Share

KABANATA 372

Author: Yoonchae
“Hindi mo man lang ba tatanggapin ang cake na binili lang ng isang kaibigan para sa iyo?” pagmamakaawa pa ni Ralph.

“Fine.” Hawak ni Luna ang maliit na bote ng mga crane sa isang kamay at kinuha ang paper bag mula sa lalaki gamit ang isa pa. “Thanks.”

Pagkaalis ng lalaki, lumapit si Dani at chineck ang dala niya.

“Tsk, hindi naman sa pagiging balimbing ha, pero ‘di hamak naman na mas mataas ang emotional intelligence ni Ralph kaysa kay Hunter.” Dahil alam nitong tinatanggihan siya ni Luna, pinil
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 666

    "Anong ibig mong sabihing hindi siya makakauwi?"Ang puso ni Luna na kakakalma lang ay agad na naman naumpos sa kaba. "May masama bang nangyari sa kaniya?"Bakit babalik si Max nang siya lang? Wala pa ring bakas nina Hunter o Elmer. Binalot ng takot ang isip niya.Nang makita ang takot sa mga mata nito, mabilis na nagpaliwanag si Max, "Hindi po! Walang masamang nangyari. Actually, maayos na maayos ang lahat! Ngayon po, nakikipagkita si Boss kina Eve at Enzo."Nang makitang totoo ang mga mata nito, kinakabahan na nagtanong si Luna, "Hindi ka nagsisinungaling para lang pakalmahin ako, 'di ba?" Muntik na siyang magkaroon ng problema sa pagbubuntis kamakailan kaya nag-aalala siyang nagtatago ng sikreto si Hunter para protektahan siya."Promise po, nagsasabi ako ng totoo!" Seryosong wika ni Max. "Kung hindi po kayo naniniwala, pwede niyo pong tawagan si Eve ngayon para makasiguro."Doon lang nakahinga nang malalim si Luna. "Bakit ka umuwi nang maaga?""Kukuha lang po ng ilang documents," m

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 665

    Lalo pang gumanda ang pakiramdam ni Luna nang marinig iyon.Sa napakaraming nakakatakot at walang kasiguraduhang sandali sa nakaraan niya, laging nasa tabi niya si Dani.Pagkatapos mag-dinner, nagtimpla sila ng tea kasama si Lola Divina bago umakyat sa bedroom. Mabilis silang na maligo at tsaka humiga sa malaking sofa para manood ng palabas sa TV.Sa maikling sandali, parang bumalik lang ang dating araw noong magkasama pa sila sa lumang apartment. May mangkok ng sariwang prutas sa mesa. Kumuha si Luna ng strawberry at isinubo kay Dani, "Kumusta ang papamo? Nabalitaan ko kay Emilio na malubha daw injury niya?""Ayos na ayos siya," ani Dani habang nginunguya ang matamis na prutas. "Nakakatakbo, nakakatalon, at nakakapagmura pa nga nang malakas. Ano lang ba ‘yung mga injury niya sa katawan?"Bahagyang kumunot ang noo ni Luna. "Humingi pa rin ba siya ng pera sa 'yo?""Of course." Tumango si Dani habang yumuyuko para kumuha ng isa pang strawberry. Sinubukan niyang balewalain ang usapan. "Sa

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 664

    Sapul na sapul si Enzo sa sinabi nito.Kung galing sa ibang tao ang mga salitang iyon, malamang ay sinagot at nagalit na siya. Pero nanggaling iyon kay Eve—ang nakakatandang kapatid niya na bata pa man sila ay may likas nang awtoridad sa kaniya.Hindi na nag-abalang magkaila si Enzo; deretso na siyang umamin. "Paano mo ba talaga nalalaman ang lahat?""Marunong akong magbasa ng tao."Dahil man sa awa o sa mas malalim pang dahilan, nang tingnan siya ulit ni Eve, nakikita sa mga mata nito ang munting lambing ng isang ate. "If you want to win a girl back, you need the right attitude. Stop acting like a spoiled young master."Ilang beses pa lang nakakaharap ni Eve si Dani, pero noong inabot niya ang tseke dito, naramdaman niyang mataas ang pride ng dalaga at hindi ito 'yung tipong mabibili lang ng pera. Kaya kung gusto ng basag-ulo na si Enzo na makuha ulit ang dalaga, kailangan nitong matutong magpakumbaba.Nanahimik si Enzo. Kailan ba siya nagmataas sa harap ni Dani? Ang sa kaniya lang...

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 663

    Napailing si Enzo at napa- “Tsk,” halatang naiirita.Bahagyang kumibot ang makikitid niyang mga mata nang mapansin niyang nakatingin sa kanya si Clark. Nakangiti ito, halatang nang-aasar pero parang natutuwa rin. Pero hindi siya kinausap ng lalaki. Sa halip, bumaling ito kay Dani.“Matagal ko na ring hindi nakikita sina Tito at Tita. Bisitahin ko kaya sila?”Heh. Bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Enzo. Hinihintay na niyang tumanggi si Dani.“Okay.”Hindi niya inaasahan ang sagot nito. Walang pag-aalinlangan itong pumayag. Agad na nawala ang ngiti sa labi ni Enzo. Nang magsalita ulit siya, puno ng pang-iinis ang boses niya. “Aren’t you insulted enough?”Nakaramdam ng kaba si Dani. Noong una, hindi siya sigurado kung gaano katagal nang nakatayo roon si Enzo. Inakala pa nga niyang baka ang huling sinabi lang niya sa mga magulang niya ang narinig nito.Pero ngayon, sigurado na siya. Halos lahat ay narinig nito.Narinig nitong tawagin siya ng sarili niyang ama na walang puso at walang

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 662

    Hindi sigurado si Dani kung guni-guni lang niya, pero parang iba ang boses ng lalaki ngayon.Hindi ito kasing lamig at walang pakialam gaya ng dati. May kakaiba rito. Hindi niya lang maipaliwanag kung ano. Siguro dahil natamaan ng tanong nito ang sugat na matagal na niyang itinatago, kaya malamig siyang sumagot. “Anong pakialam mo? Hobby mo na ngayon ang pakikinig sa usapan ng iba?”Ayaw niyang masyadong malaman pa ni Lunaang gulo ng pamilya niya. Pero kung may isang tao man na kailangang makaalam ng mga pangit na sikreto ng pamilya niya, mas gugustuhin niyang si Luna iyon.At least, ang bestfriend niya ang nag-iisang taong alam niyang hinding-hindi siya pagtatawanan.Isa pa… napakalaki ng bansa. Kung hindi mo sadyang hahanapin ang isang tao, halos imposibleng magkrus ulit ang landas ninyo. Mahigit limang taon na mula nang maghiwalay sila… Tumalikod na lang si Dani noon at tuluyang nawala sa buhay nito nang walang kahit anong bakas.Pero nang muli silang magkita noong nakaraang taon,

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 661

    Hindi na bago sa mga ang ganitong eksena. Matagal nang nasanay si Dani sa mga ito. Wala na rin siyang magawa tungkol dito.Noong bata pa siya, palagi siyang lumalapit para protektahan ang ina niya nang walang pag-aalinlangan. Pero habang tumatagal, unti-unti siyang naging manhid.Siguro, sa kaibuturan ng puso niya, naintindihan na rin niya na sa tuwing nag-aaway ang mga magulang niya, hindi naman talaga siya ang dahilan.Palagi itong tungkol sa paborito nilang anak.Hindi nakayanan ni Dennis na marinig ang mga sinabi ng asawa. Bigla siyang sumugod at itinaas ang kamay para sampalin si Annie habang nagmumura."Bakit naging ganito ang walang silbi mong anak? Dahil lahat iyan sa pagpapalaki mo sa kaniya! Annie, bulag siguro ako noong pinakasalan kita! Ang laki-laking halaga ng pera ang kinuha mo para lang bayaran ang mga utang niya! Walang hiya ka! Hindi mo man lang sinabi sa akin!"Lalong naging mabagsik ang mga salita ng lalaki. Hindi na bago kay Dani ang mga ganoong insulto. Ilang bes

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status