Share

Don't Leave Loivng You
Don't Leave Loivng You
Author: Loen Scorp

CHAPTER 1

Author: Loen Scorp
last update publish date: 2026-08-05 23:09:47

“NAKAPAG-BOOK na po ako ng ticket niyo at naka-book na rin ang hotel na tutuluyan niyo sa Dubai, Miss Dianne. Settled na rin ang lahat ng schedules at appointments doon. Atsaka ito po ang first overseas niyo na hindi ako kasama, kaya sobrang worried po ako na baka—”

“Angela, puwede ba?” putol ni Dianne sa secretary niyang nakabuntot sa kanya habang naglalakad sila papasok sa kanyang office. “Alam mo bang habang tumatagal, para ka nang si Tita Monique? Kaya ko ang sarili ko, okay? Hindi ako lampa katulad mo. Coffee, please!”

“Yes, ma'am.”

Kaagad namang humiwalay ng landas ang secretary niyang kinaiinisan. Lampa na nga, napakakulit pa. Kapag pinagmamadali niya, kung hindi natitisod sa kung saan, nadadapa. Pero ewan niya ba at ayaw niya namang alisin sa trabaho si Angela.

Four years na itong nagtatrabaho sa kanya. Siguro iyon ay sa kadahilanang masipag ito at lahat naman ng kailangan niya ay naibibigay kaagad nito, at maayos namang nagagawa ang mga utos niya.

Sophisticatedly, Dianne walked towards her office—the vice president's office. Napakarami niya pang report na dapat tapusin. May presentation pa siya bago mag-lunch, kaya naman maaga pa at mainit na naman ang kanyang ulo.

“Arlene! Nandiyan na ba si Arlene? Nasaan na 'yung report na hinihingi ko? Bakit wala pa sa mesa ko? Napakakupad talaga!” sigaw niya pagkapasok pa lang ng office.

Pahampas niyang nilapag sa U-shaped table ang mga folder na dala. Laman niyon ang mga report na kailangan niyang i-present sa meeting mamaya.

Naibaling niya ang mga mata sa pintuan nang may kumatok, kahit nakabukas iyon.

“Sorry, ma'am. Rush hour at traffic po sa labas kaya—”

“Traffic! Traffic! 'Di ka talaga nauubusan ng raison d'etre, ano?” Ako 'yung boss pero ako pa 'yung hindi nale-late. “Would you like to switch your position to mine, ha, Arlene?” Nakaangat ang isang kilay niyang tanong. “Akin na 'yan!” Hinablot niya mula rito ang mga folder na dala.

Limang buwan pa lang nagtatrabaho si Arlene sa kompanya at palagi itong late, kaya mas lalo pang umiinit ang ulo niya, lalo na kapag ang mga dokumentong kailangan ay hindi agad-agad naibibigay.

“Here's your coffee, ma'am.” Marahang nilapag ni Angela ang kape sa kanyang mesa.

“Get out,” naiirita at walang ganang utos niya sa dalawa.

Sabay na lumabas tuloy ang dalawa.

“Mainit na naman ang ulo niya.”

“Oo nga, e. Napagalitan na naman yata ng President.”

Narinig niya ang pag-uusap ng dalawa habang palabas ang mga ito sa kanyang office. Alam na alam na yata ng dalawang iyon ang dahilan kapag nagsusungit na naman siya.

Her Ate Clarisse brings out the beast inside of her, and she turns into this ill-tempered woman. Her sister is running their pharmaceutical business—na iniwan ng yumao nilang mga magulang. At siya naman ang Vice President.

Kailangan niya raw magpakapagod nang sobra at magpakaalipin sa pagtatrabaho sa kompanya dahil kung nabubuhay lang ang mga magulang nila ay hindi nila papasanin ang napakabigat na responsibilidad na iyon.

They have to take care of these hundreds of employees, na umaasa sa kanila.

Hanggang ngayon ay hindi siya pinapatulog ng konsensya mula nang magising siya sa katotohanang naaksidente ang mga magulang dahil sa kanya, at paulit-ulit iyong pinapamukha sa kanya ng ate niyang si Clarisse.

Tatlo lang silang magkakapatid at panganay nila ito. Si Rafael ang pangalawa at siya naman ang bunso.

Simula nang mawala ang mga magulang ay nagbago ang pakikitungo sa kanya ni Clarisse. She would always yell at her, at palagi siya nitong napapagalitan kahit sa mga maliliit na bagay lang. Iyon ang naging dahilan ng pagbabago niya.

Dianne wants to be forgiven by acceding to everything that Clarisse wants her to do. She is dying to bring back the good affinity between her and her torpid sister.

Nakapagtapos siya sa kursong medicine dahil iyon ang gusto ng kapatid niya.

She loves to draw different styles of buildings and bridges at gustong-gusto niyang maging architect, pero nangako siyang susundin niya ang kapatid at ipagpapatuloy nila ang negosyong iniwan ng mga magulang.

Hindi lang nila magawang maipasok sa kompanya ang kuya niya dahil isa na itong pilot at walang makakapigil sa mga bagay na gusto nitong gawin.

Madalas na nagkakamali siya sa trabaho kaya naman lagi silang nagbabangayan ng ate niya, at nabubunton niya ang galit sa mga tauhan ng kompanya. Lagi talagang mainit ang kanyang ulo. Tuloy, naririnig niyang usapan sa kompanya ay para daw siyang matandang babae na magme-menopause na, sa sama ng ugali!

***

MATAGAL bago matapos ang palakpakan ng mga stockholders sa conference room pagkatapos ng presentation ni Dianne.

Nakagawa na naman siya at ang kanyang team ng isa pang gamot, at sa susunod na linggo ay maaari na itong i-launch.

“Thank you. Thank you,” pagpapasalamat niya sa lahat ng taong naroon. A genuine smile crept on her heart-shaped lips.

“Thanks to you, Miss Dianne. This company keeps on growing because of you,” bati sa kanya ng isa sa mga executives ng kompanya—si Rico. Isa rin ito sa mga nagpapa-pansin sa kanya. Kinindatan pa siya nito.

Nagpakawala siya ng isang pekeng ngiti rito. 

“Napakababaero talaga! Kahapon lang ay nahuli na naman ito ng asawa nito na may kasamang ibang babae. Hindi ba nila naiintindihan ang salitang 'marriage'?” tanong niya sa isipan.

“You did well today. Keep it up,” bati sa kanya ni Clarisse nang unti-unti nang magsilabasan sa conference room ang mga board members.

“Thanks, Ate. Anyway, magla-lunch kami ni Kuya Rafael mamaya. Join us.”

“Next time na lang. I have an appointment with Mr. Takahashi at ng iba pang investors of the company,” sagot ni Clarisse habang nag-aayos ito ng mga gamit. “We will be having our lunch together. Ikumusta mo na lang ako kay Rafa. See you around.” At tinalikuran siya ng kapatid.

Medyo maayos na ang pakikitungo sa kanya ni Clarisse nitong mga nakaraang buwan, at ikinatutuwa niya iyon.

Siguro nga ay kailangan niya talagang pagbutihin ang trabaho at sumunod na lang sa mga utos ng ate nakakatandang kapatid. Alam niyang konting-konti na lang ay makukuha niya na ulit ang loob nito, at maaayos na ang gusot sa pagitan nilang dalawa.

“Woah, ang galing mo ha! Paano ka nakakagawa ng gamot nang ganoon kadali? 'Di ko talaga kaya ang talino niyo ni Ate Clarisse. Sa airplane lang ako magaling,” anang Kuya Rafael niya na susubo na naman ng inorder nilang lasagna.

Guwang-guwapo ito sa suot na senior first officer pilot's uniform. Naghihintay na lang ito ng ilang buwan at mapo-promote na bilang captain. Napaka-devoted nito sa trabaho.

Nagkita sila sa isang classy na restaurant malapit sa kompanya. Medyo matagal na rin silang hindi nakakapag-bonding dahil parehong hectic ang kanilang mga schedule.

“Hindi naman. But I already told you about this, right? Dad and Mom are my inspiration when it comes to this job,” malungkot na saad niya.

“Huwag mo na kasing alisin ang mga ngiti mong iyan. Don't think about Mom and Dad anymore. Keep movin' on, okay? I'm sure they were really happy watching you and Ate from above for running our business smoothly.”

“Thanks, Kuya.”

“Good job, Yanny.”

“Kuya naman, e. Sinabing h'wag mo 'kong tawaging Yanny!”

Nalulungkot siya pag naririnig ang nickname na iyon dahil iyon ang tawag ng daddy niya sa kanya.

“I love to call you that name, e. Just think that Dad and I are one, and we're always here for you. Lalo na si Mommy, proud na proud sa'yo 'yon.” Napangiti Siya sa winika ni Rafael. “Pupunta ka ng Dubai bukas? I heard from Tita Monique,” dugtong pa nito.

“Si Tita talaga, napakatsismosa. Sinabi nang huwag sasabihin sa'yo.” Napanguso siya. “Oo, alam mo na 'yon, business trip. Hindi pwedeng magreklamo.” Padiin na binanggit niya ang salitang reklamo.

“Yanny, you can. Hindi naman pwedeng iasa niya na lang sa'yo ang lahat!”

“Kuya, I can't. Alam mo naman kung bakit ko 'to ginagawa, 'di ba?”

“Why? To show that you're guilty that Mom and Dad are gone because of you, so you will just please her all your life?” Binitawan nito ang tinidor na hawak at umarko ang makakapal na kilay. Ipinatong ang mga kamay sa mesa saka pinagsiklop ang mga palad.

Nakikita ni Dianne ang inis sa mukha ng kapatid.

“Come on, Yanny! Twenty six years old ka na. You wasted ten years of your existence just being subservient to her. Hindi naman tama 'yon. Pagsasabihan ko siya.”

“Kuya, don't. Please? You will just argue again because of me, and I will not let that happen. Don't worry about me, okay? This is my job and I can handle myself.”

She smiled widely para makita ni Rafael na masaya siya sa ginagawa kahit ang totoo ay pagod na pagod na siya.

Tama nga naman ang kuya niya, pagka-graduate niya ng high school ay nakasunod lang siya sa lahat ng utos ng kanyang Ate Clarisse.

Pati ang kursong gusto noong college ay hindi niya nakuha,  dahil dapat daw ay related sa kompanya nila ang kursong dapat niyang pag-aralan.

“Oo nga pala, kumusta naman 'yong brother-in-law ko?” tanong ng kanyang kuya, na ikinatawa ni Dianne.

“Brother-in-law, daw!”

Gumuhit ang napakatamis na ngiti sa labi niya. Her brother is talking about Daven Anderson—her boyfriend.

“Why? Are you thinking of any chances that you and Daven will end up nothing like what happened to other couples? Four years na kayo, 'di ba? LDR pa. Ibig sabihin lang niyon, marunong kayong maghintay dahil mahal niyo ang isa't isa.”

“Oo nga, Kuya, e. Ayun, nag-update siya sa akin kahapon at nasa Norway na daw sila. 'Di talaga siya nawawala sa mga dasal ko. Napaka-critical daw ng situation nila,” wika niya sa malungkot na tono.

“Don't worry. Si Daven pa, matapang 'yon. Magiging lieutenant ba 'yon kung hindi siya ganoon katapang? Sige na, ubusin mo na ang pagkain mo. May flight pa 'ko in thirty minutes. Sorry, Yanny, ha. Next time, promise, babawi ako.”

Nalulungkot siya dahil maghihintay na naman siya ng ilang araw para muling makasabay sa pagkain ang kapatid.

Papunta na siya ng Dubai bukas para sa isang business conference at hindi niya alam kung ilang araw siya magsi-stay doon.

And what’s bothering her was her boyfriend’s situation. Sobrang worried siya kay Dave. Hindi pa ito nagte-text simula kahapon ng umaga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Don't Leave Loivng You   CHAPTER 11

    NAPADILAT si Ruan nang maramdamang unan pala ang niyayakap niya, at hindi ang matampuhing girlfriend na kanina ay nasa tabi niya lang. Nilingon niya ang bintana at nakita niyang sumikat na si haring araw.May usapan nga pala silang magkikita-kita sa bahay nila Brad ngayon, dahil sabay-sabay silang mag-a-apply sa isang fast-food chain doon sa bayan. Magsa-summer job sila habang hindi pa nagsisimula ang first semester. Mabilis siyang napatakbo papunta sa banyo at naligo.Galing sa bahay nila ay madadaanan muna ang bahay nila Brad bago ang bahay ng tita ni Dianne, kaya napag-isipan niyang dumaan muna kina Brad."Oh, nasaan na ang Yanny mo?" kaagad na bungad sa kanya ni Lenny, na nakaharap na naman sa salamin."Oo nga, kayo talagang dalawa, palagi kayong late." wika naman ni

  • Don't Leave Loivng You   CHAPTER 10

    Matagal bago inalis ni Ruan ang mga labi sa noo ng dalaga. Tinitigan muna siya nito bago muling inangkin ang kanyang mga labi, and she was kissing him back. They explored the thing, na labis na nagbibigay sa kanila ng kakaibang pakiramdam.She moaned in a low voice when she felt the warm body of Ruan on top of her. Naging mabilis ang pagtibok ng puso niya nang maramdaman niyang unti-unting nagsisimula ang binata sa nais nitong gawin. They were both naked, at tanging paghinga lang nila ang maririnig sa kuwartong iyon.Sandali nitong itinigil ang paghalik sa kanya at ibinalik ang mga labi sa noo ng dalaga.“Yanny...”“Hmm?”“I will stop this, if you want me to—” mahina nitong sambit hab

  • Don't Leave Loivng You   CHAPTER 9

    Nakarating na sila sa bahay ng kanyang Tita Monique at nagpaalam na siya sa binata. Hindi raw ito aalis hangga't hindi pa siya nakakapasok sa loob ng bahay.Nang gabing iyon, ay nakatanggap si Dianne ng text galing kay Ruan. Hiningi raw nito ang number niya kay Jane. May group chat na ginawa si Kuya Brad para sa barkada, pero hindi niya naman masyadong nakikitang nagre-reply doon si Ruan. Kaya sobra siyang natuwa nang bigla itong nag-text sa kanya at nag-effort pa itong kunin ang number niya.Mabilis na naging malapit sila sa isa't isa hanggang sa tuluyan na ngang nanligaw si Ruan sa kanya. Hindi niya naman ito pinaghintay nang matagal, sinagot niya ito noong nanalo sila sa basketball sa sports fest ng school. Tumigil din ito sa paninigarilyo dahil pinagbawalan niya ito.Pinakilala niya ito kay Tita Monique at nagus

  • Don't Leave Loivng You   CHAPTER 8

    UNTI-UNTI na ring naging malapit si Dianne sa iba pang circle of friends nina Lenny at Jane, kabilang na dito ang mga kaibigan ng kapatid ni Lenny na si Kuya Brad. Nalaman niyang batchmate pala nila ang mga ito at sa Section C sila pumapasok. Sobrang natutuwa siya kay Badong, dahil bentang-benta ang mga jokes nito, lalo na sa kanya. Si Brix at Bj naman ang nakakalaro niya pagdating sa video games. Pero isa sa mga ito ang palagi niyang gustong makita. Si Ruan, na hindi naman masyadong nagsasalita, at puro tawa lang kapag nagpapatawa si Badong.Alam niyang crush na nga ang nararamdaman niya para dito, dahil naiinis siya pag nakikita niyang nakikipag-usap si Ruan sa ibang babae. Pasok sa ideal guy niya si Ruan. Matangkad ito at mahilig tumugtog ng gitara. Nakita niya na rin itong naglaro ng basketball noong minsang sinama siya nina Jane at Lenny sa plaza, at saktong naglalaro noon ang team nila.

  • Don't Leave Loivng You   CHAPTER 7

    Dianne's tears can't stop from falling. Basa na ang unan niya dahil kanina pa siya umiiyak. Hindi pala ganoon kadali ang muling makaharap 'yung lalaking dati nang nagpaikot ng mundo niya. Paano nga ba nagsimula ang lahat, at paano nangyari ito sa kanila? Pumikit siya at kahit masakit ay pinilit niyang alalahanin ang nakaraan.Malungkot na niyakap ni Dianne ang kanyang human-sized teddy bear habang nakatingin sa labas ng bintana ng eroplanong sinasakyan.Dumadaan sa isang malaking problema ang kompanyang pagmamay-ari ng mga magulang niya at posibleng ma-bankrupt iyon. Her parents are experiencing death threats from their company's rival, kaya't inilayo nila ang mga anak para hindi madamay ang mga ito.She was really jealous of her Ate Clarisse and her Kuya Rafael, dahil pareho nang nasa Boston ang mga ito. Kung college na rin sana siya ay sumama na siya sa dalawa.Papunta siya sa probinsya kung saan nakatira ang kanyang Tita Monique na nag-iisang kapatid ng kanyang Daddy. Sakitin siya

  • Don't Leave Loivng You   CHAPTER 6

    “Welcome to Palm Hotel—” wika ng staff na sumalubong sa kanila pero dinaanan lang nila ito dahil mabilis na naglalakad si Ruan papunta sa di-kalayuang elevator, at wala siyang magawa kung hindi ang bilisan na lang din ang paglalakad dahil tangay siya nito.Pinindot nito ang number twenty-six sa buttons ng elevator habang nakahawak pa rin ito sa kamay niya. Kanina pa siya nag-iingay at nagpupumiglas pero parang wala itong naririnig.“Finally, pinagtagpo rin tayo,” wika nito matapos ma-lock ang pinto sa isang malinis na kuwarto na sa tingin niya ay tinutuluyan ni Ruan.“Kumusta ka naman?” kaagad nitong tanong nang nagkaharap na silang dalawa. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kay Ruan. Tiningnan niya ito sa mata at mas lalo pang tumindi ang inis na nararamdaman niya, o mas tamang sabihin na galit.She heaved a sigh at pinakalma ang sarili. Hindi niya kasi alam kung dapat pa ba siyang magpaliwanag o mas mabuting umalis na lang siya.“Look, Ruan... I don't know what to say, but if yo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status