LOGINCOLLEN POV:Patuloy na bumuhos ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang alaalang iyon.Akala ko iyon na ang pinakamasakit na bahaging makikita ko.Nagkamali ako.Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko si Adrian.Nakatayo siya sa gilid ng rooftop, nakatalikod sa akin.Mahigpit ang pagkakahawak ng kanyang dalawang kamay sa bakal na railing. Halos mamuti ang kanyang mga daliri sa sobrang higpit.Hindi siya gumagalaw.Ngunit kitang-kita ko ang panginginig ng kanyang mga balikat.Para bang pilit niyang nilalabanan ang lahat ng sakit na bumabalot sa kanya.Maya-maya, dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang mukha sa madilim na kalangitan.Patuloy na umaagos ang kanyang mga luha, puno ng lungkot, takot, at matinding panghihinayang."Adrian..." mahina kong tawag habang patuloy ang pagpatak ng aking mga luha.Hindi ko na kaya pang panoorin siya ganon.."Adrian..." kahit mabigat ang mga paa ko pinilit kong humakbang para lumapit pa sa kanya.Nang makalapit ako sa kanya, agad ko siyang niyakap na
COLLEN POV:Nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan ang alaala sa harapan ko.Ang multo ng nakaraan.Isang tunay na sugat na sa isang iglap ay mabubuksan.Sa harapan ko, naroon parin ang isang ako.At si Adrian.Nakatingin parin sa alalang ako, luhaan, desperado, at halos lumuhod na sa harapan ko habang mahigpit na hawak ang kamay ko.Pulang-pula na ang kanyang mga mata sa kakaiyak at nanginginig ang kanyang buong katawan na para bang natatakot siyang marinig ang sagot na di niya kayang matanggap.“Please, Collen...” nanginginig niyang sambit. “Kahit isa na lang na pagkakataon.”Unti-unting umiling ang alaalang ako.Parang may mabigat na dumagan sa dibdib ko.Alam ko na ang susunod niyang sasabihin.Dahil ako ang babaeng kausap niya.Ako ang babaeng hinihiling niyang huwag siyang iwan.At ako rin ang dahilan kung bakit ganoon ang itsura niya noong gabing iyon. Ang sakit...parang sinasakal na ako na nakikita kung pagdudusa ni Adrian nung gabing iyon..Gusto kong lapitan si Adrian.
COLLEN POV:"Pumikit ka na, Collen," mahinahong utos ni Ate Aurora.Tahimik akong tumango bago dahan-dahang ipinikit ang aking mga mata.Mahigpit kong hawak ang kamay ni Ate Aurora habang tahimik na nakikiramdam sa loob ng silid. Sa una, tila wala namang kakaiba. Naririnig ko pa ang mahinang ugong ng malaking elisi sa kisame, at ang malamig na hangin ay marahang dumadampi sa aking balat.Ngunit maya-maya, parang may nagbago.Unti-unting lumalim ang katahimikan. Maging ang ugong ng elisi ay tila naglaho.May kakaibang pakiramdam na unti-unting bumalot sa akin. Bigla na lang akong kinilabutan, kahit wala naman akong nakikitang kakaiba.Nagsimula iyon bilang isang malamig na sensasyon sa aking palad kung saan magkadikit ang kamay namin ni Ate Aurora. Sa una ay mahina lamang iyon, halos hindi ko mapansin, ngunit mabilis itong lumalim at gumapang paitaas sa aking mga braso.Napahigpit ang hawak ko sa kanyang kamay.Unti-unting umabot ang lamig sa aking dibdib hanggang sa tila tuluyan na ni
THIRD PERSON:Tahimik ang paligid, ngunit ang hanging dumadaloy sa loob ng silid ay tila puno ng mga bagay na ayaw pang sabihin ng katotohanan.Si Calex ay nakatayo sa gitna ng kwarto, nakapalibot sa kanya ang mga dingding na puno ng litrato ni Adrian.Bawat larawan ay parang may sariling tinig, bawat isa ay may bitbit na alaala na ayaw na sanang balikan, ngunit hindi niya maiwasan.Dahan-dahan siyang lumapit sa pader na puno ng mga litrato. Naroon ang mga larawan nila ni Adrian, mga simpleng kuha ng kanilang mga ngiti at tawanan.Sa iba, ordinaryong pagkakaibigan lamang ang makikita sa mga iyon.Ngunit si Calex lang ang nakaaalam ng tunay na kuwento sa likod ng bawat larawan. Ang bawat ngiti ni Adrian ay minsang naging dahilan ng kanyang saya, at ang bawat larawang nakapaskil sa pader ay saksi sa relasyong pinili nilang itago.Sa bawat hakbang niya, bumibigat ang kanyang paghinga.Para bang ang buong silid ay humihigop ng lakas niya.“Adrian…” mahina niyang banggit, ngunit walang sag
▪️▪️▪️✨✨✨PANGATLONG ARAW: ANINO NG PAGDUDUDA✨✨✨▪️▪️▪️THIRD PERSON:“Nanggaling na rin kami kagabi sa bahay ni Adrian para maghanap ng iba pang impormasyon,” sabi ni Darius kasabay ng isang mabigat na buntong-hininga. Bahagya niyang inayos ang hawak na folder bago muling tumingin kay Collen.“At may ilang bagay kaming gustong malinawan, Collen,” dugtong pa niya habang seryosong nakatingin sa dalaga.Hindi agad nakapagsalita si Collen. Bahagya siyang napayuko habang pilit na inihahanda ang sarili sa kung anumang sasabihin ng imbestigador. Makalipas ang ilang segundo ay marahan siyang tumango bilang hudyat na handa siyang makinig.Dahan-dahang binuksan ni Darius ang folder na dala niya at isa-isang sinilip ang mga dokumentong nasa loob nito.“May lumabas na findings sa autopsy ni Adrian.”Agad na napatingin si Collen sa kanya.Naramdaman niyang biglang bumigat ang kanyang dibdib habang hinihintay ang mga susunod na sasabihin nito.“At base sa toxicology report,” diretsong saad ni Darius
THIRD PERSON:Binalot ng katahimikan ang rooftop ng campus. Habang unti-unting nilalamon ng gabi ang buong eskwelahan, tanging malamig na hangin lamang ang marahang dumaraan sa paligid, tila sumasabay sa bigat ng damdaming bumabalot sa gabing iyon.Sa gilid ng rooftop, malapit sa bakal na railings, mag-isang nakatayo si Collen. Nakatanaw siya sa malayo habang hinahaplos ng malamig na simoy ng hangin ang kanyang mukha.Kapansin-pansin ang kanyang mga matang namumugto pa rin sa kakaiyak. Bakas sa kanyang anyo ang matinding lungkot at sakit na pilit niyang kinikimkim. Sa gitna ng tahimik na gabi, tila siya lamang ang natitirang gising, habang unti-unting nilalamon ng kadiliman ang lahat ng nasa paligid niya.Mahigpit na nakahawak si Collen sa kanyang cellphone habang paulit-ulit na pinagmamasdan ang mga larawang kasama niya si Adrian. Bawat litrato ay tila isang paalala ng mga sandaling kailanman ay hindi na maibabalik.Hanggang sa mga oras na iyon, hindi pa rin niya matanggap ang pagkawa
DARUIS POV:“Sir.”Napalingon ako sa isa sa mga kasamahan ko.Si Forensic Officer Miguel Ramos.May hawak itong ilang papeles at seryoso ang mukha.“May initial report na po mula sa medico-legal.”Agad akong tumayo.“Lumabas na po ang initial toxicology screening.”Tahimik kong binuklat ang papel.
AURORA VALE POV:Mahigpit kong hawak ang lumang family picture habang tahimik na nakaupo sa gilid ng kama.Bata pa ako roon.Nasa gitna nina Mama at Papa habang mahigpit nila akong yakap at parehong nakangiti sa camera.Masaya at buo.Isang pamilyang wala pang bahid ng lungkot.Ngunit ngayon tangin
AURORA VALE POV:Pagkasakay ko sa loob ng sasakyan, agad kong isinandal ang likod ko sa upuan habang tahimik na nakatanaw sa madilim na kalsada sa labas.Tahimik ang paligid.Tanging mahinang ugong ng makina ang maririnig habang dahan-dahang umaandar ang sasakyan palayo sa presinto.Pero sa isip ko
AURORA VALE POV:Habang hawak ko ang dalawang kamay ni Aling Mercy, ramdam ko agad ang panlalamig ng kanyang mga palad, hindi lang dahil sa takot, kundi dahil sa bigat ng katotohanang matagal na niyang hinahanap.Mahigpit ang kapit niya sa akin, parang doon na lang siya kumakapit para hindi tuluyan







