Share

Chapter 7

Penulis: GrindnShine
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-24 20:10:08

Chapter 7 - Erich! Why am I thinking of you?

“Anong kinatatakutan mo?”

Huminto si Bryan, saka niya niyakap si Sandra ng mahigpit, puno ng pag-aalala. Ang boses niya’y napakalambot.

“Natatakot akong paghiwalayin tayo ng pamilya mo. Natatakot akong habambuhay tayong nagtatago at hindi ko maamin na ako ang tunay na ina ni Kevin. At natatakot ako na kapag tumanda na tayo… baka magbago ka.”

Malungkot ang tingin ni Sandra, namamaos ang boses, halatang pinipigilan ang hikbi.

“Hindi.”

Hinawakan ni Bryan ang kanyang mukha at marahang pinunasan ang luha gamit ang mga daliri.

“Sabi ko, poprotektahan kita. Walang sinuman ang makakapigil sa akin na makasama ka.”

“Hindi kailanman magbabago ang isip ko.”

“Bryan…”

Naluha si Sandra, saka pumikit at hinalikan ito.

Sa nakaraang dalawang taon, pakiramdam ni Sandra ay nagbago si Bryan.

Hindi na siya ganoon kabaliw sa kanya tulad dati. At kahit nasa harapan niya, madalas ay si Erich ang iniisip nito.

Babae siya, sensitibo, at malakas ang pakiramdam. Kahit gaano pa siya kasigurado kay Bryan, hindi niya maiwasan ang mag-aalala.

Nang tumugon si Bryan sa kanyang halik, marahan nitong hinaplos ang batok niya, at bumalik sila sa silid, tulad ng dati. 

Ngunit sa isang iglap, biglang sumagi sa isip ni Bryan ang mukha ni Erich.

At sa pinakaimportanteng sandali, huminto siya.

“Bakit…?”

Nagulat si Sandra at agad siyang hinawakan sa braso.

Ngunit hindi siya pinansin ng lalaki. Direkta itong tumayo at nagtungo sa banyo para “patayin ang apoy” sa kanyang katawan.

Naguguluhan si Bryan. Sa tuwing naiisip niya si Erich, nawawala  siya ng gana.

Pero siyempre, hindi niya pwedeng sabihin iyon kay Sandra. Kaya nag-isip na lang siya ng alibi.

“Parang sumakit ang tiyan ko… hindi maganda ang pakiramdam ko.”

Sabi niya paglabas sabay yakap kay Sandra, paulit-ulit itong humihingi ng tawad.

Bagama’t masama ang loob ni Sandra, dahil mabait naman si Bryan nitong mga nagdaang araw, hindi na niya ito pinalaki.

Kinabukasan, nagmamadali si Bryan sa pagpasok sa kumpanya.

Habang nasa daan, sunod-sunod niyang natanggap ang balita na ilang kasosyong mahirap kausapin ang umatras sa pakikipagkooperasyon.

“Ano bang nangyayari!?”

Nanggagalaiti na tanong ni Bryan sa loob ng conference room. Ni isa walang nagsalita.

“Mr. Jose, mukhang… na-late po tayong magbayad…”

“Late? Bakit naman naging late?”

“Kasi kahapon po, wala kayo, walang pumirma…”

Natigilan si Bryan. Naalala niyang kasama niya si Sandra kahapon, at may natanggap siyang tawag.

At para sa ganitong simpleng bagay, hindi ba’t sinabi niya kay Erich na siya ang bahala?

“Hindi ba’t andun si Manager Erich Herera kahapon? Bakit hindi siya…”

Napatigil siya. Dahil technically, walang kapangyarihang pumirma si Erich para sa kanya.

“Walang kwenta! Lumabas kayong lahat!” galit na sigaw nito.

Nang makaalis ang lahat, agad niyang ipinatawag si Erich.

Pagdating pa lang ni Erich sa kumpanya, narinig na niyang galit na galit si Bryan.

“Ma’am Erich, si Mr. Jose sobrang galit. Mukhang bumagsak ang deal. Kayo na po ang bahala”

Erich Smirk in secret.

“Okay,” malamig niyang sagot.

Pagpasok niya sa opisina…

Tumigil sa pagwawala si Bryan nang makita siya. 

“Nandito ka na.”

Lumapit si Erich sa mesa. 

“Yesterday, when your assistant came to have me sign the papers, I was in a meeting with an important client. I was in a hurry as well.”

Simple ang tono, hindi galit, pero malinaw ang punto.

“Alam mo namang wala akong tunay na kapangyarihan. Signatures like these are sensitive.”

Bumuntong-hininga siya. 

“Hindi ko akalaing ganoon ka-demanding ang mga partner. Isang araw lang na delay, umatras agad.” Nanghihinang sagot niya.

Hindi siya nagalit kay Erich dahil alam niyang wala itong kasalanan lalo na nung makita nito na kalmado at tapat niyang tingin, nawala ang lahat ng hinala niya dito.

Alam ni Bryan na siya ang nagkulang dahil inuna niya si Sandra sa gitna ng critical na panahon ng kompanya.

Nahihiya siya kay Erich dahil alam niyang pinaghirapan nito na makuha ang mga kliyenteng yun.

“Dahil critical ang panahon ngayon, bakit hindi mo ako bigyan ng kaunting authority? Para kung may mangyari, kaya kong solusyunan agad.” casual na sabi ni Erich.

Nagulat si Bryan, hindi niya inaasahan na hihilingin ni Erich na magkaroon ng kapangyarihan sa kompanya.

Nung hindi sumagot si Bryan, nagpatuloy si Erich.

“Bakit? Natatakot ka ba? Kung hindi ka kampante, puwede namang…”

“Hindi ako natatakot. Kampante akong ibigay yun sa’yo.” putol ni Bryan.

Agad siyang sumagot, natatakot na baka mabasa ni Erich ang pagdadalawang-isip niya.

“Kaso lang, ang full authority ay dadaan pa sa shareholders. Kaya bibigyan muna kita ng partial authority.”

“Okay.”

Ngumiti si Erich. Expected na niya na hindi agad ito papayag.

Pero sapat na ang partial authority para makuha niya ang mga importanteng data na kailangan niya.

Hindi pwedeng madaliin ang pagbagsak sa kumpanya ni Bryan. Sa isip ni Erich

Nang makuha niya ang access, mabilis niyang kinuha ang core data ng kompanya sa nakaraang dalawang taon.

Sa data na ito, siya na ang may hawak sa bidding at sa pagli-list ng kumpanya. 

Maya-maya’y tumunog ang cellphone ni Erich. Nanay ni Bryan ang tumatawag.

“Gusto ni Ely ang luto mo. Sinabihan ko na si Bryan. Pumunta ka dito agad!”

At ibinaba agad ang telepono, hindi pakiusap, kundi utos.

Hindi na nagulat si Erich. Simula nang ikasal sila, ang baba ng tingin nila kay Erich.

Parang may utang siya sa pamilya.

At kahit may mga kasambahay, si Erich pa rin ang pinagluluto at pinag-aayos nito ng bahay.

Ang kapatid ni Bryan ay buntis at ayaw sa luto ng iba, kaya araw-araw, si Erich ang nagluluto’t nagdadala ng pagkain.

Dahil mahal niya si Bryan, tiniis niya ito sa loob ng dalawang taon.

Pero ngayon… iba na siya.

Tinitigan niya ang cellphone, malamig ang mata. Ipinatong niya ito at nagbukas ng computer para tingnan ang project plans.

Partikular ang isang pulang-highlight, isang major project na siya mismo ang nagtatag, at siya lang ang gustong kausap ng kliyente.

Nag-isip siya sandali, saka kumatok sa opisina ni Bryan.

Pero sabi ng assistant, kakaalis lang niya, nagmamadali dahil sa isang tawag.

Tinawagan niya si Bryan pero si Sandra ang sumagot.

“Erich? Si  Bryan ba ang hinahanap mo?”

“Teacher Sandra? Magkasama kayo?”

“Oh, huwag kang mag-isip ng kung ano. Nasa ospital kami. Nadulas si Kevin. Pero huwag kang mag-alala, gasgas lang. Nasa pharmacy si Bryan. Gusto mo bang ipatawag ko…”

“Hindi na. Mas importante si Kevin. Unahin mo muna siya.”

At ibinaba ni Erich ang cellphone hindi na pinatapos si Sandra.

Dumilim ang mukha ni Sandra dahil sa ginawa ni Erich.

“Hummp”

Ang bastos naman, hindi marunong rumespeto.

Pagbalik ni Bryan kasama si Kevin, nilapitan niya ito.

“Tumawag si Erich. Tatawagan mo ba siya?”

Sandali siyang natigilan. Kukunin niya sana ang telepono,

pero agad siyang hinila ni Kevin.

“Daddy! Masakit ang paa ko!”

Alam niyang nagkukunwari lang ito, kaya pinisil niya ang pisngi ng nito.

Nagmamadali pumunta sa ospital si Bryan dahil sa tawag, pero nang dumating, nakita niyang gasgas lang ang tuhod ni Kevin, tuyo na nga bago pa sila makarating. Akala niya talaga malala.

“Company matters ba yun?” tanong ni Bryan.

“She said it’s nothing important. Maybe she just misses you,” malamig na sabi ni Sandra.

Hinawakan niya ang kamay ni Sandra, pero dalawang beses itong umiwas. Sa ikatlong beses nagpahawak na ito dahil sa sinabi niya.

“Wife…”

Napangiti si Sandra.

“May asawa ka na. Ako iyon. Ok” nanlalaki ang matang sabi nito

“Wala nang iba. Ikaw lang.” malambing na sagot ni Bryan.

Nakangiti at nagbulungan silang dalawa habang naglalakad sa corridor.

Napangiti si Kevin dahil alam niya na si Sandra ang nanay niya at gusto na niyang mawala si Erich para mabuo sila.

“Kailangan kong tawagan si Erich baka importante, akin na ang cellphone ko” 

“Okay, sige na. Tawagan mo na siya para hindi magduda. Nakakainis kasi kapag nagtatampo siya.” inis sa sabi ni Sandra.

“She won’t doubt you. Feeling ko tanga siya. Sobrang obsessed sa’yo. Wala kang dapat ikabahala.” dagdag pa nito.

“Sandra…”

“Humpp. Kapag tinawagan mo siya Bryan, magtatampo ako.”

Hindi siya makatanggi, kaya pumayag siya na huwag na itong tawagan.

At totoo naman, sobrang tiwala sa kanya si Erich. Hindi kailanman ito nagduda.

Makalipas ang kalahating oras.. Tumawag ulit ang ina ni Bryan kay Erich, galit na galit.

“Erich! Ano ba ang bagal mo? Ang lapit-lapit lang ng bahay ni Ely sa kumpanya, bakit parang pagong ka?”

Mas mataas ang tono, pero hindi agad binaba ang telepono.

Umangat ang gilid ng labi ni Erich, malamig.

“Mom. Nasa meeting po ako. Critical ang panahon ng pagli-list ng kumpanya. Kapag umalis ako ngayon, malaki ang mawawala. Sa ganitong oras, hindi ako pwedeng umalis.”

Tahimik ang kabilang linya.

Hindi makapaniwala ang nanay ni Bryan, na ang dati’y sunod-sunurang si Erich ay naglakas-loob tumanggi.

“Erich! Ano’ng problema mo? Hindi ka ba marunong sumunod? Nakalimutan mo na ba ang house rules? Unang-una, respet…”

“Sinabi ko pong hindi ako pwedeng umalis. At lagi n’yo ring sinasabi na dapat unahin ang mas mahalagang bagay, hindi po ba?”

Maingat ngunit diretso niyang pinutol ito.

“Pero hindi pwedeng malipasan ng gutom si Ely.”

“Anong gusto niyang kainin? Ipapatawag ko sa assistant ni Brayn para bumili ng pagkain sa isang Michelin restaurant para makakain siya. O kaya chef mismo. Hindi naman problema ang pera. I-charge na lang po sa company account.” pigil ang inis na pahayag ni Erich

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 103

    Chapter 103 - Harvey, make a wish!Habang pauwi, tumawag muli si Lola Lorenzo kay Erich. Kinabahan bigla si Erich, at naalala niyang hindi pa nila naipapaalam kila lola at lolo Lorenzo ang tungkol sa kanilang kasal, pati sa pamilya ni Harvey.Walang nang magulang si Erich mula pagkabata, kaya sanay siyang magdesisyon sa sarili, ngunit iba si Harvey.“Harvey, hindi pa alam ng mga magulang at lolo’t lola mo ang tungkol sa kasal natin, hindi ba kabastusan iyon sa pamilya mo?”Medyo nag-aalala si Erich.Kalma lang na sumagot si Havey“Walang pakealam si Daddy sa kung ano man ang gagawin ko, si Tita Allison naman ay hinayaan lang ako sa aking mga desisyon. Nang makuha natin ang certificate kanina, nagpadala ako ng message kila lola at lolo. Alam na nila.”“Pinagalitan nila ako dahil hindi ako nag-prepare ng maaga at naisip nilang masama ang pagtrato ko sa’yo at kailangan kong bumawi” nangingiting sabi nito.Pagkatapos biglang naging seryoso ang kanyang mukha.“ Pero sa pamilya mo, sa Casro

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 102

    Chapter 102 - of course! I’ll go with you to the supermarket!“Ako dapat ang magbigay sa’yo ng regalo ngayon.” sabi ni Erich.“Ibinigay mo na sa akin ang regalo mo, ako naman ang magbigay ngayon, ito ang regalo ko sayo sa kasal natin.”Ngumiti si Harvey at personal na isinout kay Erich ang singsing at pulseras. Halos di makahinga si Erich habang sinusuot ni Harvey ito sa kanya. Nang masuot na niya ito, nakangiting tumingin siya kay Erich. “ Lovely!” bulong niiya. Tapos tinaas niya isa pang singsing isang hudyat na nagsasabing si Erich naman ang magsuot nito sa kanya.May suot si Harvey ng relo na nagkakahalaga ng halos 10 milyong piso sa kanyang pulso, at ngumiti si Erich ng matignan ng mabuti ang bracelet. “Couple bracelet pala ito Harvey, laging mo ba itong susuotin sa trabaho? Hindi ka ba nahihiya baka pagtawanan ka nila?” biro nito.“Ok lang sa aking kung pagtatawanan nila ako” bulong ni Harvey sa tainga ni Erich. Napakaliit ng kanyang boses, halos hindi marinig ng sales assist

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 101

    Chapter 101 - Did you marry because of Ember’s word?Bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Harvey. Isang tahimik at marahang ngiti na para lamang sa kay Erich, na wari’y ramdam niya ang hiya nito sa paraang hindi na kailangan ng kahit anong salita.Tatlong-layer na heart-shaped cake ang pinili ni Erich. Hindi man sobrang hirap, delikado pa rin para sa baguhan isang baguhan. Ngunit sanay siya at halos perpekto ang kinalabasan.Tinulungan din siya niHarvey, ngunit muntik na niyang masira ang cake sa unang hiwa pa lang.“Ang galing mo Harvey, ang bilis mong nakuha ang pagpipe. Mas gumanda na ang piping,” papuri ni Erich nang makitang mas maayos na ang galaw ng kamay niya.Mabilis matuto si Harvey at sobr

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 100

    Chapter 100 - I think I’m falling for you more than I expected!Samantala, matapos matanggap nina Harvey at Erich ang kanilang marriage certificate, hindi pa rin dumidilim ang langit.Nais sana ni Harvey na dalhin si Jiang Ran sa isang pamilyar na pribadong restaurant para maghapunan, ngunit biglang marahang nagsalita si Erich, “Maaga pa naman ngayon… bakit hindi tayo mag-mall? Isipin na lang natin na first official date natin ito?”Lumingon ang lalaki. Nakatingin si Jiang Ran sa kanya, puno ng pag-asa ang mga mata.“Sige,” walang pag-aalinlangang sagot ni Harvey, bahagyang ngumiti. “Makikinig ako kay Mrs. Lorenzo.”Sa isang iglap, namula ang mukha ni Erich.Mabilis siyang pumasok sa passenger seat, pilit tinatago ang hiya, ngunit mas mahigpit niyang hinawakan ang pulang marriage certificate sa kanyang kamay.Parang panaginip ang lahat.Mahigit isang buwan pa lamang silang magkakilala ni Harvey, ngunit sa isang iglap, naging tunay na mag-asawa na sila.Matapos masaksihan ng mga naka

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 99

    Chapter 99 - Erich got married with another man!Hinila ni Harvey si Erich palabas. Tila nagmamdali. Hindi pinansin ang naghihimutok na si Ember. Habang hawak hawak niya ang kamay ni Erich, bigla itong may tinawagan. “May kopya ka ba ng original PSA Birth certificate mo?”“ Ha? Uu, nasa bahay ko” nalilitong sagot ni Erich. "Kunin natin ngayon. Pinapapunta ko si Jared sa kakilala kong judge para ayusin ang lahat ng kakailanganin natin para magpakasal ngayon.""Ha? Seryoso ka ba?" gulat na tanong ni Erich. "Alas-kwatro na, magsasara sila ng alas singko" hindi makapaniwalang sabi ni Erich. Ngunit imbes na sumagot sa tanong niya, iba ang sinabi nito. "It’s my birthday today" pag-amin ni Harvey. "Gusto ko lang sanang makipag-date sa iyo, pero nung narinig ko ang sinabi mo kanina, gusto na kitang pakasalan agad. Kung sa tingin mo ay mapagbibigyan mo ang 'willfulness' ko ngayong araw, magpakasal na tayo. Kung hindi, isipin mo na lang na dala lang ito ng bugso ng damdamin ko."Napating

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 98

    Chapter 98 - She is not yet your wife!“ Good morning! Nice to meet you Miss Herera, or should I call you Miss Castro?”“ Miss Herera will do..” simpleng sagot ni Erich."Miss Herera, This is a project that I want to propose. Nais naming makipagtulungan sa pamilya Castro, we don't have issues with profit sharing," direktang saad ni Ember.“We know how good your company handles profit sharing”Kinuha ni Erich ang folder na dala nito at binasa.Napansin ni Erich na maganda nga ang proyekto. Kaya hindi na niya pinatagal ang usapan. Pagkatapos ng sampung minutong pag-uusap, sinabi ni Erich na..

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status