Share

The Lady Under the Rainy Dawn

"The Lady Under the Rainy Dawn"

MABILIS na tumalilis si Chin papalabas ng training room na kinaroroonan ni Mae. Nang tuluyang makalabas ay isang buga ng hangin ang ginawa ng binata sabay na sinapo ang gawing dibdib niya.

Hindi niya malaman kung bakit basta nalang nilindol ang puso niya nang masilayan niya ang ngiti ng dalaga. The feeling was familiar, minsan na siyang nakadama ng ganitong pakiramdam, ngunit matagal na at ilang taon na din ang nakalipas. At ngayon ay ginising ni Mae ang pakiramdam na iyon. He has had many relationships, but no one awaken the feeling he felt few years back not until Mae came. And the worst was he hates her for ruining his supposed to be proposal.

Naalala pa niya ang babaeng nagpadama sa kanya ng kakaibang pakiramdam. The lady under the rainy dawn. Natagpuan niya ito sa labas ng bahay nila sa ilalim ng malungkot na kawalan. It was still very clear in his mind the dragon tattoo on her back. Na para bang ang tattoo'ng iyon ay ginawa para lang sa babae, it fits her so well, na tila baga ang tintang gamit niyon ay nililok para maging isang sining sa makinis na balat nito. The art was so alive kaya simula nun nag-iba ang pananaw niya. Tattoo is a masterpiece. Hindi man niya nasilayan ang mukha nito he was sure that when he saw her again, he would recognize her through the beautiful art on her back.

Hindi niya dapat pagbuntunan si Mae sa kanyang galit sa halip ay lihim niyang naipasalamat na dumating si Mae nung gabing nagtangka siyang mag propose sa three years longtime girlfriend niyang si Trina dahil kung hindi baka mapasubo siya. Tatlong taon silang magkarelasyon at sa loob ng mga taon din iyon ay may karelasyon din pala itong iba, she's two timing.

He was really sure then that Trina was the one and he was ready to settle down. He is not getting any younger he's thirty-one for Christ's sake, ngunit sadyang mapaglaro ang panahon and he caught Trina with her affair on her own bed after the incident in Hegi. Sadyang pinuntahan niya ito dahil gusto niyang magpaliwanag but everything turned differently and caught her red-handed.

And because of so much frustations and disappointments that night uminom siya and unconsciously robbed Mae's room. Hindi niya alam ngunit sadyang dinala siya ng mga paa niya sa silid ng dalaga.

Lihim na napalunok ang binata when he remembered how he ambushed Mae's lips and how it tastes. It was heavenly soft and delectable. Mariin naipikit ni Chin ang mga talukap, he couldn't believe himself but the kiss they've shared made him sleepless everynight, holyshit! Hindi siya dapat makaramdam ng ganito, kakahiwalay lang niya ngunit here he was fantasizing his beautiful tenant who's room next to his.

Napahugot siya ng malalim na hininga. Hindi niya alam kong bakit ganito magresponde ang katawan niya sa tuwing sasagi sa utak niya si Mae, nagiging traydor ang katawan niya't sadyang nag-iinit siya. Ngayon lang siya nakadama ng sobrang kasabikan at sa isang babae pang wala siyang masyadong alam at kinaiinisan pa niya.

Napahugot si Chin ng malalim na hininga bago tuluyang tumalikod.

"TRIN, mauna na kami ni Clay," paalam ni Hana sa akin na tumayo na mula sa pagkaka-upo. Agad naman inalalayan ng asawang nitong si Clay. Nandito ang mag-asawa upang magbakasyon.

"Careful, my love," mahinang usal ni Clay sa asawa nang mahirapan itong tumayo dahil lumalaki na ang tiyan. Sa susunod na buwan na ang kabuwanan ni Hana. "Trin, I am afraid we have to leave first, para makapagpahinga na ang my love, ko," bahagya nitong sinulyapan ang asawa, titig na parang wala ng ibang tao sa paligid at ngumiti.

Tumango ako. "Sige, mag-ingat kayo."

Naiwan akong nakasunod tanaw sa dalawa. Hindi ako makapaniwala ang laki na ng pinagbago ni Hana. Ang dating mailap ngayon ay marunong ng makisama dahil sa impluwensiya ng kanyang asawa at dahil sa pag-ibig.

Napangiwi ako, gusto ko ng maniwala sa happy ending dahil kay Hana. Hana became more beautiful, her skin glows and blooms.

Napahugot ako ng malalim na hininga. But that happy ending is only for Hana and Clay but not to me.

Kibit balikat na tumayo ako mula sa pagkaka-upo, uuwi na muna ako dahil sobrang sakit ng katawan ko dahil sa pagsasanay ko ng Kenjutsu kahapon. Halos hindi nga ako makabangon kanina, pakiramdam ko lahat ng kalamnan ko'y nabinat dahil sa sensei kong walang patawad.

Nagtuloy tuloy akong lumabas ng restaurant nang may nahagip akong mga panauhin. Napabuga ako ng hininga nang makilala ko ang mga ito.

"Shit! Pati ba naman dito makikita ko si Chin?

Nakita ko sa di-kalayuan si Chin, ang ex-girlfriend nitong si Trina at ang isang lalaki. Ang lalaki na kasama nito sa club nu'ng nagdaang gabi.

I feel bad about Chin, did he try to win her back? No way! She's two timing and she doesn't deserve him, fucking shit! Kita ko sa mga kilos ni Chin na tila sobrang hindi mapakali and that Trina girl parang tuwang-tuwa at hindi ko man lang nakitaan ng kaunting guilt.

Hindi ko maunawaan pero tila may sariling isip ang mga paa ko't daling tinungo si Chin na nakatayo ilang metro mula sa kinatatayuan ko. Nakita kong nagulat ito nang makita akong papalapit. Sinundan ako nito ng tingin na bakas ang pagkalito.

Nang matapat ako dito ay walang dalawang isip na hinagip ko ang collar ng suot nitong puting polo. Tumingyakad at inabot ko ang labi ng binata, kinintalan ng simpleng halik, sadyang pinakita ko sa ex-girlfriend nito ang ginawa ko. Akma na sana akong aatras nang maramdaman ko ang palad ni Chin na hinagip ang beywang ko't sadyang hinapit padikit sa katawan nito. Hindi ako nakapaghanda sa sumunod na ginawa ng binata, walang gatol na sinakop nito ang labi ko't masuyong hinalikan. Wala sa oras na napatukod ko ang palad sa matigas nitong dibdib dahil parang nangangatog at naghihina ang tuhod ko sa paraan ng halik nito. Mas pinalalim nito ang halik na aking sinimulan.

The kiss was so gentle and soft. It was a nerve wrecking kiss that made my body numb and paralize. Ang puso ko ay hindi makapali at sobrang lakas ng pintig, f ucking s hit! Damang dama ko ang mainit at malambot nitong labi na sumagi sa labi ko, banayad nitong sinakop iyon. Hindi ko maintindihan pero may kakaibang sensasyon na dumaloy sa ugat ko sa sandaling ito. Naliliyo ako, I am intoxicated with his f ucking kiss. Ilang saglit ay kumalas ito sa akin at mataman akong tinitigan.

Saglit akong natigilan pero agad ding nagbawi. Napansin kong nagulat ang ex-girlfriend nito sa nasaksihan but I couldn't care less, marahas na kinuha ko ang palad ni Chin at kiladkad papalayo sabay na inirapan ang ex-girlfriend nito.

Sa halip na kumontra si Chin ay kusa itong sumunod sa akin, akay-akay ko ang palad nito sa likuran ko. "Stop being so pathetic, Mr. Chin. She doesn't deserve you!" Hindi ako nag-abalang binalingan ito at nagtuloy tuloy sa paghakbang. Wala akong nakuhang sagot mula sa lalaki. "H'wag mong ubusin oras mo sa babaeng iyon!" wala pakundangang sabi ko.

Bumalikwas ako paharap at marahas na binitawan ang palad nito sabay na tiningala ang gwapong mukha ng binata. "Find someone who deserves your attention-" Walang preno-prenong turan ko't hindi nag-iisip. "-look at you, you may be arrogant but-you're handsome, strong and... sexy," bahagyang pumiyok ang boses ko ng mapagtanto ang mga sinabi ko. Gusto kong magwala, I was so tactless there, bullshit!

"What else, Mae?"

Napamulagat akong nakatitig dito, nangingilid ang pilyong ngiti nito sa labi, tuloy napalunok ako dahil parang may bumara sa lalamunan ko. "Ah basta, find someone better!" singhal ko upang itago ang pagkapahiya.

"Why?"

Napakagat ako ng labi, is he fucking serious? Is he blind? Kita na kanina na may kasamang ibang lalaki ang ex-girlfriend nito. Bulag ba ang lalaking to?

"Seriously, isn't it obvious, she's cheating on you, Mr. Chin? She's two timing!"

"I know."

Nanlaki ang aking mata sa narinig. F ucking s hit! Alam naman pala nito and here I am acting like a stupid concern bitch! "Eh alam mo naman pala, bakit mo ko hinayaan dito na magwala at magsalita ng kung anu ano?!"

"You're not asking me, Mae."

Gusto ko na lang ipakain ang sarili sa pating sa sandaling ito. Bakit ba kasi hindi ako nag-iisip at basta nalang sumusugod, bullshit! Napangiti ako ng mapakla, I was so embarass. "Forget everything I said! I am sorry for being too nosy!" pagkasabi niyon dali akong tumalikod ngunit napinto ko ang akmang paghakbang ng magsalita ang binata.

"Thank you, Mae."

Napataas ko ang kilay sa narinig, why is he being so soft today? I can't believe it but my heart is floating in the void because of his simple gratitude.

"For what?"

"For arriving at the right time and being my shield earlier."

Bakit tila naging dramatic ata ako ngayon, why his words made so much impact in my emotions, this is bullshit! My heart flutters.

Itinaas ko ang palad sa ere bilang tugon sabay na hinakbang ang paa pasulong, I don't want to invest so much emotions in this fuck ing moments. "Suit yourself, I am leavin-

Hindi ko natapos ang sasabihin at napaigtad ako ng kaunti nang hagipin nito ang palad ko sa likuran. "Stop talking and let's go home together!" at ako naman ang kinaladkad nito.

NAKAUPO ako sa balcony, nakamasid sa bakuran.

Hindi ko alam kung ano bang buhay ang gusto ko, aside from being a spy agent, striving myself to survive ay wala na. Umalis ako sa puder ng aking ama pagkagraduate ko ng kolehiyo. There, I continued my life alone hanggang na naging personal assistant ako ni Mr. Johanes Miller. Kalaona'y naging parte ako ng Agency.

Nakilala ko ang mga kasamahan ko. They became a part of my life, oo masaya ako na nakilala ko sila, sila na din ang pinaghugotan ko ng lakas pero may kulang parin at iyon ay hindi ko alam.

Yes, I am okay, I can smile if I want to pero sa likod ng ngiting iyon ay nakakubli ang totoong Trina Mae na malungkot at naghahanap parin ng kanyang totoong kasiyahan. Siguro affection from a family dahil iyon naman talaga ang wala ako sa simula't sapol. Pero ayoko magkaroon ng sariling pamilya, ayokong sumugal dahil alam ko bandang huli wala paring happy ending, iyon ang totoo.

Napabuntong hininga ako sa isiping iyon. Magiging masaya pa kaya ako? Sabi nang lalaking nakilala ko dati, kung may taglagas may tagsibol pero hanggang ngayon hindi ko parin nakuha ang ibig sabihin niyon.

Nasa ganun ang isip ko nang may napansin akong umupo sa tabi ko. It was Mr. Chin as expected.

"Anong iniisip mo?"

"Wala ka nang pakialam du'n Mr. Chin," napanguso ako na hindi ito binalingan.

"Look, Mae! I am trying to be friendly here!"

"I am not asking you to be friendly either!"

Narinig kong bumuntong hininga ito, pagkatapos ay may dinukot sa plastic bag na dala nito. Nagbukas ito ng isang can ng beer tapos nilahad sa akin. "Here, let us forget our bitteness for each other just for tonight, Mae."

"Hai," tinanggap ko ang nilahad nito, nagbukas din ito para sa sarili. "Mr. Chin?" umungol lang ito bilang tugon na gaya ko'y nakatingin sa di-kalayuan. "Do you still have your parents with you-" binalingan ko ang direksiyon ng binata, "-sorry if I ask too personal, I can't help it?"

Napalingon ito sa direksiyon ko, mataman akong tinitigan. "Well, yes I do, they are alive and kicking, why?"

"Are they a loving parent?"

"I guess."

"Bakit hindi ka sigurado?"

"Well, they are, the only thing is that my Otosan wants me to follow his footsteps," bumuntong hininga si Chin sabay na tumungga ng beer sa lata.

"Then, what's wrong with that?"

"He wants me to handle our family business which is... not my thing, I like to run this simple hotel-" tumigil ito na nilakbay ang paningin sa paligid. "-and to marry a woman and to have kids, I want a simple life, Mae."

Tumango ako nang marinig ang pahayag ng binata. Hindi ako makapaniwala that there are some men like him who wants simple life.

"How about you, how's your parents-ikaw?"

Bigla akong natahimik sa tanong nito, paano ko ba sasagutin ang tanong nito? That I came from ang broken family and because of that I chose to live alone? Silly! Wala akong maapuhap na sasabihin kaya nanatili akong tahimik. Napabuntong hininga akong nilakbay ang paningin sa kawalan.

"I am sorry," yumuko ito nang mapansin ang pananahimik ko. Sinuyod nito ang beer at inalog-alog.

"Not like you, Mr. Chin," napahugot ako ng hiningang muling tinungga ang beer na hawak. "I don't have a loving parent like you had... I wish I have."

"I am sorry, Mae."

"I am fine Mr. Chin; I am used to it. My parents got annulled and they both have their own family," napahigpit ko ang pagkakahawak sa can ng beer, pinilit kong pigilan ang aking emosyon.

"Mae."

Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ko. "Don't feel sorry Mr. Chin, I am okay."

"You're not!"

"I am!"

"You're not!" giit ng binata, isang saglit marahas nitong inunat ang braso ko sabay na niyakap ako ng mahigpit, sobrang higpit na halos pangapusan ako ng hininga.

Hindi ko napigilan ang sarili, bigla na lang bumalong ang luha ko sa mga mata. Why this man affects me to the point na pakiramdam ko gusto ko na lang dumepende dito. All my life I used to be alone and depend only on myself, cry by myself then this man came, and he let me cry on his shoulder.

Ang isiping iyon ay mas lalong nagpahikbi sa akin. "Why life is so unfair, Chin?" Nanatili itong nakayakap sa akin.

"Mae," sambit nitong tinapik tapik ang likod ko. Tuloy mas lalo akong napahagulhol, his warm palm fondled my back na tila ba pinawi nito lahat ng hinanakit ko sa buhay. Unang beses na nakadama ako ng ganito, na pakiramdam ko may masasandalan ako. "Umiyak ka lang ng umiyak, Mae. Nandito ako, ipapahiram ko sa iyo ang balikat ko't hinding hindi ako mapapagod."

Mas lalong akong napahagulhol dahil sa narinig ko mula sa binata. Ang mga kataga nito ay nakakapawi ng hinanakit na dala dala ko simula nang magka-isip ako. Ang presensiya nito ay nagpapahiwatig na may masasandalan ako. Ang yakap nito ay nagpadama sa akin na hindi ako nag-iisa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status