LOGINKabanata 2
Vanessa’s POV
Kauuwi ko lang sa bagong apartment na nirerentahan ko.
Pagod ang buong katawan ko. Pagod sa trabaho. Pagod sa pag-iisip. At higit sa lahat, pagod sa sakit na pilit kong tinatago.
Pagkatapos ng trabaho, dumiretso na ako rito. Maaga pa ako bukas. Aayusin ko pa ang plano para sa engagement nilang dalawa ni Gerald at Leona.
Napapikit ako sandali.
Ako ang mag-aasikaso ng engagement ng lalaking minahal ko… para sa ibang babae.
Masakit. Pero kailangan kong tanggapin.
Ibinagsak ko ang bag ko sa sofa at dahan-dahang umupo. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang group chat namin sa Watson Holdings.
Pagkabukas ko, agad bumungad ang sunod-sunod na messages.
“OMG! Did you see this?”
“Sir Gerald and Miss Leona look so good together!”
“Finally! They’re back!”
Napahinto ako.
Back?
Kinagat ko ang labi ko bago pinindot ang video.
Sa screen, nakita ko si Gerald. Nakasuot siya ng pormal na damit. May hawak siyang bouquet ng bulaklak. Nakangiti siya… ‘yung ngiti na hindi niya kailanman ipinakita sa akin.
Sa harap niya, si Leona.
Maganda. Maayos. At halatang mahal niya.
“Leona…” mahina niyang tawag sa video.
Narinig ko ang boses niya. Malambing. Hindi ko iyon narinig kahit kailan para sa akin.
“I’ve been waiting for you,” sabi niya. “I’m not letting you go again.”
Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko.
Lumapit si Leona sa kanya. “You don’t have to,” sagot nito. “I’m here now.”
At doon… naghalikan sila.
Pinatay ko agad ang video.
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko.
“Ang sakit…” bulong ko sa sarili ko.
Hinawakan ko ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito pa rin kasakit kahit alam ko naman na hindi ako ang mahal niya.
“Three years…” mahina kong sabi. “Tatlong taon mo akong ginamit…”
Napailing ako.
Hindi niya ako kayang mahalin. Kahit kailan.
Umayos ako ng upo at pinunasan ang mga luha ko. Pero hindi pa rin ako mapakali.
Binuksan ko ulit ang video.
Pinilit kong panoorin hanggang dulo.
Gusto kong ipilit sa sarili ko ang katotohanan. Gusto kong makita nang buo kung ano ang wala ako.
Habang pinapanood ko, mas lalo kong naramdaman ang sakit.
“Ganito ka pala kapag nagmamahal ka…” bulong ko.
Hindi ko alam kung maiiyak pa ako o matatawa. Kasi sa loob ng maraming taon, umaasa ako.
I thought one day, he’d notice her… he’d choose me…
Pero mali ako.
“Mali ako…” diretsong sabi ko sa sarili ko. “Hindi ako ang pipiliin niya.”
Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina. Kumuha ako ng tubig pero hindi ko rin nainom.
Hindi ako mapakali. Hindi ako makahinga nang maayos.
Kinuha ko ang bag ko ulit.
“Hindi ako pwedeng manatili rito,” sabi ko sa sarili ko. “Hindi ko kaya.”
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta gusto ko lang makaalis.
***
Napunta ako sa isang bar.
Maingay. Maraming tao. May ilaw. May alak.
Umupo ako sa counter at agad umorder. “One bottle,” sabi ko sa bartender.
Tiningnan niya ako. “Are you sure, Ma’am?”
“Yes,” sagot ko agad. “Just give it to me.”
Hindi na siya nagtanong.
Pagdating ng alak, agad akong uminom.
Isang lagok. Dalawa. Tatlo.
Hindi ko na binilang.
Gusto ko lang makalimot.
“Hey.”
Napalingon ako sa boses ng isang lalaki sa tabi ko.
“Are you okay?” tanong niya.
Tinitigan ko siya. Hindi ko siya kilala. Hindi ko alam kung sino siya dahil kakaiba ang boses niya. Pero sa paningin ko… si Gerald ang nakikita ko.
“Do I look okay?” sagot ko, medyo natatawa.
Umiling siya. “No. You look like you’re about to pass out.”
“Good,” sabi ko. “That’s exactly what I want.”
“Why?” tanong niya.
Uminom ulit ako bago sumagot. “Because I’m tired.”
“Tired of what?”
“Tired of loving someone who doesn’t love me back,” diretsong sabi ko.
Bigla siyang natahimik bago muling nagsalita.
“Then stop,” sabi niya.
Napatawa ako. “If it was that easy, I would’ve done it already.”
Lumapit siya ng konti. “What’s his name?”
“Gerald,” sagot ko agad.
“And you still love him?”
Napatingin ako sa baso ko. “Yes.”
“Then why are you here?”
Tiningnan ko siya. “Because I want to forget him. Kahit isang gabi lang.”
Hindi siya agad sumagot.
“Then don’t think,” sabi niya. “Just drink.”
Ngumiti ako nang bahagya. “I like that.”
Hindi ko na alam kung ilang oras akong uminom. Hindi ko na rin alam kung paano ako napunta sa isang kwarto kasama ang lalaking iyon.
Ang alam ko lang… hindi ko na iniisip si Gerald.
***
Kinabukasan…
Dahan-dahan akong nagmulat ng mata.
Masakit ang ulo ko. Mabigat ang katawan ko.
Napahawak ako sa sentido ko. “Shit…”
Paglingon ko sa tabi ko, nakita ko ang isang lalaki. Nakahiga siya, nakatingin sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko.
“Good morning,” sabi niya.
Napaatras ako. “Who are you?”
Umupo siya. “You don’t remember?”
Umiling ako. “No… I don’t.”
Sobrang sakit ng buong katawan ko.
Tiningnan niya ang kamay ko. “Then look at your hand.”
Dahan-dahan kong tiningnan ang daliri ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang singsing.
“Ano ‘to?” gulat kong tanong. Kumabog ng malakas ang puso ko. “Why am I wearing a ring?”
“Because you’re my fiancé,” kalmado niyang sagot.
“What?!” sigaw ko. “Are you insane? I don’t even know you!”
Tumayo siya at sinuot ang polo niya. “We got engaged last night.”
“Impossible!” sagot ko agad. “Anong akala mo sa akin? Uto-uto? Nasa Pilipinas tayo kaya huwag mo akong gagaguhin! I would never marry a stranger!”
“You were drunk,” sabi niya. “And you agreed.”
Napahawak ako sa ulo ko. “No… this is not happening…”
“Listen,” seryoso niyang sabi. “There’s a possibility that what happened last night could lead to something. I don’t take risks.”
Napatingin ako sa kaniya. “What are you trying to say?”
“I want this marriage to be legal,” sabi niya. “No complications.”
“Are you serious right now?” tanong ko. “You don’t even know me!”
“I know enough,” sagot niya. “Your name is Vanessa Williams. Executive secretary at Watson Holdings. Hindi naman ako ganoon katanga. Nakikita kita kasama ang boss mo.”
Napatigil ako. “How do you know that?”
“Because I made sure to know,” sagot niya.
“Who are you?”
Sandali siyang tumahimik bago sumagot.
“Sebastian Montefalco.”
Nanigas ako.
Kilalang pangalan ‘yon. Isa sa pinakamakapangyarihang tao sa bansa. Isa sa mga kalaban ng kompanya ni Gerald.
“Montefalco…” mahina kong ulit. Sinubukan kong tumawa dahil kahit kailan, wala pang nakakita sa tagapagmana ng Montefalco Group.
“Hindi nga,” sabi ko. Inayos ang sarili ko.
Tumango siya. “Yes.”
Mas lalong kumabog ng malakas ang puso ko.
Impossible.
Pero maya-maya'y lumiwanag ang mukha ko nang may pumasok na ideya sa isipan ko.
Kung magiging asawa niya ako…
Mapapalapit ako sa kanya.
At kung malalaman ni Gerald…
Baka maramdaman niya na may halaga ako.
Napahigpit ang hawak ko sa kumot.
“Why me?” tanong ko.
“Because you’re already involved,” sagot niya. “And I don’t like loose ends.”
Napabuntong-hininga ako.
Ito na ba ang kapalit ng lahat?
From being used… to being claimed.
Tumingin ako sa kanya.
“Fine,” diretsong sabi ko. “I’ll marry you.”
Tumaas ang kilay niya. “You’re agreeing that easily?”
“Yes,” sagot ko. “But I have one condition.”
“Speak.”
“You don’t control me,” sabi ko. “I stay… but I still decide for myself.”
Tinitigan niya ako.
“Let’s see about that,” malamig niyang sagot.
Huminga ako nang malalim.
Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko.
Pero wala na akong balak bumalik sa dati.
I am now the wife of Sebastian Montefalco. The country’s most dangerous and richest billionaire.
And this time… gagamitin ko ang posisyon ko sa buhay ni Sebastian upang makaganti kay Gerald.
Kabanata 15 Vanessa's POV “Ikaw ang dating sekretarya ni Gerald, ‘di ba?” tanong ni Leona. Hindi niya ako binati. Hindi niya ako kinausap nang maayos. Diretso agad sa tanong na alam kong gusto niyang itanong mula pa kanina. Mabilis akong tumango. “Yes, Leona. Bakit?” Naglagay ako ng foundation sa mukha, parang walang nangyayari. Hindi ko siya tinitigan sa salamin. Hindi ko siya hinarap. Gusto kong ipakita sa kaniya na hindi ako natatakot sa kaniya, pero hindi ko rin kailangang patunayan ang anuman. “May relasyon ba kayo ng fiancé ko noon?” tanong niya, at ang boses niya ay matigas. “At paano mo naging asawa ang isang Sebastian Montefalco?” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ‘yung tingin na sinusukat kung maganda ba ako o hindi. ‘Yung tingin na hinuhusgahan ako. ‘Yung tingin na para bang sinasabi niyang hindi ako karapat-dapat sa kinaroroonan ko. “Isa ka lang namang sekretarya,” dagdag niya, at ang tono ng boses niya ay puno ng pangmamaliit. Ngumisi ako. Sa totoo la
Kabanata 14 Vanessa's POV Para akong nasa langit sa sobrang saya nang sunod-sunod na binili ni Sebastian ang lahat ng nagugustuhan ko sa auction. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o ano, pero kada may item na mapatingin ako nang matagal, tataasan lang niya ang paddle niya at ibibida iyon. Hindi man lang siya nagdadalawang-isip. Hindi man lang niya tinitingnan kung magkano ang starting bid o kung worth it ba ang presyo. ‘Yung isang bracelet na nagustuhan ko dahil sa kulay—binili niya. ‘Yung isang painting na na-curious lang ako dahil ang ganda ng pagkakagawa—binili rin niya. Pati ‘yung isang vintage watch na hindi ko naman sasabihing gusto ko, napansin niyang matagal kong tiningnan, ayun binili rin. Sa totoo lang, hindi ako sanay sa ganito. Noong nasa Watson Holdings pa ako, ang tanging natatanggap ko lang mula kay Gerald ay ang sweldo kong halos hindi nga sapat para sa gamot ni Lola, at ang mga salitang binibitawan niya tuwing gusto niya akong paikutin. Hindi niya ako binilhan kah
Kabanata 13 Vanessa's POV Habang naglalakad kami papasok sa venue, hindi ko maiwasang mapansin ang mga taong nakatingin sa amin. Ang iba ay pamilyar na sa mukha ni Sebastian kaya agad silang yumuyuko o tumatango bilang paggalang. Ang iba naman ay nakatingin sa akin, sinusukat kung sino ako at kung bakit ako ang kasama ng bagong CEO. Inayos ko ang postura ko. Itinaas ko ang baba ko. At hinayaang gabayan ako ni Sebastian sa gitna ng karamihan. Nang makarating kami sa aming designated table, inilawan kami ng isang staff papunta sa upuan. Bago pa man kami makaupo, may ilang taong lumapit na agad para makipagkamay kay Sebastian. Mga negosyante, mga pulitiko, mga kilalang personalidad sa industriya. At sa lahat ng iyon, hawak pa rin niya ang kamay ko. Hindi niya ako binitawan kahit isang beses. “Ah, Mr. Montefalco!” sabi ng isang matandang lalaking lumapit sa amin. Nakasuot ng beige suit at may dalang tungkod. “I heard you've taken over the company. How's your father?” “He's doing wel
Kabanata 12 Vanessa's POV Mag-iisang buwan na ako sa Montefalco Group. Kahit papaano ay naging maayos naman ang buhay ko. Nakakasundo ko rin ang mga empleyado. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na ganito kabilis ang magiging transition ko. Akala ko mahihirapan akong mag-adjust sa bagong kapaligiran, sa bagong sistema, sa bagong kumpanya. Pero hindi pala. Siguro dahil maayos ang pagtanggap nila sa akin. Siguro dahil nakikita nila na hindi ako pumasok sa posisyong ito dahil sa palakasan lang. Sa isang buwan kong iyon, marami akong natutunan. Hindi lang tungkol sa negosyo, kundi tungkol sa kung paano pahalagahan ang sarili. Mula nang mawala ako sa Watson Holdings, nabigyan ko na ng halaga ang buhay ko. Hindi na ako yung babaeng nagtatago sa sulok, takot na takot sa bawat galaw ng amo. Hindi na ako yung babaeng tumatanggap na lang ng kung anong ibigay sa kanya dahil wala naman daw akong karapatang humingi ng higit pa. Ngayon, may boses na ako. May opinyon na ako. At may mga taong nakik
Kabanata 11 Vanessa's POV Buong araw kong pinag-aralan ang kompanya nila dahil wala talaga akong ideya. Hindi ko alam kung gaano kalawak ang Montefalco Group. Hindi ko alam na may mga subsidiary pala sila sa iba't ibang industriya—real estate, hospitality, retail, at manufacturing. Hindi ko alam na ang mga pangalang nakikita ko sa mall, sa hotel, sa mga commercial complex, ay karamihan ay pag-aari nila. Tinulungan ako ng right hand ng Daddy ni Sebastian—si Mister Dela Cruz, isang lalaking nasa singkwenta anyos na halos dalawampung taon na raw sa kompanya. Tahimik siyang magsalita pero direkta. Hindi siya nag-aaksaya ng oras sa mga paligoy-ligoy. “Ang pinakamahalagang tatandaan mo, Mrs. Montefalco,” sabi niya sa akin habang itinuturo ang organizational chart ng kumpanya, “ay ang hierarchy. Ang bawat desisyon ay dumadaan kay Mr. Sebastian. Walang desisyong ginagawa nang hindi siya kumukunsulta.” Tumango ako. “Kahit ang mga department heads?” “Lalo na ang mga department heads,” sago
Kabanata 10 Vanessa's POV “Are you ready?” tanong ni Sebastian sa akin pagkatapos kong mag-ayos. Nakasandal siya sa pintuan ng walk-in closet namin, nakakrus ang mga braso sa dibdib, habang nakatingin sa repleksiyon ko sa salamin. Tumingin ako sa sarili ko. Suot ko ang isang navy blue na blazer na siya mismo ang pumili para sa akin. Sinabi niya na gusto niyang magmukha akong propesyonal pero hindi mataray. Gusto niyang magmukha akong sekretarya na hindi basta-basta maaaring apakan ng kung sino. Sa ilalim ng blazer ay isang puting blouse at pencil skirt na hanggang tuhod. Hindi ako sanay sa ganitong suotan. Noong nagtatrabaho ako kay Gerald, ang suot ko ay ang unipormeng ibinigay niya—’yung masikip, ‘yung maiksi, ‘yung halatang hindi para sa sekretarya kundi para sa ibang bagay. Pero ngayon, iba. Ngayon, may kontrol na ako sa kung ano ang isusuot ko. At kahit na si Sebastian ang pumili nito, alam kong para ito sa ikabubuti ko, hindi para pagsamantalahan ang katawan ko. “I'm always







