Share

CHAPTER 13

Lara Yves's POV

Habang abala ako sa pagkain, biglang may narinig akong mga yabag. Sila na yata yun.

"Anak Yves ito na pala yung mga naghahanap sa'yo." hinayaan lang ni mama makalapit sa akin ang dalawang taong hindi ko mamukhaan kung sino.

"L-l-ara Yves ikaw na ba yan?" banggit ng babae na medyo may edad na.

Nagtataka ako kung bakit kilala nila ako. Inalalayan naman siya ng lalaking kasama niya na medyo may edad na rin sa tingin ko ay asawa niya.

"Sino ho kayo?" tanong ko sabay tumayo at lumakad papalapit sa kanila.

"Alam namin na hindi mo kami kilala o natatandaan pero kami ang mga magulang ng isa sa mga kaklase mo noong nasa kolehiyo pa kayo." pahayag ng lalaki.

"Ang ganda mo tama nga ang anak namin. Naalala ka namin palagi ka niyang kinukwento sa amin." lumapit sa akin ang matandang babae at hinimas niya ang mukha ko.

Para bang anak ang tingin niya sa akin kaya hinayaan ko na lang siya. Baka namiss niya na rin

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status