Se connecterSaglit na natigilan si Luna sa kinatatayuan. Pagkatapos ng maikling pag-aalinlangan, naglakad siya papunta sa consultation room bago tanungin ang matanda. “Ano po bang nararamdaman ninyo?”Sa totoo lang, wala naman dapat maging problema. Kakatanggap lang ni Mr. V ng acupuncture at bagong prescription kahapon. Pero totoong nanghihina ang boses nito. Hindi ito mukhang umaarte lang.“Right…” Medyo hinihingal si Mr. V. Sandali itong huminto bago nagpatuloy. “Pagkagising ko kaninang umaga, I felt a tightness in my chest. I was really struggling to breathe." Sandaling napaisip si Luna. “Sige po. Humiga muna kayo patagilid. Pupunta ako agad pagkatapos ng trabaho ko dito sa clinic. Kung lumala ang symptoms ninyo bago ako makarating, tumawag agad kayo ng emergency.”Kahapon pa lang ay chineck na ni Luna ang pulso ni Mr. V kaya malinaw sa kanya ang kondisyon nito. Posible talagang mangyari ang mahirapan sa paghinga kapag lumala ang kondisyon. Pero dahil kakapa-acupuncture lang nito kahapon, n
Nang matapos ang lovemaking nila, basang-basa ng pawis si Luna. Nakahiga siya nang walang lakas sa unan, halos hindi na makagalaw sa sobrang pagod.Kumuha si Hunter ng wet wipes at maingat siyang nilinis. “Gusto mong maligo sa banyo?”“Hindi na.”Agad na tumanggi si Luna.Kahit nitong mga nakaraang beses ay si Hunter mismo ang nagbubuhat sa kanya papunta sa banyo at walang reklamong naghuhugas sa kanya pagkatapos, ayaw niyang maligo ngayon.Hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking ito. Madalas, sa kalagitnaan mismo ng shower, idinidiin siya nito sa bathtub at nauuwi na naman sa panibagong mainit na activity.Sa ngayon, ang gusto lang ni Luna ay matulog.Natural na mapang-akit ang mga mata niya, at dahil sa mga luhang hindi niya namalayang namuo sa gilid ng kanyang mga mata, lalo siyang naging kaakit-akit. Napalunok si Hunter habang pinipigilan ang init na kumalat sa kanyang katawan.Binuhat niya si Luna papunta sa sofa, pinalitan ang gusot na kumot at bedsheet, saka muling binuhat ang baba
Kitang-kita na maganda ang mood ni Hunter.Akala ni Luna ay nagbibiro lang ang lalaki kaya sinakyan na lamang niya ang biro nito.“Hmm, talaga lang ha? Baka ang susunod na mangyari, ibibigay na rin sa akin ni Kuya Ethan ang position niya bilang CEO?”Mahinang natawa si Hunter at marahang kinurot ang pisngi niyang namumula dahil sa init ng shower. “Kung hihingin mo talaga, baka pagbigyan ka talaga.”Hindi maikakailang nagulat siya nang malaman niyang agad na ibibigay ng mga Padilla kay Luna ang five percent shares. Pero higit sa lahat, masaya siya para kay Luna dahil kitang-kita kung gaano siya pinahahalagahan ng pamilya nito.Sumulyap si Luna kay Hunter at nagpasyang tigilan na ang pakikipagbiruan dito.“Bilisan mo na at patuyuin mo ang buhok ko.”Siguro dahil nitong mga nakaraang araw ay naging maalaga sa kanya si Hunter, nasanay na si Luna na inaalagaan ng lalaki. Matagal na rin mula nang ito mismo ang magpatuyo ng buhok niya.Tinitigan siya ni Hunter nang may lambing.“Yes, my lady.
Iyon naman ang katotohanan.Sa loob ng maraming taon, walang sinuman sa mga Padilla ang sumuko sa paghahanap kay Luna—kahit din ang Daddy nila.Pagdating kay Don Richard, ang paulit-ulit niyang pag-aalinlangan tungkol sa shares ay dahil lamang sa takot niyang baka magkaroon ng lamat sa relasyon ng apat na magkakapatid dahil dito.Nang makita ng matandang Gabriella na malinaw ang desisyon nilang lahat tungkol sa bagay na iyon, tumingin siya sa asawa bago humarap sa mga apo nila..“Hindi lang kayo ang nakakaramdam na may utang kayo kay Luna. Matagal na kaming nagdesisyon ng lolo ninyo na kapag dumating ang araw na mahanap namin siya, ibibigay ko sa kaniya ang lahat ng hotel na nasa pangalan ko.”Ang tinutukoy niya ay ang mga ari-ariang legal niyang minana nang pumanaw ang kaniyang mga magulang. Kahit gaano kalaki ang kinikita ng mga iyon ngayon, personal niyang pag-aari ang mga ito.Ramdam naman ni Pia na totoong gustong bumawi ng mag-asawang matanda kay Luna. Pero iniisip din niya ang n
Pagdating sa shares ng Padilla Group, may bahagi ang matandang Gabriella, habang tig-sampung porsiyento naman ang hawak nina Raul, Ethan, at Enzo.Si Pia naman ay may thirty percent, kung saan ang twenty percent na hawak niya ay para kina Eve at Luna.Kumunot ang noo ni Don Richard."You don't need to worry about Luna's shares; Matagal nang nasa pangalan ng Mommy ninyo ang mga iyon. Pwede na iyong ilipat sa kaniya kapag dumating ang tamang panahon.”Malinaw na ayaw niyang guluhin ang balanse sa pagitan ng kumpanya at ng pamilya. Anuman ang mangyari, anak niya pa rin si Raul. Bukod doon, sa kahit anong pamilya, hindi naman talaga problema ang kakulangan sa pera. Ang tunay na problema ay kapag hindi fair ang paghahati nito.Kaya mula pa noon, palaging open at fair ang paraan ng mga Padilla sa pag-aasikaso ng kanilang yaman.“Lolo, , since when did you start playing dumb when you know perfectly well what's going on?" Ngumiti si Enzo na parang hindi niya napansin ang pagtutol ng matanda. “
Hindi makakalimutan ni Luna na nakasalalay sa dalawang taong iyon ang katarungan para sa buhay ng mga taong nagpakalaki sa kaniya.Bumaling ang tingin ni Hunter sa mga dokumentong hawak niya bago napunta sa namumulang mga mata ni Luna. “Haharap sila sa hustisya.”Diretso at walang alinlangan ang sagot niya. Nauna na niyang inutusan si Emilio na maghanap ng mga evidence tungkol sa mga ginawa ni Nancy Montenegro noon. May mga paraan at techniques si Emilio na hindi pwedeng gamitin ng mga pulis dahil sa mga limitation ng kanilang trabaho.Ang problema lang, matagal nang nangyari ang lahat… Kaya kailangan lang nilang maghintay.Tahimik na napabuntonghininga si Luna bago ibinalik sa folder ang mga document nang hindi na binubuklat ang mga ‘yon.“Mm. Gano’n din ang iniisip ko.”Kahit anong baho ang itago ng isang tao, may maiiwan at maiiwan pa ring bakas… Lalo na kung buhay ng tao ang nawala.—Alphaland Villa…Pagkababa ni Eve ng tawag, agad niyang naramdaman ang mga matang nakatuon sa kani







