LOGINDARUIS POV:
“Sir.”
Napalingon ako sa isa sa mga kasamahan ko.
Si Forensic Officer Miguel Ramos.
May hawak itong ilang papeles at seryoso ang mukha.
“May initial report na po mula sa medico-legal.”
Agad akong tumayo.
“Lumabas na po ang initial toxicology screening.”
Tahimik kong binuklat ang papel.
At doon bahagyang kumunot ang noo ko.
“Positive?” mababa kong tanong.
Tumango si Ramos.
“May traces po ng illegal substance sa system ng biktima.”
Saglit akong natahimik.
“Mataas?”
“Hindi po,” sagot niya agad. “Actually… mababa lang ang level.”
Napatingin ako sa kanya.
“At base sa assessment ng medico-legal…” dagdag niya, “posibleng hindi po siya regular user.”
“Meaning?”
“Possible na first time… o hindi madalas gumagamit.”
Tahimik akong napaisip.
Posible pala iyon.
Sa toxicology kasi, may mga pagkakataong nakikita kung gaano karami ang substance sa katawan, at minsan nagbibigay iyon ng ideya kung regular bang gumagamit ang isang tao o hindi.
At sa kaso ni Adrian parang may hindi tugma.
“Anong klaseng substance?” tanong ko.
Sinilip niya ang report.
“Still under confirmatory testing pa po, sir. Pero may indication ng sedative mixed with another chemical compound.”
Bahagya akong napatingin sa papel.
Sedative?
“Mukhang hindi rin po normal ang reaction ng katawan niya base sa tissue examination,” dagdag ni Ramos. “May findings na kailangan pang i-confirm ng laboratory.”
Tumahimik ako.
“DNA?”
“On process pa rin po. Kinukuha na rin namin lahat ng pwedeng samples mula sa gamit at katawan ng biktima.”
Dahan-dahan kong isinara ang folder.
Sa unang tingin mukhang simpleng suicide case.
Pero habang tumatagal ay mas lalo itong dumudumi.
“Sir…” muling tawag ni Ramos.
Napatingin ako sa kanya.
“Possible po kayang may nagbigay sa kanya no’n?”
Tahimik akong napabuntong-hininga.
Pagkatapos ay isa-isang pumasok sa isip ko ang mga sinabi ng mga magulang ni Adrian, pagbabago, pagliban sa klase, at unti-unting pagiging magulo niya.
At isang pangalan na paulit-ulit lumalabas sa bawat detalye.
Collen Santiago. Hindi pa sapat ang mga hawak kong ebidensya, pero malinaw sa akin na hindi ito aksidente at may kung anong itinatago pa.
Hindi talaga si Adrian ang may kontrol sa mga nangyayari sa kanya nitong mga huling buwan.
*******
AURORA VALE POV:
Pabuntong hininga kong inilapag ang envelope sa ibabaw ng mesa pagdating namin sa safehouse.
Kaagad kong binuksan iyon at isa-isang inilabas ang mga dokumento, litrato, at records na nasa loob.
Lahat ng impormasyon tungkol kay Adrian Velasco.
Tahimik lang si Rodney habang nakasandal sa gilid ng mesa at pinagmamasdan akong nagsusuri.
Samantalang ako hindi inaalis ang tingin sa mga litrato ng binata.
Mga kuha nito sa paaralan.
Mga litrato mula sa crime scene.
At ang litrato nito sa morgue.
Mabigat ulit akong napabuntong-hininga.
Habang mas matagal kong tinitingnan ang mga larawan ay mas lalo kong nararamdaman na may mali.
At hindi iyon simpleng kutob lamang.
Parang may kung anong pilit na itinatago sa likod ng kaso.
“Ano?” tanong ni Rodney habang nakasilip sa mga litrato. “Panibagong takda natin?”
Bahagya akong tumango nang hindi inaalis ang tingin sa hawak kong larawan.
“Isang estudyante,” mahina kong sagot. “Na ipinapakitang nagpakamatay daw.”
Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Rodney.
“‘Daw’?”
Dahan-dahan kong inilapag ang litrato ni Adrian sa mesa bago sumandal sa upuan.
Tahimik akong napatitig sa kisame sandali.
“May mali sa kaso,” bulong ko. “Masyadong malinis.”
Lumapit si Rodney at muling tiningnan ang mga dokumento.
“Sinasabi ng report na tumalon siya mula sa rooftop ng school,” sabi nito habang binabasa ang papel. “May suicide note rin.”
Napapikit ako sandali.
At sa isang iglap parang may mabilis na imahe na dumaan sa isip ko.
Madilim na hallway.
Tunog ng nagmamadaling yabag.
At isang malamig na boses.
Muli akong napamulat.
Bahagyang napahigpit ang hawak ko sa litrato ni Adrian.
Hindi pa malinaw.
Pero sapat na iyon para maramdaman kong hindi simpleng pagpapakamatay ang nangyari sa batang ito.
******
DARUIS POV:
Madilim na nang muli kaming bumalik sa headquarters.
Tahimik ang buong investigation room habang isa-isang pumapasok ang reports mula sa forensic department.
Nasa harapan ko ang ilang folders habang paulit-ulit kong binabasa ang findings tungkol kay Adrian Velasco.
Hanggang sa bumukas ang pinto.
“Sir.”
Napatingin ako kay Forensic Officer Miguel Ramos na may hawak na panibagong dokumento.
At sa seryoso niyang mukha alam kong may bago na naman kaming nadiskubre.
“Lumabas na po ang partial DNA analysis.”
Dahan-dahan kong ibinaba ang hawak kong papel.
“Ano’ng meron?”
Lumapit siya at inilapag ang folder sa mesa ko.
“May nakita pong foreign DNA traces sa cuffs ng uniform ni Adrian… at pati sa strap ng bag niya.”
Bahagya akong natahimik.
“Kanino?”
“Hindi pa po fully matched sa database,” sagot niya. “Pero base sa initial comparison…”
Huminto siya sandali.
“At least dalawang magkaibang DNA profile po ang nakita.”
Napakunot ang noo ko.
“Dalawa?”
“Opo, sir.”
Binuksan ko agad ang folder.
“Yung isa,” dagdag niya, “confirmed na kay Adrian.”
“At yung pangalawa?”
Tahimik sandali si Ramos bago sumagot.
“Lalaki po.”
Dahan-dahan akong napasandal sa upuan.
“May indication din po na recent physical contact iyon,” dagdag pa niya. “Hindi lang simpleng accidental transfer.”
Tahimik akong nakatingin sa report.
At unti-unting nagdudugtong sa isip ko ang mga detalye.
Sedative.
Mga gabing nawawala si Adrian.
Pagbabago ng ugali nito.
At ngayon ay may unidentified male DNA.
“May sign ba ng struggle?” tanong ko.
“Minimal lang po,” sagot niya. “Pero may nakita ring microscopic tissue fragments sa ilalim ng kuko ng biktima.”
Napatingin ako sa kanya.
“Human tissue?”
Tumango siya.
“Possible po na may nahawakan o nakalmot siya bago mamatay.”
Muling bumigat ang katahimikan sa loob ng silid.
At lalo lamang lumalim ang hinala ko.
Kung suicide ito bakit may ibang DNA?
Bakit may sedative?
At bakit parang may mga detalyeng pilit inayos para magmukhang malinis ang lahat?
“Sir…” muling tawag ni Ramos.
Dahan-dahan akong napatingin sa kanya.
“Sa tingin niyo po ba…”
Hindi niya naituloy ang tanong.
Pero alam ko na agad ang gusto niyang sabihin.
Huminga ako nang malalim bago muling tumingin sa report.
Pagkatapos ay malamig akong nagsalita.
“Hindi pa natin alam kung sino ang killer.”
Saglit akong tumigil.
“Pero sigurado akong…”
Dahan-dahan kong isinara ang folder.
“May kasama si Adrian bago siya mamatay.”
Tahimik na napatingin sa akin si Ramos matapos kong isara ang folder.
“Sir… ibig sabihin po ba, homicide na talaga ang tinitingnan natin?”
Hindi agad ako sumagot.
Sa halip ay muling tumingin sa mga report na nasa harapan ko.
Toxicology findings.
Sedative.
Unidentified male DNA.
Tissue fragments sa ilalim ng kuko ni Adrian.
Lahat iyon ay unti-unting sumisira sa kwento ng isang simpleng suicide case.
Huminga ako nang malalim bago tumayo mula sa kinauupuan ko.
“Kailangan kong makausap ulit ang mga magulang ni Adrian.”
Napatingin si Ramos sa akin.
“Sir?”
“May mga bagay silang kailangang malaman,” malamig kong sagot habang kinukuha ang coat ko. “At baka may impormasyon pa silang hindi nila nasasabi.”
Tahimik siyang tumango.
“Sa tingin niyo po ba may koneksyon ang DNA na iyon sa mga taong nakakasama ni Adrian?”
Dahan-dahan akong napalingon sa kanya.
“Posible.”
Saglit akong natigilan bago muling nagsalita.
“Lalo na kung may tao sa paligid niya na matagal nang nagtatago sa likod ng ‘normal’ na imahe.”
Muling bumalik sa isip ko ang mga sinabi ng mga magulang ni Adrian.
At ang paulit-ulit na pangalan ni Collen Santiago.
Pero hindi lang siya ang gusto kong silipin ngayon.
Kung lalaki ang DNA na nakita ay ibig sabihin, may isa pang taong malapit kay Adrian na hindi pa lumalabas sa kwento.
“At isa pa, sir,” dagdag ni Ramos, “possible pong may makuha pa tayong additional match kapag kumpleto na ang database comparison.”
Tumango ako.
“Ipagpatuloy niyo lang.”
Pagkatapos ay tuluyan na akong naglakad palabas ng investigation room.
Habang naglalakad sa tahimik na hallway ng headquarters.
Pakiramdam ko mas lalo lang lumalalim ang kaso.
At ang mas nakakabahala parang may mga taong desperadong itago ang totoo.
Huminto ako sandali bago kunin ang susi ng sasakyan ko.
Pagkatapos ay malamig kong bulong sa sarili:
“Adrian Velasco…”
Dahan-dahan kong hinigpitan ang hawak ko sa folder.
“Anong klaseng buhay ang tinatago mo bago ka namatay?”
DARUIS POV:Mabigat ang katahimikan sa loob ng opisina nang muli akong humarap kina Gabriel at Elena Velasco.Pareho silang mukhang hindi pa rin nakakabangon sa pagkawala ng anak nila.At ngayong hawak ko na ang panibagong findings.Mas lalo kong alam na dudurog ang natitira nilang pag-asa.Dahan-dahan kong inilapag ang folder sa ibabaw ng mesa.Tahimik silang parehong nakatingin sa akin.“May lumabas na pong bagong resulta mula sa forensic investigation,” diretso kong sabi.Napahigpit agad ang hawak ni Mrs. Velasco sa panyo.“Ano pong ibig sabihin no’n?” nanginginig niyang tanong.Huminga ako nang malalim bago nagsalita.“May nakita pong traces ng illegal substance sa katawan ni Adrian.”Agad nanlaki ang mga mata nilang dalawa.“Ano?” halos pabulong na sambit ni Gabriel.“Mababa lang po ang level,” dagdag ko agad. “At base sa assessment ng medico-legal… posible pong hindi siya regular na gumagamit.”“Hindi…” mabilis na umiling si Elena habang unti-unting naiiyak. “Hindi gumagamit ng
DARUIS POV:“Sir.”Napalingon ako sa isa sa mga kasamahan ko.Si Forensic Officer Miguel Ramos.May hawak itong ilang papeles at seryoso ang mukha.“May initial report na po mula sa medico-legal.”Agad akong tumayo.“Lumabas na po ang initial toxicology screening.”Tahimik kong binuklat ang papel.At doon bahagyang kumunot ang noo ko.“Positive?” mababa kong tanong.Tumango si Ramos.“May traces po ng illegal substance sa system ng biktima.”Saglit akong natahimik.“Mataas?”“Hindi po,” sagot niya agad. “Actually… mababa lang ang level.”Napatingin ako sa kanya.“At base sa assessment ng medico-legal…” dagdag niya, “posibleng hindi po siya regular user.”“Meaning?”“Possible na first time… o hindi madalas gumagamit.”Tahimik akong napaisip.Posible pala iyon.Sa toxicology kasi, may mga pagkakataong nakikita kung gaano karami ang substance sa katawan, at minsan nagbibigay iyon ng ideya kung regular bang gumagamit ang isang tao o hindi.At sa kaso ni Adrian parang may hindi tugma.“Ano
AURORA VALE POV:Mahigpit kong hawak ang lumang family picture habang tahimik na nakaupo sa gilid ng kama.Bata pa ako roon.Nasa gitna nina Mama at Papa habang mahigpit nila akong yakap at parehong nakangiti sa camera.Masaya at buo.Isang pamilyang wala pang bahid ng lungkot.Ngunit ngayon tanging larawan na lang ang natitira sa alaala ng gabing iyon.Dahan-dahang pumatak ang luha ko sa ibabaw ng litrato habang nanginginig ang mga daliri kong humahawak dito.Minsan iniisip ko pa rin…Ano kaya ang pakiramdam ng normal na buhay?Iyong hindi kailangang makakita ng dugo.Hindi kailangang marinig ang mga sigaw ng mga patay.Hindi kailangang pasanin ang sakit ng ibang tao.Napapikit ako nang mariin.At sa katahimikan ng kwartong iyon isang mahinang katok ang narinig ko mula sa pinto.“Bakit?” mahina kong tanong habang mabilis na pinupunasan ang luha ko.Dahan-dahan kong ibinalik ang family picture sa ibabaw ng lamisita bago tumingin sa pinto.Pagkabukas no’n bumungad si Rodney na may hawak
AURORA VALE POV:Pagkasakay ko sa loob ng sasakyan, agad kong isinandal ang likod ko sa upuan habang tahimik na nakatanaw sa madilim na kalsada sa labas.Tahimik ang paligid.Tanging mahinang ugong ng makina ang maririnig habang dahan-dahang umaandar ang sasakyan palayo sa presinto.Pero sa isip ko paulit-ulit na bumabalik ang sinabi ni Tito kanina.Magreretiro na siya.“Tuloy na talaga ang pagreretiro ng Tito mo?”Basag ni Rodney sa katahimikan habang nakatuon pa rin ang tingin nito sa kalsada.Bahagya akong napabuntong-hininga bago marahang hinilot ang aking noo.“Uhm.”Mabagal akong tumango bago ipinikit sandali ang mga mata at inihilig ang ulo sa sandalan.“Paano na ’yan?” tanong niya muli. “Tutuloy ka pa rin ba?”Bahagya akong napangiti.Pero kahit ako, ramdam kong walang buhay ang ngiting iyon.“Nandito na ako sa buhay na ’to, Rodney,” mahina kong sagot. “Wala nang dahilan para hindi ko ituloy.”Dahil kahit gustuhin ko mang umiwas, hindi ko kayang pabayaan ang mga kasong humihin
AURORA VALE POV:Habang hawak ko ang dalawang kamay ni Aling Mercy, ramdam ko agad ang panlalamig ng kanyang mga palad, hindi lang dahil sa takot, kundi dahil sa bigat ng katotohanang matagal na niyang hinahanap.Mahigpit ang kapit niya sa akin, parang doon na lang siya kumakapit para hindi tuluyang bumigay.Huminga ako nang malalim.Ito ang bahagi na palagi kong kinatatakutan… hindi para sa sarili ko, kundi para sa kanila.Dahan-dahan kong hinigpitan ang hawak ko sa kanya.“Aling Mercy…” mahina ngunit malinaw kong tawag, “bago po tayo magsimula, kailangan niyo pong tandaan ang isang bagay.”Nanginginig siyang tumango, hindi man lang makatingin sa akin.“Kapag hinawakan niyo po ako… makikita niyo ang nangyari,” patuloy ko. “Hindi lang po piraso ng alaala… kundi ang mismong huling sandali niya.”Saglit akong tumigil, pinipigilan ang bigat ng susunod kong sasabihin.“Maririnig niyo ang mga boses. Makikita niyo ang mga galaw. At mararamdaman niyo… kahit hindi iyon sa inyo nangyari.”Mas
"ANG LIHIM NG SILID ARALAN"UNANG ARAW!!THIRD PERSON:Bumukas ang pinto ng sasakyan.Dahan-dahang bumaba ang isang lalaki, matangkad, matikas, at may presensyang agad nagpapatahimik sa paligid. Malamig ang kanyang aura, at sa paraan pa lang ng paglakad niya, halatang hindi siya basta-bastang imbestigador.Si Chief Inspector Darius Alcantara.Huminto siya sandali, pinagmasdan ang paligid, ang eskwelahang kanina’y puno ng buhay, ngayo’y tila pinigil ang paghinga.“Anong initial report?” tanong niya agad, diretso ang tingin sa scene.Lumapit ang isang pulis at bahagyang yumuko bilang paggalang.“Sir, ang biktima po ay isang estudyante, nakilala bilang si Adrian Velasco. Natagpuan siya kaninang umaga ng isang utility staff sa likod ng campus.”Bahagyang kumunot ang noo ni Darius.“Cause?”“Sa ngayon, sir… pinaghihinalaang self-inflicted. May naiwan pong sulat sa loob ng bag niya.” sagot ng pulis, iniabot ang isang transparent evidence bag.H