Kabanata 55 "Pamana at Pagsubok"
Habang nasa opisina ng Chase Donovan Enterprises, nakaupo si Chase sa kanyang swivel chair, nakatingin sa malayo habang ang kanyang isip ay puno ng mga tanong. Bakit siya biglang ipapatawag ng kanyang Lolo? May kinalaman ba ito sa mga nangyayari sa kompanya? O may mas malalim pang dahilan?Sa gitna ng kanyang pag-iisip, biglang tumunog ang kanyang cellphone, Kinuha niya ito mula sa kanyang mesa at nakita ang pangalan ng kanyang sekretarya sa screen."Mr. Donovan, nasa linya po si Don Esteban. Gusto po kayong makausap." Tumawag na sakin si Lolo kanina tumawag naman ulit.Napabuntong-hininga si Chase bago sinagot ang tawag. "Lolo?""Chase, umuwi ka ngayon din sa Donovan Mansion. May mahalaga akong sasabihin saâyo," direktang sabi ng kanyang Lolo, walang pasikot-sikot."Ngayon din?" tanong ni Chase, bahagyang naguguluhan. "Nasa opisina pa ako. Ano ba angâ""Basta, umuwi ka na. Huwag mo akonKabanata 56 "Sa Piling ng Ala-ala"Habang papalabas na si Chase mula sa Donovan Mansion, isang pamilyar ngunit matigas na tinig ang pumigil sa kanya."Chase!"Tumigil siya sa paghakbang at dahan-dahang lumingon. Nakita niya ang kanyang ama, si Chester Donovan, nakatayo sa may pintuan ng opisina ng kanyang Lolo. May matigas na titig ito, puno ng determinasyon at hinanakit."Ako ang ama mo, Chase," matigas na sabi ni Chester. "Andito pa ako. Dapat ako ang humahawak sa kumpanya, hindi ikaw!"Napangisi si Chase, ngunit wala ni bahagyang saya sa kanyang mga mata. "Dadâikaw ang humawak noon, pero anong ginawa mo? Muntikan nang malugi ang kumpanya sa mga maling desisyon mo. Kung inayos mo pa sana, eh di ikaw pa rin ang namumuno hanggang ngayon."Napalunok si Chester, ngunit hindi siya natinag. "Hindi mo naiintindihan ang lahat ng nangyariâ""Isa pa, Dad," putol ni Chase. "Kung may reklamo ka, wag ako ang kausapin mo tungkol diy
Kabanata 57: Pagitan ng Dalawang MundoMadilim at tahimik ang paligid nang dumating si Chase sa lumang bahay ni Emma. Ang dating tahanan na puno ng masasayang alaala ay ngayoây tila napag-iwanan ng panahon. Huminga siya ng malalim bago bumaba ng sasakyan, tangan ang isang papel na kanina pa bumabagabag sa kanyang isipan."Regret to inform you that due to your failure to settle the remaining balance, the property located at Lot 23, Greenfield Subdivision, Quezon City, will be foreclosed within thirty (30) days."Mahigpit niyang hinawakan ang papel. Alam na niya ang tungkol sa bahayâito ang dahilan kung bakit pumayag si Emma na magpakasal sa kanya. Alam niyang sa simula pa lang ito na ang pinaka importanting bagay para sa kanya. Luma na pero pag ni-renovate ito ay gaganda ito. Dahan-dahan siyang lumapit sa pintuan at kumatok. "Emma?"Walang tugon.Pinisil niya ang doorknob at bahagyang itinulak ang pinto. Hindi naka-lock. Dah
Kabanata 58: Kasunduan at Lason Isang mainit na umaga ang sumalubong kina Chase at Emma kinabukasan. Magkayakap silang natulog sa lumang sofaâpagod ngunit kontento, tila ba ang lahat ng sakit ay nahilom kahit panandalian lamang. Ngunit sa bawat saya, may laging nakatagong paalala. Habang nakahiga pa si Emma sa braso ni Chase, nag-ring ang cellphone nito. Tumayo si Chase upang sagutin. Isang mensahe mula sa legal team. âReminder: One-year marriage agreement clause to be reviewed before final processing of title transfer to spouse.â Nanigas ang katawan ni Chase. Isang taon. Hindi lang basta kasunduanâisang kontratang sinang-ayunan nilang dalawa. Ngunit ngayon, sa bawat sandaling kasama niya si Emma, lumalabo ang hangganan ng kasunduan at ng tunay na damdamin. Bumalik siya sa tabi ni Emma, pinagmamasdan ang mapayapa nitong mukha. âIsang taon lang ba talaga?â tanong ng isipan niya, ngunit hindi niya na kayang banggitin sa babae ang laman ng mensahe. --- Lumipas ang mga araw
Kabanata 59 â Flashback ni Chase Hawak pa rin ni Chase ang confidential report mula sa private investigator habang nakaupo sa study room ng penthouse. Ilang minuto na siyang tahimik, pero ang isip niya, bumabalik sa isang gabiâdalawang taon na ang nakalipas.Noong sila pa ni Victoria.Hindi niya makakalimutan ang eksenang iyon. Paakyat siya noon sa isang hotel sa Makati kung saan gaganapin ang surprise dinner na inihanda niya para sa anniversary nila. Pero bago pa siya makarating sa private function room, dumaan siya sa lobbyâat doon niya nakita si Victoria.Kasama ang isang lalaking banyaga. Nakasuot ito ng fitted dress, at habang nakaupo sa couch ng lobby, may halik ito sa pisngi ng lalaki, at tila may hinihintay silang room assignment.Nanigas si Chase noon. Gusto niyang lapitan, tanungin, komprontahin. Pero pinili niyang umalis nang hindi nagpapakita.At mula noong gabing âyon, unti-unti siyang lumamig kay Victoriaâhanggang
KABANATA 60Pusong PiniliMaagang dumating si Emma sa penthouse ni Chase. Bitbit ang laptop at ilang dokumento, handa na siyang tumulong sa mga susunod na meeting na ipina-schedule ni Chase.Pagbukas niya ng pinto, nandoon na si Chase, nakasuot ng simpleng white shirt at dark slacksâkalmado, pero may kakaibang ngiti sa labi.âHanda ka na ba?â tanong ni Chase, habang sinisipat ang laman ng kanyang bag.Tumango si Emma. âMeeting with the investors, right?âChase nodded. âMahalaga âto. One week tayong mawawala.âHindi na nagtaka si Emma. Business trip, gaya ng dati. Pero may kutob siyang may kakaiba ngayon. Lalo naât si Chase mismo ang nagpa-pack ng maletaâat hindi para sa formal meetings.Pagkalipas ng ilang oras, nasa private jet na sila. Tahimik si Emma habang binabalikan ang itinerary na ibinigay sa kanya ni Mia. Pero wala ni isang pangalan ng investor ang pamilyar. Karamihan ay walang detalye.âChase?
KABANATA 61: Kapalit ng Isang Bag ng DugoTahimik ang silid. Tanging mahinang beep ng monitor ang maririnig. Nasa kalagitnaan pa ng tulog si Emma, ang mukha niya ay payapa, pero may bahid ng pagod at panghihina.Sa gilid ng kama, unti-unting bumangon si Chase. Muling tinapunan ng tingin ang mukha ni Emmaâtila ayaw niyang umalis. Ngunit kailangan.Mabigat ang mga hakbang niya habang palabas ng silid, bitbit ang bigat ng kasunduang kailanman ay hindi niya ginustong pasukin. Habang naglalakad siya sa hallway ng ospital, isang tawag ang muling pumasok sa kanyang telepono.Victoria.At gaya ng inaasahan, wala siyang ibang magawa kundi sagutin ito.âPupunta na ako,â mahinang sagot niya bago tuluyang pinutol ang tawag.Naisip niya ang sinabi ng doctor na nag-asikaso ky Emma, pag umulit muli na mahimatay ang pasyente kailanganin niya ulit ng Isang bag pa na dugo at ini-examin pa namin sa laboratory ang dugo niya, at kung pag gis
KABANATA 62 "Paniningil"Isang sunod-sunod na missed calls mula kay Victoria ang bumungad kay Chase pagkagising niya. Wala siyang planong sagutin. Ilang araw na rin siyang iniiwasan ang babaeâat alam niyang hindi ito basta titigil.Habang nasa opisina, may dumating na bagong mensahe:Victoria:âMay pinirmahan tayong kasunduan, Chase. Hindi mo pwedeng baliwalain iyon.âNapakurap si Chase. Sa dami ng iniisip niya ngayon, ito pa ang sumingit."Kasunduan?" bulong niya sa sarili.Hindi niya maintindihan kung bakit biglang nagkakaganito si Victoria. Noon, malinaw naman sa usapan nilang walang personalan. Pero ngayon, parang may ibang hinihingi ang babae. Mas higit pa sa napagkasunduan nila.Habang pinagmamasdan niya ang mensahe, napailing siya. Hindi niya kayang harapin ito ngayon. Hindi pa.Sa gitna ng lahat ng ito, si Emma ang laman ng isipan niya.Bagamaât ilang araw na rin ang lumipas, hindi niya maga
KABANATA 63"Babala"Madaling araw na, ngunit hindi pa rin mapakali si Chase.Nakatitig siya sa screen ng kanyang laptop, habang sunod-sunod ang paglabas ng mga email na hindi man lang niya nababasa. Sa halip, nakabukas ang isang folderâCCTV snapshots. Mga larawang galing sa taong inutusan niyang bantayan si Emma mula sa malayo.Isang larawan ang nanlamig sa puso niya.Si Emma, mahimbing na natutulog sa sofa. Yakap ang throw pillow, at nakasilip ang kaliwang paa sa gilid ng kumot. Kita sa mukha ang pagod, ngunit mas matindi roonâang lungkot.Napapikit si Chase. Anong ginagawa ko? Bakit niya ito pinapayagang masaktan?Gusto niyang tawagan si Emma. Gusto niyang puntahan ito, yakapin, humingi ng tawad, ipaliwanag ang lahat. Pero may isa pang bagay na kailangang harapin. Mas delikado. Mas mapanganib.Tumunog ang cellphone niya.Unknown number. Pero hindi na niya kailangang hulaan. Alam na niya kung sino ito
Kabanata 99: "PANATAG SA GITNA NG BAGYO"Matapos ang mabigat na usapan, tahimik na pinatulog nina Chase at Emma si Amara. Maingat si Emma habang hinahaplos ang buhok ng kanilang anak na mahimbing nang natutulog sa kwarto nito.Pagbalik niya sa living room, nadatnan niya si Chase na nakaupo sa sofa, nakasandal ang ulo at tila wala sa sarili. Mabigat pa rin ang mga mata nitoâhindi lang dahil sa pagod, kundi dahil sa bigat ng damdaming pinipigil.Lumapit si Emma at mahinang tinapik ang balikat ni Chase. "Halika na," wika niya, may ngiti sa mga labi. "Ang bigat ng gabi. Gusto kitang aliwin kahit saglit lang."Tinaasan siya ng kilay ni Chase. "Aliw?" tanong nito, may bahid ng pagtataka.Tumango si Emma at hinawakan ang kamay niya. "Wine tayo. 'Yung luma mong tinatago sa wine cellarâpanahon na para buksan mo 'yon."Napangiti si Chase kahit pilit. Tumayo siya at naglakad kasunod ni Emma patungo sa wine area ng penthouseâisang mala-silid
Kabanata 98: Lason sa Likod ng PangalanSa Penthouse ni Chase DonovanSa itaas ng isang matayog na building sa Makati, ang penthouse ni Chase ay isang modernong oasis ng kapayapaan at kapangyarihan. Ang malalaking salamin na bintana ay nag-aalok ng isang panoramic na view ng buong lungsod. Ngunit ngayon, ang kalangitan ay madilim, at ang mga ilaw mula sa mga gusali ay kumikislap na parang mga alitaptap sa gabing walang hangin.Tahimik ang penthouse, maliban sa tunog ng mga click ng keyboard mula sa desk kung saan si Chase ay abala sa pagtanggap ng mga updates tungkol sa plano niyang pagbagsak kay Victoria.Hindi siya nakatayo mula sa kanyang desk. Hindi pa rin siya umiimik. Ang mga mata niyang nakakuyom sa galit, nanatiling nakatutok sa screen habang ang mga ebedensya laban kay Victoria ay ipinadala sa lahat ng pangunahing media outlet.---Paniniwala ni ChaseHabang tinatanggap ni Chase ang mga update sa kanya
Kabanata 97: Simula ng PagbagsakSa malamig na opisina ng Donovan Enterprises, hindi gumagalaw si Chase Donovan habang nakatitig sa isang folder sa harap niya.Hindi ito ordinaryong dokumento.Ito ang folder na naglalaman ng lahat ng kasinungalingan, panlilinlang, at pagkakadamay niya sa isang kasalang hindi niya pinili.Victoria Laurent.Isang pangalan na kailanman ay hindi niya pinangarap maging bahagi ng buhay niya.---Flashback: Ang Sikretong Nakaraanlimang taon bago ang lahat ng kaguluhang ito, dumalo si Chase sa isang private event para sa VIP investors ng kumpanya.Kasama ang ilang bigating pangalan sa mundo ng negosyo, ang gabi ay puno ng mamahaling alak, malalakas na tawanan, at mataas na presyon para makuha ang kanilang tiwala. At sa kaning side ng upuan nakita niya si Alessandra, kaya nga ito ang kanyang napagbintangan nuon.Bilang respeto, kahit hindi siya mahilig sa alak, uminom
Kabanata 96: Pagputok ng KatotohananAng malamig na ihip ng hangin ay tila nagbibigay ng hudyat ng isang malupit na pagsabog ng katotohanan.Sa loob ng isang eleganteng hotel ballroom, tahimik na naglakad si Victoria Laurent. Suot niya ang isang ivory white na damit na simple ngunit matapang ang dating, sinadya niyang magmukhang inosente sa panlabas, ngunit sa loob niya ay nagngangalit ang apoy ng galit at paghihiganti.Nakahawak siya sa isang itim na leather folder â laman nito ang mga dokumentong magpapabagsak kay Chase Donovan.Sa isang gilid ng silid, abala ang media. May mga camera, mikropono, ilaw na sumasabog ng liwanag, at mga reporter na sabik sa eksklusibong balita. Naroon ang mga kinatawan ng pinakamalalaking news outlets â alam ni Victoria, kapag nagsalita siya ngayon, walang makakapigil sa pagkalat ng kwento."Everything is set, ma'am," bulong ng kanyang PR manager.Tumango lamang si Victoria, malamig ang ekspre
Kabanata 95: Taliwas na LandasSa mga sumunod na araw, nagpatuloy ang pagpapalakas ni Victoria ng kanyang mga hakbang laban kay Chase. Hindi siya tinatablan ng pagod, at ang galit na nararamdaman niya ay patuloy na tumitindi. Habang si Chase ay abala sa pag-aayos ng mga business matters at personal na buhay, si Victoria naman ay tahimik na nagmamasid, pinapalakas ang kanyang plano sa likod ng mga pader ng kanyang pamilya.---Pagharap ni Victoria kay ChaseIsang hapon, tumawag si Victoria sa opisina ni Chase at nagtakda ng isang private meeting. Gusto niyang iparating ang mga kahihinatnan ng plano niyang masira ang buhay ni Chase, ngunit alam niyang hindi pa siya handa upang ipakita ang lahat ng kanyang baraha.Pagdating ni Victoria sa opisina ng Donovan Enterprises, binati siya ni Chase na may kalmado at matigas na anyo."Victoria," sabi ni Chase, "Whatâs this all about? Kung may problema ka pa, I suggest we settle it profe
Kabanata 94: Paglabas ng KatotohananAng sunod na araw ay puno ng alingawngaw ng mga balita. Si Chase Donovan ay hindi nakaligtas sa mga epekto ng kanyang pahayag. Sa mga sulok ng media, hindi lamang ang kanyang mga personal na desisyon ang binabatikos â ang pamilya ng mga Laurent ay nagbabanta na kumuha ng legal na hakbang.Sa isang tahimik na opisina sa loob ng Donovan Enterprises, si Chase ay nakaupo sa harap ng kanyang desk, nakatingin sa mga papeles, ngunit ang isip ay malayo. Ang tanong na paulit-ulit niyang iniisip: âPaano ako makakalabas sa lahat ng ito?âBilang CEO ng isang malaki at respetadong kumpanya, hindi pwedeng basta-basta matabunan ang mga isyung ito. Sa kabila ng kanyang pagiging malupit at matatag sa negosyo, ang kanyang puso ay naguguluhan sa sitwasyong ito â at higit sa lahat, ang kalooban niya ay tinatablan ng pag-aalala."Ito na ba ang simula ng lahat ng ito?" tanong ni Chase sa sarili, ang mga mata ay nakatutok sa dokument
Kabanata 93: PagguhoHabang pinapalabas sa media ang eksklusibong pahayag ni Chase Donovan, napatitig si Victoria sa malaki nilang TV screen, nanlalamig ang buong katawan."What?" bulalas niya, nanginginig ang boses. "Our marriage is fake?!"Tumayo siya, natataranta at hindi makapaniwala."No... no! Hindi ako naniniwala! Hindi ito totoo!" Sigaw niya, habang unti-unting tumutulo ang mga luha sa kanyang pisngi. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pinipigilan ang sarili sa pagbagsak.Umiiyak siya nang tuluyan, halos hindi makahinga sa bigat ng nararamdaman. Napalingon siya sa kanyang mga magulang, na kapwa napatitig sa kanya nang may halong awa at galit."Mom... Dad... what should I do now?" nauutal niyang tanong sa gitna ng pag-iyak."Peke ang kasal namin ni Chase! Hindi ko ito matatanggap..."Napasinghap si Mrs. Laurent habang hinahagod ang likod ng anak. Si Mr. Laurent naman ay mariin ang pagkakatitig sa telebisyon,
Kabanata 92 - Umpisa ng KaguluhanTahimik ang buong ospital. Walang umiimik. Parang may dumaan na malakas na hanginâlahat ay tila huminto sa oras.Ang mga ilaw sa corridor ng ospital ay tila naging malamlam, at ang bawat tao sa paligid, maging ang mga nurse at doktor na dumadaan, ay tila naging mga anino lamang sa paningin ni Chase Donovan.Nakaupo siya sa isang silya sa loob kung nasaan si Don Esteban ang mga siko niya ay nakapatong sa tuhod, at ang dalawang kamay ay nagkukuyom. Hindi niya maialis ang bigat sa dibdib niya. Sa bawat segundo ng katahimikan, lalo lamang niyang nararamdaman ang bigat ng sitwasyong kinasasadlakan niya.Si Emma naman ay nakaupo sa kabilang gilid, yakap-yakap ang kanilang anak na ngayon ay mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig. Hindi niya malaman kung saan siya huhugot ng lakas, pero ang presensya ng kanyang anak ang nagsisilbing tanging dahilan upang hindi siya tuluyang bumigay.Ang mga tao sa paligid ni
KABANATA 91: Pagbabalik at Pagpapakilala Tahimik ang loob ng ospital habang tinatahak nina Emma, Chase, at Amara ang pasilyo patungo sa private room ni Don Esteban. Ang bawat hakbang ay may kasamang kaba at bigat ng alaala. Mahigpit ang hawak ni Emma sa maliit na kamay ni Amara, habang si Chase naman ay tila hindi makapaniwalang sa wakas, heto naâang pagkakataong maipakilala ang anak sa ama. âMatagal ko nang hinintay âtong sandaling âto,â bulong ni Chase sa sarili, tinatapik ang dibdib na tila baây may tinatagong pagsisisi at takot. âMakikita na rin niya si AmaraâĶ ang apo niyang ilang taon niyang hindi nasilayan.â Pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanila ang maputlang anyo ni Don Esteban, nakahiga ngunit mulat na ang mga mata, mabagal man ang kilos ay naroon ang liwanag sa kanyang tingin. Parang muling nagbalik ang lakas sa pagtama ng paningin niya kay Chase. âChaseâĶâ mahinang tawag ng matanda. âDâdadâĶâ Napang