Biglang nagbago ang ekspresyon ni Pey. Ngumisi siya ng nakakaloko bago pumasok sa kwarto ni Rana.
"Kung ako ikaw, matagal ko nang hiniwalayan si Bry. Wala siyang kahit anong pagmamahal para sa'yo." nanunuya nitong patuloy.
Kumunot ang noo ni Rana.
"Mahalaga ba iyon? Hangga’t hindi pa ako nakikipaghiwalay, ako pa rin ang Mrs. Deogracia." asik niya rito. "Hanggang dyan ka nalang, Pey. Mananatili kang mababang uri ng babae dahil mananatili kang kabit!"
Umasim ang mukha ng babae ngunit agad ring napalitan ng nakakaloko na namang ngisi. Umikot ang paningin ni Pey sa buong kwarto.
"’Wag kang masyadong mayabang. Paano kung masaktan ako sa kwarto mong ito?" pinasadahan ng daliri nito ang lamesang nasa tabi niya. "Ano sa tingin mo ang gagawin ni Bryson at ng buong pamilya niya sa'yo?"
She was taken aback. Alam na alam ni Rana na hindi siya paniniwalaan ni Bryson. Alam niyang lugi siya.
"Lumabas ka."
"Tatlong taon... napakatagal na. Narito ako ngayon para sabihin sa'yo na hindi na ako maghihintay." Ngumiti si Pey na tila siguradong sa kanya ang huling halakhak.
"Anong ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ni Rana. Masama ang kutob niya sa sinabi nito.
Sa sumunod na segundo, biglang bumaling si Pey sa lamesang malapit rito.
Dinampot ang pang-ahit niya sa kilay at itinarak ito sa sarili niyang tiyan! Agad na nagkulay pula ang puti nitong bestida.
"Ranayah Esquivel Deogracia, your life will be mine!"
Nanlamig ang mga mata ni Rana. "Pey! Ano'ng ginagawa mo?"
Lumalaki at mas kumakalat ang pulang kulay sa puting blusa ni Pey. Namumutla na rin ito. Umubo ito ng isa habang nakatingin sa likuran ni Rana.
"Bryenne, si Rana.." nanghihina nitong saad. "Tulungan mo ako!"
Humahangos si Bryson nang bumaba sa sasakyan at lakad-patakbong tinungo ang entrance door ng ospital kung saan dinala si Pey.
Bumagal lamang siya nang abutan niya si Rana na tumayo mula sa pagkakaupo nang makita siya.
Nalampasan niya ito at niyakap ang kapatid na punong-puno ng pag-aalala para kay Pey.
"Kuya.." halos paiyak na tawag sa kanya ng kapatid.
Hinagod niya ang likod nito at madilim na tinignan si Rana.
Umiling-iling ang babae. Nagtiim ang panga niya. Saktong labas din ng doktor mula sa isang kwarto.
"Kayo po ba ang relative ni Feia Jem Santiago?" tanggal nito sa surgical mask at gloves na suot.
Tumango si Bryson.
"I am sorry to say, pero, nasira ang bato ng pasyente. Kailangan ng transplant."
Nanlalaking mata ang iginawad niya kay Rana. Lalong lumakas ang iyak ng kanyang kapatid.
"Anong ginawa mo kay Pey?! Anong ginawa mo, Rana?!"
Napapalunok nalang sa takot si Rana.
Ibang-iba ang itsura ni Bryson ngayon. Natatakot siya para sa sarili dahil sa mukha ng asawa niya ay parang hindi ito magda-dalawang isip saktan siya.
At hindi nga siya nagkamali nang inisang hakbang lang nito ang distansya nila at mariin siyang hinila dahilan upang matisod siya.
"Sukdulan na ba ang inggit mo sa kanya, Rana, ha?! Para magawa mo 'to?!"
"Hindi ako! Siya mismo ang sumaksak sa sarili niya!" pilit niyang tinatanggal ang mga daliri nitong bumabakat na sa kanyang braso.
Ngunit hindi nagpatinag ang lalaki. Tila tuluyan nitong nakalimutan kung sino siya sa buhay niya.
"Eh bakit, kelan ka ba nagkaroon ng puwang sa buhay niya, Rana?" tudya ng kanyang utak.
Itinulak siya ni Bryson sa pader. Napapikit siya nang lumagutok ang kanyang ulo.
Lumapit ito sa kanyang mukha. Ramdam na ramdam niyang hininga nito sa kanyang mukha habang nagtatagis ang pangang tumitig sa kanya.
"Anong gusto mong palabasin? Na sinaksak ni Pey ang sarili niya?" tumawa ito ngunit nawala rin agad. "Talaga bang nahihibang ka na?"
"Kilala mo ako, Bryson. Alam mong-"
Naputol siya nang magsalita ang kapatid nito.
"Nakita ko mismo, kuya!" nanggagalaiting duro ni Bryenne kay Rana. "Gusto ka lang niyang kausapin at humingi ng tawad, pero sinaktan mo siya! Kung hindi ako dumating sa oras, baka patay na siya ngayon!"
Tumikhim ang doktor.
"Nasa kritikal na kalagayan ang pasyente! Kailangan madaliin ang transplant."
Lumayo sa kanya si Bryson at walang reaksyong tumitig sa kanya.
"Ikaw. Ibigay mo ang bato mo kay Pey."
Biglang parang may naalala si Bryenne at itinuro si Rana habang tumatango-tango pa. "May universal blood type siya! Malamang compatible ang bato niya!"
Halos mabaliw siya sa narinig sa magkapatid.
"Kayo yata ang mga nahihibang!" iyak niya. "Bakit hindi kayo kumuha ng bato sa labas, kahit anong size meron, at ipukpok niyo nalang sa mga ulo niyo?! Sinabi kong wala akong kasalanan!"
Muling lumapit ang kanyang asawa sa kanya.
Umiling-iling si Rana nang sunod-sunod.
"Huwag kang lumapit sa akin."
"Doktor, gawin ang compatibility test sa kanya," mariing utos ni Bryson.
"Hindi! Wala akong kinalaman dito! Hindi ko siya sinaksak!"
Pilit na lumalayo si Rana. Pinagtitinginan na rin sila ng mga dumadaan. They are causing a scene!
Pero hindi nag-iisa ang asawa niya. Sa isang kumpas ng ulo, lumapit ang mga bodyguard at pinalibutan siya.
"Bryson! Please!"
Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas niya, pero naitulak niya ang mga bodyguard.
"Gusto mo talagang kunin ang bato ko para kay Pey?!" di makapaniwalang iyak niya.
"Ikaw ang may kasalanan. Nararapat lang na bayaran mo ang ginawa mo," malamig na sagot ng lalaki.
Hindi na niya napigilan ang kanina pang mga luhang gustong kumawala.
Sa isang kurap, parang waterfalls na bumuhos ang luha niya. Malulusog at puno ng pighating luha ang dumaloy sa kanyang mukha.
"Tatlong taon na akong nagtitiis! Si Pey ay maraming beses nang nandaya! At iyang bruha mong kapatid? Hindi lang isang beses niya akong inapi!"
Bryson was shocked to his wife's outburst. Ngayon niya lang ito nakitang umiyak nang ganito sa buong pagsasama nila.
Her tears are not just tears.
The way her voice cracked in each word moved him.
His feet moved forward, but immediately stopped. Hindi niya alam kung kukunin niya ba si Rana o hindi.
"Pero ikaw? Naniniwala ka sa lahat ng tao maliban sa akin!" halos mapaluhod ang babae. "Palagi akong walang laban. Wala akong boses dahil kahit anong gawin kong sigaw ay hindi mo pinakikinggan!"
Hirap na hirap huminga si Rana sa pagitan ng bawat salita. Wala na siyang pakielam sa mga nakakarinig.
Hindi na niya kaya.
"Mas mahirap magpaliwanag sa nagbibingi-bingihan kaysa sa tunay na bingi." hikbi nito.
Isang matinding katahimikan ang namayani sa paligid. Nakatingin lang sila sa bawat isa.
Bryson didn't say anything nor Bryenne, na mukhang hindi makaget-over sa outburst niya.
Inayos niya ang sarili at tumayo ng tuwid.
Mata sa mata ay tinitigan niya ang asawa na hindi rin natatanggal ang titig sa kanya. Huminga siya ng malalim. Binasa ni Bryson ang labi.
Without disrupting their gazes, she slowly removed their wedding ring.
"Maghiwalay na tayo."
Walang imik ang dalawa habang nagmamaneho si Bryson.Ramdam na ramdam ng lalaki ang tensyon.Hindi niya alam kung tutuloy pa ba sila sa columbarium kung saan nakalagak ang mga abo ng mga magulang ni Rana.Lumunok siya at bahagyang sumulyap sa katabi. “We can go to a mall. To buy you.. new clothes.”“It’s fine.”Muling natahimik si Bryson.Hindi nawawala ang tensyon sa kanya.Rana’s face seems to be relaxed and peaceful, but her aura tells another story.Napapikit siya.“Tutuloy ba tayo sa–”“Ayaw mo ba? I can go alone.” akmang kakalasin nito ang seatbelt kaya agad itong inagapan ni Bryson.“No! No! Diyan ka lang. Sasama ako. Dalawa tayo.” sinulyapan niya ulit si Rana. “Gusto kong sumama.”Hindi na ito sumagot at inilubog nalang ang sarili sa upuan.Pumikit ito kaya lalong bumagsak ang damdamin ni Bryson.Huminga siya ng malalim at hinayaan nalang itong magpahinga.Nakarating sila sa sementeryo.Hindi na siya hinintay ni Rana kahit obvious na nagmadali pa siya para ipagbukas ito ng pin
“Are you done?”Marahang kumatok si Bryson sa kanilang kwarto.Nasa loob pa ang dalaga at naghahanda para sa kanilang dinner date routine tuwing sabado.Sa labas sila kumakain, konting date date sa kung saan matipuhan ni Rana.“Almost! Give me a sec!” sigaw ni Rana sa loob.Pinatunog ni Rana ang mga labi nang matapos ilagay ang lipstick.Pinaghandaan niya talaga ito dahil kung hanggang ngayon ay mag-asawa pa rin sila ni Bryson, ay ito ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib.Bahagya rin niyang inihahanda ang sarili na hindi madisappoint kung hindi man ito maalala ni Bryson.After all, they are starting again.Kaya baka ang lahat sa nakaraan ay gustong kalimutan ng lalaki.Ngunit paglabas niya nang silid niya ay tumambad sa kanya ang isang palumpon ng bulaklak pagkatapos ay sumungaw sa gilid non ang mukha ni Bryson.Malaki ang ngiti nito at napakagwapo sa bagong gupit na buhok.Naliligo na kasi si Rana nang magpaalam ito na magpapagupit kaya ngayon lang niya ito nakita.“Happy Anniversa
“Andy?”Sinabayan ng katok ni Rana ang pagtawag niya kay Andy.Napag-alaman niyang sa kwarto ng kanyang kuya na ito tumutuloy kaya doon siya agad dumiretso.Hindi sana muna niya kakausapin si Andy dahil baka naiilang pa ito ngunit ito nalang ang magiging takas niya sa kuya Ruan niya.“Please, Andy, let's talk. Hindi naman ako galit eh.”Nakadikit siya sa pinto kaya naman na-out balance siya nang buksan nito ang pintuan.Namumula ang mga mata nito at tungki ng ilong.“Can I come in?”“Ano ka ba. Syempre bahay niyo ito eh.”Ngumiti si Rana. “Bahay natin.”Napanguso si Andy. Halatang pinipigilan ang muling pagbuhos ng luha. “Pumasok ka na nga.”Sabay silang naupo sa kama.Saglit na nanahimik bago siya tuluyang humarap kay Andy.Tumingin din ito sa kanya kaya niyakap na niya ito.Naramdaman ni Rana na saglit na nanigas si Andy ngunit lumambot rin kalaunan.“I’m so happy for you.”“I’m sorry.”Kumalas si Rana sa pagkakayakap at nakakunot ang noong tinignan si Andy.“Bakit ba sorry ka ng so
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa magkapatid.Lahat ng kaba at pagkabalisa ni Rana at tila lumipad na sa hangin dahil sa nalaman.Pareho silang nakatitig sa lamesa.Nabasag ang katahimikan nang tumayo ang kanyang kuya upang patayin ang kalan saka bumalik sa pagkakaupo nito, isang silya ang pagitan mula sa kanya.“Like what Andy said. We are sorry. Hindi namin nasabi agad sa’yo. It’s intentional but we have no choice.”Kinagat ni Rana ang labi. “Wala naman kayong dapat ipag-sorry.”Nakita ng dalaga sa gilid ng kanyang mata na nilingon siya ng kapatid kaya lumingon din siya dito.“Are you sure? You’re not… upset with her?”“Bakit naman?” bigla siyang natigilan sa susunod na sasabihin. “Ang saya nga eh. May… pamangkin na ako.”Habang sinasabi iyon ni Rana ay hindi niya mapigilan ang pangingilid ng kanyang luha.Hindi iyon mailabas ng kanyang dila.Tila ngayon lang sa kanya nag-sink in talaga ang nangyayari at mangyayari sa mga susunod pang araw.Masaya niyang inangat ang paningin
Maayos na lumipas ang mga araw para kina Rana at Bryson.Halos inuunti-unti na rin ni Bryson ang pagpapalipat sa mga gamit ni Rana sa bahay nito.“Parang nakakahalata na ako sa’yo.” sita ni Rana isang gabi. “Palagi mo ako dito pinapatulog at sinasabihang magdala nalang ng damit para di na ako mahirapan pagpasok.”Natawa si Bryson.Sinamahan niyang tumayo sa tapat ng kanyang walk-in closet si Rana na nakatitig sa mga damit niya roon.Halos isang parte noon ay mga gamit at damit ni Rana ang nakalagay roon.Nakataas ang gilid ng labi ni Rana nang harapin niya si Bryson.Nagkibit balikat ang binata.“Bakit pala hindi ka sumama maghatid kila Bryenne?”“Kaya na nila ang mga sarili nila.”“Buti sumama ‘yung kapatid mo ‘noh?”“Well, if not. Alam niyang magdudusa ang buhay niya na kaming dalawa lang ang magkasama dito sa Pilipinas. Siya na mismo ang nagprisinta na sumama kay mama.”Binasa ni Rana ang labi. “D-did they know?”“Ang alin?”Hindi nakapagsalita si Rana. Hindi niya alam kung anong t
“Ugh..” ungol ni Rana habang pinipilit ang sarili na bumangon mula sa pagkakahiga. Ihing-ihi na siya.Tinignan niya ang oras sa kanyang cellphone. 5:28 am na. Nilingon niya ang nasa tabi niya.Mahimbing na mahimbing na ang tulog ni Bryson.Matapos nilang mag-usap kagabi ay sa isang umaatikabong tagpo na naman natuloy ang pag-uusap na iyon.Bandang huli ay hindi na nakapagluto ang lalaki at nag-order na lamang sila.At katatapos lang nila kani-kanina!Natawa si Rana at napailing nalang. She leaned in for a kiss.Muli siyang napaungol nang maramdaman ang pananakit ng buong katawan. Habang padalas nang padalas ang pagtatagpo ng kanilang mga katawan ay patindi rin ng patindi ang mga ginagawa sa kanya ni Bryson.Kung hindi lamang masarap ang mga ginagawa nito sa kanyang katawan ay umayaw na siya.She knows that Bryson might be good in bed. But she didn’t expect this wild!Para siyang nasisiraan ng bait tuwing may mga bago itong ginagawa sa kanya.Kahit siya ay hindi niya na makilala ang sa