LOGINDaven is a US Navy SEAL at palagi itong nabibigyan ng mga delikadong misyon. Company commander pa naman ang boyfriend niya.
Daven is half-blooded Filipino and American. Pinay ang ina nito at nagkakilala sila sa isang charity ball kung saan imbitado ang Drillon's Pharmaceutical.
Naalala niya pa kung paanong nagtagpo silang dalawa. Kaka-graduate lang ni Dianne noon sa college at sinama siya ng Ate niya sa isang charity ball para daw makilala niya ang mga katrabaho kapag pumasok na siya sa industriya.
There, she met this tender guy, na nakarinig kung paano siya pinagalitan ng Ate niya.
“I'm so sorry, Ate, masakit na talaga ang ulo ko, tsaka may 2 hours pa bago matapos ang ball. Kung puwede sana, mauna na ako.”
“Just stop that lame excuses, Dianne! Tatapusin natin ang ball kaya't sa ayaw at sa gusto mo, sabay tayong uuwi. Do you understand? Now pull all your shits off, at bumalik na tayo sa loob!” Walang paalam siyang iniwan ng kapatid at bumalik na ito sa loob.
Nakita niyang pumasok sa comfort room ang kapatid niya kanina kaya't sinundan niya ito para magpaalam. Sumasakit na ang ulo niya dahil sa naglilikot na kulay ng mga neon lights, pero napagalitan pa siya.
“I think we both have the same situation right now.”
Muntikan na siyang mapatalon sa kinatatayuan nang marinig ang biglaang pagsalita ng bruskong tinig mula sa likuran niya.
“I really wanna go home but I just can't leave my mom. She's really busy talking to her business partners and I feel a little bit tipsy 'cause their waiters keep on giving me glasses of wine.”
Galing din pala sa comfort room ang lalaki at pareho silang nasa hallway ngayon.
“Excuse me, do I know you?” naniningkit ang mga matang tanong niya.
She's really sure na hindi niya kilala ang lalaki, kaya bakit siya nito kinakausap?
“Nakinig ka ba sa pinag-uusapan namin?” dugtong na tanong niya rito.
“I did not mean to listen, okay? I accidentally heard it. Let me guess, they are forcing you to do things you don't wanna do, right? If yes, we're in the same shoes. My dad is in the military, and he wants me to be like him. I just graduated last week and Mom ordered me to come home before the training starts. And here I am, bored of being my mom's date.”
Napamaang na lang siya sa dami ng sinabi ng estrangherong kaharap. Napansin niyang parang may kadaldalan ito.
“By the way, I'm Daven Anderson.”
Nilahad nito ang palad sa kanya at nagdalawang-isip pa siya kung tatanggapin niya ito.
In the end, nakipagkamay naman si Dianne. Two hours pa ang hihintayin niya bago makauwi at mabo-bored lang siya kapag 'di siya nakipag-usap dito. Mukha namang harmless ang matangkad at ingleserong stranger na ito.
Sa loob ng apat na taong ginugol niya sa college ay hindi siya nakipag-mingle sa kahit na sinong lalaki. Inubos niya lahat ng oras sa pag-aaral at nadala na siya sa mga nangyari noon.
Pero bakit siya nakikipag-usap sa lalaking ito? Siguro nga dahil pareho sila ng sitwasyon at feeling niya ay maiintindihan nila ang isa't isa.
“Dianne. Dianne Drillon,” nakangiti niyang tugon.
“Why? What course do you wanna take ba?” kaagad niyang tanong dito.
“I want to take Aeronautics, sana e.”
“Talaga?” Namilog ang mga mata ni Dianne dahil sa narinig. “Kung hindi mo naitatanong, my kuya just graduated last year at nasa field na siya ngayon bilang amateur pilot,” nakangiti at masiglang kuwento niya sa kaharap.
Nagsisimula na silang maglakad pabalik sa kung saan naroon ang Ate niya at ang Mommy ni Daven.
“Good for him. Maybe your parents support him all the way.”
“Our parents were gone, 4 years ago,” malungkot niyang saad.
Ewan niya ba kung bakit parang napakagaan ng loob niya sa lalaking ito at gusto na lang niyang magkuwento.
“Oh! Sorry.” Apologetic ang tono nito.
“No, it's okay.”
Nakarating na sila sa ballroom at nakita nilang halos lahat ay nasa gitna at may mga kapares na sumasayaw sa mabagal na tugtugin.
“Would you mind if I ask you to dance?”
Nabigla siya sa tanong ni Daven at nagdalawang-isip na naman siya. Baka kung ano-ano na naman ang sasabihin ng masungit niyang Ate kapag nakipag-sayaw siya rito.
She is really sorry for saying “No,” at naiintindihan naman daw siya ni Daven.
Their friendship started that way. They were really good best friends, hanggang sa lumalim at binigyan niya ng pag-asang makapasok ang binata sa buhay niya.
Isang taon ang pinalipas ni Dianne bago sagutin si Daven dahil gusto niya muna itong mas makilala pa.
Nandoon pa rin ang takot niya dahil hindi niya makalimutan ang mga pangyayari noon. Ngunit habang tumatagal ay lalo siyang napapamahal kay Daven.
Mahal na mahal siya nito at napakalaki ng respeto nito sa kanya. Daven cares for her and she felt the same way.
Hindi naman kumontra sa relasyon nila ang Ate niya dahil sa mga panahong iyon ay nakapasok na siya sa kompanya, basta't huwag niya lang daw kakalimutan ang mga tungkulin bilang Vice President ng Drillon's Pharmaceutical.
It was really hard for her to ask permission and get the blessing from Clarisse. Alam kasi nito na minsan na siyang nagpakabaliw sa pag-ibig at nakalimutan pa niya ang lahat ng obligasyon.
“I will not interdict you on that thing, sasabihin mo na naman na para kitang sinasakal. Do whatever you want. Just don't do fvcking things that can damage the company's reputation. Sana maging lesson na sa'yo 'yung nangyari kina Mommy at Daddy. Huwag na huwag ka nang magkakamali, Dianne. Hinding-hindi kita mapapatawad, and you will regret disobeying me until your last breath!” Iyon lang ang narinig niya sa kanyang Ate Clarisse.
Simula noon ay napagdesisyunan niyang hindi maaaring masali sa work hours ang love life niya.
Hindi naging madali ang relasyon nilang dalawa. They have to fight the consequences of LDR, at kailangan munang makuha ni Dianne ang goal na makapasok sa top three ang Drillon's Pharmaceutical sa business industry ng bansa bago pumayag sa matagal nang inaalok ni Daven na pagpapakasal.
Matiyaga namang naghihintay ang kanyang nobyo.
4 years na silang nagtitiis sa ganoong sitwasyon. Dalawa o tatlong beses lang nagkikita sa loob ng isang taon. Good for them because they both have this patience in waiting.
NAPADILAT si Ruan nang maramdamang unan pala ang niyayakap niya, at hindi ang matampuhing girlfriend na kanina ay nasa tabi niya lang. Nilingon niya ang bintana at nakita niyang sumikat na si haring araw.May usapan nga pala silang magkikita-kita sa bahay nila Brad ngayon, dahil sabay-sabay silang mag-a-apply sa isang fast-food chain doon sa bayan. Magsa-summer job sila habang hindi pa nagsisimula ang first semester. Mabilis siyang napatakbo papunta sa banyo at naligo.Galing sa bahay nila ay madadaanan muna ang bahay nila Brad bago ang bahay ng tita ni Dianne, kaya napag-isipan niyang dumaan muna kina Brad."Oh, nasaan na ang Yanny mo?" kaagad na bungad sa kanya ni Lenny, na nakaharap na naman sa salamin."Oo nga, kayo talagang dalawa, palagi kayong late." wika naman ni
Matagal bago inalis ni Ruan ang mga labi sa noo ng dalaga. Tinitigan muna siya nito bago muling inangkin ang kanyang mga labi, and she was kissing him back. They explored the thing, na labis na nagbibigay sa kanila ng kakaibang pakiramdam.She moaned in a low voice when she felt the warm body of Ruan on top of her. Naging mabilis ang pagtibok ng puso niya nang maramdaman niyang unti-unting nagsisimula ang binata sa nais nitong gawin. They were both naked, at tanging paghinga lang nila ang maririnig sa kuwartong iyon.Sandali nitong itinigil ang paghalik sa kanya at ibinalik ang mga labi sa noo ng dalaga.“Yanny...”“Hmm?”“I will stop this, if you want me to—” mahina nitong sambit hab
Nakarating na sila sa bahay ng kanyang Tita Monique at nagpaalam na siya sa binata. Hindi raw ito aalis hangga't hindi pa siya nakakapasok sa loob ng bahay.Nang gabing iyon, ay nakatanggap si Dianne ng text galing kay Ruan. Hiningi raw nito ang number niya kay Jane. May group chat na ginawa si Kuya Brad para sa barkada, pero hindi niya naman masyadong nakikitang nagre-reply doon si Ruan. Kaya sobra siyang natuwa nang bigla itong nag-text sa kanya at nag-effort pa itong kunin ang number niya.Mabilis na naging malapit sila sa isa't isa hanggang sa tuluyan na ngang nanligaw si Ruan sa kanya. Hindi niya naman ito pinaghintay nang matagal, sinagot niya ito noong nanalo sila sa basketball sa sports fest ng school. Tumigil din ito sa paninigarilyo dahil pinagbawalan niya ito.Pinakilala niya ito kay Tita Monique at nagus
UNTI-UNTI na ring naging malapit si Dianne sa iba pang circle of friends nina Lenny at Jane, kabilang na dito ang mga kaibigan ng kapatid ni Lenny na si Kuya Brad. Nalaman niyang batchmate pala nila ang mga ito at sa Section C sila pumapasok. Sobrang natutuwa siya kay Badong, dahil bentang-benta ang mga jokes nito, lalo na sa kanya. Si Brix at Bj naman ang nakakalaro niya pagdating sa video games. Pero isa sa mga ito ang palagi niyang gustong makita. Si Ruan, na hindi naman masyadong nagsasalita, at puro tawa lang kapag nagpapatawa si Badong.Alam niyang crush na nga ang nararamdaman niya para dito, dahil naiinis siya pag nakikita niyang nakikipag-usap si Ruan sa ibang babae. Pasok sa ideal guy niya si Ruan. Matangkad ito at mahilig tumugtog ng gitara. Nakita niya na rin itong naglaro ng basketball noong minsang sinama siya nina Jane at Lenny sa plaza, at saktong naglalaro noon ang team nila.
Dianne's tears can't stop from falling. Basa na ang unan niya dahil kanina pa siya umiiyak. Hindi pala ganoon kadali ang muling makaharap 'yung lalaking dati nang nagpaikot ng mundo niya. Paano nga ba nagsimula ang lahat, at paano nangyari ito sa kanila? Pumikit siya at kahit masakit ay pinilit niyang alalahanin ang nakaraan.Malungkot na niyakap ni Dianne ang kanyang human-sized teddy bear habang nakatingin sa labas ng bintana ng eroplanong sinasakyan.Dumadaan sa isang malaking problema ang kompanyang pagmamay-ari ng mga magulang niya at posibleng ma-bankrupt iyon. Her parents are experiencing death threats from their company's rival, kaya't inilayo nila ang mga anak para hindi madamay ang mga ito.She was really jealous of her Ate Clarisse and her Kuya Rafael, dahil pareho nang nasa Boston ang mga ito. Kung college na rin sana siya ay sumama na siya sa dalawa.Papunta siya sa probinsya kung saan nakatira ang kanyang Tita Monique na nag-iisang kapatid ng kanyang Daddy. Sakitin siya
“Welcome to Palm Hotel—” wika ng staff na sumalubong sa kanila pero dinaanan lang nila ito dahil mabilis na naglalakad si Ruan papunta sa di-kalayuang elevator, at wala siyang magawa kung hindi ang bilisan na lang din ang paglalakad dahil tangay siya nito.Pinindot nito ang number twenty-six sa buttons ng elevator habang nakahawak pa rin ito sa kamay niya. Kanina pa siya nag-iingay at nagpupumiglas pero parang wala itong naririnig.“Finally, pinagtagpo rin tayo,” wika nito matapos ma-lock ang pinto sa isang malinis na kuwarto na sa tingin niya ay tinutuluyan ni Ruan.“Kumusta ka naman?” kaagad nitong tanong nang nagkaharap na silang dalawa. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kay Ruan. Tiningnan niya ito sa mata at mas lalo pang tumindi ang inis na nararamdaman niya, o mas tamang sabihin na galit.She heaved a sigh at pinakalma ang sarili. Hindi niya kasi alam kung dapat pa ba siyang magpaliwanag o mas mabuting umalis na lang siya.“Look, Ruan... I don't know what to say, but if yo







