LOGINChapter 4 - Erich Marriage Partner
"Castro family?" gulat na tanong ni Erich.
"Yes, the Castro family, simula ngayon iyon na ang magiging tahanan mo"
Isang mahabang katahimikan. Frank Castro is her biological father, at pinamana siya nito ng ilang daang billion. Kaya kailangan niyang bumalik doon sa lalong madaling panahon. At mukhang ito na ang panahon na iyon.
Tumango si Erich "Sige po, sasama po ako. Gusto ko rin pong makita ang bahay at pamilya ko"
Habang nasa daan ikinuwento ni Mr. Li ang tungkol sa sitwasyon ng pamilya Castro.
Malaki ang pamilya Castro, pero ang malaking porsiento ng kayamanan ay nasa ama niya na ngayon ay kanya na. At dahil doon siya ang may pinakamalaking share sa Castro Group of companies.
Sa ngayon ang tito niya ay nasa abroad at nagpapagaling. Ang asawa ng daddy niya na si Sheryl Castro at ang adopted na anak nila na si Robert castro ang namamahala sa kompanya.
An hour later, an extended version of the Rolls-Royce drove into the Castro family's old house.
Matatagpuan ito sa isang exclusive place. Malawak ang lupain. Pagpasok sa lupa, aabot ka pa ng ten minute drive para marating mo ang mansyon.
Ang arkitektura ng villa ng pamilyang Castro ay mas marangya pa kaysa sa karaniwang mga mansyon, parang bawat apakan sa ilalim ng paa ay may presyo.
Unang beses pa lang ni Erich makarating sa ganito karangyang lugar, at kahit pilit niyang itinatago, hindi niya maiwasang kabahan. Gayunman, pinilit pa rin niyang magmukhang kalmado.
Dinala siya ni Uncle Li sa sala ng pangunahing gusali. Binuksan ng katulong ang mabigat na pinto, at isang elegante at marangyang babae ang lumitaw sa harap ng malalaking bintanang salamin.
Dalawang alalay ang nakatayo sa tabi ng babae, at isang binatang nakasuot ng suit at leather shoes ang nakaupo naman sa sofa.
Pagkakita ng babae kay Erich, bahagyang itong tumingin at ilang segundo bago ito lumapit.
“ Senyorita siya po ang Tita Sheryl niyo asawa ng Daddy.
“Magandang umaga po” bati niya.
“At siya naman si Robert Castro ang adopted ng daddy mo” turo niya sa lalakeng nakaupo sa sofa.
Tinitigan ni Sheryl si Erich mula ulo hanggang pa. Tsaka lang ito nagsalita nung maiwan silang mag-isa sa sala.
“Ikaw si Erich, tama?” tanong ng Tita niya.
Tumango si Erich. Kahit nakangiti ang tita niya ramdam niya na pilit lang ito.
“ Upo ka, wag kang mahiya, you are home” aya nito
Nagaslita rin si Robert pero ramdam ni Erich ang distansiya nito.
Tinitigan niya ang dalawa at umupo siya sa dulo ng sofa kaharap sila
“ Tita Sheryl, pinahanap niyo po ba ako?” tanong ni Erich.
“ Sa totoo lang, ang dahilan kung bakit pinapunta kita dito para papirmahin ka na isauli ang iyong mga minana”diretsong sagot nito.
Natigilan si Erich at tulalang nakatingin sa dalawa habang inabot nila sa kanya ang isang documento.
“Erich,” wika ni Robert.
“Biglaang pumanaw ang aking ama, at ikaw ang tagapagmana ng lahat ng ari-arian sa kanyang pangalan. Ngunit ang karapatan sa pamamahala ng kumpanya ay hindi maaaring ipasa sa iyo. Sana ay maunawaan mo iyon.”
“Bilang kabayaran, magbibigay kami sa iyo ng isandaang milyong piso.”
Walang emosyon ang tinig ni Robert, para bang hindi ito isang pag-kiusap, kundi isang utos.
Natigilan Si Erich at kinuha ang dokumento at binasa.
"Voluntarily give up all the shares of the Castro family, the company's management rights, and all the real estate under the Castro family's name......"
Casual na uminom ng Tea ang Tita niya habang nakatitig sa kanya.
“Naiintindihan ko ang sitwasyon mo. Nagkaroon ng relasyon ang iyong ina at si Frank, pero hindi ko inaasahan na ikaw ay biglang lilitaw sa hindi inaasahang pagkakataon. Inabandona ka sa isang ampunan mula nang ikaw ay tatlong taong gulang, at maraming taon ka nang nagdusa.”
“One hundred million is more than enough to compensate you, pero ang tagapagmana ng pamilya Castro ay hindi pwedeng mapunta sa isang illegitimate child. You should be aware of this.”
“ But dont you worry, ikaw pa rin ang anak ni Frank, taglay mo ang dugong Castro, that is why in the future, kikilalanin ka pa rin bilang panganay na senyorita ng Castro family. If you need anything you can talk to me” mahaba at mahinang sabi ni Tita Sheryl. Sa tono ng kanyang salita, mukhang sigurado ito na papayag si Erich.
Dahan dahang binaba ni Erich ang dokumento at diretsong tumingin kay Sheryl..
"Miss Herera, if there is no problem, please sign."
Tinulak muli ni Robert ang dokumento at ballpen palapit kay Erich.
"Hindi ko pipirmahan yan."
Alam ni Erich na hindi siya agad agad matatanggap ng pamilya Castro, pero ang ginagawa nila ngayon ay hindi katanggap tangap.
Huminga ng malalim si Erich bago nagsalita.
“Tita Sheryl, Yes I am an illegitimate child, but the law recognized blood relationship. Buong pusong pinamana sa aking ng aking ama ang lahat at hindi ko yung pwedeng basta basta ibalik”
Biglang namutla ang mukha ni Sheryl, at matalim na tumingin kay Erich.
Hindi niya inasahan na tatanggi ito.
“Miss Herera, isa ka lang illegitimate child, at kahit ipagkaloob sa iyo ang ari-arian ng pamilya Castro, wala kang kakayahang magmana nito.”
“ Anong alam mo?” dagdag nito.
Napaismid si Robert, in elite circle, no one dares to offend Sheryl Castro.
"Miss Herera, you may have misunderstood, this is not a discussion. The Castro family is a big family, much more complicated than the ordinary family you know, every decision will affect the entire family, of course, you alone cannot fight against the entire Castro family."
Diretsong salita ni Robert. Walang filter.
Alam ni Erich na pipressure lang siya. Normal sa kanila ang pamamaliit. Akala nila sapat na ang isang daang million para paalisin siya.
Sanay silang mang-bully ng iba, at natural nilang minamaliit siya, iniisip na masisilaw siya sa isandaang milyon.
Hindi nila alam that Erich matapang na babae. She prefers the hard way rather than the easy way.
"Mr. Frank Castro said that this is not a discussion, is it a notice. Unfortunately, the legal right of inheritance can never be invalidate by anyone."
"Also, pinag-aralan ko ang lahat ng assets na pamilya. The core real estate is valued at 100 billion, and the group's annual revenue is stable at more than 80 billion. 100 million, and 100 billion. As you can see, I can still tell the difference, this is not compensation, it is open robbery."
Matigas na sabi ni Erich. Ngumiti, at tinulak ang dokumento at tumayo pagkatapos sabihin ang lahat.
Tulalang nakatingin si Robert at Sheryl kay Erich.
“ Kung wala na kayong sasabhin, aalis na ako. Either according to the law, or according to the rules, Mr. Robert Castro, you are my father's adopted son, and the legal inheritance rights are already after me, sa tingin mo ba papayag ang pamilya Castro na mapunta sayo ang lahat ng ari arian na ama ko, ikaw na walang dugong Castro?”
Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumalikod siya at umalis.
Hindi pa man siya nakalabas narinig niya ang malakas na boses ni Robert.
"Stop."
Sabay sabay na lumabas ang maraming bodyguards at hinarang siya. Natigilan siya at tinignan ang Tita Sheryl niya.
"Are you forcing me Tita Sheryl?"
She smirked "Miss Herera, hindi mo ako kilala, kaya wag ka nang lumaban pa habang mahaba pa ang aking pasensiya."
Tumayo si Robert puno ng paguyam, pagkatapos nagsalita.
"Kung hindi ka kontento sa presyo, then name your price."
Sinalubong ni Erich ang mata ni Robert, hindi ito umatras ng kahit kalahating hakbang, at matatag ang boses.
“Hindi mo kakayanin ang presyo ko. Ang daan-daang bilyong mana na iniwan sa akin ng aking ama ay hindi puwedeng mabawasan.”
"Kung ganoon, pasensiyahan na lang tayo" sagot ni Robert na nakakunot ang noo at mukhang handa nang pumatay.
Pagkatapos nitong magsalita, inikutan na si Erich ng mga guards na dahan dahan at matapang na lumalapit sa kanya.
Pinipilit ni Erich na maging matatag iniisip kung paano siya makakatakas nang ilang sandali lang ay may narinig siyang nagmamadaling yapak mula sa labas.
Mahigit sa labindalawang lalaki na nakasuot ng itim na suit ang lumapit, kasunod si Mr. Li
Nagulat si Robert at takot na tumingin kay Sheryl. Lumapit din si Mr. Li kay Sheryl at may binulong dito. Kita ang panlalaki ng mata nito.
“ Anong sabi mo?”
“ It was confirmed, si Miss Erich Herera ang pinili ng matandang Lorenzo”pagkatapos sabihin iyon ni Mr Li. Isang lalake ang lumapit kay Erich.
"Hello, kayo po si Miss Herera tama?"
Tulala pa rin si Erich at hindi makagalaw. Kahit hindi niya alam kung ano ang nangyayari, tumango lang siya.
"Your husband really hopes to have dinner with you tomorrow night, this is your husband's business card."
Inabot nito ang isang black gilded business card kay Erich gamit ang dalawang kamay.
“Husband?” tinitigan niya ang card. Pangalan at phone number lang ang nakalagay doon.
“ Harvey Lorenzo” bulong niya
Nung nakaalis ang lalake, tumingin ang mga guard kay Robert naghihintay ng instruction.
Tumingin si Robert kay Sheryl at nagulat siya nang makita niyang pinaalis sila nito.
Kahit nalilito sa nangyayari, nagmamadaling umalis si Erich sa lugar na iyon.
Pagkaalis ni Erich biglang nagtanong si Robert,
"Mom, bakit mo siya pinakawalan?"
"Hindi mo ba nakita, guard yun ng mga Lorenzo"
Hinihingal na tumakbo si Erich palabas ng villa. Pagdating niya sa labas nagulat siya nung makita ang tila train na mga itim na kotse na dahan dahang umaalis.
Habang naglalakad, pakiramdam ni Erich may tumitingin sa kanya mula sa loob ng itim na salamain ng kotse
"Miss Herera."
Lumingon si Erich at isang white Bentley na tumigil sa tabi niya.
Bumaba ang bintana ng kotse, nasa loob ang isang may edad na lalake, nakasuot ng casual na sportswear, atbumati sa kanya.
“Let me introduace myself, I am your si Uncle Rodrigo Castro. Sumakay ka na sa kotse, ihahatid na kita.”
Lumapit si Erich para tingnan ito ng mabuti, at sa totoo lang, may bahagyang pagkakahawig ang mga kilay at mata ng lalaki sa kanya.
Ngunit naalala niya ang nangyari kanina, kaya tumanggi siya.
“Salamat, kaya kong umuwi ng mag-isa.”“Huwag kang matakot, iba ako, di katulad ng mga tao sa loob. Narito ako para tulungan ka.”
Hindi tumigil sa paglalakad si Erich, kaya dahan-dahang sumabay sa kanya ang kotse.
Alam nito na walang tiwala sa kanya si Erich kaya bigla siya nagsalita.
“Isa kang Illegitimate child. Biglang minana ang daan-daang bilyong mana, tiyak na walang sinuman sa pamilya ang papayagang makatakas ka ng basta basta.”“Pero masuwerte ka, pinaboran ka ng pamilyang Lorenzo. Basta matagumpay ang inyong kasal, magiging matatag ang iyong posisyon sa pamilya Castro, at walang magagawa si Sheryl at iba pa laban sa iyo.”
Sa wakas, Nakuha niya ang atensyon ni Erich sa sinabi niya.
“Kasal? Anong klaseng kasal” tanong niya.
Chapter 13 - 10 million, for forgiveness?Mabilis na bumalik sa ulirat si Bryan.“Rich, ano bang nangyayari sa’yo? Hindi mo naman iniintindi ang mga ganitong bagay noon. Ang Jose Corporation ay pinagsikapan nating buuin. Mag-asawa tayo, kalahati ng shares ko ay parang sa’yo na rin. Hindi mo na kailangan pang humingi niyan. At saka…”“Alam mo ang sitwasyon sa kumpanya. Mas malaki ang hawak na shares ng papa ko at ng mga major shareholders kaysa sa akin. Kahit gusto kong ibigay sa’yo ang hinihingi mo, hindi ko kaya.”“At saka yung mga matatandang board members, hinding-hindi sila papayag na babae ang mamahala ng kumpanya. Kapag ipinilit mo ’yan, ikaw lang ang mahihirapan. Ayo
Chapter 12: Three Day Rule, Erich Chat’s HarveyNagulat si Bryan. “Anong ibig mong sabihin na hindi siya umuuwi?”Bago pa man masagot ang tanong niya, nag-vibrate ang telepono niya. Isa na namang problema sa kumpanya.Pinaalis niya muna ang katulong, saka mabilis na lumayo para sagutin ang tawag.Pagbalik niya, napansin ni Sandra na biglang dumilim ang mukha ng lalaki kaya ninerbiyos ito. “Ano na naman ang nangyari?”“Isa na
Kabanata 11 — Erich hasn’t been coming home anymoreBago pa man mag-load ang picture, biglang nag-ring ang cellphone ni Bryan.Si Sandra ang tumatawag.Pagka-sagot ni Bryan, agad niyang narinig ang iyak ng babae.“Ano’ng nangyari? Ba’t ka umiiyak?”Nanikip ang dibdib niya, puno ng kaba ang boses.Pero kahit anong tanong niya kay Sandra, puro iyak lang ang sagot nito, ayaw magsalita.“Nasaan ka? Nasa bahay ka ba? Pupuntahan kita ngayon.”Pero bago niya matapos ang tanong, ibinaba nito ang tawag.
Chapter 10 - The Daughter of the Castro FamilySumasakit ang ulo ni Bryan. Mataas ang pride ni mommy at si Ely naman ay may pagkaspoiled. Kapag kukumbinsihin niya ang mga ito na humingi ng pasensiya kay Erich, siguradong magkakagulo lalo.“Erich, alam mo naman ang ugali ng Mommy ko. Pagbigyan mo na siya, hayaan mong humingi siya ng pasensiya sayo……”Napasiklab ang panga ni Bryan, piniling isantabi muna ang problema sa pamilya para mapakalma si Erich.On the other hand, ang kumpanya ang pinakaimportanteng dapat ayusin ngayon.“Naniniwala akong nagbabago ang tao. Para sa akin at sa kumpanya, sana pag-isipan mo muna ito ng mabuti at nang maingat.”Hindi nagdalawang-is
Chapter 9 - Let me quit to be your family’s Nanny“Sa tanda kong ito, tuturuan pa ako ng leksiyon ng manugang ko, nakakahiya! Anong tingin niya sa sarili niya? Kung hindi mo lang siya pinakasalan, sa tingin mo ba… karapat-dapat siyang makapasok sa pamilya natin?”Nang makita ni Mrs Jose na walang reaksyon si Bryan, humarap siya dito at sinimulang hampasin ang dibdib at hita nito sa galit.“Ma, ano ba tama na. OK, ok.. Kakausapin ko si Erich.Pagsasabihan ko siya at Dadalhin dito para himingi ng tawad kay Ely.Pag-alis niya sa bahay ni Ely, agad tumawag si Bryan kay Erich.Matagal bago sinagot ni Erich ang tawag, at may bahid ng inis sa boses ni Bryan.
Chapter 8 – Erich’s Counter Attack and Threat"Ikaw…" Nabilaukan si Mrs. Jose, hindi malaman kung ano ang sasabihin. Tahimik at masunurin si Erich noon, bakit bigla siyang natutong lumaban ngayon?"Sige na, Mom. Tanungin n’yo na lang si Ely kung ano’ng gusto niyang kainin at itawag n’yo na lang sa restaurant. May ginagawa pa ako rito, ibababa ko na muna."Pagkasabi noon, diretsong ibinaba ni Erich ang tawag.Nang marinig ang busy tone sa kabilang linya, halos hindi makahinga si Mrs. Jose sa inis.“Etong batang ‘to… paano niya nagawang ibaba ang tawag ko?!”







