Share

CHAPTER 3

Author: Loen Scorp
last update publish date: 2026-08-05 23:14:56

GUSTONG-GUSTO na ni Dianne na makalabas ng bahay dahil kanina pa siya nabibingi sa boses ng tita niyang puro payo.

"Ito talagang batang ito. Pinapalabas mo lang sa kabilang tenga ang mga sinasabi ko, ano? At bakit hindi mo pa sinama ang secretary mong iyon papuntang Dubai?"

"Tita Monique, please, please? Kaya ko, okay. Kaya ko po. Manong, pakipasok na sa sasakyan itong gamit ko," utos niya sa driver na kanina pa naghihintay ng paglabas niya ng p***o, pero nakaharang na naman ang tita niyang puro payo at pag-aalala ang nasa isip.

Hindi niya maintindihan kung bakit napaka-maalalahanin nito. Buwan-buwan naman siyang may business trips at nakakauwi siya nang maayos at ligtas. Pero lagi pa ring nag-aalala.

"Dianne, hija. Huwag na huwag mong kakalimutan ang mga paalala ko pag sasakay ka na ng eroplano at—"

"Opo, Tita,” nakangiti niyang putol sa tiyahin. Hindi ko po nakakalimutan lahat ng paalala n'yo. Magdadasal ho ako palagi. Alagaan mo ang sarili mo habang wala ako, okay?" paalala niya rito. "O, sige na. Alis na ako." 

Niyakap niya sandali si Tita Monique at hinalikan niya ito sa noo.

Simula noong mawala ang mga magulang ay kinuha na siya nito dahil alam nitong hindi sila magkasundo ng ate Clarisse niya at baka magpatayan pa raw silang dalawa. 

Si Clarisse naman ang naninirahan sa bahay nila kasama ang mga katulong. Ang kanyang Kuya Rafael ay nasa dorm lang ito noong college, umuuwi lang kapag Christmas o may mga importanteng okasyon. Ngayong may sarili na itong trabaho ay nakabili na ito ng sariling condo unit.

Malungkot ang buhay nilang magkapatid simula noong mawala ang mga magulang, but they have to keep going, dahil iyon naman ang nararapat.

***

"Welcome! You have just arrived at Dubai International Airport!"

Dianne was asleep the whole flight at nagising lang siya nang marinig ang airline's PA announcement.

She didn't understand why she's really exhausted. Nakahiga at natutulog lang naman siya sa first-class seat ng airplane na sinasakyan, pero bakit parang pagod na pagod siya? Masakit din ang ulo niya dahil sa jet lag.

Naghintay siya ng ilang minuto para makuha ang baggage niya. Pagkatapos noon ay tumawag siya ng cab at nagpahatid sa hotel na tutuluyan, habang naroon sa Dubai.

Isang 5-star hotel ang pina-book ni Angela kaya hindi na siya nasorpresa pa sa ganda at linis ng kuwarto. Ibinaba niya ang luggages at hinubad ang wedge sandals na suot.

Lumapit si Dianne sa kama at pinindot ang maliit na remote control na nasa ibabaw niyon. Biumukas ang puting kurtina, and she was amazed watching the beautiful view in front of her. 

Malaking salamin ang nakaharang pero kitang-kita niya nang malapitan ang napakagandang beach na katapat ng hotel na tinutuluyan. 

May naalala siya, habang nakatitig sa tanawin. She used to play on the beach with her siblings before, kasama rin nila ang mga magulang. Those unforgettable memories are just a part of her past. Pero kung maibabalik niya lang sana ang panahon, hindi siya gagawa ng isang pagkakamali na alam niyang pagsisisihan niya habang buhay.

Lumandas ang mga maiinit na luha sa kanyang pisngi sa isiping iyon.

Kinaumagahan, nagising si Dianne sa malakas na ringtone ng kanyang cellphone. Pikit ang mga matang inabot niya ang phone sa ibabaw ng mesa malapit sa kama at sinagot iyon, nang hindi tiningnan sa screen kung sino ang tumatawag. 

Si Angela lang iyon—na magre-remind sa kanyang bumangon na, dahil maaga ang kayang conference ngayong araw.

"Hello?” namamaos niyang tanong habang nakapikit pa rin.

"Hi, love!" 

Sandaling natigilan si Dianne nang marinig ang pamilyar na boses na iyon, mula sa kabilang linya. 

Slowly, she opened her eyes and a lovely smile drew on her lips.

"Daven?!" She immediately responded. “Love, Bakit ngayon ka lang tumawag? It's been three days since our last talk. Are you okay? How are you, Love? Miss na miss na kita!”

“I know, love. I know. I'm sorry. It was really hard to call you. I hope you understand.”

“It's okay, love. I understand. Huwag ka nang magpaliwanag. Alam mo namang palagi kitang iintindihin, 'di ba?”

“Thanks, love. I promise, I'll make it up to you, and I'm doing it now. Guess what?” narinig niyang may munting pagtawa at excitement sa boses ng madaldal na boyfriend.

“What? Daven Anderson! Don't make me guess longer, okay? Sabihin mo na, ano 'yun?” 

“Hulaan mo nga...” wika ni Daven with his cute American accent. Hindi pa rin nawawala ang pagtawa nito.

“Love! Ano ba...”

“Our mission was accomplished and General just gave us 2 months' leave!”

Nanlaki ang singkit niyang mga mata sa narinig.

“Totoo ba 'yan?” pagkumpirma niyang tanong. 

Sa buong apat na taon ay hindi niya pa nakasama nang matagal si Daven kapag umuuwi ito ng Pilipinas. Pinakamatagal na 'yung one week. Kadalasan ay four to five days lang ito sa bansa at umaali kaagad.

“Yes, love. We will be having a lot of time to rest. I'm still here at the office pa nga, e! FaceTime?” Matapos iyong sabihin ni Daven ay walang paalam niyang ibinaba ang hawak na cellphone, and she pressed the end button. 

She clicked the Messenger app at kaagad na tinawagan ang nobyo. Wala pang ilang segundo ay sumagot na ito.

“Satisfied now?” nakangising tanong ni Daven.

Totoo nga ang sinabi nito at nakikita niya pa ang karatula na nakasulat sa p***o sa may bandang likuran ni Daven na General's Office, pati na ang mga kasamahan nitong tumatawag din sa pamilya nila na nagsasabing mahaba ang leave na ibinigay sa kanila.

Naiiyak siya sa tuwa. Halos gustong lumabas ng puso ni Dianne sa labis na kasiyahan.

“Thank you, love,” sambit niya sa garalgal na boses. Talagang 'di niya na napigilan ang pagbuhos ng mga luha sa tuwa.

“Hey, love? I'm sorry I made you cry.”

“I'm okay, love. God knows how happy I am right now. Gustong-gusto na kitang makita, alam mo ba 'yon, ha!” 

“Hayys, you're really a crybaby. Don't worry, love, basta in just a week, nasa Pinas na 'ko. We have some reports pa to finish in a couple of days. Talk to Ate Clarisse, please. Hope she'll give you a li'l time to rest too, para masulit naman natin ang two months,” pakikiusap nito. 

Oo nga pala, sana naman ay mabigyan siya ng Ate niya ng rest pagkatapos ma-launch at pumasa sa FDA ang gamot na bagong gawa ng team.

“I will, love.” Pinahid niya ang mga luhang lumalandas sa namumulang pisngi. “Oh, by the way, love. I only have one hour to prepare. Magsta-start na 'yung one-week conference ko rito sa Dubai today, e. I'll call you when I'm done.”

“Okay, love. Take your time. I just can't wait to tell you the good news, so I really called you after I came out of the office. Sorry, nagising pa kita. See you, love. I love you.”

“I love you more, Daven ko...” nakangiti niyang pinindot ang end button matapos niyang makitang nag-wave ang guwapong boyfriend.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Don't Leave Loivng You   CHAPTER 11

    NAPADILAT si Ruan nang maramdamang unan pala ang niyayakap niya, at hindi ang matampuhing girlfriend na kanina ay nasa tabi niya lang. Nilingon niya ang bintana at nakita niyang sumikat na si haring araw.May usapan nga pala silang magkikita-kita sa bahay nila Brad ngayon, dahil sabay-sabay silang mag-a-apply sa isang fast-food chain doon sa bayan. Magsa-summer job sila habang hindi pa nagsisimula ang first semester. Mabilis siyang napatakbo papunta sa banyo at naligo.Galing sa bahay nila ay madadaanan muna ang bahay nila Brad bago ang bahay ng tita ni Dianne, kaya napag-isipan niyang dumaan muna kina Brad."Oh, nasaan na ang Yanny mo?" kaagad na bungad sa kanya ni Lenny, na nakaharap na naman sa salamin."Oo nga, kayo talagang dalawa, palagi kayong late." wika naman ni

  • Don't Leave Loivng You   CHAPTER 10

    Matagal bago inalis ni Ruan ang mga labi sa noo ng dalaga. Tinitigan muna siya nito bago muling inangkin ang kanyang mga labi, and she was kissing him back. They explored the thing, na labis na nagbibigay sa kanila ng kakaibang pakiramdam.She moaned in a low voice when she felt the warm body of Ruan on top of her. Naging mabilis ang pagtibok ng puso niya nang maramdaman niyang unti-unting nagsisimula ang binata sa nais nitong gawin. They were both naked, at tanging paghinga lang nila ang maririnig sa kuwartong iyon.Sandali nitong itinigil ang paghalik sa kanya at ibinalik ang mga labi sa noo ng dalaga.“Yanny...”“Hmm?”“I will stop this, if you want me to—” mahina nitong sambit hab

  • Don't Leave Loivng You   CHAPTER 9

    Nakarating na sila sa bahay ng kanyang Tita Monique at nagpaalam na siya sa binata. Hindi raw ito aalis hangga't hindi pa siya nakakapasok sa loob ng bahay.Nang gabing iyon, ay nakatanggap si Dianne ng text galing kay Ruan. Hiningi raw nito ang number niya kay Jane. May group chat na ginawa si Kuya Brad para sa barkada, pero hindi niya naman masyadong nakikitang nagre-reply doon si Ruan. Kaya sobra siyang natuwa nang bigla itong nag-text sa kanya at nag-effort pa itong kunin ang number niya.Mabilis na naging malapit sila sa isa't isa hanggang sa tuluyan na ngang nanligaw si Ruan sa kanya. Hindi niya naman ito pinaghintay nang matagal, sinagot niya ito noong nanalo sila sa basketball sa sports fest ng school. Tumigil din ito sa paninigarilyo dahil pinagbawalan niya ito.Pinakilala niya ito kay Tita Monique at nagus

  • Don't Leave Loivng You   CHAPTER 8

    UNTI-UNTI na ring naging malapit si Dianne sa iba pang circle of friends nina Lenny at Jane, kabilang na dito ang mga kaibigan ng kapatid ni Lenny na si Kuya Brad. Nalaman niyang batchmate pala nila ang mga ito at sa Section C sila pumapasok. Sobrang natutuwa siya kay Badong, dahil bentang-benta ang mga jokes nito, lalo na sa kanya. Si Brix at Bj naman ang nakakalaro niya pagdating sa video games. Pero isa sa mga ito ang palagi niyang gustong makita. Si Ruan, na hindi naman masyadong nagsasalita, at puro tawa lang kapag nagpapatawa si Badong.Alam niyang crush na nga ang nararamdaman niya para dito, dahil naiinis siya pag nakikita niyang nakikipag-usap si Ruan sa ibang babae. Pasok sa ideal guy niya si Ruan. Matangkad ito at mahilig tumugtog ng gitara. Nakita niya na rin itong naglaro ng basketball noong minsang sinama siya nina Jane at Lenny sa plaza, at saktong naglalaro noon ang team nila.

  • Don't Leave Loivng You   CHAPTER 7

    Dianne's tears can't stop from falling. Basa na ang unan niya dahil kanina pa siya umiiyak. Hindi pala ganoon kadali ang muling makaharap 'yung lalaking dati nang nagpaikot ng mundo niya. Paano nga ba nagsimula ang lahat, at paano nangyari ito sa kanila? Pumikit siya at kahit masakit ay pinilit niyang alalahanin ang nakaraan.Malungkot na niyakap ni Dianne ang kanyang human-sized teddy bear habang nakatingin sa labas ng bintana ng eroplanong sinasakyan.Dumadaan sa isang malaking problema ang kompanyang pagmamay-ari ng mga magulang niya at posibleng ma-bankrupt iyon. Her parents are experiencing death threats from their company's rival, kaya't inilayo nila ang mga anak para hindi madamay ang mga ito.She was really jealous of her Ate Clarisse and her Kuya Rafael, dahil pareho nang nasa Boston ang mga ito. Kung college na rin sana siya ay sumama na siya sa dalawa.Papunta siya sa probinsya kung saan nakatira ang kanyang Tita Monique na nag-iisang kapatid ng kanyang Daddy. Sakitin siya

  • Don't Leave Loivng You   CHAPTER 6

    “Welcome to Palm Hotel—” wika ng staff na sumalubong sa kanila pero dinaanan lang nila ito dahil mabilis na naglalakad si Ruan papunta sa di-kalayuang elevator, at wala siyang magawa kung hindi ang bilisan na lang din ang paglalakad dahil tangay siya nito.Pinindot nito ang number twenty-six sa buttons ng elevator habang nakahawak pa rin ito sa kamay niya. Kanina pa siya nag-iingay at nagpupumiglas pero parang wala itong naririnig.“Finally, pinagtagpo rin tayo,” wika nito matapos ma-lock ang pinto sa isang malinis na kuwarto na sa tingin niya ay tinutuluyan ni Ruan.“Kumusta ka naman?” kaagad nitong tanong nang nagkaharap na silang dalawa. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kay Ruan. Tiningnan niya ito sa mata at mas lalo pang tumindi ang inis na nararamdaman niya, o mas tamang sabihin na galit.She heaved a sigh at pinakalma ang sarili. Hindi niya kasi alam kung dapat pa ba siyang magpaliwanag o mas mabuting umalis na lang siya.“Look, Ruan... I don't know what to say, but if yo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status