Chapter's Theme: “Dare to do the things that scare you.”
[PEN's Point of View]
"Thank goodness!"
Natauhan ako nang marinig ang sigaw ni Lovely at ang pagtunog ng chime hudyat ng pagbukas ng pinto kaya mabilis akong lumingon ulit paharap. May nakatayong babae sa may entrance. Base sa suot n'yang uniform, s'ya yata ang manager ng cafe. Malinis at pormal s'yang tignan pero nakaguhit sa kanyang mukha ang isang matamis na ngiti.
"Oh, kayo na pala 'yan. Akala ko may narinig akong aso't pusang nag-aaway," malumanay at medyo natatawa n'yang sambit. "Anyway, come in."
Nag-unahang pumasok si Lovely at Psalm kaya halos ma-stuck sila sa pinto. Kung hindi pa nagpaubaya si Psalm ay baka hindi na din ako nakapasok.
Malalaki ang hakbang ko papasok pero agad ding akong napatigil nang makita ko ang kabuuan ng loob ng cafe. Katulad ng inaasahan ko, hindi ito masyadong malaki pero dahil maayos ang pagkaka-ayos ng mga kagamitan, maluwag itong tignan.
Wala sa sarili akong napa-inhale. May kaunting samyo ng kape akong naaamoy. Mukhang ilang araw nang hindi nag-o-operate ang cafe dahil kadalasan, maamoy mo na agad ang kape pagpasok mo pa lang. Pero kahit ganun, mararamdaman mo pa rin 'yung relaxing at cozy na ambience.
Napansin ko rin na parang may intended customer sa bawat side ng cafe. Sa mga mag-isa at gustong mapag-isa nakalaan ang isang mahabang table at bar stools sa tabi mismo ng glass wall. Samantalang 'yung mga barkadahan at maraming kasama, sa kanila nakalaan ang mga center round tables na may limang upuan. Agaw-pansin din ang gallery wall sa right side na may design ng constellations. May tigda-dalawang upuan doon na bagay sa mga lovebirds na gustong mag-date o mga mahilig magpicture at mag-post sa social media. At ang pinakanagustuhan 'kong spot ay ang left side kung saan nakalagay ang tatlong book shelves at sofa set na bagay na bagay para sa mga bookworm at gustong mag-relax.
Kailangan kong aminin na na-amaze ako sa pagkaka-layout ng lugar. Pero mas na-amaze ako sa sarili ko. Paano ko ba napansin lahat ng 'yun?
"Can you at least move aside? You're blocking my way."
Gulat akong tumabi dahil sa nagsalita sa likuran ko. Parang hangin lang s'yang dumaan na halos hindi ko na napansing paupo na s'ya kasama ng iba sa sofa set. Ang lalaking 'yun... pamilyar talaga sa akin.
"Pen!" sigaw ni Lovely kaya natauhan ako. Sumenyas s'ya sa akin upang lumapit pero hindi agad ako nakagalaw.
Ginapangan ako ng kaba dahil lahat sila ay nakatuon sa akin ang atensyon. Tahimik nila akong tinitigan kaya pakiramdam ko may kung ano silang nakikita sa akin— na lahat sila may iniisip na tungkol sa akin. Na baka napapangitan na sila sa itsura ko, nawe-weirduhan o baka nahalata na nilang bobo ako. Baka ngayon pa lang, hinuhusgahan na nila ang pagkatao ko.
Pero kahit na ganun, pigil-hininga pa din akong lumapit at naupo sa tabi ni Lovely sa mahabang sofa. Si Psalm at 'yung lalaking huling dumating naman ay nakaupo sa mga single seat pati na rin 'yung babaeng nagbukas ng pinto.
"Okay, let's start!" palakpak nung babaeng nagpapasok sa amin. "Good morning, everyone! I am Maggie, the manager of Dreams Café. You can call me Miss Maggie."
"Sorry nga pala kung hindi ko agad kayo napagbuksan ng pinto. May inaayos kasi ako sa taas." Paghingi n'ya na naman ng tawad at itinuro pa ang hagdan papunta sa ikalawang floor na ilang metro lang ang layo sa counter.
"It's fine," sweet na tugon ni Lovely.
"Anyway, as you all may already know, kayong apat ang applicant para sa pagiging staff dito sa cafe. We have here, Lovely?"
"That me!" taas-kamay na sambit ni Lovely.
"Psalm,"
"Present," sambit di ni Psalm.
"Pen,"
Bahagya kong itinaas ang kamay ko nang tawagin n'ya ang pangalan ko.
"and Sage,"
"Here," Sagot ng lalaking huling dumating habang tinanggal ang suot n'yang cap. Tititigan ko pa lang sana s'ya nang mahuli n'ya agad ang tingin ko kaya mabilis akong yumuko.
"Guys, I wanted to congratulate the four you. You are hired!" Ngiting-ngiti na sabi ni Miss Maggie na parang kulang na lang ay magpasabog s'ya ng confetti at pumalakpak. Pero matapos n'un, binalot kami ng katahimikan at kulang na lang ay makarinig ako ng kuliglig. "Ahm, yey?"
Nagkatinginan kaming apat. Hindi ko masabi 'yung mga reaksyon nila. Nagulat, naguguluhan, masaya?
Malakas na napatikhim ang manager at tumuwid sa pagkakaupo dahil na rin siguro nakaramdam na s'ya ng hiya.
"Ahm, pinatawag kayo dito para sa contract signing at malaman n'yo 'yung mga terms and conditions."
"So, there's no interview anymore?" tanong ni Lovely.
"Ahm, pwede pa din naman nating gawin 'yun kung gusto n'yo," maagap na sagot ni Miss Maggie.
"Teka lang, ha. Let's take it slow," pagsingit ni Psalm sa usapan nang magawa n'ya nang maka-recover. "Hindi ba parang ang bilis naman yata? Ang ibig kong sabihin, ilang beses na akong nakapag-apply ng trabaho pero ito na yata ang pinakamabilis na pag-hire na naranasan ko. Alam n'yo 'yun? Parang too good to be true?"
Hindi ko napigilang humanga sa bibig nitong si Psalm. Straight to the point. Sabagay, kahit ako nagtataka na din. Hindi kaya scam 'to? Nag-sign up palang ako kagabi tapos wala pang bente kwatro oras, hired na agad ako?
Muling kumurba ng ngiti ang mga labi ni Miss Maggie habang magkadaop ang dalawang kamay na nakapatong sa kanyang hita.
"Actually, 'yung mismong owner kasi ng cafe ang nag-hire sa inyo. S'ya din kasi ang tumingin ng mga sinubmit n'yong application form." Paliwanang n'ya at patuloy pa din sa pag-ngiti sa aming apat.
"‘Yung owner?" paglilinaw ni Psalm.
"Uh-huh. Sabihin na lang nating... may sarili s'yang way ng pagpili ng staff."
[PEN's Point of View]"I guess, may nakita s'ya na something special sa applications n'yo kaya hinire n'ya kayo agad and don't worry, we're operating legally." Dagdag pa ni Miss Maggie at itinuro ang isang frame na naka-display malapit sa counter. Business permit yata 'yun.Ilang minuto din ang lumipas bago s'ya muling magsalita. Wala kasing nagbabalak na umimik sa aming apat."Okay, kung wala na kayong tanong, I have here the contract." Kinuha n'ya ang isang envelope at inilabas ang sinasabi n'yang kontrata. Binigyan n'ya kaming apat at hinayaang basahin muna iyon."Go on. Read the terms and conditions carefully. You can take your time."Binasa ko naman ng mabuti ang kontrata. Nakalagay dun na weekly ang sweldo namin. Monday to Friday ang trabaho, mula alas-sais ng umaga hanggang alas-quatro ng hapon. Malaki-laki din ang sweldo kung tutuusin. Actually, first time kong magtatrabaho kaya hindi ako aware sa mga salary rate pero para sa akin, malaki n
[SAGE's Point of View]AWKWARD. That explains the atmosphere now. Iniwan kami ng manager so we could talk about the offer. Kailangan daw naming mag-come up sa iisang decision whether we'll accept the job or not. If one of us says no then, there's no job for everyone. I found it tricky, to be honest. I mean, what's with the idea of oneness?"So!" the girl in an employee's uniform suddenly said, breaking the ice and getting our attention. May kasama pa itong paghampas sa low wooden table sa gitna. I bet that hurt.We all gave her a look pero matapos n'un, wala ng nagsalita ulit. Nagpalitan lang kami ng mga tingin. We couldn't blame anyone though. We're completely strangers. And me, personally, rarely talk to strangers."Guys, let's accept the job na please?~"I couldn't help but to grimace because of her singsong tone and her conyo way of speaking. Idagdag pa ang pag-nguso ng mga labi at pagbukas-sara ng mga mata n'ya. This is the first time I
[LOVELY's Point of View]"Itlog nga sabi!" pilit n'ya."Why ba mas marunong ka pa sa'kin? It's chicken!" sagot ko naman. This guy is really annoying. Nakakainis 'yung guts n'ya and ayaw n'yang magpatalo."Tss, ‘wag ka ngang magpatawa. Imposibleng mangyari 'yun. Sige nga, saan ba galing ang manok? 'Di ba sa itlog? Ibig sabihin, mas nauna ang itlog kesa sa manok!" pagpapaliwanag n'ya with hand gestures pa. I'm getting tired talking to this guy na rin. His words were so nonsense talaga, goodness!"Eh, where ba galing ang itlog? 'Di ba sa chicken? If mas nauna ang itlog, then who laid the egg? 'Yung dinosaur? Duh!" I impatiently said and rolled my eyes heavenward.Kahit sino sigurong makakita sa amin ay magwa-wonder if bakit kami napunta sa ganitong usapan. This kumag kasi, na let's call na lang sa name na Psalm, kung ano-anong tino-talk. He's so madakdak. We're bickering about scam then naidawit n'ya pa ang egg at chicken. Kesyo an
[LOVELY's Point of View]Tumunog ang chime sa may pinto, means bumukas 'yun kaya napalingon kaming lahat. Pumasok si Miss Maggie na may dalang dalawang pizza box.Okay its Miss Maggie, Lovely. Go back to your senses! The poise Love, the POISE!I tightly closed my eyes and crossed my fingers while mumbling my ‘poise chant’. But when I opened my eyes, nawala rin lahat dahil sa kunot-noong tingin sa akin ng kupal na si Psalm. Naku! Nasa boiling point na talaga ang dugo ko! Kaya NEVERMIND! Wala na munang poise-poise! Kami-kami lang din naman ang nandito. Might as well I took this as a break."Ano ha?!" pabulong pero nanggigigil kong tanong sa kanya."Wala. Ang ano mo..." sagot n'ya naman at umiwas ng tingin."Oh, hi guys!" she greeted us at lumapit sa pwesto namin. "What are you doing? Bakit n'yo naman iniwan mag-isa du'n si... Pen."
[LOVELY's Point of View] I opened the door of my condo with a heavy feeling. You know? That certain kind of feeling na wala ka namang masyadong ginawa pero pakiramdam mo, pagod na pagod ka? I feel like I'm craving for a rest pero hindi ko alam kung paano gagawin, kung saan ko hahanapin. I know this is not just because of what happened earlier sa cafe. I am experiencing this for quite some time already simula nang maisipan kong bumukod kina mommy. I don't know. Maybe I'm just homesick or whatever. Hayst. Kaya mas gusto kong lumalabas at may kinakausap, e. In that way, I temporarily forget this toxic feeling. Oh, curious what happened in the cafe before we parted ways? Well, matapos ipaliwanag ni Miss Maggie ang special purpose and extra service kuno ng cafe, na sobrang gumulat sa amin, napagdesisyunan ng lahat na ipasabukas na lang ang pagd-decide whether we will say yes to the job or not. Kahit naman kasi sinong na
[LOVELY's Point of View]Saktong 10 am nang huminto ang sinasakyan kong taxi sa harap ng cafe. Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko si Pen na kadarating lang din na dire-diretso sa patio. She stopped meters away from the glass door. Nakangiti akong lumapit at tumabi sa kanya."Good morning!" I beamed. Bahagya pa s'yang nagulat but naka-recover din agad then she smiled— a genuine one. Unlike kahapon na halatang pilit. But still, 'yung mata n'ya malamlam pa din like she always lack sleep. Para 'yung babagsak palagi. She's not taking drugs naman siguro 'no?"Grabe, nae-excite na ako Pen. Hindi na ako makapag-antay na maging official staff." I know she won't say anything pero hindi ko naman inakalang tititigan n'ya talaga ako ng matagal."Why? Is there something on my face? May dumi ba?" I asked and wiped my face agad."W-wala. 'Yung... 'yung pagsasalita mo kasi. D-diretso na."
[LOVELY's Point of View] "Kasalanan mo talaga 'to," Psalm said to me for the nth time habang naglalakad kami sa pasilyo ng St. Andrews Hospital. Yep, sa ospital and no, wala namang na-confine sa amin dito or whatever. If you're thinking that something bad happened to Luisa, the customer who went to the cafe earlier, you're definitely wrong. Nandito kami dahil dito kami tutupad ng isang munting pangarap and I'm so excited! And yeah, a bit nervous. Galing pa lang kami sa Nurse's station para itanong kung pwede ba 'yung balak naming gawin. But there's no luck. "Kapag talaga 'to pumalpak, ikaw ang may kasalanan. Ikaw lang, " he murmured. "Ano ba naman? When pa kayo nag-join force ni Pen sa pagiging nega, ha? Don't you know the phrase think positive lang?" I blatantly said. God! Mas naii-stress ako sa ka-negahan ng isang 'to. Dapat pala si Pen o si Sage na lang ang isinama ko. Bakit naman kasi naisip ko pang magagamit k
[LOVELY's Point of View] "Sage, let's go. Wala tayong mapapala sa mga taong inconsiderate at hindi marunong umintindi." Hinila ko ang braso ni Sage para sana umalis na but he didn't budge. Napakunot tuloy ako ng noo at binalingan s'ya ng nagtatanong na ekspresyon pero diretso lang ang tingin n'ya sa direktor. Goodness, Sage! Bat di ka gumagalaw? May balak ka bang mag-stay sa impyerno kasama ang servant-like ni Satan? "Sage—" "If you don't mind Dr. Yuzon, meron ho ba kayong anak o kahit na sinong bata na malapit sa inyo?" Napatigil ako nang biglang nagtanong si Sage. Tinignan ko ang walang pakundungang direktor. I saw his expression slightly soften and his eyes startled. Siguro dahil he didn't expect that question from Sage. "I bet there is." Sage deduced. "Isipin n'yo ho na humiling ang bat