Sobrang namanhid ang palad ni Hiraya sa mga oras na iyon. Paano nito nagawang hamakin siya? Anong karapatan nitong bastusin siya sa labas pa talaga ng apartment niya?Marami ang mga kapitbahay niya rito pero wala itong pakialam kung may makakita man sa kanila.Malamig na tumawa si Reyko, inabot lang nito ang kamay niya at hinawakan iyon. Ang madilim na matang lalaki ay puno ng pagnanasa, na ikinataranta ni Hiraya, ang kanyang mga mata ay puno ng takot. Lalo na nang maglapat ang init ng labi nito sa kanyang balat!“Huwag, lumayo ka nga sa akin!” Biglang tumaas ang boses ni Hiraya, “Tulungan niyo ako…”‘Oh God, tulungan mo ako!’ piping sabi ni Hiraya. Hindi man lang natinag ang lalaki. Nalunod na talaga ito sa pagnanasa sa kanya. Kita niyang namumula ang mga mata nang lalaki habang inabot nito ang kanyang leeg at hinawakan. “Sino ang gusto mong tumulong sa iyo? Si ba o si Rhob?”Natakot si Hiraya, nanigas ang buong katawan niya at napaurong. Noong una silang magkakilala, ni hindi siy
Alas onse na nang tanghali nang matapos si Hiraya na maghilamos at bumaba. Nanlaki ang mga mata ni Hiraya nang makita si Alena na nakaupo sa sofa. Wenyu. Nang makita nitong kasama niya si Reyko palabas ng silid ay dali-daling lumapit ito sa kanya, “Hiraya, ano na naman ang ginawa sa’yo ng lalaking iyan? Bakit nasa silid mo siya??”Napailing si Hiraya at nginitian ng pilit si Alena, “Okay lang ako, Alena huwag kang mag-alala…” Magsasalita na sana si Alena nang may kumatok sa pintuan, bumukas ang pinto at iniluwa noon si Assistant Green. May dala itong buong set ng suit at iniabot iyon kay Reyko. “Boss, may video conference kang aattend-an mamayang alas dos ng hapon. Narito ang suit na pinakuha mo sa akin kanina.”Tinanggap naman iyon ni Reyko at sinulyapan ang assistant nitong si Green,“Cancel it.”Nanlaki ang mga mata ng binata at nagsalita, “Pero mahalaga po ito.”“Anong bang sinabi ko sa’yo, hindi mo ba naiintindihan?” Sumimangot si Reyko at muli itong nagsalita, “Maghintay ka na
"Oo naman po, Lolo," tumango si Kris. "Kung hindi kayo naniniwala, tanungin niyo mismo si Reyko. Kilala mo iyon, kung ginawa niya ang lahat, hindi niya itatanggi iyon."May gusto pa sanang itanong ang matanda nang marinig ni Kris ang isang malamig na boses mula sa likuran—"Kris, kailan ka pa nagkaroon ng karapatang makialam sa mga buhay ko?" Napaingos si Reyko at bumuntong hininga, puno ng pagkasuklam ang boses ng lalaki. "Nakakalimutan mo na ba ang sinabi mo noong pinalayas ka mula rito sa Pilipinas ilang na taon na ang nakakaraan?"Napatingala si Kris, nagtama ang madilim na mga mata nila sa isa’t-isa. Hindi akalain ni Kris na naroon pala ang lalaki sa mansyon. Ilang sandali pa lang siyang nasa bahay ay dumating na agad ito kasama si Hiraya! Ang kanilang pagtitinginan ay puno ng tensyon, walang gustong magpatalo sa mga oras na iyon.Nang makita ni Hiraya na medyo awkward ang paligid, dali-daling umupo ang babae sa tabi ng matanda, "Lolo, hindi ba't tumawag ka sa akin kahapon, s
Napataas ng kilay si Hiraya at mapaglarong ngumiti kay Kris, tila hindi maintindihanni Hiraya kung bakit labis na nagagalit ang lalaki. Hindi kaya iniisip nito na dahil itinago ng lolo nito ang nangyari, walang ibang makakaalam?Noong mga panahong iyon, nagtatalo ang ama ni Kris at ang ama ni Reyko para sa posisyon bilang Director sa ospital ng pamilyang Takahashi. Inakala ng ama ni Kris na sa pamamagitan ng pag-alis sa ama ni Reyko ay ang lalaki na ang magtataguyod ng ospital at siguradong ito na ang magmamana ng lahat ng kayamanan ng pamilyang Takahashi. Kaya binayaran ng ama ni Kris ang drayber ng ama ni Reyko para gumawa ng aksidente, na nagresulta sa pagkahulog ng ama ni Reyko kasama ang sasakyan sa isang bangin, na wala man lang iniwang trace. Pagkatapos noon ay umamin ang drayber na ginawa niya iyon dahil sobrang galit siya sa lalaki dahil tinrato siya nito na para bang basura. Ngunit hindi inaasahang pagkakataon, pagkatapos pumanaw ng ama ni Reyko, muling pinamahalaan ng m
"So ano ang nangyari sa Nanay ni Hiraya at sa kanya? Huwag mong sabihing wala kang kinalaman roon? Natatandaan ko pang sinabi ko sa iyo na tulungan mo ang asawa mo na malampasan ang kanyang problema lalo na sa ina niyang may sakit!""Tumulong naman ako, ‘Lo. Pero binenta ni Hiraya ang kanyang studio at wala na rin akong magawa roon. Ano nga ba ang magagawa ko na? At isa pa she’s not asking for my help. Gumagawa pa rin naman ako ng paraan para makatulong sa kanya, ‘Lo.” Matamlay na ngumiti si Reyko at saka tumayo, "Wala ka na po bang ibang sasabihin? Kung wala na aalis na ako at mayroon pa akong ibang gagawin.”Bago pa man makaalis si Reyko ay nagsalita ulit ang matanda."Hijo, ang tanging hiling ko lang ay maging masaya ka. Maraming bagay ang hindi mo nakikita dahil sa katigasan ng ulo mo. Madali lamang suyuin si Hiraya. Suyuin mo siya, hijo huwag mong hintayin na hindi ka na niya kailangan bago mo pa ma-realize ang lahat ng pinaggagawa mo. Baka magsisi ka sa huli.” Biglang natigilan
Namutla ang mukha ni Hiraya, agad na natigilan nang sabihin iyon sa kanya ni Reyko. Samu’t-saring mga karayom ang tila ba tumusok sa kanyang dibdib nang marinig ang sinabi ni Reyko. Sobrang sakit na nakakasakal iyon. Ilang sandali pa, hinawi niya ang kanyang buhok saka mahinang tumawa, "Kung gusto kong gamitin si Lolo, noon pa man ay baka nakawala na rin ako sa’yo at hindi na ako mammroblema sa pagpapagamot ng nanay ko. Sana ginamit ko na sana ang utang na loob na iyon para humingi ng tulong kay Lolo. Reyko, hindi ako kasing dumi ng iniisip mo at hindi rin ako kasing tuso ng inaakala mo."Sumingkit ang mga mata ni Reyko tila ba sinusuri si Hiraya. Mahina siyang tumawa saka umiling, "Hindi naman ako katulad mo walang puso at walang pakialam sa iba.” Biglang tumahimik ang kotse, ang maliit na kotse ay napuno ng amoy ng sigarilyo kung kaya’t napangiwi si Hiraya at napatakip ng ilong. Nang marinig ng assistant na nag-aaway na naman ang dalawang mag-asawa ay dali-dali itong lumabas ng
Tinitigan ni Hiraya ang babaeng maluha-luhang nakatitig sa kanya, "Basta ha dating gawi ulit? Tawagan mo ako araw-araw."Tumango si Hiraya, “Oo naman. Palagi kong kakamustahin kayo ni Nanay. Isa pa hindi naman ako mapupunta sa malayo, ano ka ba. Babalik lang naman ako sa dati kong buhay—” Lumuha ang mga mata ni Alena habang nanginginig ang boses ng dalaga, “Dating buhay na parang impyerno naman. Basta, ipangako mo sa akin na magiging matatag ka?” Habang sinasabi ni Alena iyon, hinaplos nito ang pisngi niya, "Hiraya, sabihin mo lang kung ayaw mo na talaga sa kanya, kung ayaw mo na siyang makasama.Talagang pupunta kami ni Nanay ng personal sa Lolo ni Reyko para humingi ng tulong sa kanya at magmakaawang palayain ka na sa malupit nitong apo!"Humingi ng tulong kay Lolo? Bahagyang natigilan si Hiraya, naalala niya tuloy ang sinabi ni Reyko sa kanya.Pero kung hihingi sila ng tulong sa matanda, mas lalong magagalit si Reyko. Hindi niya pwedeng gawin iyon at ayaw niyang magpatalo sa lal
Nang makita niyang lumapit ang lalaki sa kanya ay nanigas ang buong katawan niya.Nagpanggap siyang hindi naiilang kung kinalma niya ang sarili. Sa isip niya— gusto niyang tanungin kung okay lang ba ito at pagod ba ito sa business trip ngunit na-realize niya na hindi na pala siya pareho ng dati. Sobrang mahirap pa lang magpanggap at ibalik sa dati ang lahat. Tumingin si Hiraya sa kanyang relo na para bang nagmamadali. Kinuha niya ang kanyang handbag at tumalikod na lamang para lumabas."Hindi mo ba ako nakita?" Kitang-kita ni Reyko kung paano siya lampasan ng babae. Hindi man lang siya nito binati kagaya ng dati kung kaya’t bigla siyang nainis. Inabot niya ang pulsuhan nito at kitang-kita sa mukha niya ang kanyang pagkadismaya.Medyo nasaktan si Hiraya sa paghawak sa kanya ng lalaki at alam niya ring hindi ito nasisiyahan sa mga oras na iyon.Huminga na lamang siya ng malalim at nagsalita. Ayaw na niyang palakihin pa ang issue, isa pa ang aga-agad ayaw niyang ma-badtrip. "Nakita na
Ilang araw ng tutok na tutok si Hiraya sa kanyang pagpipinta kung kaya’t naisipan niyang yayain ang kanyang mga kaibigan na sina Alena at Mayumi sa isang bagong bukas na restaurant malapit sa kanyang studio. Ngunit ang dalawa ay saktong sobran busy at may inaasikaso ang mga ito sa ospital kung kaya’t sa sunday pa raw ang off ng dalawa. Naiintindihan niya naman iyon, babawi na lang daw ang dalawa sa kanya kapag off nila. Sakto namang walang ginagawa si Sunshine ang bago niyang kaibigan kung kaya’t agad na niyaya siya nitong kumain. Sinuggest na lang niya ang restaurant na malapit sa studio niya. Nang makarating sila roon ay nakita niyang naroon din pala si Rhob. Nakahanda na ang kanilang kakaining pagkain at nag-order din ng isang kahon ng beer si Sunshine dahil gusto nitong mag-inuman sila. Nang ibuhos ni Sunshine sa kanya ang isang beer ay agad na pinigilan ni Rhob ang babae. "Sunshine, buntis si Hiraya kaya hindi siya pwede sa alak." Nagulat silang tatlo sa sinabi ni Rhob. Agad
Rinig na rinig ni Hiraya ang pambabaeng boses sa kabilang linya. Mahinang natawa si Hiraya, mahigpit niyang hinawakan ang kanyang telepono at hindi na nagsalita pa. Akala ng kausap niya ay hindi siya nakakaintindi ng English kung kaya’t baluktot itong nagsalita ng tagalog, "Sobrang dami nang nainom ni Mr. Takahashi kung kaya’t pumunta siya muna ng banyo. Kung nakakaintindi ka sa sinasabi ko, huwag mo na kaming isturbuhin pa!"Napahaplos si Hiraya sa kanyang noo at bahagyang tumatawa. "Ah, ganoon ba? Naiintindihan ko na. Have fun!"Pagkasabi niya ay agad niyang ibinaba ang telepono, napatingin sa magandang tanawing ginawa niya kanina. Ang kanyang pininta ay sobrang layo sa kanyang relasyon nilang mag-asawa.Mukhang nambabae na naman ang kanyang asawa??Huminga nang malalim si Hiraya, handa na sanang umuwi nang marinig niya ang malalim na boses ng isang lalaki sa kanyang likuran, "Ang aga mo namang natapos sa trabaho!" Nang marinig ang boses, lumingon si Hiraya at tiningnan ang lalaki
Biglang naalala ni Hiraya ang tungkol sa anibersaryo ng Takahashi Group kung kaya’t agad siyang nagsalita, "Tungkol naman sa anniversary niyo, wala talaga akong oras para mag-organize nito. Mas mabuti siguro na sa ibang studio niyo na lang ganapain ang event. Iyon lang at ingat ka pala sa byahe."Tiningnan siya nang matalim ni Reyko, napailing ang lalaki at umalis na. Sumunod naman si Assistant Green sa amo.Ngunit alam ng mga taong nasa mansyon ay galit ang among si Reyko base sa ekspresyon nito. Kaya naman, kahit umaga pa lang ay lahat ng katulong na naroon ay nagsitaguan. Hindi man lang makahinga ng maayos habang nakatitig sa nakakatakot na mukha ni Reyko.Hanggang sa umalis ang lalaki, saka lang lumapit sa kanya si Manang Koring at nagtanong. "Madam, mukhang nag-away po kayo ni Sir?""Hindi naman, Manang Koring. Wala naman akong lakas ng loob para kalabanin ang lalaking iyon. Gusto ko pang mabuhay ng matiwasay, ayaw ko pa pong mamatay,” pabirong sabi ni Hiraya sa matanda at ngu
Nagulat si Hiraya nang marinig ang sinabi ng kanyang asawa. “Wala," mahinang sabi niya sa lalaki."Anong wala?" Napataas ng kilay si Reyko at nagpatuloy, "Dahil ba nagtapat na sa’yo ang childhood sweetheart mo noon kung kaya’t mas nagiging cold ka na sa akin ngayon?" Habang sinasabi ito, kinuha ni Reyko ang teleponong nakapatong sa bedside table at inilagay sa harap niya, "Bakit nga ba sobrang daming lalaki ang umaaligid sa’yo? Bakit nga ba pag sa akin ang cold mo? Pero pag sa ibang lalaki sobrang tamis ng ngiti mo?” Sumingkit ang mga mata ni Hiraya at tiningnan ang litratong nasa screen ng telepono ni Reyko, sakto namang kuha iyon ng magkita sila ni Lucas at nakaakbay pa ang lalaki sa kanya. May mga anggulo rin na kinuhanan sila sa loob ng kotse. So, nasa studio ang lalaki kanina? Napabuntong hininga si Hiraya at mapait na tumawa, "Sinusundan mo ba ako?"Hindi sumagot si Reyko, tinitigan lang siya nito, "Sino ang lalaking kasama mo?""Hindi ba’t masyado ka ng nakikialam sa buhay ko
Matapos ang kanilang pananghalian ay napagkasunduan na gaganapin ang exhibit ay sa katapusan ng taon. Isa rin si Lucas sa naging estudyante ng ama nito at mahilig din sa pagpipinta. Hindi rin ito gaanong sikat sa mundo ng sining ngunit ang lalaki naman ang manager ng matanda. Hanggang sa nalaman din ni Hiraya na ang si Mr. Park at ang lolo ni Rhob ay magkaibigan pala. Alas sais na ng gabi ng inihatid ni Rhob si Hiraya sa mansyon. Ang plano ay si Lucas sana ang maghahatid sa babae ngunit bigla itong nagkaroon ng emergency kung kaya’t walang choice silang si Rhob na ang maghatid sa kanya. Ang kotse ni Rhob ay huminto sa harap ng mansyon. Lalabas na sana si Rhob nang pigilan niya ito. “Huwag mo na akong pagbuksan pa. Kaya ko namang buksan ang pinto, Rhob…”Napatitig lamang si Rhob sa kanya at huminga ng malalim. “Natatakot ka bang makita niya tayong magkasama?”Hindi na nagsinungaling pa si Hiraya at mabilis na tumango. “Ayaw ko na ring magkaroon pa ng gulo. Alam kong magagalit siya ka
Ilang araw ng nagpapahinga si Hiraya at nang gumaling na ang sugat niya sa kamay ay pumasok na rin siya sa kanyang studio. Nang makapasok siya sa kanyang studio ay tila ba ginanahan siya sa mga oras na iyon. Nakapag-alam na rin siya sa kanyang kaibigan na si Sunshine na lilipat na rin siya dahil bumalik na rin sa wakas ang studio niya. Nang makita ang tambak na dokumento sa kanyang mesa at napahilot siya sa kanyang sentido. Agad niya itong tinrabaho hanggang sa malapit na rin ang uwian, pumasok ang kanyang assistant na si Minerva at iniabot kay Hiraya ang mga dokumentong hawak nito, "Hiraya, ito na ang mga impormasyon tungkol sa year-end art exhibit at narito na rin ang mga materyales na ipinadala ni Mr. Park, pakitingnan na lang, girl!""Ah, nga pala bago ko makalimutan, paulit-ulit na tumawag ang mga empleyado ng Takahashi Group of Companies. Gusto rin nilang dito gaganapin ang charity auction event para sa anniversary celebration nila sa katapusan ng taon,. Mukhang malaki ang b
Mas lalong natakot ang mukha ni Jonah, agad na lumuhod at hinawakan ang laylayan ng pantalon ng lalaki, "Sasabihin ko na, sasabihin ko na po, huwag niyo lang ako idedepatsya... huwag muna kayong umalis, sasabihin ko sa inyo ang lahat! Pero ipangako niyo sa akin na kapag sinabi ko na ang totoo—palalayain niyo na ako at ang mga magulang ko at…” Humigpit ang hawak ng dalaga sa laylayan ng pantalon ni Reyko. “ Ipangako niyong bibigyan ako ng isang milyon..."Kumunot ang noo ni Reyko, malamig at matalim ang mga mata nitong tiningnan ang babae. Mabilis niyang inalis ang hawak ng babae sa pantalon niya kung kaya’t tumilapon ang babae sa sahig. Si Marco naman na naninigarilyo ay nakasandal lamang sa sofa, "Saan ka pupunta Reyko?" Kailan pa si Reyko nawalan ng pasensya?"Magpapahangin lang, ituloy mo ang pagtatanong dito," sabi ni Reyko.Hirap na bumangon si Jonah, gulo-gulo na rin ang mukha ng dalaga. “Kahit huwag na pala ang pera, sasabihin ko na lang sa inyo ang lahat pero please lang sa
Sa kabilang banda, hindi man lang makatulog si Hiraya, nakaupo lamang siya sa kwarto. Sa totoo lang, pagkatapos niyang uminom ng gamot, dapat sana'y natutulog na siya nang mahimbing pero hindi siya makatulog, sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, para bang bumabalik siya sa aksidente na nangyari noon. Sobrang kalunos-lunos ang aksidente. Sinadyang binangga ng ama ni Kris ang kotseng minamaneho ni Reyko. Kung hindi dahil sa harang na nasa seaside ay nahulog na sana ang asawa. Nagmamaneho siya sa likod ng lalaki at sinunundan ang lalaki, kahit buntis siya noon ay nagawa pa rin niyang sundan si Reyko. Hindi niya alam kung bakit naisipan niyang sundan ng lihim ang lalaki pero para bang may nag-udyok sa kanya na sundan ito. Kitang-kita niya ang paghinto ng kotse ni Reyko at ang lalaki sa driver's seat ay puno ng dugo, nakasubsob sa manibela at wala ng malay. Sa puntong iyon nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita ang truck na papaandar upang banggain ang kotse ni Reyko. Agad
Agad namang inasikaso ni Rhob ang discharge papers ni Hiraya, kumuha rin siya ng gamot at handa na ring umalis. Pero pagkalabas pa lang nila ng pinto ng ward ay may lumapit na pigura sa kanila. Si Reyko ang lalaking iyon. Sa isip-isip ni Reyo, ilang minuto lang siyang nawala ngunit ma-di-discharge na agad si Hiraya? Siya ang asawa ngunit bakit hindi man lang siya sinabihan nito? Pinapunta pa talaga ng asawa niya si Rhob para asikasuhin ang papeles? Napahangos siya ng malalim at akmang hahawakan na sana si Hiraya nang bigla siyang pinigilan ni Rhob. Punong-puno ng tensyon ang paligid sa mga oras na iyon. Dumilim at tumawa ng pagalit si Reyko sa lalaki, "Dr. Rhob, saan mo balak dalhin ang asawa ko, ni hindi ka man lang nagpaalam sa akin?""Tapos na siyang obserbahan ng doktor at pwede na rin siyang lumabas ng ospital. Ihahatid ko na siya pauwi,” malamig na sagot ni Rhob."Oh, ganun ba? Kung gano’n, hindi pala okay ang ospital na ito? Kahit walang pahintulot ng pamilya, basta-basta n