Sa harap ng ospital, hindi inaasahan nina Bryson at Moss na makakasalubong nila ang dalawa.Sina Rana at Vern.Napaawang ang bibig ni Bryson habang nanlalaban na ang itsura ni Moss.Si Vern naman ay ganoon rin.Madilim rin ang tingin nito sa dalawang lalaki.Matapos gamutin ang sugat ni Bryson ay iminungkahi pa ni Moss na manatili siya ng ilang araw sa ospital upang makabawi ng lakas.Ngunit tumanggi si Bryson.Ngayong nasa kritikal na yugto ang kumpanya, bilang presidente ay hindi siya maaaring mawala sa ganitong panahon.Wala nang nagawa si Moss kundi asikasuhin ang paglabas niya sa ospital.Hindi nila inakalang sa mismong ngayong araw din nila makikita ang kalaban.Ni hindi pa lumuluwag ang benda sa kamay ni Bryson ay mukhang makikipag-buno na naman ito.Sarkastikong ngumisi si Moss.Malambot man ang kanyang puso ay marunong pa rin naman siyang sumuntok ng lalaki.โAba, speaking of the devil. Dito pa talaga tayo nagkasalubong, Mr. President.โ punong-puno ng panunuya ang kanyang bos
Sinubukang mag-inarte ni Vern kay Rana.Pero agad siyang nabuko ng babae. โKanina nung nagmamaneho ka papunta rito, bakit parang hindi ka naman mukhang nasasaktan?โโDahil tinitiis ko lang.โ pairap niyang sagot dito.โGanun ba? Parang hindi naman halata. Pero kung gusto mong maramdaman talaga ang sakit sa buong katawan. Aba, andito na rin lang tayo sa ospital? Bakit hindi ko na lang tulungan kang matupad ang pangarap mo?โSabay patunog ng babae sa mga daliri.Maangas pa itong nakatingin kay Vern.Napaigtad si Vern at agad na umurong.โHuwag na, huwag na! Kaya ko pa naman. Ako na lang ang pupunta sa doktor.โ panis ang ngiti nito.โHindi. Mukhang hindi ka pa nakakaramdam ng kahit ano eh. Ang yabang yabang mo kaya kanina. Kamo, hindi mo kailangang pumunta rito at ako pa ang pumilit saโyo?โUnti-unting naglakad papasok sa loob si Vern.Iniiwasan ang maaaring gawin sa kanya ni Rana.Si Rana ay tinuruan ng kanyang kuya ng kung ano-anong self-defense mula pagkabata.Si Ruan na isang certifi
Pagkalabas mula sa ospital ay hindi na pinayagan ni Rana si Vern na magmaneho.Siya mismo ang umupo sa driver's seat at ligtas na inihatid ang lalaki pauwi sa tinutuluyan nitong apartment."Sige na. Maligo ka muna tapos magpahinga nang maayos. Tigilan mo muna ang paglalabas-labas at pakikipaglandian." paalala pa ng dalaga rito.Sabay hatak sa gear, senyales na patatakbuhin na niyang muli ang sasakyan.Pero pinigilan siya ni Vern. Malaki ang ngisi sa mukha."Gusto ko rin maligo. Pero hindi pwedeng mabasa ang mga sugat ko. Paano ako maliligo niyan?"Tumaas ang kilay ni Rana."Edi โwag mong basain?โโPaano naman โyon?โKinamot ni Rana ang ulo. โEh โwag ka nalang maligo. Kakainis โto.โโEh lagkit na lagkit na ako sa sarili ko.โโIbalot mo nalang sa clip wrap. Di mo ba alam โyon?โ"Hindi ko alam. Tsaka may sugat ako sa likod. Hindi ko maabot mag-isa para lagyan ng gamot. Pwede mo ba akong tulungan?" Walang bahid ng pag-aalinlangan si Vern habang sinasabi ito.Nasayangan siya sa araw na it
โBry, huwag ka na sanang magalit sa amin ni Bryenne. Sa pagkakataong ito, talagang alam na namin ang aming pagkakamali. Pakiusap, bigyan mo pa kami ng isa pang pagkakataon. Pangako, babaguhin na talaga namin ang lahat!โKagat-labing isinend iyon ni Pey kay Bryson.Hindi malinaw ang pagkakalahad ng mga salita dahil hindi niya rin naman alam ang eksaktong problema.Pero ang tono ng paghingi ng tawad ay talagang ginawa niyang totoo at maayos.Sa paningin ni Pey ay kontento na siya sa kanyang sinabi.At tama nga siya, dahil makalipas lamang ang ilang minuto ay nag-reply na agad ang lalaki.Kahit paano ay hindi pa rin talaga siya nito matiis.Napangiti siya ng maliit. Animoโy kinilig pa."Talaga bang alam niyo na ang pagkakamali niyo?"Nang mabasa ito ni Pey ay agad niyang naunawaan na si Bryenne talaga ang may kasalanan.Kung bakit ganoon ang pakikitungo sa kanila ni Bryson.Mula sa tono ng mensahe ng lalaki ay masasabi niyang si Bryenne ang punong may sala.At siya ay damay-sibilyan lang
Matapos makipag-usap kay Pey ay napabuntong-hininga si Bryson.Nakakapagod makipag-usap sa babae.Tila wala nalang itong ginawa kundi ang magpaawa. Hindi siya naniniwalang taos-puso ang paghingi ng tawad ni Pey at lalong hindi siya kumbinsido na alam nito kung bakit talaga siya galit.Kayaโt ang tanging posibleng dahilan ay isa itong tahimik at tusong pagnunubok lang mula kay Pey.Inaantay siyang magsalita para makakuha nang impormasyon.Noon, hindi niya namalayang ganito pala kalalim ang katusuhan ng babae.Tiningnan niyang muli ang mensahe ni Pey sa kanya.Sa ilang salita lamang, naipasa na nito ang sisi sa kanyang kapatid.Habang pinalalabas ang sarili na inosente.Nakakalungkot lang, dahil si Bryenne ay naniniwala pa ring kakampi niya si Pey.Lalong luminaw sa isipan ni Bryson ang mga bagay na noon ay hindi niya gaanong pinag-iisipan at pinapansin.Ngayon, malinaw na kailangan na niyang masusing suriin ang tagapagligtas ng kanyang kapatid na babae.Kung talagang tagapagligtas nga
Pagkatapos ipadala ni Rana ang litrato ay tuluyan nang hindi sumagot si Bryson.Labis na nasiyahan si Rana sa naging resulta.Hindi na siya muling nakipag-ugnayan.Agad na rin niyang ibinlock ang dump account na ginamit niya.Pagkatapos nito, lumipat siya sa account para sa kanyang businees.Kinausap rin niya ang customer service upang tanungin ang tungkol sa proseso ng beripikasyon.Mabilis niyang nakalimutan ang tungkol kay Bryson.Ni hindi na sumagi sa isip na sa mga sandaling iyon ay labis itong nasasaktan dahil sa litratong ipinadala niya.Hindi nagtagal, lumabas si Vern mula sa banyo na nakabathrobe at kasama ang kanyang assistant.โPasensya na at natagalan.โBasa pa ang kanyang buhok at nakabagsak ang bangs nito sa kanyang noon.Napangiti si Rana nang makita iyon.Lalo pang nagpabagay sa binata.Nagmukha itong malambot at banayad ang pagkatao.Hindi napigilan ni Rana na titigan siya ng matagal at agad naman siyang nahuli ng lalaki.Ngumiti si Vern gamit ang kanyang mapang-akit
โTama ang sinabi ni Young Master. Masyado kasi akong nadala ng aking pagka-miss sa iyo, hija. Pasensya na.โโNaku, โwag na po kayong mag-pasensya, โtay. Tayo-tayo lang naman ito.โDahil maaga silang naulila, si Ruan ang kailangang humawak ng buong kumpanya ng kanilang pamilya.Palagi itong abala sa trabaho kaya naman hindi na nito masyadong natutukan ang kapatid.Kaya naman ang kanilang butler nalang ang kusang nagpalaki kay Rana.Kahit hindi naman ito inutusan o pinakiusapan ni Ruan.Taos-puso nitong itinuring na apo ang magkapatid, lalo na ang babae.At para kay Rana ang lolo butler niya ay halos kapantay na ng kanyang tunay na lolo.Kaya rin wala siyang masyadong pakialam sa mga pormalidad kapag kasama ito.They never treated him as their employee.He is their second โtatayโ.Sa pagkakataong ito, masaya niyang inakbayan si lolo butler habang hawak din ang kamay ng kanyang kuya.Masayang-masaya siyang pumasok ng mansion.Nakangiti rin si Ruan habang pinagmamasdan ang kapatid.Nahaha
Punong-puno ang buong mesa ng mga pagkain.Lahat ay mga paborito ni Rana.Busog na busog siya.Nakaupo sa harap ng mesa habang hinihimas ang tiyan at tulala.Nang makita siya ng matandang tagapamahala sa ganoโng ayos ay natuwa ito.Nilapitan niya ang dalaga habang nagpupunas pa ng mga kamay.โAng sobrang kabusugan ay mabigat din sa katawan. Kukuha ako ng gamot pampatunaw para sa iyo, hija.โNangingiting humarap si Rana sa kanya.โLolo butler, iininom ko lang ang mga iyon noong bata pa po ako.โNgunit masaya pa rin ang matanda. โBata ka pa rin naman ngayon.โNapanguso si Rana.Sa isip niya ay hindi na siya bata.Nakapag-asawa at nakipaghiwalay na nga siya.Hindi na siya ang batang Rana noon.Pero sa paningin ng mga nakatatanda ay baka habambuhay siyang bata.Ang sarap talaga ng pakiramdam kapag may nag-aalaga.Hindi na siya nagreklamo at ngumiti nalang nang matamis.โLolo butler, ang bait-bait mo talaga. Sana hindi ka pa kunin ni Lord.โKumurap-kurap pa ang dalaga habang nakatingala sa
"Padala mo kay Froilan ang mga larawang kuha sa auction. Ipa-imbestiga mo kung bakit sila nag-aagawan sa singsing na iyon.โTuluyan nang nakalimutan ni Bryson ang inis para sa kaibigan.Hindi pa rin sila nakakapag-usap ng matino matapos ang insidenteng nangyari sa bahay ng mga Esquivel.Ganon pa rin ang desisyon ni Bryson.He wants him out of his company.After all this, ipapaalala niya ang resignation letter. "Sige." tanging nasabi ni Moss.At habang nasstuck sa traffic ay kusa na rin siyang nagtatanong-tanong sa kanyang mga koneksyon.Para na rin mas mapadali ang pag-iimbestiga sa singsing na iyon.Hindi nagtagal ay nalaman na rin niya ang pinagmulan ng jade na singsing.Nakakunot ang kanyang noo.Naguguluhan sa nalaman.โAyon sa aking credible source, si Bryenne daw ang naglagay niyon sa auction.โNagkatinginan silang dalawa ni Bryson.Nagpatuloy si Moss sa pagbabasa sa kanyang cellphone.โSa kanya galing ang halos lahat ng ipina-auction sa mga alahas na kategorya.โMalalim ang is
Kumikislap ang mga mata ni Pey at kunwariโy nagtatakang tumingin kay Bryenne.โSo, you mean..โโMalamang nakilala ni Rana na kanya ang mga gamit na ito. Kaya gusto niyang bilhin lahat pabalik.โ tumaas ang kilay ni Bryenne. โKung ganoon, bakit hindi natin siya pahirapan sa presyo?โTutal ay balak naman talaga nilang pataasin ang presyo.Ngayon ay tinutuloy lang nila ang plano.โSigurado ka bang uubra โyan?โโBakit naman hindi? Tingnan mo na lang!โPunong-puno ng kumpiyansa si Bryenne.Pero nabigo siya.Hindi na muling nagtaas ng paddle si Rana.Kanina lang siya nag-bid para hindi si Andy ang gumastos. Sa totoo lang maliban sa jade na singsing ay wala siyang balak bilhin ang iba.Hindi lang si Rana ang di na nag-bid.Pati si Andy na katabi niya ay tahimik na rin.โAnong problema niya? Bakit hindi na siya bumibili? Hindi kaya hindi niya nakilala ang mga gamit?โDismayadong-dismayado si Bryenne.Nakaayos na sana ang plano.Ngunit mukhang papalpak na naman yata dahil hindi naman kumakagat
Sampung minutong pahinga.Kaya naman agad na nagpaalam si Andy para sa banyo.Kaya sinamahan nalang siya ni Rana na pumunta roon.Pagdating nila sa may pinto ay muli na naman nilang nakasalubong sina Pey at Bryenne.Mabilis na tumapang ang itsura ni Rana.While Bryenne was on her defensive stance too."Aba talagang ayaw mo kaming tantanan. Sinusundan mo ba kami? Dukha! May pera ka ba?" pangungutya agad ni Bryenne kay Rana.โSobra namang liit ng mundo para sa atin. Palibhasa pakalat-kalat kasi โyang pagmumukha niyo.โ ganti naman ni Rana.Natawa si Andy.Nagkatinginan sila ni Rana.โTara na. Sa ibang floor tayo. Kaya pala sobrang panghe ng cr dito. May mga baboy na gumamit.โAgad niyang nilampasan ang dalawa.Hindi na lumingon pabalik.Wala na siyang balak makipagtalo sa mga ito.Nakakaubos ng energy ang kabobohan ng mga ito.Magmumukha lang siyang walang pinag-aralan kung gagawin niya 'yon.Katulad ng dalawa."Che! Mas mapanghe ka!โ iritadong sabi ni Bryenne. "Kala mo kung sino. Kanina
Tinignan ni Bryson ang cellphone nang maramdaman ang pagba-vibrate nito.The auction was about to begin.And hereโs his mother, calling him. โNasaan ka, anak?โHalos hindi niya marinig iyon dahil may nagsasalita na sa harap.โI have important errands to run, ma. Bakit may nangyari ba?โโEwan ko ba..โ umubo ng ilang beses ang ginang. โNahihilo ako ng sobra at parang hindi na makahinga. Parang kulang na naman ako sa gamot.โโNaubusan ka?โโYes, my dear.โHalos lunurin iyon ng nagsasalita sa harap.Kaya naman halos mapatingin rin sa kanya ang mga nakakarinig sa boses niya.Maging sina Rana at Andy ay napatingin sa direksyon niya.โHold on. Hindi kita marinig. Lalabas ako, ma.โ he urgently said.Agad na tumayo si Bryson upang makalabas ng hall.Nagkatinginan sina Rana at Andy. Hindi maintindihan ni Moss ang nangyayari kaya agad siyang sumunod.โAnong nangyari? May problema ba?โTuloy-tuloy si Bryson palabas.Hindi na rin napapansin ang mga bumabating negosyante sa kanya.โHindi na tayo
โSigurado ka ba?โ Gulat na gulat si Andy habang nakatingin kay Rana. Kinuha ni Rana ang isa pang talaan sa tabi niya.Sa tanong ni Andy ay tila ba nagdalawang-isip pa siya.Binuklat ito hanggang sa hulihang bahagi at unti-unting sumeryoso ang kanyang mukha.โSigurado ako. Hindi lang โyung kwintas na iyon. Pati na rin ang mga hikaw na ito. Pulseras, mga cufflink, at itong singsing na jade.โโGanito karami?โ Namangha si Andy. โPero โdi ba mga alahas mo โyan bilang dowry? Paanong napunta dito? Talagang binenta nila?โNang maalala ni Rana ang pagdating nina Bryenne at Pey kanina alam na niya.Mapait siyang ngumiti sa loob-loob niya.โAko rin gustong malaman.โRana filled with much anger.Talagang hindi tumitigil ang bruha na iyon na inisin siya. โEh anong gagawin natin ngayon?โ tanong ni Andy. โGusto mo bang kontakin ang organizers? O gusto mo ba ako na lang ang bumili ng mga ito?โBumalik sa ulirat si Rana at tumingin kay Andy.โLahat ng ito ay mga alahas na dinala ko mula sa bahay nami
Nang makita si Bryenne na umalis ay agad na humabol si Pey. Nakita rin niya si Bryson pero hindi siya naglakas-loob na batiin ito. Wala na siyang mukhang maihaharap dito. Kahit hindi naman siya gaanong sumali sa usapan ay siguradong hila-hila siya pababa ni Bryenne."Lintek talaga 'tong tanga na 'to. Nadamay pa ako!" gigil niyang bulong habang hinahabol si Bryenne.Sa kabila ng gamit niyang tungkod ay mabilis siyang kumilos at agad na naabutan si Bryenne.Halos itago nila ang mga mukha dahil sinusundan sila ng tingin ng mga tao. May isa pang binangga si Bryenne sa sobrang init ng ulo.Hindi inakala ni Bryson na ganoon ang gagawin ni Bryenne, kayaโt napapapikit nalang siya sa inis. Umigting ang kanyang panga ng magtama ang mata nila si Rana. Mariin ding nakatingin sa kanya si Andy.Palaisipan sa kanya kung paanong nagkakilala ang dalawa. Ngunit hindi na rin niya masyadong pinagtunaan ng pansin. Kinakain pa siya ng hiya dahil sa ginawang kapalpakan na naman ni Bryenne at Pey.But, knowin
โHah!โNamumula na ang tenga ni Bryenne sa galit.Sa isip niya ay nagtawag na si Rana ng kakampi dahil hindi na siya nito kaya.Napangisi siya sa sariling imahinasyon.โSino ka ba ha? Pumapayag kang maging tuta ng babaeng โyan? O baka naman pareho kasi kayong social climber?!โโAlam mo Bryenne, sayang ka.โ sabi ni Rana.Tumaas ang kilay ni Bryenne ngunit hindi na rin nagsalita.โApelyido mo lang tanging maipagmamalaki mo. But, the rest of you?โNi- head to foot ni Rana si Bryenne.Kitang-kita ang pandidiri sa kanyang mukha.โAll of it. Are trash.โโIkaw ang dapat ilagay sa basurahan!โSusugod na sana si Bryenne ngunit mabilis siyang pinigilan ni Pey.Nabitin sa ere ang kanyang kamay.โAno ba, Bryenne. Stop acting like a kid! My gosh.โ muli siyang tumingin sa paligid. โAng daming nakatingin!โMuli ay natauhan si Bryenne.Nilingon niya ang mga taong nagbubulugan na ngayon.Ang iba ay may hawak pang cellphone.โThatโs right. Ipakita mo kung gaano ka kababa, Bryenne. Hayaan mo silang i-re
Nang makita ni Pey na seryoso si Froilan sa pag-asikaso ng kanyang mga papeles para makalabas ng bansa at pati ang tirahan nila ng kanyang ina sa ibang bansa ay inayos na.Nataranta siya.Nauna na niyang kinausap ang ina nina Bryson at Bryenne.Ngunit, sa kasamaang-palad ay hindi rin mabuti ang ugali ng pamilya Deogarcia.Sa halip ay puro paghingi lang sila ng kung anu-anong bagay sa kanya.Bawat buka ng kanilang bibig ay kailangan may kapalit kang ibibigay sa kanila.Kung hindi niya maibigay ang mga hinihingi ng ginang na Deogarcia, tiyak na ni katiting na tulong ay hindi niya pwedeng asahan.Galit na galit si Pey halos pumutok ang kanyang ngipin sa inis.Ngunit wala na siyang malalapitang iba.Habang siya'y puno ng poot at kaba, bigla niyang nakita sa balita na sinubukan ni Bryson na makipagbalikan kay Rana.Ngunit tinanggihan ito ng huli.Sa sandaling iyon ay parang nalaglag si Pey sa kailaliman ng tubig na puno ng yelo.Nanlamig ang kanyang buong katawan.Ang dami na niyang ginawa
โSa madaling salita, isa lamang itong malaking hindi pagkakaunawaan.โNi hindi alam ni Bryson kung paano ipapaliwanag ang ginawa niya.Kaya't nakaramdam siya ng matinding kawalang pag-asa.Ayaw niyang aminin na sinusundan nga niya ang dalaga.Dahil na rin sa pag-aalala.Gabi na at hindi dapat ito lumalabas ng mag-isa.Ngunit sa puso ni Rana ay malamang halos wala na siyang natitirang magandang imahe.Kaya hindi na rin niya pinilit ipaliwanag ang sarili.At sa pagtrato palang ni Rana sa kanya ngayon ay mukhang wala na rin siyang pakialam.Talagang ayaw na ayaw na siya nito.Hindi na rin nais ni Rana na makipagtalo pa.Kaya't magaan lamang siyang nagsalita.โBilang tao, dapat may konsiderasyon ka. Huwag basta-bastang magtapon ng basura kung saan-saan.โWala nang nagawa si Bryson kundi damputin muli ang maliit na kahon at ipasok ito sa kanyang bulsa nang walang emosyon.Nang makita ni Rana na pinulot niya ang kahon ay hindi na siya nag-aksaya pa ng salita.Agad na siyang lumakad palayo.