Share

Second Target

"Second Target"

BAGO pa ako makabawi mula sa ginawa ni Chin ay biglang tumunog ang laptop na nakapatong sa ibabaw ng 'chabudai' o Japanese traditional table. Napamulagat ako isang malalim na hininga ang pinakawalan ko, umayos ako ng tayo't maingat kong hinakbang ang paang tinungo ang mesa at sumalpak ng upo sa 'tatami' mats.

Sky,

Next destination, Shibuya Station Tokyo. 4:30 P.M eliminate Taka-san.

EQUI Org.

SUOT ang isang floral dress na spaghetti strap ay pina-ibabawan ko ito ng pink na cardigan, my outfit is too feminine. Sino ang mag-aakala sa suot ko ngayon na isa palang napakadelikadong trabaho meron ako. My outfit was very contrary for the job, and no one will suspect.

Inayos ko ang mga kakailanganin kong weapons. Medyo matao ang destinasyon ko ngayon kaya maliit na sandata lang ang pwede kong dalhin. Sinukbit ko ang aking handgun sa thigh holister belt sa ilalim ng aking bestida. Isinilid ko din ang blowgun sa ilalim ng aking bra. Tama lang ang blowgun na ito para sa target ko. May bala itong maliliit na karayom na may deadly poison sa dulo. Whoever it hits will die instantly in less than a second.

Matapos kong maayos ang lahat ay sinukbit ko ang isang floppy hat na pink sa aking ulo saka lumabas ng silid. Habang binaybay ko ang pasilyo papalabas ay may nakita akong isang Japanese Spitz breed na asong kulay kape na may halong itim, tumatakbo papalapit sa akin, hindi ko maiwasang sundan ng tingin. It was so cute kaya yumuko ako't hinaplos ko pini-pet ko, ilang saglit ay nilagpasan ako ng aso at nagtuloy tuloy patungo sa isang silid na nakaawang at pumasok. I was a bit curious kaya sinundan ko.

Nakaawang ang sliding door ng silid kaya hindi sinasadyang napunta ang paningin ko sa loob ng silid. Napahugot ako ng hininga. There, nakita ko na naman ang lalaking kinaiinisan ko 'Chin'. Na-upo ang aso sa tabi nito.

Napakunot ang noo ko ng masuyod ang hitsura ng lalaki. Wala ba itong ibang damit at palagi nalang n*******d baro? Bullshit na lalaki! Ayon at naka-meditate na naman, nakapikit ang mga mata't pinagsakob ang mga binti.

Napahugot ako ng malalim na hiningang tinapunan ng tingin ang lalaki. Bakit pa ba kasi ito pa ang may-ari ng inuukupa kong hotel? Napabuntong hininga nalang ako na tumalikod, ayokong mapansin ako nito at masisira na naman ang mood ko.

I took an undetectable step backward however the man appeared in front of me in an instant that my soul almost separated from the body because of so much shock. Paano nito narating ang kinatatayuan ko ay hindi ko mailarawan, it was so quick na hindi ko namamalayan o ako lang itong nawala sa konsentrasiyon ay ewan hindi ko alam.

"Oh God!" Wala sa oras na napasapo ako sa ibabaw ng dibdib ko na nakatitig sa mukha ng lalaki, na sandaling ito ay nakangising nakatitig din sa akin. "Wala ka na bang ibang magawa sa buhay Mr... kundi manggulat?" walang gatol sa sumbat ko na tinaasan ng kilay ang binata.

"Bakit? Ikaw lang ba ang pwedeng manggulat!? at may pangalan din naman ako, it's Chin!"

Ayon, nagsisimula na naman ang h*******k na lalaking to'. Napapikit ako ng madiin na pinigilang hindi sumabog sa inis sabay na buga ng hangin. "I don't care who you are! Kung wala ka nang ibang sasabihin tumabi ka't dadaan ako!" tigas kong utos na hinakbang ang paa't akmang babanggain ang lalaki.

Naging maagap naman ito at tumabi ngunit nang malampasan ko'y biglang dinakma nito ang pulsuhan ko't inunat ako nito bigla. "Fuck!" Lihim kong mura't naging mabilis ang kilos ko't umikot, nilabanan ko ang lakas nito, malakas na tadyak ang tinapon ko sa direksiyon ni Chin ngunit daling naka-ilag ang lalaki't napaatras. Bakas sa mukha nito ang tindi ng gulat dahil sa ginawa ko, huli na nang napagtanto ko ang kilos ko-ngunit wala na akong pakialam just a simple kick attack won't hurt.

"Wow, I wasn't expected it there, woman!" anas nitong tinaponan ng titig ang binti ko't nilipat sa mukha ko ang titig nito pagkatapos.

I painted a mischievous smile on my lips hindi pa ako tapos at marahas na isang ikot ang ginawa ko and I threw a flying kick sa gawing dibdib nito dahilan upang muling napaatras ang lalaki't napadiin sa pader. Ibinitin ko ang paa and pointed it on a man's handsome face. "I have a name it's Mae, Chin-Mae!" I said in an emotionless expression.

Pagkadinig nito sa sinabi ko ay isang pilyong ngiti ang binitawan nito. "It's Trina!" giit nito ang kinindatan ako. "Trina would be better," kasunod ay hinagip nito ang kanang binti kong nakabitin sa ere, walang ingat na inunat dahilan upang agad gumana ang utak ko. Sing bilis ng kidlat ay inikot ko ang katawan ko pinadaan ko ang kaliwang paa ko sa gawing mukha nito-singnipis ng karayom ang pagitan ng paa ko't mukha nito dahilan upang nabitawan nito ang kanang binti ko, nang makabawi agad kong pinosisyon ang sarili at inihanda sa susunod na atake ngunit hindi na nahagip ng paningin ko ang binata kasunod ay naramdaman ko nalang na nasa likuran ko na ito, nakayukong kinubli ang dalawang palad sa likod sabay na tinapat ang labi sa tainga ko. "You never fail to suprise me, Mae!"anas nito na halos lumipad ang ulirat ko dahil sa mainit na hininga nitong tumama sa batok ko. And there, my heartbeat is so unstable na halos hindi ko na mahabol sa bilis.

Napalunok akong humihingal, how come he move so fast in just a short time? Anong klase ang lalaking ito? Judging by his moves, he is well-built and huge about 6 feet tall kailangan ng maiging training para makagalaw ng ganun ka bilis. Hindi ko maiwasang maghinala of what he up to-dali kong sinipat ang paningin sa nakaawang na pinto ng silid nito. Pasimpleng pinaglakbay ko't inisa-isa ko bawat sulok ng silid ngunit wala namang kahinahinala sa loob maliban sa 'katana' a Japanese sword na nakalagay sa ibabaw ng maliit na mesa. Katana is pretty common in Japanese household. Oh well, maybe I am thinking too much. I blinked and claimed my composure back.

"Are you done, Mr. Chin?!" mahinang tanong ko na hindi nangahas na kumilos at nanatiling nakapako ang paa ko sa kinatatayuan ko.

"I am wondering what you are up to, Mae?!" anas nito na bahagyang diniinan ang mga kataga.

Parang pareho pa kami ng takbo ng utak sa sandaling ito? Did he suspect me of something, no way! Ngayon ibig kong magsisi kong bakit ginawa ko pa ang atakeng iyon. It was too good to be true for a typical woman that I am pretending to be. Napakagat ako ng labi.

"Why? Wala ka bang kaibigan na mahilig sa martial arts? At isa pa I am a woman, Chin. I have to defend myself at all costs against exploitative people," I pronounced the last two words with mixed emphasis.

Tumawa ito ng marahan at umayos ng tayo mula sa pagkakayuko. "You've got a point there, Mae," umikot ito at gumawi sa harap ko at muling yumukong tinitigan ang mukha ko. Napalunok tuloy ako, ano bang meron sa lalaking ito na parang hindi nag sti-steady ang tibok ng puso ko. Nangangatog ang tuhod kong nakipaglaban ng titigan dito. Mas lalong nawawala ako nang dumapo ang paningin nito sa mapupulang labi ko, biglang naalala ko ang ginawa nito kaninang madaling araw. Bullshit! At ibig kong pagalitan ang sarili dahil parang kinatuwa pa ng katawan ko ang alalahaning iyon. Fucking shit!

"S-Stop staring at me like that iisipin kong may gusto ka sa akin, Mr. Chin!" Dali kong bawi upang mawala ang tensiyon na namagitan sa aming dalawa.

Kita kong tumaas ang kilay nito pagkatapos ay ngumiti. "You're beautiful, bakit hindi?" sabi nitong hinawakan ang baba ko't inangat upang mas masuyod nito ang mukha ko. Napalunok ako sa ginawa nito, I can smell his masculine cologne-the scent was too hypnotic. I feel like if this will goes on for too long I will pass out in no time.

"D-Don't f-ool around Mr. Chin, I don't have time for your nonsense," I am stammering like a nervous witch.

"Opps, sorry for that, Mae," paumanhin nito na hindi mawala wala ang pilyong ngiti sa labi. Maingat nitong inilayo ang sarili sa akin at binigyan ako ng daan. Kaya walang dalawang isip na hinakbang ko ang paa at nilampasan ang lalaki. "Mae-" sambit nito sa likuran ko. Hindi ko inabalang lingunin ang lalaki. "-you're beautiful, walang halong biro!" habol nito.

Sa narinig ko gusto kong matumba, lintik! Seriously? A compliment from an enemy c'mon it's good to be true. Ngunit tila ang puso ko'y lumundag sa tuwa bwisit! Nang makabawi ako sa narinig ay itinaas ko ang middle finger ko na hindi man lang tinapunan ng tingin ang lalaki. Deritso naglakad ako't tumalilis papalabas ng pasilyo.

Na-iiling nalang ang binatang sinundan ng tingin ang dalagang unti-unting naglaho sa paningin nito.

SHIBUYA STATION Tokyo. 4:30 P.M

Alertong sinipat ko ang paligid, hinanap ng aking paningin ang pangalawa kong target. Sinulyapan ko ang relo sa braso, 4:28 P.M palang.

Sobrang abala ng estasyon na ito, mga tao kaliwa't kanan, paroo't parito. Nalukot ko ang aking mukha habang nakamasid sa paligid. The place is so busy and too crowded pero this is an advantage at walang mahihinala sa gagawin ko.

"On position, Sky!" Si Thunder mula sa nakaplug-in na earpiece sa aking tainga.

"Got it!"

4:30 P.M Dumating na ang train na inaabangan ko. Lahat na mga pasahero ay nagsilabasan na. Nilinga ko ang leeg hanggang sa nahagip ng paningin ko ang aking target. 'Taka-san a.k.a Hawks, 43 years old. Base sa impormasyon na nakuha ko ay wala itong sinasanto at bayolente. The man deserves to die.

Dali akong sumabay sa daloy ng mga tao. Sinulyapan ko ito sa kabilang ibayo, mga dalawang dipa ang layu ko sa kanila. Napalibutan ng apat na bodyguards ang aking target.

Sinabayan ko ang bawat hakbang ni Taka-san. Maingat kong nilabas ang blowgun na mas maliit pa sa isang sigarilyo, may haba nakalahati lang ng dangkal. Humanap ako ng tamang bwelo, pasimple ko itong dinala sa bibig ko-wala pang segundo ang nakalipas ay walang gatol ng hinipan ko ito't inasinta ko ang leeg ng target-wala pang isang kisap mata'y natumba si Taka-san at nawalan ng buhay.

Nagkakagulo ang mga tao sa paligid maliban lang sa akin. Pasimpleng umalis ako sa lugar na animo'y walang nangyari.

"Second target eliminated!"

"BOSU, kyō wa takasan o ushinaimasu. (Boss, we lost Taka-san today)," turan ng isang lalaki sa harap ng isang tinted glass sa isang pribadong silid. Kausap nito ang gang leader na si Shibane Tatsu.

"Find out who is the source of the loss of our members, don't come back here until you have done what I am asking you to do!" Kalmadong turan ni Shibane Tatsu gamit ang lokal na dialect.

"Hai!" sagut naman ng tauhan nito at daling tumalikod at lumabas ng silid.

SADSAD ang mga paang naglakad ako sa gilid ng kalsada.

Natagumpayan kong nabura sa mundo ang pangalawang target ko nang walang kahirap hirap. Apat pa ang kakailanganin kong burahin, halos magdalawang linggo na ako dito sa Japan.

Napahugot ako ng malalim na hininga sabay nahinto ako sa aking mga hakbang nang may narinig akong commotion sa di-kalayuan.

Kita ko ang isang matandang lalaking Hapon na binu-bully't pinaglalaruan ng mga kabataan. Pinagpasa-pasahan nito ang tungkod ng matanda.

"Hora, ojīchan, uketotte (Here, grandpa, take it)!" sabi pa ng binatilyong lalaki. Nang akmang abutin ng matanda ay pinasa nito sa isang kasamahan. Paulit-ulit at pabalik pabalik na akmang abutin ng matanda.

Halos umusok ang ilong ko sa nakita, kaya malalaki ang aking mga hakbang na tinalunton ang apat na kabataan na pinagkatuwaan ang matandang lalaki. "Oi!" sigaw ko sa mga binatilyo Hapon.

Napatigil ang mga itong napabaling sa direksiyon ko, nagtatanong ang mga titig nitong pinukol sa akin. Walang dalawang isip ay tinakbo ko't isa-isang pinagsasapak ang mga ito.

Makalipas ang isang minuto ay sumuko ang mga ito at nakaluhod na humingi ng paumahin sa matanda. "Moshiwakearimasenga, sore wa futatabi okorimasen (We're sorry, it won't happen again)!"

Ngumiti ang matanda at tumango tango. "Waran mondai (No problem)."

Pagkatapos binilhan ko muna ng mga ma-iinom ang mga ito. "Umuwi na kayo, h'wag pakalat kalat sa daan," utos ko sa mga ito gamit ang Nihongo.

"Hai!" halos na magsabay na sagut ng apat na yumuko't tumalikod. Napangiti akong sinundan ng tingin ang mga bata.

Isang tikhim ang narinig ko habang nakatingin sa mga kabataan papalayo. Nakangiti ang matandang tinitigan ako.

Natulos ako sa aking kinatatayuan na nakatitig sa mukha ng matanda. His smile is so warm na parang may bahagi ng puso ko na parang hinaplos. "Watashitoisshoni tabe ni kite kudasai (Tara samahan mo akong kumain)," imbita nito sa akin at naunang tumalikod.

"Hai," Yumuko ako at agad sumunod sa matanda.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status