Nakatanggap ng tawag si Hiraya kung kaya’t agad niya itong sinagot, ang kaibigan niya pa lang nars na si Alena.
“Hello—”
“Hello, Hiraya!? Nasaan ka ba? Inatake na naman ng sakit ang nanay, pumunta ka rito sa ospital ngayon din! Kailangan ka niya at hinahanap ka!”
Labis ang pagkagimbal ng dalaga nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Tumulo ang luha niya at agad na nagpara ng taxi upang makapunta sa ina. Kakatapos lamang ng chemotherapy ng ina noong nakaraang linggo ngunit bakit inatake ulit ito ng sakit? Hinigpitan niya ang hawak sa supot na naglalaman ng gamot na ibinigay sa kan’ya ni Dr. Reyko, dugo, pawis at kaluluwa ang kan’yang ginamit upang makuha lamang ito kung kaya’t dapat lang na maging magaling ang ina niya kapag nainom na ito.
Pipi siyang nanalangin hanggang sa makarating siya sa ospital. “Hintayin mo ako, inay. Parating na ako upang iligtas ka!” bulong niya sa sarili.
Nang sandaling makita siya ni Alena ay agad itong lumapit sa kan’ya. Halatang umiiyak din ito dahil namamaga rin ang mga mata ng dalaga. Niyakap siya ng kaibigan saka hinawakan ang kan’yang mga kamay. “Hiraya, sabi ng doktor kailangan na raw maoperahan si Tita. Kahit kalahati lamang ang bayaran mo ay okay na iyon. Dalawang milyon ang kakailangan natin, may pera ka ba riyan? Kahit isang milyon ay okay na. Oh my God! Saan tayo kukuha ng perang—”
“Alena! May dalawang milyon na ako, mayroon din akong nakuhang gamot galing kay Dr. Reyko, naalala mo ang kiniwento mo sa akin na isang special medicine? Ibinigay iyon sa akin at mayroon akong tatlong box dito. Lahat ay nakahanda na, sabihin mo kay Dr. Smith, operahan na ang nanay ngayon din!” seryosong saad niya kay Alena kaya naman tumango ito kahit na hirap na hirap iproseso ang sinabi ng dalaga.
Napaka-imposibleng makuha ng medisinang iyon lalo pa’t napakahigpit ng pamilyang Takahashi. Halos espesyal na tao lamang ang nakakatanggap doon, napakalaking halaga rin nito kaya nahihirapang mabili iyon ng isang norma na tao.
Mahirap paniwalaan na magkakaroon si Hiraya ng isang napakahalaga at napakamahal na medisina. Gayunpaman, dali-dali siyang pumunta sa doktor at sinabing operahan na ang ina ni Hiraya.
Habang nasa operasyon ang ina, hindi napigilan ni Alena na magtanong kay Hiraya. “Saan mo nakuha ang dalawang milyon at paano mo nakuha ang medisinang iyon, Hiraya?” tanong ni Alena sa dalaga.
Sandaling nataigilan si Hiraya nang marinig ang tanong ng kaibigan. Tiningnan niya ang kaibigan at naluluhang nagsalita, “Naalala mo iyong kiniwento mo sa akin? Iyong special medicine na ginawa ni Dr. Reyko Takahashi at sumikat na nagpapagaling ito ng sakit na cancer? Ibinigay iyon sa akin ni Dr. Reyko…”
Kumunot ang noo ni Alena, kilala niya si Dr. Reyko Takahashi, kilala ito sa pagiging babaero at papalit-palit ng kasintahan. Halos lahat ng magagandang babae sa kanilang syudad ay naikama na ng lalaki at agarang hihiwalayan ito kapag nagsawa na. Biglang nakaramdam ng hindi maganda si Alena patungkol sa kan’yang kaibigan na si Hiraya.
“Oo, naalala ko nga ngunit bakit binigyan ka ng doktor na iyon ng medisina at talong box pa? Huwag mong sabihing galing din ang dalawang milyon sa lalaking iyon? Hiraya!” nag-aalalang tanong ni Alena, maluha-luha nitong tiningnan si Hiraya na ngayon ay nakayuko lamang.
“G-Galing nga sa lalaki ang pera, kailangan na kailangan ko ito, Alena. Alam mo namang malubha na ang kalagayan ng nanay ko, isa pa, hindi na tayo matutulungan ni Jack ngayon dahil naghiwalay na kaming dalawa. Kaya naman ako na lamang ang gumawa ng paraan upang makakuha ng medisina sa doktor na iyon. Alam mong gagawin ko ang lahat upang maging okay lamang ang kalagayan ng nanay ko. Naiintindihan mo naman ako ‘di ba?” maluha-luhang katwiran ni Alena sa kaibigan.
“Ngunit hindi iyon ang plano natin, Hiraya! Sabi ni Jack ay siya na ang bahalang kumausap sa kaibigan nito— ano ang ibinigay mo sa lalaking iyon kapalit ng pera at medisina? Huwag mong sabihing—”
Tuluyang napahagulhol si Hiraya at napaupo sa sahig. Sa puntong iyon alam na ni Alena kung ano ang ibinigay ni Hiraya sa malupit na lalaking iyon. Hindi siya makapaniwala at umiling-iling.
“Diyos ko, tulongan niyo ho ang kaawa-awan kong kaibigan,” piping bulong niya sa Diyos at niyakap ng mahigpit ang dalaga.
Dangal, katawan at kaluluwa ang inalay ng kaibigan sa demonyong iyon. Sinugal nito ang mga iyon upang maging mabuti lamang ang kalagayan ng ina at sobrang awang-awa siya kay Hiraya. At kapag naubos ang medisina, alam niyang babalik at babalik pa rin ito sa demonyong iyon para sumugal ulit.
“Magiging okay na ang nanay, iyon naman ang mahalaga sa akin, Alena. Kahit na maubos ako ay okay lang, kahit mawalan ako ng dangal at dignidad ay lulunukin ko. Pipilitin kong bumangon ulit para sa aking ina. Hinding-hindi ako papayag na mawala siya. Kahit isugal ko man sa demonyo ang kaluluwa ko para maging okay lang siya ay gagawin ko! Magiging okay siya ‘di ba? Alena?” tanong ni Hiraya habang umiiyak sa mga bisig ng kaibigan.
Wala namang nagawa si Alena kung ‘di ang tumango, “Oo, Hiraya. Magiging okay na ang Tita dahil naoperahan na ito at mayroon na siyang gamot.”
Ilang oras din ang nakalipas nang lumabas ang doktor sa silid.
Ngumiti si Dr. Smith sa kanila at tumango, “Successful ang operation ng inay mo, Hiraya. Nakadagdag din ang medisinang binigay mo sa akin. Hindi ko na tatanungin kung saan niyo iyon nakuha subalit tatlong box lamang iyon, hindi pa iyon sapat para tuluyang gumaling ang inay mo. Kailangan pa rin nitong mag-maintenance ng gamot ng ilang buwan upang tuluyang matunaw ang cancer nito sa katawan.”
Nagkatinginan naman si Alena at Hiraya, “Ilang box ba ang kakailanganin ng inay ko hanggang sa tuluyang mawala ang cancer nito sa katawan at hindi na bumalik pa?” seryosong tanong ni Hiraya at napalunok ng mariin.
“Siguro isang dosena pa ang kakailangan niyo Hiraya. Subalit huwag mo munang isipin iyon, may dalawang box ka pang natitira’t may dalawang buwan ka pa upang makabili ulit nito. Mayamaya lamang ay magigising na ang inay mo subalit hindi pa ito malakas at kakailanganin pa ng pahinga at medisina.”
Tumango naman si Alena at Hiraya ng maintindihan ang sinabi ng doktor. Napahinga ng malalim si Hiraya saka napayakap sa kaibigan.
“Mabuti naman at okay na ang Tita subalit paano ulit tayo makakakuha ng gamot? Isang dosena pa ang kakailanganin upang tuluyang maging okay ang inay mo?” nammroblemang tanong ni Alena sa kaibigan.
Nanatili lamang na kampante si Hiraya at napangiti ng matamis sa kaibigan, “Huwag kang mag-alala, Alena, gagawa ako ng paraan upang makakuha ulit ng box na iyon.”
Kumunot ang noo ni Alena at umiling sa dalaga, “Huwag mong sabihing iaalay mo na naman ang katawan mo sa demonyong iyon!?” galit na wika ni Alena, “Hindi na ako papayag diyan, Hiraya!”
Umiling naman si Hiraya sa kaibigan at hinawakan ang kamay nito, “Hindi na, last na iyon, promise ko sa’yo. Naisip kong may dalawang buwan pa ako para makapag-ipon kung kaya’t alam kong makakabili na ako ng gamot ng nanay kahit pa-isa-isang box lamang . Isa pa may utang pang dalawang box sa akin ang doktor na iyon kaya sisingilin ko ulit siya.”
Nakahinga ng maluwag si Alena nang marinig iyon sa kaibigan, “Huwag na huwag mo ng gagawin iyon, Hiraya, okay??”
Tumango naman si Hiraya saka nginitian ng pilit si Alena.
Napataas ng kilay si Reyko dahil sa sinabi ni Hiraya. Kita niya ang pagyuko ng asawa sa kanya, hindi man lang niya alam kung ano nga ba ang ekspresyon nito. Kung umiiyak na ba ito o ano. Ngunit sa tingin ni Reyko ay malungkot ang babae. "Ano pa ba ang silbi kapag sinabi ko sa'yo ang problema ko? Wala ka na rin namang pakialam sa akin, tama? Hindi naman ako humingi ng tulong sa'yo, kaya ko namang solusyon ang lahat ng ito basta't huwag ka na lamang makialam sa akin. Please lang," sabi nito sa kanya. Ang boses nito ay malumanay at rinig din niya ang mahihinang hikbi nito. Napakuyom naman ng kamao si Reyko hanggang sa nagsilabasan na ang mga ugat nito sa kamay dahil sa sobrang ini. Ngayon na alam na niyang may problema ang asawa, hindi niya ito papalampasin. Hindi niya makakayang huwag pansinin ang mga nangyayari dahil wala rin naman talaga siyang pakialam doon sa kaibigan ng first love niya. Hinding-hindi niya iyon papalampasin kahit na kaibigan pa ito ni Andrea. Nanginginig ang kata
Hindi talaga makapaniwala si Andrea sa sinabi ni Hiraya, alam nito na gusto ni Hiraya si Reyko. At kasal ang dalawa, napailing si Andrea dahil sa nangyayari. “Tini-test mo ba ako, Hiraya? Alam mong hindi ako gusto ng matandang iyon. Kapag nalaman niyang dahil sa akin ay makikipag-divorce ka kay Reyko ay ipapatapon na naman niya ako sa ibang bansa! Hindi ba’t tama ako?” natatawang sabi ni Andrea. “Isa pa, hindi naman ako nauubusan ng lalaki kung kaya’t bakit pa ako papatol sa asawa mo? Hindi naman ako katulad mo pati ex na ng kaibigan ay pumatol pa rin.” Tumingin lamang ng seryoso si Hiraya sa kaibigan. Ilang taon na ang nakalipas ngunit sobrang ma-pride pa rin ito. “Kahit ano pa lang paliwanag ko ay hindi ka pa rin pala naniniwala. sabihin mo, useless lang pala ang pakikipag-usap ko sa’yo ngayon,” nakangiting sabi ni Hiraya kay Andrea. Napatayo na lamang siya at napailing. “Alam ko kung bakit ka nagpakita sa akin, dahil iyon kay Kalyx ‘di ba? Alam mong may ebidensya ako laban sa in
Biglang naalala ni Marco ang nangyari kay Mayumi kung kaya’t agad niyang binalita ito kay Reyko, "Alam mo ba ang nangyari kay Mayumi?"Nagulat si Reyko nang marinig ang sinabi ni Marco, "Anong nangyari sa kanya?""Hindi pa ba sinabi sa 'yo ng asawa mo?” Ilang segundong natahimik si Marco at nagpatuloy, "Grabe naman, wala talagang tiwala sa’yo ang asawa mo, pati gantong kalaking bagay ay itinatago niya sa’yo. Sabagay, naiintindihan ko rin naman siya… May ginawang hindi maganda si Kalyx Lee kay Mayumi, mukhang natatakot siguro ang asawa mong makialam ka at mas lalong mapahamak ang kaibigan niya.""Hay! Mukhang hindi ka na talaga niya mahal.. Wala na rin siyang pakialam sa’yo, Reyko." Matapos na sabihin iyon ay ibinaba agad ni Marco ang telepono at napahigikhik.Si Reyko naman ay nanatiling nakatingin sa cellphone habang napapakunot ang noo. Kanina ay tinawagan niya ang babae, ngunit talagang nasa ospital nga ito. Sinabi niya pang nakikipaglandian ito kay Rhob kanina.‘Mukhang hindi ka n
Natigilan si Hiraya nang marinig ang pamilyar na boses ng babaeng tumawag sa kanya. Matapos ang ilang segundo, dahan-dahan siyang lumingon at napatingin sa babaeng nakatayo sa ‘di kalayuan. Hindi pa siya nakakapagsalita, ngumiti na ang babae at mahinang tumawa sa kanya, "BFF! Ilang taon na tayong hindi nagkikita? Apat? Lima? Hindi ko na rin maalala, kumusta ka na?” Naka-Chanel na damit ang dalaga, medyo kulot ang hanggang baywang nitong buhok, napakatangos din ng ilong at sobrang kinis ng mukha. Subalit ang mga mata nito ay blangko sobrang hirap basahin kung ano talaga ang nararamdaman nito. Sobrang nagbago na ang kaibigan niya, mas gumanda pa ito lalo. Hindi na katulad ng dating simple lang.Nanlaki ang mga mata ni Hiraya at napakuyom ng kamao. Parang nanlalamig ang buong katawan niya.Si Andrea ang nasa harapan niya. Wala ng iba! Bumalik na nga ito! Hindi nga talaga siya namamaklikmata kanina. Ngunit hindi niya maintindihan— kung bumalik na ang dalaga, bakit pa ito nagtatago sa
Ilang minuto ang nakalipas, biglang bumalik si Hiraya sa realidad. Ngumiti siya ng mapakla sa lalaki at nagsalita. “Alam mo, mataas ang standard ni Mayumi. Kahit na desperada pa siya, hindi niya isasakripisyo ang buhay niya sa isang lalaking katulad mo. Mr. Lee, hangga’t hindi mo tinatantan ang kaibigan ko, huwag kang magugulat na isang araw ay ako na ang makakalaban mo. Kahit hindi namin mahanap ang kolehiyalang babaeng iyon, huwag kang mag-alala, hahanapan na lamang kita ng butas, tandaan mo ‘yan,” ngising sabi ni Hiraya sa lalaki. “Mayroon pa pala akong gagawin, aalis na ako. Babalik ako bukas, huwag kang mag-alala. Magpahinga ka ng mabuti, Mr. Lee.” Matapos na sabihin iyon ay umalis na siya, hindi man lang niya hinintay na magsalita ang lalaki. Sa oras na sinarhan niya ang pinto ay rinig na rinig niya ang pagbasag ng isang gamit at galit na boses ng lalaki. “Bro, hahayaan mo na lang bang pakawalan ang malanding babaeng si Mayumi? May hawak siyang video, kapag nailabas ang video
Sa madilim na gabi, mabilis na bumabaybay ang isang itim na Sedan sa malawak na kalsada. Nakaupo si Hiraya sa likod ng kotse at mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang bestida. "Madam, babalik po ba tayo sa mansyon?" tanong ng driver na kinuha sa kanya ni Reyko."Hindi, sa St. Luke Hospital tayo," pilit na sabi ni Hiraya.Nakita ng drayber sa rearview mirror na hindi maganda ang pakiramdam ni Hiraya at dahil mahigit isang oras din ang babaeng nasa loob ng istasyon, natatakot ang lalaki na may mangyari dito, kaya nagtanong ulit ito, "Madam, tatawagan ko na po ba si Boss para pumunta rin ng St. Luke Hospital?"Kahit alam ng lalaki na hindi masyadong maganda ang relasyon ng mag-asawa, mag-asawa pa rin ang dalawa at kung may mangyari sa Madam, hindi ng Boss niya ito papalampasin at baka madamay pa siya!"Hm... busy siya, huwag mo na siyang isturbuhin."Pagod na pumikit si Hiraya at dahan-dahang sumandal sa bintana ng kotse na para bang natutulog. Pero hindi siya tulog noon marami lang talag
Nakahinga ng maluwag si Hiraya nang palayain siya ni Reyko. Nakarating sila sa mansyon ng matiwasay at hindi na nagiimikan pa. Dire-diretso siyang pumunta sa kwarto at uminom ng gatas. Pagkatapos noon ay nakatulog siya ng mahimbing. Kinabukasan… Dahil wala namang masyadong ginagawa sa kanyang studio ay nagpahinga na lang muna si Hiraya sa bahay buong araw. Maraming masasarap na pagkain ang inihanda ni Manang Koring para sa kanya, kaya naman bumalik ang kanyang sigla."Madam, ipinagluto ko kayo ng sopas, tikman niyo!" Inilapag ni Manang Koring ang isang malaking mangko sa mesa, "Mamayang gabi, ipagluluto ko pa kayo ng tinola at adobo na paborito niyo!."Agad namang nagsalita pa ang matanda, "Simula ngayon ako na ang mag-aalalaga sa’yo, hija, hindi na kita papayagang kumain kung saan-saan sa labas, sumakit daw ang tiyan mo kagabi!"Ngumiti si Hiraya at nang akmang magsasalita na sana siya ay tumunog naman ang kanyang cellphone na nakapatong sa mesa.Nang tingnan niya ito, isang hindi p
Habang nagsasalita silang dalawa ay dumating naman si Hiraya na inaalalayan si Sunshine papalapit sa kanila. For the lapit naman si Rhob upang tulungan si Hiraya. “Hiraya, umuwi ka na, ako na ang maghahatid kay Sunshine.” “Mukhang naparami ang inom ni Sunshine kung kaya’t dahan-dahan lang sa pagmamaneho baka masuka na naman siya,” bilin ni Hiraya kung kaya’t tumango at ngunitian pa siya ng matamis ni Rhon. "Sige, huwag kang mag-alala, hindi ko bibilisan ang pag-drive…" Tumingin si Rhob kay Reyko, at nag-aalangan na tumingin kay Hiraya, "Kung kailangan mo ng tulong o may kailangan ka, huwag kang mahiyang tumawag sa akin." Tumango si Hiraya, "Sige, magiingat kayo." Dalawa na lang silang nakatayo sa harap ng restaurant. Tapos ng kumain si Hiraya kung kaya’t medyo sumasakit ang kanyang tiyan. Mukhang naparami siya ng kain ngayon. Sobrang sarap din kasi ng pagkain at iyon ang hanap-hanap ng nila ng kanyang anak. “Bakit ang aga mong bumalik? Hindi ba’t mahigit isang linggo ka sa busin
Ilang araw ng tutok na tutok si Hiraya sa kanyang pagpipinta kung kaya’t naisipan niyang yayain ang kanyang mga kaibigan na sina Alena at Mayumi sa isang bagong bukas na restaurant malapit sa kanyang studio. Ngunit ang dalawa ay saktong sobran busy at may inaasikaso ang mga ito sa ospital kung kaya’t sa sunday pa raw ang off ng dalawa. Naiintindihan niya naman iyon, babawi na lang daw ang dalawa sa kanya kapag off nila. Sakto namang walang ginagawa si Sunshine ang bago niyang kaibigan kung kaya’t agad na niyaya siya nitong kumain. Sinuggest na lang niya ang restaurant na malapit sa studio niya. Nang makarating sila roon ay nakita niyang naroon din pala si Rhob. Nakahanda na ang kanilang kakaining pagkain at nag-order din ng isang kahon ng beer si Sunshine dahil gusto nitong mag-inuman sila. Nang ibuhos ni Sunshine sa kanya ang isang beer ay agad na pinigilan ni Rhob ang babae. "Sunshine, buntis si Hiraya kaya hindi siya pwede sa alak." Nagulat silang tatlo sa sinabi ni Rhob. Agad