Compartir

CHAPTER 202 (SS: 59)

Autor: Hiraya ZR
last update Fecha de publicación: 2026-10-06 21:01:50

Tirik na ang araw, ramdam ni Fleur ang mainit na buga ng electric fan. Matapos ang magulong gabi dahil sa bagyo, mahabang biyahe, at pagod na katawan, nahimbing ang tulog niya sa malambot na kutson na ipinahiram sa kanya ni Mang Celso. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang natulog.

Nang unti-unting dumilat ang kanyang mga mata, ilang sandali muna siyang nakatitig sa kisame bago niya tuluyang naalala kung nasaan siya. Wala na siya sa kubo. Nasa bahay siya ni Mang Celso.

Dahan-dahan siyang b
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 203 (SS: 60)

    Nang gabing iyon, tumulong si Fleur sa paghahanda ng hapunan. Hindi siya sanay na nakaupo lamang at hinahayaan ang ibang tao na gumawa ng lahat para sa kanya. Kaya kahit ilang beses siyang sinabihan ni Mang Celso na magpahinga, tumulong pa rin siya. Samantala, abala si Rex sa labas. Nang matapos niyang magligpit, napansin niyang wala na ang ilan sa kanilang basang damit. Lumabas siya. At nakita niya si Rex na nagsasampay ng mga iyon. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Napalingon ang binata. “Ano?” “Tutulungan sana kita.” “Hindi na kailangan.” Lumapit si Fleur at kinuha ang isang damit. “Ako na.” “Ako na nga.” “Rex.” “Fleur.” Pareho silang natahimik. Maya-maya, napangiti siya. “Ang kulit mo.” “Parang ikaw.” Napailing siya at itinuloy ang pagsasampay. Magkatabi silang gumagawa. Walang masyadong salita pero hindi iyon awkward. Parang normal na lamang sa kanila ang magkatabing gumagawa ng mga ganong gawain. Nang sabay nilang abutin ang isang damit, nag

  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 202 (SS: 59)

    Tirik na ang araw, ramdam ni Fleur ang mainit na buga ng electric fan. Matapos ang magulong gabi dahil sa bagyo, mahabang biyahe, at pagod na katawan, nahimbing ang tulog niya sa malambot na kutson na ipinahiram sa kanya ni Mang Celso. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang natulog.Nang unti-unting dumilat ang kanyang mga mata, ilang sandali muna siyang nakatitig sa kisame bago niya tuluyang naalala kung nasaan siya. Wala na siya sa kubo. Nasa bahay siya ni Mang Celso.Dahan-dahan siyang bumangon at napatingin sa paligid. Tahimik ang maliit na silid. Pero may isang bagay agad na napansin niya. Wala doon si Rex.Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Hindi niya alam kung bakit iyon ang unang bagay na pumasok sa isip niya.Nasaan si Rex?Napailing siya sa sarili.Bakit naman niya kailangang hanapin agad ang lalaki?Noong mga unang araw nito sa isla, wala naman siyang pakialam kung saan ito nagpupunta. Ngayon, parang naging natural na lamang sa kanya na malaman kung nasaan ito. Napansin

  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 201 (SS: 58)

    “Malapit na tayo,” saad ni Mang Celso mula sa unahan ng bangka. Dahan-dahang napatingin si Fleur sa direksyon ng bayan. Unti-unti nang lumilinaw ang mga kabahayan, mga tindahan, at ang pantalan na nagsisimula nang maging abala kahit maaga pa lamang sa kabila ng bagyong dumaan. Hindi niya namalayang mahigpit na pala ang kapit niya kay Rex, nakasubsob siya nang bahagya sa dibdib nito habang patuloy ang pag-indayog ng bangka sa alon. Sa bawat hampas ng hangin, lalo siyang napapalapit dito. At hindi siya tinutulak palayo ng binata. Sa halip, nanatili itong nakayakap sa kanya. Nang maramdaman nito ang bahagyang panginginig niya, mas hinigpitan nito ang yakap sa kanya. “You’re still cold,” mahinang sabi nito. Hindi iyon tanong. Bahagya siyang tumango, nakasubsob pa rin sa dibdib nito. “Oo…” Hindi na ito muling nagsalita, pero hindi rin ito bumitaw. Parang sinasabi ng yakap nito na hanggang makarating sila, doon lang siya pakakawalan. Makalipas ang ilang minuto ay tuluy

  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 200 (SS: 57)

    Buong gabi nilang tiniis ang malamig na ulan at malakas na hangin sa ilalim ng puno. Walang nakatulog. Paminsan-minsan ay sinusulyapan nila ang kubong unti-unting nilalamon ng bagyo. Hanggang sa wakas, unti-unting humina ang ulan. Ang mabangis na hangin ay naging malamig na simoy. At dahan-dahang sumilip ang umaga. Pagod na pagod si Fleur nang tuluyan silang makabalik sa kubo. Ngunit pagdating pa lamang nila, parang may mabigat nang dumagan sa kanyang dibdib. Wasak na wasak ang kanilang tirahan. Halos kalahati ng bubong ay wala na. Nagkalat ang mga kawayan at kahoy sa paligid. Basang-basa ang kanilang mga damit at gamit. Ang ilan ay tinangay na ng hangin. Parang nanlambot ang buong katawan niya. Dahan-dahan siyang naupo sa kawayang upuan na bahagyang nakatagilid pa dahil sa bagyo. “Wala na…” mahina niyang bulong habang tuloy-tuloy ang pagluha niya. “Sira na ang kubo…” Nanginginig niyang tiningnan si Rex. “Saan na tayo titira?” Hindi agad nakasagot ang binata.

  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 199 (SS: 56)

    Sa malayong bahagi ng dagat, unti-unting nagsimulang magtipon ang maiitim na ulap. Mula sa payapang bughaw na kalangitan, dahan-dahang nag-iba ang kulay nito, naging kulay abo, hanggang sa tuluyang bumigat ang dilim sa abot-tanaw. Ang hangin na kanina’y banayad lamang ay nagdala ngayon ng kakaibang lamig na tila may kasamang babala. Napahinto si Fleur sa kanyang ginagawa. Nakatayo siya sa labas ng kubo, hawak ang basang tela habang tahimik na nakatanaw sa papalapit na unos. “May bagyo…” mahina niyang sambit. Sa loob ng kubo, agad napatingin si Rex sa direksyon niya. Napansin din nito ang biglang pagbabago ng paligid kaya mabilis itong lumabas at tumabi sa kanya. “Gaano kalala?” tanong nito habang pinagmamasdan ang dagat. Hindi siya agad sumagot. Nakatingin lamang siya sa papalapit na madidilim na ulap. “Hindi ko pa sigurado,” sagot niya maya-maya, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. “Pero mabilis ang galaw ng hangin… mukhang malakas ito.” Hindi na sila nag-aksaya pa

  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 198 (SS: 55)

    Nagising si Fleur dahil sa mainit na sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Marahan siyang napamulat, ngunit agad ding napangiwi nang subukan niyang bumangon. “Aray…” mahinang daing niya habang napahawak sa kanyang bewang. Pakiramdam niya’y pinagulong siya sa bundok buong magdamag. Nanakit ang bawat kalamnan niya, lalo na ang kanyang mga hita at likod. Ngunit kasabay ng sakit na iyon, muling nanariwa sa isip niya ang mga nangyari kagabi. Ang mga halik. Mga haplos. Ang mga bulong ni Rex sa kanyang tainga. At kung paano siya nito hinawakan na tila napakahalaga niya. Biglang namula ang buong mukha niya. Napayakap siya sa sarili at mabilis na nagtalukbong ng kumot. “Ano bang ginawa ko…” halos maiyak niyang bulong habang tinatakpan ang mukha gamit ang unan. “Nakakahiya…” Mabilis ang tibok ng dibdib niya habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang lahat. Paano niya nagawang sabihin ang mga bagay na iyon? Paano niya nagawang hayaan ang binata na makita siya nang g

  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 63

    Weekend, inaasahan nang puno ang Fried Chicken Food House ng mga taong kumakain, at dahil isang buwan naka-leave sa trabaho si Selina, tumutulong siya pansamantala sa food house. Nakapuwesto siya sa counter, hindi gaanong nakakapagod at nakaupo lang naman siya doon. Nang marinig niya ang impit n

    last updateÚltima actualización : 2026-03-23
  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 54

    "Explain everything to me, Dick." Tiim bagang na sabi ni Eachen. Ipinaliwanag naman ni Dick sa kanya ang lahat. Nakuyom niya ang mga palad. Hindi niya akalain na sa panahong hindi niya kasama si Selina ay may mangyayaring hindi maganda dito. She says she's okay, but her tears say otherwise. Ipinang

    last updateÚltima actualización : 2026-03-22
  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 30

    "Bestie, I'm so sorry. None of this is what I wanted. I never meant to hurt you," her friend said, holding her hands tightly. Ngumiti siya ng pilit, kahit na ang totoo ay nasasaktan siya. "Alam ko bestie, alam ko. Don't worry, hindi ko kayo guguluhin ni Morris, kakalimutan ko siya para sa'yo."

    last updateÚltima actualización : 2026-03-19
  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 25

    Dumiretso si Selina sa malaking silid, naghanap siya ng guest room pero mukhang iisa lang ang silid ni Eachen. "Saan ako matutulog?" Kausap niya sa sarili habang nakatingin sa malaki at malawak na kama. She glanced around the room and spotted a long sofa in the distance. Naglakad siya palapit

    last updateÚltima actualización : 2026-03-19
Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status