Share

Chapter 5

Author: GrindnShine
last update Last Updated: 2025-11-21 21:03:13

Chapter 5 - Bryan’s Loss

Kahit nag-alinlangan, nagdesisyon pa rin si Erich na sumakay sa kotse ni Uncle Rod.

Habang nasa biyahe, ikinuwento nito ang tungkol sa mga negosyo ng pamilya Lorenzo.

“Maraming negosyo ang pamilya Lorenzo. They are into technolog, finance, energy and others. Isa sila sa pinakamayayamang pamilya, at sikreto lang ang laki ng kayamanan nila,”

“Sa Pilipinas, isa sila sa pinakamakapangyarihan. Masyadong pribado ang pamilya nila, pero walang taong nangahas na kontrahin sila. Malaki ang impluwensya nila sa ekonomiya ng bansa natin,” dagdag pa niya.

Nakikinig lang si Erich sa uncle niya. Hindi interesado.

“ Do you know that Harvey Lorenzo is only twenty eight years old? but he was able to successfully manage their business. He is influential. And in their family he is the young master” patuloy nito.

“Also, maraming gustong makipagkonekta sa pamilya Lorenzo? at isa na rito ang pamilya Castro?” 

“So, mas makapangyarihan ang pamilya Lorenzo kaysa sa pamilya Castro?” walang ganang tanong bi Erich.

“ Hindi ko masabi dahil mayaman ang pamilya Castro, pero hindi mo pwedeng isnabin ang mga Lorenzo.  

“ We are rich but, they are well known and influential" 

“Eh si Harvey? Anong klase siyang tao?” curious na tanong ni Erich.

“Kilalang-kilala siya sa buong mundo, pero bihira siyang umuwi ng Pilipinas. Misteryoso siya, at kahit ako, hindi ko pa siya nakikita. Ayon sa tsismis…”

Napakamot sa ilong si Uncle Rod, hindi tinuloy.

“Ano raw ang sabi ng tsismis?”

“Medyo mahirap daw siyang pakisamahan,” sagot niya, pinalambot pa rin ang salita.

“Bakit daw mahirap pakisamahan?”

Tuloy-tuloy ang tanong ni Erich.

Napangiti si Uncle Rod. Di alam kung sasasabihin ba niya ang totoo at baka umatras ito sa kasal nila.

“ Maybe because of his personality. Because according to what I heared, Harvey is a cold and strict man. Aside from that hindi siya mahilig sa babae. I mean medyo malayo ang loob niya sa kanila. 

“ I see” nag-iisip na sabi ni Erich.

“But you know, he may be cold and distant. Pero kilala ang pamilya Lorenzo, sa pagiging disiplinado at pagiging matuwid, kaya ang ugali ni Harvey… hindi naman siguro ganoon kasama.”

“Siguro?” bulong ni Erich..

Tinigitigan ni Erich ang Uncle niya.

Uncle Rod smiled awkwardly. May Gusto pang dagdagan ang kanyang mga sinabi. Hanggang sa di na niya napigilan…

“Sige na nga. Ang sabi-sabi, si Harvey raw ay sobrang mailap, walang awa, malupit sa pamamaraan, at puro interes lang niya ang tinitingnan. Wala raw kahit katiting na considerasyon.”

“Pero kasal lang naman ito. Hindi mo kailangang personalin. Maraming kasal sa mayayaman ang walang emosyon. At sa dami ng yaman mo ngayon, hindi lang ang pamilya Castro ang may target sa’yo. Kailangan mo ng mas matibay na suporta,” paliwanag niya.

Nag-aalala si uncle Rod na umatras si Erich, kaya pinaalala niya muli ang sitwasyon nito.

“Okay.” mabilis na sagot ni Erich.

“Sandali, huwag ka munang tumanggi….”

Naputol ang salita niya nang marrealize ang sagot ni Erich.

“Pumapayag ka?” tanong nito, hindi makapaniwala.

“Mm.”

Fake lang naman ang kasal nila, kaya puwede siyang magpakasal.

Kung magiging kakampi niya si Harvey, hindi lang ito mabuti para sa kanya, ito ang magiging daan para makalabas siya sa lahat ng problema.

At higit pa riyan, komplikado ang sitwasyon sa pamilya Castro.

Si Sherly at ang anak niya ay nakamasid sa kanya. Isa lang siyang “illegitimate daughter” na bagong kinilala. Kahit may hawak siyang dokumento na may halagang daan-daang bilyon, hindi ito sapat para kontrolin ang sitwasyon.

Kung gusto ni Erich na manatili sa puwesto at makuha ang industriya, kailangan niya ng malakas na suporta.

Alam ni Erich na ang kasal ay hindi lang tungkol sa pag-ibig, isa itong transaksyon. Isang alyansa.

Tumingin si Erich sa bintana. Kalmado ang mukha, pero buo ang desisyon.

“Imbes na lumaban mag-isa at lamunin ng iba, mas mabuting magkaroon ng matinong kakampi. 

“Kung ako ang pinili ng pamilya Lorenzo, wala akong dahilan para tumanggi,” isip niya.

….

Pagbalik niya sa bahay nila ni Bryan, Wala ito at si Sandra.

Nalaman niya sa kasambahay na dinala ni Bryan sina Sandra at Kevin sa isang  art exhibit at hindi sila uuwi ngayong gabi.

Tiningnan niya ang phone, maraming missed calls at text mula kay Bryan.

“Erich, gusto raw ni Kevin sumama kay Teacher Sandra sa exhibit, malayo ang biyahe kaya sasamahan ko sila.”

Napakapino ng tono. Parang simpleng paalam lang sa masayang pamilya.

“Hump!” At least tahimik ang buong bahay.

Tinawag ni Erich ang ilang kasambahay para tulungan siyang mag-empake.

“Ma’am, aalis po ba kayo nang malayo?” tanong ng isa.

“Oo,” sagot niya.

“Huwag n’yong sasabihin kay Bryan. Abala siya. Huwag niyong istorbohin kahit anuman ang mangyari.”

Sabi nito habang inaayos ang mga papeles sa drawer.

Pagdating ng hatinggabi, tapos na ang lahat. Tumawag si Erich sa moving company para ilipat lahat ng gamit.

Pero may ilang bagay siyang hindi makita.

Isang mahalagang papel mula pa noong graduation na may research data at impormasyon tungkol sa negosyo na kanyang ginawa.

Core data ng project para sa kumpanya ni Bryan.

“Dati, nakakandado sa drawer ni Bryan, pero ngayon wala na. Malamang kinuha niya,” isip niya.

Yung ibang dokumento naman, nasa kumpanya at wala siyang access.

Lahat ng iyon ay bunga ng pawis niya, hindi niya puwedeng iwan ang mga iyon sa kamay ni Bryan.

Kinabukasan, tumawag si Bryan. Maingay sa background, halatang nasa highway pa sila.

“Erich, nakuha mo ba ang message ko kagabi?”

“Mm, nabasa ko,” sagot ni Erich, kalmado habang hinahalo ang kape.

“Pasensya ka na, biglaan ang alis namin. Hindi ko naitanong sa’yo. Pero guest si Teacher Sanda, hindi ko puwedeng hayaang siya lang ang sumama kay Kevin.”

“Wala kang dapat ihingi ng paumanhin. Natural lang na samahan mo si Teacher Sandra,” sagot ni Erich.

Napatigil si Bryan. Akala niya nagtatampo ito.

“Erich, kagabi nung hindi ka nag-reply, akala ko kasi…”

“Abala ako kagabi. Pagkatapos tingnan ang bahay, may business meeting ako. Hindi ko na nabantayan ang phone,” putol ni Erich, magaan ang tono, walang galit.

Nakahinga ng maluwag si Bryan.

“Alam kong busy ka. Huwag mong pagurin ang sarili mo. Masakit sa akin kapag napapagod ka,” dagdag niya.

Napakunot ang noo ni Erich. Napataas ang kilay niya at nawalan ng gana.

“Daddy, huwag kang makipag-usap sa bruhang babaeng yan!” sumingit si Kevin. Kasunod ang boses ni Bryan na pinipigilan siya.

“Okay, mamaya na tayo mag-usap. Magda-drive muna ako. See you tonight,” sabi ni Bryan at pinutol ang tawag.

Pagdating sa kumpanya, dumiretso si Erich sa opisina.

Tinignan niya lahat ng folders at computer ni Bryan, pero wala. Napahawak siya sa kanyang ulo, iniisip kung saan naitago ni Bryan ang mga papeles.

Napatingin siya sa pinto ng opisina nang may kumatok.

“Manager Herera, wala po si Mr. Jose ngayon, at may ilang grant contracts na kailangan n’yong pirmahan.”

Tiningnan ni Erich ang dokumento. Kung hindi dahil sa kanya, hindi makukuha ang mga partners na ito ni Bryan. Pinaghirapan niya ito at parang balewala lang kay Bryan ang effort niya.

“Nasubukan niyo na ba siyang tawagan?” tanong ni Erich.

“Opo, pero sabi niya kayo na ang bahala.”

Bahagyang ngumiti si Erich.

Sa kumpanya ni Bryan, siya ang pinakamasipag, pero wala siyang tunay na kapangyarihan. Kahit maliit na shares, wala.

“ Pakilapag lang dyan. May aasikasuhin lang ako. Pagbalik ko, tsaka ko pipirmahan,” utos niya

Pag-alis ng empleyado, iniwan niya ang contract at lumabas ng opisina.

Ngayong araw ay magkikita sila ni Harvey, kaya kailangan niyang mag-ayos.

Nagpunta siya sa beauty salon, tapos pumili ng damit sa mall mula sa paborito niyang luxury brand.

“Wow, miss, napakaganda ng fit sa inyo! Halos lahat dito bagay sa inyo, at mas maganda pa kayo sa model!” puri ng saleslady.

Sa salamin, litaw ang hubog ng katawan ni Erich sa lilac slip dress na may glitter at tulle. Mukha itong simple, pero para sa kanya, parang couture.

“Okay, ito na,” ngumiti siya at umikot.

Isang slanted-shoulder bandeau dress, simple, elegante, high-end, sakto lang ang skin exposure. Perfect para sa date.

Sa dalawang taon niya kay Bryan, puro trabaho lang siya. Ngayon lang siya nagdamit nang ganito, nakalimutan niyang kaya niyang maging ganito kaganda.

Magbabayad na sana siya, pero pinigilan siya ng saleslady:

“Ma’am, bayad na po ito. May tumawag kanina. Siya rin ang bumili ng handbag, jewelry, at shoes na kapareho nito.”

“Sinabi ba niya ang pangalan niya?”

“Sabi po, ang apelyido… Lorenzo.”

Tumingin si Erich sa paligid, walang ibang tao.

“Hindi ba sabi ni uncle Rod, malamig at suplado si Harvey?” sa isip ni Erich.

Paglabas niya ng mall, natigilan siya nung may sasakyan na naghihintay sa kanya. Nakilala niya ito.

“Miss Erich, nagkita na tayo noon. Naghihintay na po ang amo ko sa inyo. Pakiusap, sumakay na po kayo.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 13

    Chapter 13 - 10 million, for forgiveness?Mabilis na bumalik sa ulirat si Bryan.“Rich, ano bang nangyayari sa’yo? Hindi mo naman iniintindi ang mga ganitong bagay noon. Ang Jose Corporation ay pinagsikapan nating buuin. Mag-asawa tayo, kalahati ng shares ko ay parang sa’yo na rin. Hindi mo na kailangan pang humingi niyan. At saka…”“Alam mo ang sitwasyon sa kumpanya. Mas malaki ang hawak na shares ng papa ko at ng mga major shareholders kaysa sa akin. Kahit gusto kong ibigay sa’yo ang hinihingi mo, hindi ko kaya.”“At saka yung mga matatandang board members, hinding-hindi sila papayag na babae ang mamahala ng kumpanya. Kapag ipinilit mo ’yan, ikaw lang ang mahihirapan. Ayo

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 12

    Chapter 12: Three Day Rule, Erich Chat’s HarveyNagulat si Bryan. “Anong ibig mong sabihin na hindi siya umuuwi?”Bago pa man masagot ang tanong niya, nag-vibrate ang telepono niya. Isa na namang problema sa kumpanya.Pinaalis niya muna ang katulong, saka mabilis na lumayo para sagutin ang tawag.Pagbalik niya, napansin ni Sandra na biglang dumilim ang mukha ng lalaki kaya ninerbiyos ito. “Ano na naman ang nangyari?”“Isa na

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 11

    Kabanata 11 — Erich hasn’t been coming home anymoreBago pa man mag-load ang picture, biglang nag-ring ang cellphone ni Bryan.Si Sandra ang tumatawag.Pagka-sagot ni Bryan, agad niyang narinig ang iyak ng babae.“Ano’ng nangyari? Ba’t ka umiiyak?”Nanikip ang dibdib niya, puno ng kaba ang boses.Pero kahit anong tanong niya kay Sandra, puro iyak lang ang sagot nito, ayaw magsalita.“Nasaan ka? Nasa bahay ka ba? Pupuntahan kita ngayon.”Pero bago niya matapos ang tanong, ibinaba nito ang tawag.

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 10

    Chapter 10 - The Daughter of the Castro FamilySumasakit ang ulo ni Bryan. Mataas ang pride ni mommy at si Ely naman ay may pagkaspoiled. Kapag kukumbinsihin niya ang mga ito na humingi ng pasensiya kay Erich, siguradong magkakagulo lalo.“Erich, alam mo naman ang ugali ng Mommy ko. Pagbigyan mo na siya, hayaan mong humingi siya ng pasensiya sayo……”Napasiklab ang panga ni Bryan, piniling isantabi muna ang problema sa pamilya para mapakalma si Erich.On the other hand, ang kumpanya ang pinakaimportanteng dapat ayusin ngayon.“Naniniwala akong nagbabago ang tao. Para sa akin at sa kumpanya, sana pag-isipan mo muna ito ng mabuti at nang maingat.”Hindi nagdalawang-is

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 9

    Chapter 9 - Let me quit to be your family’s Nanny“Sa tanda kong ito, tuturuan pa ako ng leksiyon ng manugang ko, nakakahiya! Anong tingin niya sa sarili niya? Kung hindi mo lang siya pinakasalan, sa tingin mo ba… karapat-dapat siyang makapasok sa pamilya natin?”Nang makita ni Mrs Jose na walang reaksyon si Bryan, humarap siya dito at sinimulang hampasin ang dibdib at hita nito sa galit.“Ma, ano ba tama na. OK, ok.. Kakausapin ko si Erich.Pagsasabihan ko siya at Dadalhin dito para himingi ng tawad kay Ely.Pag-alis niya sa bahay ni Ely, agad tumawag si Bryan kay Erich.Matagal bago sinagot ni Erich ang tawag, at may bahid ng inis sa boses ni Bryan.

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 8

    Chapter 8 – Erich’s Counter Attack and Threat"Ikaw…" Nabilaukan si Mrs. Jose, hindi malaman kung ano ang sasabihin. Tahimik at masunurin si Erich noon, bakit bigla siyang natutong lumaban ngayon?"Sige na, Mom. Tanungin n’yo na lang si Ely kung ano’ng gusto niyang kainin at itawag n’yo na lang sa restaurant. May ginagawa pa ako rito, ibababa ko na muna."Pagkasabi noon, diretsong ibinaba ni Erich ang tawag.Nang marinig ang busy tone sa kabilang linya, halos hindi makahinga si Mrs. Jose sa inis.“Etong batang ‘to… paano niya nagawang ibaba ang tawag ko?!”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status