LOGINPaano nito nasasabing hindi siya kailanman nagduda? Limang taong gulang lamang siya nang mamatay ang mga magulang niya. Natural lamang na naniwala siya sa kung ano man ang sinabi ng mga matatanda sa kanya. Pero habang siya ay nagkakakaedad, paulit-ulit na bumabalik ang katanungang iyon. Isang narcotics officer. Isang misyon. Isang aksidente habang pauwi.Ang tatlong elementong iyon kapag pinagsama-sama ay kailanman hindi naging tama sa pandinig niya.Gayunpaman, ang mga opisyal na nag-imbestiga sa kaso noon ay pawang malalapit na kasamahan ng kanyang mga magulang. Sa libing ng mga ito, taimtim silang tumangis. Naniniwala si Luna na ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang malaman ang katotohanan. Maaaring tunay ngang isa iyong aksidente o di kaya naman ang mga may kagagawan ay masyadong makapangyarihan at maimpluwensya kaya wala silang iniwang anumang ebidensya.Bahagyang suminghot si Luna at nag-angat ng tingin kay Ralph. “Ano na naman sinusubukan mong iparating?”“I’ve be
Sa pagkakataong ito, ang ekspresyon ni Ralph ay hindi na kasing-lupit gaya noong bago niya tawagan ang ina. Nabawi na niya ang kanyang karaniwang kapanatagan, maging ang bakas ng pagpapakumbaba, pero ang kanyang mga salita ay hindi pa rin nag-iiwan ng puwang para may mapilian si Luna.Bahagyang kumunot ang noo ni Luna. “Annulled na tayo.” Wala na siyang karapatang manghimasok sa buhay ng babae. Wala na ring dahilan ang babae para manatili sa ilalim ng iisang bubong kasama niya.Pero animo’y bingi si Ralph sa lahat ng iba pang sinasabi nito. Simple lang ang sagot niya, “I knew nothing about this. At hindi ko alam kung kailan naging posible na makakuha ng annulment certificate nang hindi naghaharap ang dalawang panig.” Ang kanyang tono ay kalmado at walang pakialam. “Sa madaling salita, hindi ko kinikilala ang annulment na iyon.”Maraming inaasahang magiging reaksyon si Luna mula sa kanya. Pero hindi niya inasahan ito… ang tahasang pagkakaila nito.Natigilan ang kanyang ekspresyon, at
Isang babala iyon. Kahit tumangging sumagot si Rowena, malalaman pa rin ng anak niya ang katotohanan sa isang tawag lang. Dahil siya ang ina nito, alam niya ang pag-uugali ng anak, kaya pinili na lamang niyang maging prangka. “It was done before the New Year.”“Before the New Year?” Nagngitngit ang mga ngipin ni Ralph, ang kanyang boses ay parang yelo sa lamig. “Sa birthday banquet ni Lola, natatandaan kong sinabihan kita na huwag makialam sa relasyon namin ni Luna. Hindi ba?”“Ano kasi...” Huminga nang malalim si Rowena. “Nailabas na ang annulment certificate bago pa ang panahong iyon.”Doon lamang tunay na napagtanto ni Ralph kung gaano kalalim ang pakikialam ng kanyang "mabuting" ina sa kanyang buhay. Nagpakawala siya ng isang sarkastikong tawa. “It seems your connections are still far too extensive.”“Anong balak mong gawin?” Agad na naramdaman ni Rowena ang banta sa tono nito at nagsimulang mabahala. “Ralph, I am your mother! Tatalikuran mo ba ako para lang sa isang babae?”Haw
Ang mga daliri ni Ralph na nakapatong sa kamay ni Luna ay nanginig nang husto.Makalipas ang ilang segundo, nagpakawala siya ng isang mahinang tawa, na para bang may narinig siyang isang masamang biro. “Look. Alam kong galit ka pa rin sa akin. I know you won’t forgive me anytime soon. Pero huwag kang magsalita ng ganyan dahil lang sa galit.”Hindi niya ito hihiwalayan ngayon. Kahit noon pa man, hindi niya ito seryosong binalak. Paano sila magkakaroon ng annulment certificate? Marami siyang pasensya. Kaya niya itong amuyuin nang dahan-dahan, maghihintay siya hanggang sa humupa ang galit nito sa kanya. Sinabi niya sa sarili na hindi niya dapat seryosohin ang mga salitang binitawan nito dahil lang sa silakbo ng damdamin.Pero nang makita niya ang hindi natitinag na kaseryosohan sa mukha ng babae, isang walang katapusang pagkabalisa ang nagsimulang gumapang sa kanyang puso.Hindi nagulat si Luna sa naging reaksyon nito, at hindi rin siya nagmamadali. Ni hindi niya napansin ang pangingi
Matagal na sandali ang lumipas bago unti-unting lumitaw ang mga pira-pirasong alaala sa kanyang isipan.Parang nangyari iyon sa tapat ng kanilang apartment complex. Noong araw na iyon, kararating lang ng Papa niya mula sa isang mission. Punong-puno siya ng saya, hinihila pa ang manggas nito at nagmamakaawang ibili siya ng cotton candy. Nakabayad na ang Papa niya, at habang pinapaikot ng tindero ang asukal para maging cotton candy, isang malakas na pagsabog ang biglang umalingawngaw.Hindi na nila hinintay ng Papa niya ang cotton candy. Walang pag-aalinlangan silang sumugod patungo sa ingay, ang tanging nasa isip ay ang magligtas ng buhay.Matapos ang araw na iyon, hindi na siya muling nakakain ng cotton candy na binili ng Papa niya. Maging ang Mama niya. Pareho silang namatay pauwi mula sa kanilang susunod na mission. Mula sa sandaling iyon, tuluyan nang naging baligtad ang kanyang mundo.Pinanood ni Ralph ang dahan-dahang pamumula ng mga mata ni Luna. Hinawakan ng kanyang malaking p
Samanatala, binabangungot si Luna. Nakakunot ang kanyang noo sa matinding kaba, mahigpit na nakakapit ang kanyang mga daliri sa hawakan ng pinto ng sasakyan, at nanginginig ang kanyang mga labi.Nang makitang nananaginip siya, hindi napigilan ni Ralph na gustuhin na i-comfort siya. Lumapit siya, balak sana siyang kabigin ang babae sa kanyang mga bisig.Pero sa sandaling dumampi ang mga daliri niya sa balikat nito, biglang napaigtad at agad na nagising si Luna.“Hunter!” awtomatiko niyang naibulalas.Si Hunter.Napanaginipan niya na sumugod si Hunter sa abandonadong pabrikang iyon para iligtas siya. Pero pagkatapos, sumabog ang bomba.Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib ni Luna. Lumingon-lingon siya nang may kalituhan bago napagtantong nasa loob pa rin siya ng sasakyan. At huminto na ang sasakyan. Pero hindi sa tapat ng kanyang apartment building.Nang marinig itong tinawag ang pangalan ni Hunter, lalong naramdaman ni Ralph ang kanyang kakulangan bilang asawa. Maingat niyang tinapik an


![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




