Share

CHAPTER THREE

last update publish date: 2026-05-29 14:53:18

AURORA VALE POV:

Pagkasakay ko sa loob ng sasakyan, agad kong isinandal ang likod ko sa upuan habang tahimik na nakatanaw sa madilim na kalsada sa labas.

Tahimik ang paligid.

Tanging mahinang ugong ng makina ang maririnig habang dahan-dahang umaandar ang sasakyan palayo sa presinto.

Pero sa isip ko paulit-ulit na bumabalik ang sinabi ni Tito kanina.

Magreretiro na siya.

“Tuloy na talaga ang pagreretiro ng Tito mo?”

Basag ni Rodney sa katahimikan habang nakatuon pa rin ang tingin nito sa kalsada.

Bahagya akong napabuntong-hininga bago marahang hinilot ang aking noo.

“Uhm.”

Mabagal akong tumango bago ipinikit sandali ang mga mata at inihilig ang ulo sa sandalan.

“Paano na ’yan?” tanong niya muli. “Tutuloy ka pa rin ba?”

Bahagya akong napangiti.

Pero kahit ako, ramdam kong walang buhay ang ngiting iyon.

“Nandito na ako sa buhay na ’to, Rodney,” mahina kong sagot. “Wala nang dahilan para hindi ko ituloy.”

Dahil kahit gustuhin ko mang umiwas, hindi ko kayang pabayaan ang mga kasong humihingi ng hustisya.

Hindi ko kayang balewalain ang mga bagay na nakikita ko.

Napabuntong-hininga si Rodney bago bahagyang sumulyap sa akin.

“Kapag wala na ang Tito mo sa presinto… sino na ang mapagkakatiwalaan natin doon?”

Bahagya akong natahimik.

Dahil iyon din ang bagay na matagal nang umiikot sa isipan ko.

Sa loob ng maraming taon, si Tito lang ang naging sandalan at proteksyon ko sa mundong ito.

Siya lang ang taong lubos na nakakaalam kung hanggang saan ang kaya kong tiisin at kung ano ang mga bagay na dapat kong iwasan.

Pero kapag tuluyan na siyang mawala sa serbisyo, alam kong mas magiging delikado ang lahat lalo na't may iilan na ang nakakaalam tungkol sa kakayahan ko.

Dahan-dahan akong napamulat.

At hindi ko alam kung bakit biglang sumagi sa isip ko ang lalaking nakasalubong ko kanina sa opisina.

Ang malamig nitong mga mata.

Ang seryoso nitong ekspresyon habang nakatingin sa akin.

Bahagyang kumunot ang noo ko.

Hindi ko alam kung bakit siya agad ang naisip ko.

Pero sa lahat ng taong nakita ko sa presinto kanina…

Siya lang ang hindi ko mabasa nang buo.

THIRD PERSON:

Napabuntong-hininga na lamang si Hepe habang dahan-dahang inilapag ang isang sobre sa mesa. Galing iyon kay Aurora, at kahit hindi pa niya binubuksan, alam na niya kung gaano kabigat ang laman nito.

Napahilot siya sa kaniyang noo, bakas ang pagod at bahagyang iritasyon. “Ang batang ’yon… ayaw pa ata akong mag-retire,” bulong niya, sabay buntong-hininga.

Sa loob ng sobre ay ang mga dokumentong may kinalaman sa kaso ng asawa ni Aling Mercy, isang usaping matagal nang hindi maresolba at unti-unti nang kinakain ng katahimikan ng imbestigasyon.

Alam ni Hepe na may kakaibang kakayahan si Aurora pagdating sa ganitong mga kaso. Kaya kahit ipinagbabawal at delikado, palihim pa rin itong nakikialam upang makatulong.

Ngunit hindi niya maikakaila ang kaba para sa pamangkin niya. Alam niyang ang pagpasok nito sa ganitong klase ng imbestigasyon ay maaaring magdala sa kanya sa panganib.

Gayunpaman, ramdam din ni Hepe ang tigas ng loob ni Aurora, buo ang desisyon nitong ipagpatuloy ang pagtulong sa mga kasong hindi kayang resolbahin ng karaniwang imbestigasyon ng pulisya. 

“Sir, nandito na po si Chief Inspector Darius Alcantara.”

Napatingin si Hepe sa pintuan, saka agad tumango. “Sige, papasukin mo.”

Mabilis na lumabas ang tauhan, habang si Hepe naman ay agad na itinabi ang sobre sa ibabaw ng mesa, bahagyang itinulak ito palayo na tila ayaw ipahalata ang laman.

Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at pumasok si Chief Inspector Darius Alcantara. Maayos ang tindig nito, matalim ang tingin, at halatang sanay sa mga bigat ng serbisyong pulisya.

“Good evening, Hepe,” malamig ngunit magalang nitong bati habang tuloy-tuloy na lumapit sa mesa.

Napabuntong-hininga si Hepe at itinuro ang upuan sa harap niya. “Maupo ka, Chief Inspector.”

Ngunit kahit maayos ang kanilang pagbati, ramdam sa silid ang bigat ng hindi pa nasasabi, lalo na ang sobre na kasalukuyang nakatabi, tila naghihintay na muling buksan ang isang kasong ayaw nang matahimik.

Bahagyang lumuwag ang ekspresyon ni Hepe nang tuluyang makapasok si Chief Inspector Darius Alcantara. Sa kabila ng pormal na tindig nito, hindi maikakaila ang pamilyar na aura, tila ba ibinalik siya sa mga panahong kasama pa niya sa serbisyo ang ama ni Darius, ang matalik niyang kaibigan at matagal niyang naging ka-partner sa mga operasyon.

“Kamusta na ang tatay mo?” tanong ni Hepe, bahagyang lumambot ang boses. “Matagal-tagal ko na rin siyang hindi nakakausap.”

Sandaling ngumiti si Darius. “Ayos naman po siya, Hepe. Madalas pa rin kayong mabanggit.”

Tumango si Hepe, saka muling inayos ang sarili. “Ikaw, kamusta ang bagong lipat mo dito sa Barangay Silong?”

“Naging maayos naman po,” sagot ni Darius, muling bumalik sa pagiging seryoso ang tono. “May hinawakan na agad akong kaso.”

Dahan-dahan nitong inilapag ang hawak na sobre sa mesa.

“Isang estudyanteng nagpakamatay daw.”

Napatingin si Hepe sa sobre, bahagyang kumunot ang noo habang unti-unting bumibigat ang kanyang pakiramdam, tila ba may kung anong hindi tama sa simpleng paliwanag ng kaso.

Sa mga sandaling iyon, bahagyang natahimik si Hepe. Habang pinagmamasdan niya si Darius, may kung anong alaala ang biglang sumagi sa isip niya ang kanyang pamangkin na si Aurora.

Kung sakaling tuluyan na siyang magretiro, alam niyang hindi basta-basta mawawala sa kanya ang mundo ng mga kasong ganito. At sa likod ng lahat, naroon si Aurora, palihim man o hindi, patuloy na makikialam upang tumulong sa mga imbestigasyong hindi kayang resolbahin ng karaniwang sistema.

Napabuntong-hininga siya, halos hindi namamalayan.

Sa isip niya, hindi maiiwasan ang isang bagay, ang binatang nasa harap niya ngayon.

Si Darius.

Kung magpapatuloy ang landas nito bilang isang matalas at prinsipyadong imbestigador, may posibilidad na balang araw ay magtagpo ang landas nila ni Aurora.

At kapag nangyari iyon…

Magiging kakampi kaya ito ng kanyang pamangkin?

O isa itong magiging hadlang, isang opisyal na susunod sa batas kahit pa taliwas sa ginagawa ni Aurora?

Bahagyang kumunot ang noo ni Hepe. Hindi niya alam kung alin ang mas gugustuhin niya.

Ngunit isang bagay ang malinaw, kapag nagkrus ang kanilang mga landas, hindi iyon magiging simpleng pagkakataon lamang.

Maaaring doon magsimula ang mas malaking banggaan.

At posibleng hindi lang sa trabaho… kundi pati sa ugnayang maaaring mabuo sa pagitan ng dalawa.

⚠️⚠️⚠️⚠️

AUTHOR'S NOTE

Babala sa mga Mambabasa

Ang kuwentong ito ay naglalaman ng mga sensitibong tema tulad ng krimen, karahasan, panlilinlang, pagtataksil, emosyonal na trauma, at iba pang sitwasyong maaaring hindi angkop sa mas batang mambabasa.

Ang lahat ng tauhan, lugar, organisasyon, at pangyayari sa kuwentong ito ay kathang-isip lamang at bunga ng malikhaing imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakahawig sa totoong tao, buhay man o pumanaw na, lugar, o pangyayari ay nagkataon lamang at walang intensyong manakit, manira, o magbigay ng maling impormasyon.

Ang mga aksyon, desisyon, at gawaing ipinapakita ng mga tauhan sa kuwentong ito ay hindi dapat tularan, gayahin, o isabuhay sa totoong buhay. Ang layunin ng nobelang ito ay magbigay ng aliw, misteryo, at aral sa mga mambabasa, hindi upang hikayatin ang anumang ilegal, mapanganib, o marahas na gawain.

Pinapayuhan ang mga mambabasa na magpatuloy lamang kung komportable sila sa mga temang tatalakayin sa kuwento.

Maraming salamat sa inyong suporta.

— Ms. Yaen

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ECHOES OF THE CRIME   CHAPTER SIX

    DARUIS POV:Mabigat ang katahimikan sa loob ng opisina nang muli akong humarap kina Gabriel at Elena Velasco.Pareho silang mukhang hindi pa rin nakakabangon sa pagkawala ng anak nila.At ngayong hawak ko na ang panibagong findings.Mas lalo kong alam na dudurog ang natitira nilang pag-asa.Dahan-dahan kong inilapag ang folder sa ibabaw ng mesa.Tahimik silang parehong nakatingin sa akin.“May lumabas na pong bagong resulta mula sa forensic investigation,” diretso kong sabi.Napahigpit agad ang hawak ni Mrs. Velasco sa panyo.“Ano pong ibig sabihin no’n?” nanginginig niyang tanong.Huminga ako nang malalim bago nagsalita.“May nakita pong traces ng illegal substance sa katawan ni Adrian.”Agad nanlaki ang mga mata nilang dalawa.“Ano?” halos pabulong na sambit ni Gabriel.“Mababa lang po ang level,” dagdag ko agad. “At base sa assessment ng medico-legal… posible pong hindi siya regular na gumagamit.”“Hindi…” mabilis na umiling si Elena habang unti-unting naiiyak. “Hindi gumagamit ng

  • ECHOES OF THE CRIME   CHAPTER FIVE

    DARUIS POV:“Sir.”Napalingon ako sa isa sa mga kasamahan ko.Si Forensic Officer Miguel Ramos.May hawak itong ilang papeles at seryoso ang mukha.“May initial report na po mula sa medico-legal.”Agad akong tumayo.“Lumabas na po ang initial toxicology screening.”Tahimik kong binuklat ang papel.At doon bahagyang kumunot ang noo ko.“Positive?” mababa kong tanong.Tumango si Ramos.“May traces po ng illegal substance sa system ng biktima.”Saglit akong natahimik.“Mataas?”“Hindi po,” sagot niya agad. “Actually… mababa lang ang level.”Napatingin ako sa kanya.“At base sa assessment ng medico-legal…” dagdag niya, “posibleng hindi po siya regular user.”“Meaning?”“Possible na first time… o hindi madalas gumagamit.”Tahimik akong napaisip.Posible pala iyon.Sa toxicology kasi, may mga pagkakataong nakikita kung gaano karami ang substance sa katawan, at minsan nagbibigay iyon ng ideya kung regular bang gumagamit ang isang tao o hindi.At sa kaso ni Adrian parang may hindi tugma.“Ano

  • ECHOES OF THE CRIME   CHAPTER FOUR

    AURORA VALE POV:Mahigpit kong hawak ang lumang family picture habang tahimik na nakaupo sa gilid ng kama.Bata pa ako roon.Nasa gitna nina Mama at Papa habang mahigpit nila akong yakap at parehong nakangiti sa camera.Masaya at buo.Isang pamilyang wala pang bahid ng lungkot.Ngunit ngayon tanging larawan na lang ang natitira sa alaala ng gabing iyon.Dahan-dahang pumatak ang luha ko sa ibabaw ng litrato habang nanginginig ang mga daliri kong humahawak dito.Minsan iniisip ko pa rin…Ano kaya ang pakiramdam ng normal na buhay?Iyong hindi kailangang makakita ng dugo.Hindi kailangang marinig ang mga sigaw ng mga patay.Hindi kailangang pasanin ang sakit ng ibang tao.Napapikit ako nang mariin.At sa katahimikan ng kwartong iyon isang mahinang katok ang narinig ko mula sa pinto.“Bakit?” mahina kong tanong habang mabilis na pinupunasan ang luha ko.Dahan-dahan kong ibinalik ang family picture sa ibabaw ng lamisita bago tumingin sa pinto.Pagkabukas no’n bumungad si Rodney na may hawak

  • ECHOES OF THE CRIME   CHAPTER THREE

    AURORA VALE POV:Pagkasakay ko sa loob ng sasakyan, agad kong isinandal ang likod ko sa upuan habang tahimik na nakatanaw sa madilim na kalsada sa labas.Tahimik ang paligid.Tanging mahinang ugong ng makina ang maririnig habang dahan-dahang umaandar ang sasakyan palayo sa presinto.Pero sa isip ko paulit-ulit na bumabalik ang sinabi ni Tito kanina.Magreretiro na siya.“Tuloy na talaga ang pagreretiro ng Tito mo?”Basag ni Rodney sa katahimikan habang nakatuon pa rin ang tingin nito sa kalsada.Bahagya akong napabuntong-hininga bago marahang hinilot ang aking noo.“Uhm.”Mabagal akong tumango bago ipinikit sandali ang mga mata at inihilig ang ulo sa sandalan.“Paano na ’yan?” tanong niya muli. “Tutuloy ka pa rin ba?”Bahagya akong napangiti.Pero kahit ako, ramdam kong walang buhay ang ngiting iyon.“Nandito na ako sa buhay na ’to, Rodney,” mahina kong sagot. “Wala nang dahilan para hindi ko ituloy.”Dahil kahit gustuhin ko mang umiwas, hindi ko kayang pabayaan ang mga kasong humihin

  • ECHOES OF THE CRIME   CHAPTER TWO

    AURORA VALE POV:Habang hawak ko ang dalawang kamay ni Aling Mercy, ramdam ko agad ang panlalamig ng kanyang mga palad, hindi lang dahil sa takot, kundi dahil sa bigat ng katotohanang matagal na niyang hinahanap.Mahigpit ang kapit niya sa akin, parang doon na lang siya kumakapit para hindi tuluyang bumigay.Huminga ako nang malalim.Ito ang bahagi na palagi kong kinatatakutan… hindi para sa sarili ko, kundi para sa kanila.Dahan-dahan kong hinigpitan ang hawak ko sa kanya.“Aling Mercy…” mahina ngunit malinaw kong tawag, “bago po tayo magsimula, kailangan niyo pong tandaan ang isang bagay.”Nanginginig siyang tumango, hindi man lang makatingin sa akin.“Kapag hinawakan niyo po ako… makikita niyo ang nangyari,” patuloy ko. “Hindi lang po piraso ng alaala… kundi ang mismong huling sandali niya.”Saglit akong tumigil, pinipigilan ang bigat ng susunod kong sasabihin.“Maririnig niyo ang mga boses. Makikita niyo ang mga galaw. At mararamdaman niyo… kahit hindi iyon sa inyo nangyari.”Mas

  • ECHOES OF THE CRIME   CHAPTER ONE

    "ANG LIHIM NG SILID ARALAN"UNANG ARAW!!THIRD PERSON:Bumukas ang pinto ng sasakyan.Dahan-dahang bumaba ang isang lalaki, matangkad, matikas, at may presensyang agad nagpapatahimik sa paligid. Malamig ang kanyang aura, at sa paraan pa lang ng paglakad niya, halatang hindi siya basta-bastang imbestigador.Si Chief Inspector Darius Alcantara.Huminto siya sandali, pinagmasdan ang paligid, ang eskwelahang kanina’y puno ng buhay, ngayo’y tila pinigil ang paghinga.“Anong initial report?” tanong niya agad, diretso ang tingin sa scene.Lumapit ang isang pulis at bahagyang yumuko bilang paggalang.“Sir, ang biktima po ay isang estudyante, nakilala bilang si Adrian Velasco. Natagpuan siya kaninang umaga ng isang utility staff sa likod ng campus.”Bahagyang kumunot ang noo ni Darius.“Cause?”“Sa ngayon, sir… pinaghihinalaang self-inflicted. May naiwan pong sulat sa loob ng bag niya.” sagot ng pulis, iniabot ang isang transparent evidence bag.H

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status