Mag-log inDianne's tears can't stop from falling. Basa na ang unan niya dahil kanina pa siya umiiyak. Hindi pala ganoon kadali ang muling makaharap 'yung lalaking dati nang nagpaikot ng mundo niya. Paano nga ba nagsimula ang lahat, at paano nangyari ito sa kanila? Pumikit siya at kahit masakit ay pinilit niyang alalahanin ang nakaraan.
Malungkot na niyakap ni Dianne ang kanyang human-sized teddy bear habang nakatingin sa labas ng bintana ng eroplanong sinasakyan.
Dumadaan sa isang malaking problema ang kompanyang pagmamay-ari ng mga magulang niya at posibleng ma-bankrupt iyon. Her parents are experiencing death threats from their company's rival, kaya't inilayo nila ang mga anak para hindi madamay ang mga ito.
She was really jealous of her Ate Clarisse and her Kuya Rafael, dahil pareho nang nasa Boston ang mga ito. Kung college na rin sana siya ay sumama na siya sa dalawa.
Papunta siya sa probinsya kung saan nakatira ang kanyang Tita Monique na nag-iisang kapatid ng kanyang Daddy. Sakitin siya at kailangan siyang maalagaan ng kanyang Tita habang abala pa ang mga magulang.
Iniisip niya pa lang na kakain siya ng mga pagkain na galing sa palengke ay sumasakit na ang tiyan niya. Galing siya sa isang elite school at ga-graduate lang siya sa isang public school. Naluluha siya sa mga isiping iyon. Wala kasi siyang magawa kung hindi ang sumunod sa mga magulang dahil iyon ang tama at mas nakabubuti. Iniisip lang nila ang kapakanan niya.
Dianne was mistaken, hindi naman pala ganoon kasama ang manirahan sa isang probinsya. Kaagad niyang nakasanayan ang pamumuhay doon lalo na nang makapasok siya sa school. She met a lot of good friends, na naiiba sa mga kaibigan niya sa dating school. She knew that Charice and Megan were just close to her because of their company's rank in the business industry. Kinakaibigan lang siya ng mga ito dahil sa pera nila. Pero naiiba sina Jane at Lenny, ngayon niya lang naintindihan ang tunay na ibig sabihin ng best friends.
Tatlong araw pa lang ng pasukan at napakarami nang gustong makipagkaibigan sa kanya, marami raw kasing natutuwa sa kanya dahil kakaiba ang ganda niya sa lahat ng mga babaeng naroon sa eskwelahang iyon. Ayaw niyang malaman ng mga ito kung saan siya galing, at kung gaano sila kayaman. Magkakaroon pa rin naman pala siya ng mga tunay na kaibigan kahit hindi niya ipagsigawang marami siyang pera.
“Oh, ano? Pumayag na ba ang Tita mo?” tanong ni Lenny, pertaining to those group works na kailangan na raw nilang isagawa mamayang gabi.
“H-hindi pa, e, pero alam kong papayag 'yun.”
“Sige, sunduin ka na lang namin mamaya, ah. Bye, Dianne.” Paalam sa kanya ni Jane at kumaway na rin si Lenny. Nasa iisang subdivision lang ang mga bahay nila pero mas unang madadaanan nila ang bahay ng kanyang Tita Monique.
Nadatnan niyang nagluluto ang kanyang Tita, nagpaalam siya at pinayagan naman siya nito, basta't huwag daw masyadong gagabihin.
Sinundo siya ni Jane at naglakad lang sila papunta sa bahay ni Lenny na hindi naman kalayuan sa bahay nila. Papasok na sila nang mahagip ng paningin niya ang iilang mga lalaking nakaupo sa cottage sa tabi ng bahay nila Lenny. May group work din daw ang Kuya ni Lenny kaya't naroon din ang mga classmates nito.
“Wow, pare, oh! Nandito ang magandang chiks ng Section A.” Narinig niyang sabi ng lalaking naka-checkered.
“Hoy, ikaw, Badong, ah! Huwag na huwag mong hihingian ng number 'tong classmate namin, dahil alam kong hihingian mo lang din naman ng load, timawa ka!” wika ni Jane, at naramdaman niya ang pagsukbit ng kamay nito sa braso niya.
“Naku, selos ka lang, e! O, 'di sige, pahingi na lang ng number mo.” Naghiyawan ang mga lalaking naroon at pati siya ay nakitawa na rin.
“Neknek mo! Halika na, Dianne. Huwag mo nang pansinin iyang mga kumag na 'yan,” wika ni Jane at hindi pa rin tumigil sa pang-aasar sa kanila ang mga lalaki roon. Hindi niya alam kung ano ang namamagitan kina Jane at doon sa Badong na 'yon, but she can smell the scent of love floating in the air.
"D-DIANNE? A-are you okay?"Tila nagising siya sa isang masakit na panaginip nang muling nagsalita si Abby. Tinatangay siya ng nakaraan at nagbabadyang mangilid ang mga luha sa mga mata niya. Nasasaktan siya para sa sarili, at para kay Ruan."Y-yeah, I'm fine... Abby, if you don't mind, can I go now?--"Biglang bumukas ang pinto, at nakita niyang papasok na si Ruan, bitbit nito ang isang paper bag. Nakita niya ang pag-awang ng mga labi ni Ruan."Is that my clothes?" tanong niya sa binata na nakatingin lang sa kanya."Thank you, but I really need to go." wika niya habang papalapit kay Ruan para kunin ang mga damit sa loob ng paper bag, pero pinigilan siya ni Abby."Dianne, wait. I
"Mayamaya, nadiyan na 'yon. Besides, nandito ka na rin lang, dito ka na rin mag-breakfast." wika nito habang nilalabas sa paper bag ang mga pinamili."By the way, I'm Abbigail Carantes. You can just call me Abby. I'm Ruan's partner in our investigation department. We're both private investigators, in case you want to know. Diyan lang sa kabila ang room ko, pero sabay kaming kumakain ni Ruan, kaya nandito ako ngayon." pagpapakilala ng kaharap sa kanya.Private Investigator na pala si Ruan? Oo nga pala, natatandaan niyang pangarap ngang maging detective ng binata noon."I'm Dianne, Dianne Drillon." pagpapakilala niya sa sarili."Yeah, alam ko. Kilala na kita." wika ni Abby na naghuhugas na ng mga gulay na pinamili nito."Kilala
DAHAN-DAHANG napadilat si Dianne nang maramdaman ang sakit ng ulo niya. Napaupo siya mula sa pagkakahiga at napahilot sa sentido. Ganoon na ba karami ang nainom niya kagabi, kaya't parang pinupukpok ng isang matigas na bagay ang ulo niya?Ganoon na lang ang pagkabigla niya nang tuluyang bumukas ang mga mata niya. Wala siya sa hotel na tinutuluyan niya at hindi niya alam kung nasaang kuwarto siya. Nilibot niya ang paningin sa buong paligid at unti-unti niyang naalala ang lahat.Uminom siya sa loob ng kuwarto niya kagabi, dahil biglang bumalik sa alaala niya ang nakaraan at lahat ng nangyari sa kanila ni Ruan. Naisip niyang kagagawan niya pala ang lahat kung bakit nawala ang mga magulang niya at kung bakit nasaktan niya noon ang binata. Sa sobrang sakit na naramdaman niya at galit niya sa sarili, 'di niya napigilang uminom nang marami.
Sino naman ang maghahanap sa kanya sa ganitong oras?Sinulyapan niya ang wristwatch at nakita niyang alas tres na ng umaga. Ilang oras pa lang ang naitutulog niya mula noong umuwi sila ni Abby galing sa bar kagabi.Napaupo siya sa kama at napahilot sa sentido. Masakit ang ulo niya dahil sa dami ng nainom kagabi. Nakapikit niyang tinungo ang pintuan na hindi naman kalayuan sa kama niya. Naiinis na pinihit niya ang seradura ng pinto dahil wala pa ring tigil sa pagkatok ang tao sa labas.Kasabay ng pagdilat ng mga mata niya ang laki ng pagkagulat niya nang makita kung sino ang nasa harapan niya. Biglang nawala ang antok niya.Dianne is standing in front of him, with her messy long hair. Naniningkit ang mga mata nito at namumula ang buong mukha. Amoy na amoy niya ang alak na
NILAGOK ni Ruan ang isang baso ng tequila, habang pilit na winawaksi sa isipan ang mga mapapait na alalang iyon.Hindi na siya nag-abalang sundan pa si Dianne kanina noong umalis ito, dahil alam niya na napakainit pa ng tagpong iyon para sa kanilang dalawa. Fate is playing a cruel trick on him, again.Dumerecho siya sa isang exclusive na bar malapit sa hotel na tinutuluyan niya, at inanod niya ang sarili sa pag-inom. Sampung taon niya nang kinalimutan ang lahat at hindi niya aakalaing darating ang panahong ito, na makikita niyang muli sa hindi inaasahang pagkakataon ang babaeng nanakit at nag-iwan ng hindi maiburang marka sa puso niya.The face of that woman is glued to his mind, na kahit anong gawin niya ay hindi mawala-wala sa paningin niya ang kabuuan nito, magmula nang muli niya itong makita kanina. Napakarami n
"Yanny? Please, kausapin mo naman ako. Ano bang kasalanan ko? Sabihin mo, bakit ka umalis? Anong problema?" malakas niyang sigaw. Sa tingin niya ay naririnig siya ng dalaga."Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako kinakausap!"Napatigil si Ruan nang biglang bumuhos ang malakas na ulan, ngunit ganoon pa man ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagdo-doorbell at pagkatok sa gate. Nababasa na ang bag niya kaya't minabuti niyang kunin ang wallet at cellphone sa loob noon at ibulsa sa loob ng black leather jacket niya."Yanny? Please naman, oh—"Napatigil siya sa pagsigaw nang biglang bumukas ang gate at lumabas galing doon ang katulong na nakausap niya kanina, at may dala itong payong."Sir, umalis na po kayo at baka maabu







