LOGINAURORA VALE POV:
Habang hawak ko ang dalawang kamay ni Aling Mercy, ramdam ko agad ang panlalamig ng kanyang mga palad, hindi lang dahil sa takot, kundi dahil sa bigat ng katotohanang matagal na niyang hinahanap.
Mahigpit ang kapit niya sa akin, parang doon na lang siya kumakapit para hindi tuluyang bumigay.
Huminga ako nang malalim.
Ito ang bahagi na palagi kong kinatatakutan… hindi para sa sarili ko, kundi para sa kanila.
Dahan-dahan kong hinigpitan ang hawak ko sa kanya.
“Aling Mercy…” mahina ngunit malinaw kong tawag, “bago po tayo magsimula, kailangan niyo pong tandaan ang isang bagay.”
Nanginginig siyang tumango, hindi man lang makatingin sa akin.
“Kapag hinawakan niyo po ako… makikita niyo ang nangyari,” patuloy ko. “Hindi lang po piraso ng alaala… kundi ang mismong huling sandali niya.”
Saglit akong tumigil, pinipigilan ang bigat ng susunod kong sasabihin.
“Maririnig niyo ang mga boses. Makikita niyo ang mga galaw. At mararamdaman niyo… kahit hindi iyon sa inyo nangyari.”
Mas lalo niyang hinigpitan ang kapit niya sa kamay ko.
“Masakit po ito,” diretsahan kong sinabi. “At kahit gusto niyong umiwas… hindi niyo magagawa. Kailangan niyong harapin kung ano man ang lalabas.”
Unti-unting pumatak ang luha niya.
“A-at… makikilala ko po ba…?” basag ang boses niyang tanong.
Bahagya akong napapikit.
“Opo,” sagot ko, halos pabulong. “Makikilala niyo po kung sino.”
Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa amin.
Ramdam ko ang panginginig ng buo niyang katawan.
“Kung handa na po kayo…” sabi ko, “huwag niyo pong bibitawan ang kamay ko. Kahit ano pa ang makita niyo.”
Dumilim ang paligid namin.
Nawala ang liwanag ng kasalukuyan, at napalitan ng isang malamlam na eksena, isang gabing puno ng tensyon.
Naroon si Mang Kardo, mabagal ang paglalakad sa gilid ng madilim na kalsada.
Bitbit pa niya ang maliit na supot habang inuubo patuloy parin sa paglalakad. Wala siyang kaalam-alam na may matang nakasunod sa bawat hakbang niya mula sa likod ng poste ng ilaw.
At sa harap niya, isang anino na unti-unting nagiging malinaw.
Mabigat ang paghinga nito.
Mahigpit ang hawak sa mahabang dos por dos na tila matagal nang pinaghandaan gamitin.
“Hindi… hindi…” narinig kong basag na bulong ni Aling Mercy sa tabi ko.
Napakapit siya nang mas mahigpit sa kamay ko, nanginginig ang buong katawan habang pilit iniiwas ang tingin ngunit hindi niya magawa.
Biglang humakbang palapit ang lalaki.
At bago pa tuluyang makalingon si Mang Kardo ay malakas na bumagsak ang unang hampas sa ulo niya.
Napahandusay siya sa sementadong kalsada.
Mariin na napapikit si Aling Mercy kasabay ng pag-agos ng mga luha.
Ngunit hindi pa tapos iyon.
Muling inangat ng lalaki ang dos por dos.
Isa pang hampas sa ulo ni Mang Kardo.
Isa pang tama. Sunod-sunod pa, walang patid, hanggang sa kusa na lamang itong huminto na para bang doon lang niya naramdaman ang pagod sa kanyang sarili.
Walang kahit anong awa sa kanyang mukha.
Tanging matinding galit na matagal nang kinikimkim at ngayon lang sumabog.
Ngunit mas lalo lamang humigpit ang hawak ng lalaki sa kahoy.
“Tama na… tama na!!!!” umiiyak na sigaw ni Aling Mercy na napapakalmot na sa mga kamay ko.
Pero walang nakakarinig.
Walang tumutulong.
Tanging malamig na hangin at ang paulit-ulit na tunog ng mabibigat na hampas ang bumabalot sa gabing iyon.
Hanggang sa unti-unting bumagal na ang paghinga ni Mang Kardo.
Hanggang sa tuluyan siyang mawalan ng lakas.
At sa gitna ng dilim unti-unting luminaw ang mukha ng taong may hawak ng dos por dos.
Doon tuluyang napahagulhol si Aling Mercy.
“Hindi…” wasak niyang bulong. “Hindi siya…”
Ang bawat galaw, bawat sakit, bawat sandali kailangan niyang masaksihan.
“At higit sa lahat…” mahina kong bulong, kahit alam kong naririnig niya sa gitna ng pangitain, “ito ang katotohanang matagal nang nakatago.”
Unti-unting luminaw ang mukha ng taong nasa harap ni Mang Kardo.
At doon tuluyang bumigay si Aling Mercy.
“Hindi… hindi siya…” hikbi niya, wasak ang boses.
Ngunit sa sandaling iyon, naging malinaw ang lahat, wala nang maitatago at wala nang puwang para sa alinlangan.
Dahil sa gabing iyon hindi lang niya nakita kung paano kinuha ang buhay ng kanyang asawa…
nakilala rin niya kung sino ang kumuha nito.
At nang bumalik kami sa kasalukuyan, wala na ang lakas sa katawan ni Aling Mercy.
Nanginginig na umiiyak.
Ngunit sa gitna ng sakit hawak na niya ang isang bagay na matagal niyang hinanap.
Ang katotohanan.
******
THIRD PERSON:
Sa labas ng mga selda, ang pasilyo ay makitid at semento ang sahig, bahagyang basag na sa ilang parte. Ang bawat hakbang ay may echo, parang dinadala ang bigat ng lahat ng kasong hindi pa nareresolba.
Papasok si Darius sa loob, diretso ang tingin nito, kasunod ng isang pulis na may hawak na file. Halata sa kanya ang pagiging sanay sa ganitong lugar, hindi siya nagtatagal sa emosyon, trabaho ang nasa isip.
Habang naglalakad siya sa pasilyo, abala ang kanyang isip sa kasong kailangan niyang silipin.
Ngunit bigla siyang huminto.
Sa harap mismo niya, mula sa kabilang dulo ng pasilyo, may paparating na babae.
Dahan-dahan lang ang lakad nito.
Tahimik.
May suot na mahabang dark coat na bahagyang sumasayad sa sahig, itim na gloves, at sombrerong nakatakip sa ulo. May face mask rin na nagtatago sa kalahati ng mukha nito, kaya tanging mga mata lang ang malinaw na nakikita.
Hindi siya mukhang detainee.
Hindi rin mukhang bisita.
Parang… may sarili siyang mundo sa loob ng presinto.
Habang papalapit sila sa isa’t isa, unti-unting humihina ang ingay sa paligid. Parang kahit ang presinto ay sumunod sa bigat ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
Pero may kakaibang bigat sa hangin na hindi maipaliwanag ni Darius.
Napakunot siya ng noo.
Parang may mali… pero hindi niya alam kung ano.
Ang babae naman ay hindi nagtagal sa tingin. Dire-diretso lang itong naglakad, dumaan sa gilid niya na para bang wala lang.
Isang mahinang amoy ng malamig na hangin at kung anong hindi niya maipaliwanag ang naiwan sa kanyang paligid.
Napalingon si Darius habang papalayo ito.
“Sino siya?” mahinang tanong ni Darius sa pulis na nasa tabi niya, habang sinusundan pa rin ng tingin ang babaeng papalayo sa pasilyo.
Saglit itong nagkibit-balikat, tila nag-aalangan pang magsalita.
“Ah… siya ba?” pabulong nitong sagot, sabay tingin sa dulo ng hallway kung saan unti-unting nilamon ng anino ang babae. “Hindi ko rin masyadong kilala, sir. Pero Aurora Vale ang pangalan niya.”
Napakunot ang noo ni Darius.
“Aurora Vale…”
Tumango ang pulis, saka bahagyang lumapit, tila sinisigurong sila lang ang makakarinig.
“Sa totoo lang, sir… wala halos kumakausap sa kanya dito. Bihira rin siyang magpakita. At kahit nandito siya, parang… hindi siya parte ng lugar.”
Saglit itong nag-atubili bago nagpatuloy.
“Wala ring nagtatangkang lumapit o kumausap sa kanya. Sa mga mata pa lang niya, makikita mo na… mailap siya. Parang may sariling mundong hindi basta pinapapasok ang kahit sino.”
Sandaling natahimik si Darius.
“Ang alam lang namin… pamangkin siya ni Hepe.”
Mas lalo pang sumeryoso ang mukha ni Darius.
“Si Hepe?” ulit niya, mababa ang boses.
Tumango ang pulis.
“Si Hepe Ramon Delos Reyes.”
Isang sandaling katahimikan.
Tanging tunog ng lumang fluorescent light ang maririnig sa pasilyo.
Pagkatapos, tila hindi napigilan ng pulis ang sarili at nagpatuloy, at pabulong pang bahagyang lumapit pa ito sa kanya.
“Alam mo, sir… may mga usap-usapan dito.”
Napatingin si Darius.
Luminga muna ang pulis sa paligid bago nagsalita.
“Kapag pumupunta si Aurora dito… may nahuhuli si Hepe.”
Napakunot lalo ang noo ni Darius.
“May nahuhuli?”
Tumango ito, mabigat ang tingin.
“Oo. Yung mga kasong matagal nang sarado. Yung mga ‘walang suspek,’ ‘walang lead’… bigla na lang nagkakaroon ng resulta.”
Sandaling huminto ang pulis, parang nag-iisip kung dapat pa ba niyang sabihin ang susunod.
Pero sinabi rin niya.
“At lagi raw… after niyang dumalaw, parang may bagong impormasyon si Hepe. Parang alam niya bigla kung saan magsisimula.”
Tahimik.
Mas bumigat ang hangin sa pagitan nila.
“Hindi namin alam kung paano,” dagdag ng pulis, “pero… ang weird lang, sir. Parang siya yung susi sa mga kasong akala namin patay na.”
Muling napatingin si Darius sa dulo ng pasilyo.
Ngunit wala na ang babae.
Tanging malamig na bakas na lang ng presensya nito ang naiwan.
Nanatiling nakatayo si Darius.
DARUIS POV:Mabigat ang katahimikan sa loob ng opisina nang muli akong humarap kina Gabriel at Elena Velasco.Pareho silang mukhang hindi pa rin nakakabangon sa pagkawala ng anak nila.At ngayong hawak ko na ang panibagong findings.Mas lalo kong alam na dudurog ang natitira nilang pag-asa.Dahan-dahan kong inilapag ang folder sa ibabaw ng mesa.Tahimik silang parehong nakatingin sa akin.“May lumabas na pong bagong resulta mula sa forensic investigation,” diretso kong sabi.Napahigpit agad ang hawak ni Mrs. Velasco sa panyo.“Ano pong ibig sabihin no’n?” nanginginig niyang tanong.Huminga ako nang malalim bago nagsalita.“May nakita pong traces ng illegal substance sa katawan ni Adrian.”Agad nanlaki ang mga mata nilang dalawa.“Ano?” halos pabulong na sambit ni Gabriel.“Mababa lang po ang level,” dagdag ko agad. “At base sa assessment ng medico-legal… posible pong hindi siya regular na gumagamit.”“Hindi…” mabilis na umiling si Elena habang unti-unting naiiyak. “Hindi gumagamit ng
DARUIS POV:“Sir.”Napalingon ako sa isa sa mga kasamahan ko.Si Forensic Officer Miguel Ramos.May hawak itong ilang papeles at seryoso ang mukha.“May initial report na po mula sa medico-legal.”Agad akong tumayo.“Lumabas na po ang initial toxicology screening.”Tahimik kong binuklat ang papel.At doon bahagyang kumunot ang noo ko.“Positive?” mababa kong tanong.Tumango si Ramos.“May traces po ng illegal substance sa system ng biktima.”Saglit akong natahimik.“Mataas?”“Hindi po,” sagot niya agad. “Actually… mababa lang ang level.”Napatingin ako sa kanya.“At base sa assessment ng medico-legal…” dagdag niya, “posibleng hindi po siya regular user.”“Meaning?”“Possible na first time… o hindi madalas gumagamit.”Tahimik akong napaisip.Posible pala iyon.Sa toxicology kasi, may mga pagkakataong nakikita kung gaano karami ang substance sa katawan, at minsan nagbibigay iyon ng ideya kung regular bang gumagamit ang isang tao o hindi.At sa kaso ni Adrian parang may hindi tugma.“Ano
AURORA VALE POV:Mahigpit kong hawak ang lumang family picture habang tahimik na nakaupo sa gilid ng kama.Bata pa ako roon.Nasa gitna nina Mama at Papa habang mahigpit nila akong yakap at parehong nakangiti sa camera.Masaya at buo.Isang pamilyang wala pang bahid ng lungkot.Ngunit ngayon tanging larawan na lang ang natitira sa alaala ng gabing iyon.Dahan-dahang pumatak ang luha ko sa ibabaw ng litrato habang nanginginig ang mga daliri kong humahawak dito.Minsan iniisip ko pa rin…Ano kaya ang pakiramdam ng normal na buhay?Iyong hindi kailangang makakita ng dugo.Hindi kailangang marinig ang mga sigaw ng mga patay.Hindi kailangang pasanin ang sakit ng ibang tao.Napapikit ako nang mariin.At sa katahimikan ng kwartong iyon isang mahinang katok ang narinig ko mula sa pinto.“Bakit?” mahina kong tanong habang mabilis na pinupunasan ang luha ko.Dahan-dahan kong ibinalik ang family picture sa ibabaw ng lamisita bago tumingin sa pinto.Pagkabukas no’n bumungad si Rodney na may hawak
AURORA VALE POV:Pagkasakay ko sa loob ng sasakyan, agad kong isinandal ang likod ko sa upuan habang tahimik na nakatanaw sa madilim na kalsada sa labas.Tahimik ang paligid.Tanging mahinang ugong ng makina ang maririnig habang dahan-dahang umaandar ang sasakyan palayo sa presinto.Pero sa isip ko paulit-ulit na bumabalik ang sinabi ni Tito kanina.Magreretiro na siya.“Tuloy na talaga ang pagreretiro ng Tito mo?”Basag ni Rodney sa katahimikan habang nakatuon pa rin ang tingin nito sa kalsada.Bahagya akong napabuntong-hininga bago marahang hinilot ang aking noo.“Uhm.”Mabagal akong tumango bago ipinikit sandali ang mga mata at inihilig ang ulo sa sandalan.“Paano na ’yan?” tanong niya muli. “Tutuloy ka pa rin ba?”Bahagya akong napangiti.Pero kahit ako, ramdam kong walang buhay ang ngiting iyon.“Nandito na ako sa buhay na ’to, Rodney,” mahina kong sagot. “Wala nang dahilan para hindi ko ituloy.”Dahil kahit gustuhin ko mang umiwas, hindi ko kayang pabayaan ang mga kasong humihin
AURORA VALE POV:Habang hawak ko ang dalawang kamay ni Aling Mercy, ramdam ko agad ang panlalamig ng kanyang mga palad, hindi lang dahil sa takot, kundi dahil sa bigat ng katotohanang matagal na niyang hinahanap.Mahigpit ang kapit niya sa akin, parang doon na lang siya kumakapit para hindi tuluyang bumigay.Huminga ako nang malalim.Ito ang bahagi na palagi kong kinatatakutan… hindi para sa sarili ko, kundi para sa kanila.Dahan-dahan kong hinigpitan ang hawak ko sa kanya.“Aling Mercy…” mahina ngunit malinaw kong tawag, “bago po tayo magsimula, kailangan niyo pong tandaan ang isang bagay.”Nanginginig siyang tumango, hindi man lang makatingin sa akin.“Kapag hinawakan niyo po ako… makikita niyo ang nangyari,” patuloy ko. “Hindi lang po piraso ng alaala… kundi ang mismong huling sandali niya.”Saglit akong tumigil, pinipigilan ang bigat ng susunod kong sasabihin.“Maririnig niyo ang mga boses. Makikita niyo ang mga galaw. At mararamdaman niyo… kahit hindi iyon sa inyo nangyari.”Mas
"ANG LIHIM NG SILID ARALAN"UNANG ARAW!!THIRD PERSON:Bumukas ang pinto ng sasakyan.Dahan-dahang bumaba ang isang lalaki, matangkad, matikas, at may presensyang agad nagpapatahimik sa paligid. Malamig ang kanyang aura, at sa paraan pa lang ng paglakad niya, halatang hindi siya basta-bastang imbestigador.Si Chief Inspector Darius Alcantara.Huminto siya sandali, pinagmasdan ang paligid, ang eskwelahang kanina’y puno ng buhay, ngayo’y tila pinigil ang paghinga.“Anong initial report?” tanong niya agad, diretso ang tingin sa scene.Lumapit ang isang pulis at bahagyang yumuko bilang paggalang.“Sir, ang biktima po ay isang estudyante, nakilala bilang si Adrian Velasco. Natagpuan siya kaninang umaga ng isang utility staff sa likod ng campus.”Bahagyang kumunot ang noo ni Darius.“Cause?”“Sa ngayon, sir… pinaghihinalaang self-inflicted. May naiwan pong sulat sa loob ng bag niya.” sagot ng pulis, iniabot ang isang transparent evidence bag.H