya rito. "Malas lang dahil walang kalawang 'yon. Mas maniniwala sana ako."
Dati, pinapahalagahan niya ang mararamdaman ni Bryson.
Ayaw niyang magalit ito o makipagtalo sa kanya, kaya hinayaan niyang tapak-tapakan siya ni Pey.
Ngayon, tila naging bato na siya sa kung anong iisipin ng asawa. Hindi na niya hahayaang sirain siya ni Pey.
"Bato ko ang gusto mo hindi ba? Patingin muna ako ng sa'yo." idiniin nito ang kanyang daliri sa sugat.
"Ra.. ahh!"
Hindi pa kailanman nakita ni Pey ang ganitong anyo ni Rana. Para siyang isang demonyo na bumangon mula sa impiyerno.
"Hindi ko alam. Baka.. baka nagkamali lang ang doktor. Rana, huwag.." nakapikit nitong saad.
"Ganun ba? Sige, palakihin natin ang sugat nang makita rin ng tagapaglitas mo rito kung sira nga ba o baka bungo mo na 'yung nasisira."
Pinagdiinan ni Rana ang sugat, at biglang dumaloy ang sariwang dugo.
Nanlaki ang mata ni Pey at walang magawang tumingin kay Bryson na kanina pang nakatulala habang naririnig ang mga sinabi ni Rana.
"Bry, tulungan mo ako! Iligtas mo ako, please! Para nalang kay Ralf."
Nang marinig ang pangalan ni Ralf ay bahagyang nagdalawang-isip si Bryson.
Agad siyang lumapit at hinawakan ang kamay ni Rana. "Tama na."
Binitiwan ni Rana ang sugat, at may lungkot sa kanyang mga matang humarap sa lalaki.
"Oo, tama na. Ihahanda ko ang papeles para sa divorce at ipapadala ko bukas. Simula ngayon, wala na tayong koneksyon."
Mabilis na tinalikuran ni Rana ang dalawa.
Hindi na niya hinayaang makapagsalita pa ng kahit ano si Bryson dahil alam niyang masasaktan lang siya sa sasabihin nito.
Hindi siya handa ngunit kailangan na niyang iwan ang lahat ng ito.
"Don't look back, Rana." paalala niya sa sarili.
"Bry..." mahinang tawag ni Pey.
Pinilit ni Bryson na itapon ang kanyang magulong damdamin sa huling sinabi ni Rana.
Mabilis rin siyang lumabas sa kwartong iyon, hindi na pinansin pa ang tawag ni Pey.
Nasa labas pa rin ang kapatid niya at ang doktor. Hindi niya alam kung susundan niya ba si Rana dahil nagdilim bigla ang tingin niya sa doktor na ito.
Ginawa siyang loko-loko.
Si Rana ay isang ulila.
Kung lalayo ito sa kanya hindi niya alam paano bubuhayin ng babae ang sarili.
Ngayon, mali siya sa kanyang akala. Walang lingong-likod itong umalis palayo sa kanya.
Sa buhay niya.
Sinugod niya ang doktor at kinuwelyuhan.
"Sira ang kidney? Kritikal ang lagay?" alog niya rito. Napapatili pa ang kanyang kapatid.
Nanginginig ang doktor at patagong sumusulyap sa kwarto kung nasaan si Pey.
"Hindi po ito maling diagnosis, Mr. Deogracia. Please, huwag mo akong idamay. Lahat ng ito ay plano ni Miss Pey. Sinabi niyang kapag namatay si Mrs. Deogracia, siya..."
"Lumayas ka sa harapan ko!" parang kulog nitong sigaw sa buong corridor na iyon.
Muli siyang bumalik sa kwarto ni Pey. Pabagsak niyang binuksan ang pinto.
Nakita niyang nakaupo na ito at nang mag-angat ng mukha ay basang-basa sa mga luha.
"Sa mga nakaraang taon, palagi kitang pinapalampas!"
"I'm sorry, Bry! Nagkamali ako. Pakiusap, alang-alang kay Ralf, patawarin mo ako." Umiiyak na pagsusumamo ni Pey sa lalaki.
Napabuntong-hininga si Bryson. Hindi niya matanggap na napapaikot siya nito gamit ang pangalan ng ibang tao.
"Ito na ang huling beses, Pey. Ang posisyon ng asawa ko ay hindi kailanman magiging iyo. Kung susubukan mo akong lokohin muli, kahit bumangon pa si Ralf mula sa libingan, hindi ka na niya maililigtas."
Habang paalis sa ospital, ilang beses na tinatawagan ni Bryson ang number ni Rana ngunit hindi ito sumasagot.
Tila bula na biglang nawala ito dahil hindi na niya mahanap ang babae sa bahay, sa opisina o kahit sa mga lugar na madalas niyang puntahan.
Ang kabog sa dibdib ni Bryson ay kakaiba. Hindi ito basta-bastang umalis lang.
Rana is nowhere to be found!
Sa sala, isang lalaki ang nakaupo sa sofa.
Nakapatong ang isang binti sa kabila at nakasuot ng salamin na may gold na frame na nagbibigay sa kanya ng marangal at kagalang-galang na anyo.
Inilipat nito ang sunod na pahina ng dyaryong binabasa.
"Handa ka nang bumalik?" kaswal nitong sabi.
Tiningnan siya ni Rana, at biglang napangiwi bago tuluyang humagulgol.
"Kuya!"
Napaluhod si Rana sa harap nito.
"Bakit ka umiiyak? Kung inaapi ka, gumanti ka. Natatakot ka bang hindi kita kayang ipagtanggol?" sabay baba nito sa hawak na babasahin.
Walang imik ang dalawa habang nagmamaneho si Bryson.Ramdam na ramdam ng lalaki ang tensyon.Hindi niya alam kung tutuloy pa ba sila sa columbarium kung saan nakalagak ang mga abo ng mga magulang ni Rana.Lumunok siya at bahagyang sumulyap sa katabi. “We can go to a mall. To buy you.. new clothes.”“It’s fine.”Muling natahimik si Bryson.Hindi nawawala ang tensyon sa kanya.Rana’s face seems to be relaxed and peaceful, but her aura tells another story.Napapikit siya.“Tutuloy ba tayo sa–”“Ayaw mo ba? I can go alone.” akmang kakalasin nito ang seatbelt kaya agad itong inagapan ni Bryson.“No! No! Diyan ka lang. Sasama ako. Dalawa tayo.” sinulyapan niya ulit si Rana. “Gusto kong sumama.”Hindi na ito sumagot at inilubog nalang ang sarili sa upuan.Pumikit ito kaya lalong bumagsak ang damdamin ni Bryson.Huminga siya ng malalim at hinayaan nalang itong magpahinga.Nakarating sila sa sementeryo.Hindi na siya hinintay ni Rana kahit obvious na nagmadali pa siya para ipagbukas ito ng pin
“Are you done?”Marahang kumatok si Bryson sa kanilang kwarto.Nasa loob pa ang dalaga at naghahanda para sa kanilang dinner date routine tuwing sabado.Sa labas sila kumakain, konting date date sa kung saan matipuhan ni Rana.“Almost! Give me a sec!” sigaw ni Rana sa loob.Pinatunog ni Rana ang mga labi nang matapos ilagay ang lipstick.Pinaghandaan niya talaga ito dahil kung hanggang ngayon ay mag-asawa pa rin sila ni Bryson, ay ito ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib.Bahagya rin niyang inihahanda ang sarili na hindi madisappoint kung hindi man ito maalala ni Bryson.After all, they are starting again.Kaya baka ang lahat sa nakaraan ay gustong kalimutan ng lalaki.Ngunit paglabas niya nang silid niya ay tumambad sa kanya ang isang palumpon ng bulaklak pagkatapos ay sumungaw sa gilid non ang mukha ni Bryson.Malaki ang ngiti nito at napakagwapo sa bagong gupit na buhok.Naliligo na kasi si Rana nang magpaalam ito na magpapagupit kaya ngayon lang niya ito nakita.“Happy Anniversa
“Andy?”Sinabayan ng katok ni Rana ang pagtawag niya kay Andy.Napag-alaman niyang sa kwarto ng kanyang kuya na ito tumutuloy kaya doon siya agad dumiretso.Hindi sana muna niya kakausapin si Andy dahil baka naiilang pa ito ngunit ito nalang ang magiging takas niya sa kuya Ruan niya.“Please, Andy, let's talk. Hindi naman ako galit eh.”Nakadikit siya sa pinto kaya naman na-out balance siya nang buksan nito ang pintuan.Namumula ang mga mata nito at tungki ng ilong.“Can I come in?”“Ano ka ba. Syempre bahay niyo ito eh.”Ngumiti si Rana. “Bahay natin.”Napanguso si Andy. Halatang pinipigilan ang muling pagbuhos ng luha. “Pumasok ka na nga.”Sabay silang naupo sa kama.Saglit na nanahimik bago siya tuluyang humarap kay Andy.Tumingin din ito sa kanya kaya niyakap na niya ito.Naramdaman ni Rana na saglit na nanigas si Andy ngunit lumambot rin kalaunan.“I’m so happy for you.”“I’m sorry.”Kumalas si Rana sa pagkakayakap at nakakunot ang noong tinignan si Andy.“Bakit ba sorry ka ng so
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa magkapatid.Lahat ng kaba at pagkabalisa ni Rana at tila lumipad na sa hangin dahil sa nalaman.Pareho silang nakatitig sa lamesa.Nabasag ang katahimikan nang tumayo ang kanyang kuya upang patayin ang kalan saka bumalik sa pagkakaupo nito, isang silya ang pagitan mula sa kanya.“Like what Andy said. We are sorry. Hindi namin nasabi agad sa’yo. It’s intentional but we have no choice.”Kinagat ni Rana ang labi. “Wala naman kayong dapat ipag-sorry.”Nakita ng dalaga sa gilid ng kanyang mata na nilingon siya ng kapatid kaya lumingon din siya dito.“Are you sure? You’re not… upset with her?”“Bakit naman?” bigla siyang natigilan sa susunod na sasabihin. “Ang saya nga eh. May… pamangkin na ako.”Habang sinasabi iyon ni Rana ay hindi niya mapigilan ang pangingilid ng kanyang luha.Hindi iyon mailabas ng kanyang dila.Tila ngayon lang sa kanya nag-sink in talaga ang nangyayari at mangyayari sa mga susunod pang araw.Masaya niyang inangat ang paningin
Maayos na lumipas ang mga araw para kina Rana at Bryson.Halos inuunti-unti na rin ni Bryson ang pagpapalipat sa mga gamit ni Rana sa bahay nito.“Parang nakakahalata na ako sa’yo.” sita ni Rana isang gabi. “Palagi mo ako dito pinapatulog at sinasabihang magdala nalang ng damit para di na ako mahirapan pagpasok.”Natawa si Bryson.Sinamahan niyang tumayo sa tapat ng kanyang walk-in closet si Rana na nakatitig sa mga damit niya roon.Halos isang parte noon ay mga gamit at damit ni Rana ang nakalagay roon.Nakataas ang gilid ng labi ni Rana nang harapin niya si Bryson.Nagkibit balikat ang binata.“Bakit pala hindi ka sumama maghatid kila Bryenne?”“Kaya na nila ang mga sarili nila.”“Buti sumama ‘yung kapatid mo ‘noh?”“Well, if not. Alam niyang magdudusa ang buhay niya na kaming dalawa lang ang magkasama dito sa Pilipinas. Siya na mismo ang nagprisinta na sumama kay mama.”Binasa ni Rana ang labi. “D-did they know?”“Ang alin?”Hindi nakapagsalita si Rana. Hindi niya alam kung anong t
“Ugh..” ungol ni Rana habang pinipilit ang sarili na bumangon mula sa pagkakahiga. Ihing-ihi na siya.Tinignan niya ang oras sa kanyang cellphone. 5:28 am na. Nilingon niya ang nasa tabi niya.Mahimbing na mahimbing na ang tulog ni Bryson.Matapos nilang mag-usap kagabi ay sa isang umaatikabong tagpo na naman natuloy ang pag-uusap na iyon.Bandang huli ay hindi na nakapagluto ang lalaki at nag-order na lamang sila.At katatapos lang nila kani-kanina!Natawa si Rana at napailing nalang. She leaned in for a kiss.Muli siyang napaungol nang maramdaman ang pananakit ng buong katawan. Habang padalas nang padalas ang pagtatagpo ng kanilang mga katawan ay patindi rin ng patindi ang mga ginagawa sa kanya ni Bryson.Kung hindi lamang masarap ang mga ginagawa nito sa kanyang katawan ay umayaw na siya.She knows that Bryson might be good in bed. But she didn’t expect this wild!Para siyang nasisiraan ng bait tuwing may mga bago itong ginagawa sa kanya.Kahit siya ay hindi niya na makilala ang sa