Share

CHAPTER 4: Paper

Author: novelYsta
last update Last Updated: 2025-03-19 21:58:04

Pigil na pigil ang galit ni Ruan habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kapatid.

Maagang binawian ng buhay ang kanilang mga magulang, kaya't siya ang nag-alaga kay Rana mula pagkabata.

Hindi niya kailanman hinayaang magdusa ang kapatid.

Kung hindi lang dahil sa pangako niyang hindi ibubunyag ang tunay na pagkatao ni Rana ay hindi niya palalampasin ang Deogracia na iyon nang ganoon na lang.

Pagod na sa kakaiyak, mahina at paos na nagsalita si Rana.

“Kuya, gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya.”

Napagtanto na itong lahat ni Ruan pagkatapak na pagkatapak palang ng kapatid sa kanilang pintuan.

Para sa tinatawag na ‘pag-ibig’, ibinaba ni Rana ang sarili.

Tiniis ang lahat, at pinutol ang ugnayan sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Ginawa na niya ang lahat para sa batang Deogracia na iyon.

Kumuyom ang kamao ni Ruan at nagtagis ang panga. Umuusbong ang galit para kay Bryson.

Lumapit siya sa kapatid at hinaplos ang buhok nito nang may lambing. “Sige.”

“Katulad ng napag-usapan, ako ang magpapatakbo ng sariling negosyo ko, at ang iniwan ni Mama at Papa ay ikaw na ang magpapatuloy. At ngayong makikipag-divorce ka na, siguro naman ay babalik ka na at ipagpapatuloy ang buhay mo kung saan ka nararapat?"

Tumango si Rana. Mas lalong naging determinado.

“Yes, kuya. Salamat.”

Ngumiti si Ruan. “Bakit mo pa sinasabi ‘yan sa akin? Simula ngayon, hayaan mong si Vern ang gumabay sa iyo sa negosyo. Anuman ang hindi mo maintindihan o mahirap para sa iyo, sabihin mo lang."

Tumango si Rana.

"Ang tanging prinsesa ng pamilya Esquivel ay bumalik na. Karapat-dapat kang magkaroon ng lahat.”

May init na naramdaman sa kanyang puso si Rana. Niyakap niya ang kanyang kuya.

This was her life before Bryson.

This was her.

No.

It should be, 'this is her'. Kung may magbabago man dapat sa buhay niya ay dapat mas higit sa buhay niya bago siya mag-asawa.

Ngunit kabaligtaran ang nangyari.

"Imbis na glow up, glow down ang ginawa mo sa sarili mo, Rana." iling niya sa sarili nang titigan ang kanyang repleksyon sa salamin ng kanyang sariling silid noon.

Walang binago ang kuya niya rito. Pero sigurado siyang pinapalinisan ito.

"See that, Rana? Dapat katulad ng kuya mo ang standard mo sa lalaki!" naisaboses niya ang naiisip.

Binuksan niya ang walk-in closet niya. Napangiti siya.

Her designer clothes still hanged neatly. Her bags and shoes on the other side, shone. Napabilib siya dahil hindi niya inasahang pati ang mga ito ay aalagaan ng kanyang kuya.

Beside here is another door, leading to her dressing room and make-up studio.

Binuksan niya iyon at muli na naman siyang namangha dahil talagang walang agiw o alikabok manlang ang mga gamit at make-ups niya rito.

When she's done making her herself presentable, napangisi siya sa nakita sa salamin. Namiss niya ito. Ibang-iba sa Rana Deogracia.

"You are not forgotten, Ranayah Esquivel. Show them who you really are."

Mabilis siyang nakarating sa bahay ng mga Deogracias. Nasa kamay niya ang divorce papers nila ni Bryson. Wala nang atrasan.

Tinanggal niya ang sunglass na suot pagkababa sa sasakyan.

Tiningala niya ang bahay na tatlong taon niyang tiniis.

"It's showtime."

Nang makapasok sa loob ay wala roon si Bryson. Si Bryenne ang sumalubong sa kanya.

Pagkakita ni Bryenne kay Rana ay agad nag-init ang dugo niya rito.

Ilang buwan siyang pinagkaitan ng allowance ni Bryson dahil sa insidenteng nangyari.

“Oh, hindi ka na ba mabubuhay sa labas kaya bumalik ka? Akala ko ba matigas ang ulo mo? Pero bumalik ka rin para gastusin ang pera ng kuya ko.” 

Hinagis ni Rana ang hawak na folder sa center table. Hindi na siya nag-abalang umupo sa sofa.

“Divorce papers 'yan. Kapag bumalik ang kuya mo, pakisabi na pirmahan niya ito. Nandyan sa likod ang email ko kung saan niya ipapadala."

“Anong—?!”

Napatigil si Bryenne nang mapansin ang suot ni Rana. Hindi niya nakita ito kanina dahil naunahan siya ng inis.

Ngunit ang makita ito ng malapitan ay hindi siya makapaniwala. Isang bagong labas na disenyo mula sa Paris Fashion Week noong nakaraang linggo na mahirap makuha sa bansa!

Tinuro niya ang damit. “Ang suot mong ‘yan… peke ‘yan, ‘di ba?" tumawa ito.

Tumaas ang kilay ni Rana.

"Patawa ka talaga, 'no? Huwag mong isipin na dahil hinanap ka ng kuya ko ng dalawang araw, may ipagmamalaki ka na! Bilisan mo at magluto ka na! Wala si ate Helen ngayon, ayokong kumain ng takeout.”

Tinitigan ito ni Rana. "Sana sinabi mo agad. Para dinala ko 'yung tira-tira ko kanina."

Pinulot niya ulit ang papel sa lamesa at binato sa mukha ng babaeng Deogracia. Tapos na siya sa pagtitiis sa ugali nito.

“At hindi ka ba nakikinig sa akin? Ito na ang divorce papers namin ng kuya mong walang bayag! Kaya 'wag mo kong mautus-utusan!" sigaw niya rito. "Alam ba ng mga ‘socialite’ mong kaibigan kung gaano kagaspang ang ugali mo? It runs in the blood. 'no? Ginawa niyo akong katulong kahit mas mukha ka pang ulila kaysa sakin!"

“Anong sabi mo?! Tumatapang ka na, ha?!” nauutal pang sita ni Bryenne. Gulat na gulat ito sa inasta ni Rana sa kanya.

Sa loob ng maraming taon, pagiging sarkastiko lang ang nasasabi nito sa kanya.

Kahit kailan ay hindi siya sinagot ng asawa ng kuya niya. Kaya ngayon lang niya nakita itong magalit.

“Bakit gulat na gulat kang mas mukhang akong matino sa'yo? Kung ako ikaw, magsisimula na akong gumamit ng utak. Hindi 'yan display, Bryenne. Wala ka na ngang ganda, di mo pa magamit 'yang utak mo? Di ka naaawa sa kuya mo?" tawa nito.

Halos magpalpitate ang mga ugat sa sentido ni Bryenne.

Alam ni Rana na hanggang asta lang naman ito at wala talagang buntot kapag pinalagan na. Nakaalis nalang si Rana sa bahay bago ito nakabalik ng sagot.

“Maghintay kang impakta ka! Sasabihin ko ‘to kay kuya!” angil nito.

Padarag na binuksan ni Bryenne ang pinto ng opisina ni Bryson.

Nagpupuyos pa rin siya sa sagutan nila ni Rana kanina. Kaya, dali-dali na siyang pumunta sa office ng kuya Bryson niya para magsumbong.

Ibinagsak niya ang divorce papers sa lamesa nito. Malamig na ekspresyon ang iginawad sa kanya ni Bryson.

“Kuya!" tili nito. "Napakayabang talaga ng Rana na 'yan! Ang kapal ng mukha na sabihing mas maganda siya sa akin?! HA!”

Mula sa patay na ekspresyon ay nagliwanag ang mga mata nito.

He's been waiting for how many days. He wants her to come back.

“Bumalik siya?” tumayo sa swivel chair at bahagyang inangat ang folder na itinapon ng kapatid sa kanyang lamesa.

Binuksan niya ito.

“Oo, ang kapal ng mukha 'diba. Sabi niya makikipag-divorce na siya. As if naman gusto mo pa siyang maging asawa.”

Habang naglilitanya ang kapatid ay kunot na kunot na ang noo niyang binasa ang papel.

Title palang ay halos itapon na niya ang papel.

"JOINT COMPLAINT, PETITION OR DECLARATION FOR DIVORCE DECREE."

Malalaki at itim na sulat sa taas ng papel. At sa ibaba ay may pirma na ni Rana.

“Wala na siyang makain sa labas pero gusto pa rin niyang makipaghiwalay. Siguradong nagpapakipot lang ‘yan, kuya! Pustahan tayo-”

“Tumahimik ka.” putol niya rito.

Napaupo siya at napasapo sa ulo.

Masakit na ang ulo niya sa mga nangyayari pagkatapos ay dumadagdag pa ang kapatid.

Hawak niya ito nang mahigpit.

Nayuyupi ang papel. Namumuti na rin ang kanyang kamay dahil sa higpit ng pagkakakuyom niya sa kanyang kamao.

Sa mababang boses ay nagsalita siya. Nagtagis ang kanyang panga.

"She will still push this, huh?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 164: Bomb

    Walang imik ang dalawa habang nagmamaneho si Bryson.Ramdam na ramdam ng lalaki ang tensyon.Hindi niya alam kung tutuloy pa ba sila sa columbarium kung saan nakalagak ang mga abo ng mga magulang ni Rana.Lumunok siya at bahagyang sumulyap sa katabi. “We can go to a mall. To buy you.. new clothes.”“It’s fine.”Muling natahimik si Bryson.Hindi nawawala ang tensyon sa kanya.Rana’s face seems to be relaxed and peaceful, but her aura tells another story.Napapikit siya.“Tutuloy ba tayo sa–”“Ayaw mo ba? I can go alone.” akmang kakalasin nito ang seatbelt kaya agad itong inagapan ni Bryson.“No! No! Diyan ka lang. Sasama ako. Dalawa tayo.” sinulyapan niya ulit si Rana. “Gusto kong sumama.”Hindi na ito sumagot at inilubog nalang ang sarili sa upuan.Pumikit ito kaya lalong bumagsak ang damdamin ni Bryson.Huminga siya ng malalim at hinayaan nalang itong magpahinga.Nakarating sila sa sementeryo.Hindi na siya hinintay ni Rana kahit obvious na nagmadali pa siya para ipagbukas ito ng pin

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 163: Red Wine

    “Are you done?”Marahang kumatok si Bryson sa kanilang kwarto.Nasa loob pa ang dalaga at naghahanda para sa kanilang dinner date routine tuwing sabado.Sa labas sila kumakain, konting date date sa kung saan matipuhan ni Rana.“Almost! Give me a sec!” sigaw ni Rana sa loob.Pinatunog ni Rana ang mga labi nang matapos ilagay ang lipstick.Pinaghandaan niya talaga ito dahil kung hanggang ngayon ay mag-asawa pa rin sila ni Bryson, ay ito ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib.Bahagya rin niyang inihahanda ang sarili na hindi madisappoint kung hindi man ito maalala ni Bryson.After all, they are starting again.Kaya baka ang lahat sa nakaraan ay gustong kalimutan ng lalaki.Ngunit paglabas niya nang silid niya ay tumambad sa kanya ang isang palumpon ng bulaklak pagkatapos ay sumungaw sa gilid non ang mukha ni Bryson.Malaki ang ngiti nito at napakagwapo sa bagong gupit na buhok.Naliligo na kasi si Rana nang magpaalam ito na magpapagupit kaya ngayon lang niya ito nakita.“Happy Anniversa

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 162: Sorry

    “Andy?”Sinabayan ng katok ni Rana ang pagtawag niya kay Andy.Napag-alaman niyang sa kwarto ng kanyang kuya na ito tumutuloy kaya doon siya agad dumiretso.Hindi sana muna niya kakausapin si Andy dahil baka naiilang pa ito ngunit ito nalang ang magiging takas niya sa kuya Ruan niya.“Please, Andy, let's talk. Hindi naman ako galit eh.”Nakadikit siya sa pinto kaya naman na-out balance siya nang buksan nito ang pintuan.Namumula ang mga mata nito at tungki ng ilong.“Can I come in?”“Ano ka ba. Syempre bahay niyo ito eh.”Ngumiti si Rana. “Bahay natin.”Napanguso si Andy. Halatang pinipigilan ang muling pagbuhos ng luha. “Pumasok ka na nga.”Sabay silang naupo sa kama.Saglit na nanahimik bago siya tuluyang humarap kay Andy.Tumingin din ito sa kanya kaya niyakap na niya ito.Naramdaman ni Rana na saglit na nanigas si Andy ngunit lumambot rin kalaunan.“I’m so happy for you.”“I’m sorry.”Kumalas si Rana sa pagkakayakap at nakakunot ang noong tinignan si Andy.“Bakit ba sorry ka ng so

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 161: Family

    Nakakabinging katahimikan ang namayani sa magkapatid.Lahat ng kaba at pagkabalisa ni Rana at tila lumipad na sa hangin dahil sa nalaman.Pareho silang nakatitig sa lamesa.Nabasag ang katahimikan nang tumayo ang kanyang kuya upang patayin ang kalan saka bumalik sa pagkakaupo nito, isang silya ang pagitan mula sa kanya.“Like what Andy said. We are sorry. Hindi namin nasabi agad sa’yo. It’s intentional but we have no choice.”Kinagat ni Rana ang labi. “Wala naman kayong dapat ipag-sorry.”Nakita ng dalaga sa gilid ng kanyang mata na nilingon siya ng kapatid kaya lumingon din siya dito.“Are you sure? You’re not… upset with her?”“Bakit naman?” bigla siyang natigilan sa susunod na sasabihin. “Ang saya nga eh. May… pamangkin na ako.”Habang sinasabi iyon ni Rana ay hindi niya mapigilan ang pangingilid ng kanyang luha.Hindi iyon mailabas ng kanyang dila.Tila ngayon lang sa kanya nag-sink in talaga ang nangyayari at mangyayari sa mga susunod pang araw.Masaya niyang inangat ang paningin

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 160: Cook

    Maayos na lumipas ang mga araw para kina Rana at Bryson.Halos inuunti-unti na rin ni Bryson ang pagpapalipat sa mga gamit ni Rana sa bahay nito.“Parang nakakahalata na ako sa’yo.” sita ni Rana isang gabi. “Palagi mo ako dito pinapatulog at sinasabihang magdala nalang ng damit para di na ako mahirapan pagpasok.”Natawa si Bryson.Sinamahan niyang tumayo sa tapat ng kanyang walk-in closet si Rana na nakatitig sa mga damit niya roon.Halos isang parte noon ay mga gamit at damit ni Rana ang nakalagay roon.Nakataas ang gilid ng labi ni Rana nang harapin niya si Bryson.Nagkibit balikat ang binata.“Bakit pala hindi ka sumama maghatid kila Bryenne?”“Kaya na nila ang mga sarili nila.”“Buti sumama ‘yung kapatid mo ‘noh?”“Well, if not. Alam niyang magdudusa ang buhay niya na kaming dalawa lang ang magkasama dito sa Pilipinas. Siya na mismo ang nagprisinta na sumama kay mama.”Binasa ni Rana ang labi. “D-did they know?”“Ang alin?”Hindi nakapagsalita si Rana. Hindi niya alam kung anong t

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 159: Cravings

    “Ugh..” ungol ni Rana habang pinipilit ang sarili na bumangon mula sa pagkakahiga. Ihing-ihi na siya.Tinignan niya ang oras sa kanyang cellphone. 5:28 am na. Nilingon niya ang nasa tabi niya.Mahimbing na mahimbing na ang tulog ni Bryson.Matapos nilang mag-usap kagabi ay sa isang umaatikabong tagpo na naman natuloy ang pag-uusap na iyon.Bandang huli ay hindi na nakapagluto ang lalaki at nag-order na lamang sila.At katatapos lang nila kani-kanina!Natawa si Rana at napailing nalang. She leaned in for a kiss.Muli siyang napaungol nang maramdaman ang pananakit ng buong katawan. Habang padalas nang padalas ang pagtatagpo ng kanilang mga katawan ay patindi rin ng patindi ang mga ginagawa sa kanya ni Bryson.Kung hindi lamang masarap ang mga ginagawa nito sa kanyang katawan ay umayaw na siya.She knows that Bryson might be good in bed. But she didn’t expect this wild!Para siyang nasisiraan ng bait tuwing may mga bago itong ginagawa sa kanya.Kahit siya ay hindi niya na makilala ang sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status