Share

CHAPTER (5)

last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-12 16:56:24

KABANATA 5 – ALOK

Minsan, ang solusyon sa pinakamalaking problema mo ay ang taong hindi mo inaasahang magiging bahagi ng buhay mo.

---

Pagkatapos ng tawag mula sa kanyang lolo, nanatiling tahimik si Chase habang nakatitig kay Emma. Maraming bagay ang tumatakbo sa kanyang isipan—ang presyon mula sa kanyang pamilya, ang pangangailangan niyang maghanap ng asawa upang mapanatili ang kanyang posisyon sa kumpanya, at ang hindi maipaliwanag na koneksyon niya kay Emma.

Ngunit higit sa lahat, may isang tanong na hindi niya mawaglit sa isipan. Bakit siya?

Marami nang babaeng ipinakilala sa kanya. Marami ang nagkandarapa para makuha ang kanyang atensyon. Pero wala ni isa sa kanila ang nagbigay sa kanya ng ganitong kakaibang hamon. Si Emma lang.

At ngayon, narito siya, kaharap ito, pinagmamasdan ang tila magkahalong pagtataka at kaba sa kanyang mga mata.

Tahimik si Emma, pero halata sa kanyang mukha ang pagkalito. May kung anong bumabagabag sa kanya habang pinagmamasdan ang lalaking nasa harapan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ito makatingin—parang sinusuri siya, parang may nalaman itong hindi niya pa alam tungkol sa sarili niya.

Nagtagpo ang kanilang mga mata.

"May tanong ako sa'yo, Emma," basag ni Chase sa katahimikan.

Napalunok si Emma. "Ano 'yon?"

Lumapit si Chase at sumandal sa mesa niya, ang isang kamay ay nakaipit sa bulsa ng kanyang slacks habang ang isa ay bahagyang nakapatong sa gilid ng lamesa.

"I know na may problema ka tungkol sa bahay mo."

Napapitlag si Emma. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

"A-anong ibig mong sabihin?" Nagkunot ang kanyang noo, agad siyang nag-alala. "Paano mo nalaman?"

Nagkibit-balikat si Chase, kaswal na inilagay ang kanyang mga kamay sa bulsa. "Pinaimbestigahan kita."

Nanlaki ang mga mata ni Emma, at sa isang iglap, nawala ang kaba niya—napalitan ng inis.

"Pinaimbestigahan mo ako?!"

Hindi man lang nagbago ang ekspresyon ni Chase. "I don’t trust people easily, Emma. I had to make sure na hindi ka isang oportunista."

Napasinghap siya. Hindi niya alam kung mas matatakot ba siya o mas maiinis sa pagiging arogante ng lalaking ito.

"Hindi mo ba alam na invasion of privacy 'yan?"

"I don't care," sagot nito nang walang emosyon. "At least, now I know kung anong klaseng tao ka."

Nablangko ang isip ni Emma. Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. Sino ba ang lalaking ito para pakialaman ang buhay niya nang ganito?

Pero ang mas nakakatakot… paano kung tama si Chase? Paano kung wala siyang ibang pagpipilian kundi tanggapin ang alok nito?

Nagtagal ang katahimikan sa pagitan nila. Hanggang sa muling nagsalita si Chase.

"Gusto kong tulungan ka."

Napatitig si Emma sa kanya, hindi makapaniwala. "Bakit? Bakit mo gagawin ‘to?"

Isang matalim na ngiti ang lumitaw sa labi ni Chase. "Simple lang," sagot nito, ang tinig ay bahagyang bumaba na para bang may pinaplano siyang isang bagay na hindi niya matatanggihan. "Kailangan kong magpakasal."

Para siyang binatukan ng katotohanan.

"Ano?!" Hindi niya napigilan ang pagtaas ng kanyang boses.

Napansin niyang hindi man lang kumurap si Chase sa kanyang reaksyon. Para bang inaasahan na nito ang magiging tugon niya.

"My grandfather is forcing me to settle down," patuloy ni Chase, binabasa ang kanyang ekspresyon. "At kung hindi ko iyon gagawin, posibleng mawala sa akin ang kumpanyang ito."

Napakurap si Emma. Alam niyang matindi ang pressure kay Chase bilang CEO, pero hindi niya akalaing pati personal nitong buhay ay kontrolado ng pamilya nito.

"Ano naman ang kinalaman ko diyan?"

Isang mapanganib na ngiti ang lumitaw sa labi ni Chase.

"Ikaw ang magiging asawa ko, Emma."

Nanigas ang katawan niya.

"Ano?!" Para siyang sinampal ng katotohanan. "Nagbibiro ka ba?"

"Hindi ako nagbibiro." Chase stepped closer, his voice dangerously calm. "You need money, and I need a wife. Kung papayag ka sa kasunduan ko, mawawala na ang problema mo sa bahay mo."

Napakapit si Emma sa strap ng kanyang bag, gulat at kaba ang nangingibabaw. Hindi niya alam kung isang panaginip lang ba ito, pero ang sigurado siya—hindi ito biro.

"Ano ang kapalit?" bulong niya, hindi sigurado kung gusto niyang marinig ang sagot.

"Pagkatapos ng kasal, kapag nakuha ko na ang tiwala ng pamilya ko, maghihiwalay tayo. Walang komplikasyon. Wala tayong dapat na maramdaman sa isa’t isa."

Napasinghap si Emma.

"A fake marriage…" bulong niya sa sarili.

"A convenient deal," pagwawasto ni Chase.

Napatitig si Emma kay Chase. Sa lalaking akala niya ay walang ibang iniisip kundi negosyo. Ngunit ngayon, nasa harapan niya ito, nag-aalok ng isang bagay na hindi niya inasahang maririnig mula rito.

At mas nakakatakot… alam niyang hindi siya basta makakatanggi.

Naglaro sa isipan niya ang posibilidad. Isang kasunduan para sa kanya, isang paraan para mailigtas ang bahay niya—ang huling alaala ng kanyang pamilya.

Kaya ba niyang gawin ito? Kaya ba niyang pumasok sa isang kasunduan kung saan ang puso niya ang maaaring maging kapalit?

Alam niyang mali. Alam niyang delikado.

Pero isang bagay ang sigurado…

Mula sa sandaling ito, hindi na magiging normal ang buhay niya. Kung papayag siya sa alok ni Mr. Donovan.

Napatingin si Emma kay Chase, pilit inaarok ang intensyon nito. Para sa isang lalaking may kayamanan at kapangyarihan, bakit siya? Bakit hindi na lang isang babaeng mula sa parehong mundo nito—isang taong mas angkop sa lifestyle at status ng isang Chase Donovan?

"Bakit ako?" Mahinang tanong niya, halos hindi niya namalayang lumabas ang mga salitang iyon sa kanyang bibig.

Muling lumalim ang titig ni Chase, na para bang tinatasa ang bawat emosyon sa mukha niya. "Dahil ikaw ang tamang pagpipilian."

"Kahit na hindi mo ako ganap na kilala?"

"Hindi ko kailangang malaman ang lahat tungkol sa’yo para makita ang halaga mo," sagot ni Chase.

Hindi sigurado si Emma kung insulto ba iyon o papuri, pero ang sigurado siya—hindi niya kayang basahin ang lalaking ito.

"At kung tumanggi ako?"

Tumigil si Chase, saka ngumiti nang bahagya. Isang ngiting hindi niya mawari kung mapanukso o may bahid ng babala.

"Hindi mo tatanggihan," sagot nito nang may kumpiyansa. "Dahil alam mong wala kang ibang pagpipilian."

At sa sandaling iyon, napagtanto ni Emma…

Ang laro ay nagsisimula pa lang.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [105]

    Kabanata 105 – Bagong SimulaMalamig ang simoy ng hangin nang lumabas ako ng hotel. Ilang beses kong pinunasan ang mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak, ngunit para bang may sariling buhay ang mga ito—patuloy na dumadaloy kahit ayaw ko na.Tumigil sa tapat ko ang isang taxi, at marahan akong sumakay.“Sa Quezon City po,” mahina kong sabi, halos paos ang boses.Tahimik ang biyahe. Tanging tunog lang ng ulan sa salamin ng sasakyan ang maririnig, at bawat patak ay parang kasabay ng bigat ng dibdib ko.Habang nakasandal ako sa bintana, bumalik sa isip ko ang lahat—ang malamig na tinig ni Chase, ang masasakit niyang salita, at ang paraan ng pagtalikod niya na parang wala kaming pinagsamahan.Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali.Bakit parang ang bilis niyang nagbago?Pagdating ko sa harap ng bahay, matagal muna akong nanatiling nakaupo sa taxi. Tinitigan ko ang lumang bahay na ito—ang bahay na minahal ko, at ang tanging hindi k

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [104]

    Kabanata 104 : "Ang Huling Hatol ni Chase" Ang paligid ng banyo sa marangyang hotel ay nagpalakas sa mga alingawngaw ng aking desperadong pag-iyak. Dumaloy ang mga luha sa aking mukha, tila repleksyon ng mga nabasag na pangarap na nakakalat sa pagitan namin. Mahigpit kong hinawakan ang kuwelyo ng damit ni Chase Donovan — puno ng pagmamakaawa ang kapit ko, na para bang ang paghawak sa kanya ang tanging makapipigil sa tuluyang pagguho ng aming perpektong mundo.“Chase, please,” pagsusumamo ko, nanginginig ang boses sa hindi makapaniwalang kalungkutan. “Mukha tayong perpektong masaya, planado na natin ang lahat. Paano mo lang kayang itapon ang lahat ng ‘yon?”Bawat salita ay isang pakiusap na makita niya ang pag-ibig na minsang pinagsaluhan namin.Ngunit ang kanyang tinig ay pumutol sa hangin na parang malamig na hangin sa taglamig.“Emma, hindi ko na kaya ito.”Sa mabilis na kilos, inalis niya ang sarili mula sa pagkakahawak ko, iniwan akon

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [103]

    CHAPTER 103: Ang Gabi ng Katotohanan(Narrator’s POV)Tatlong araw na ang lumipas mula nang magdesisyon si Chase Donovan na magdaos ng isang espesyal na event sa mismong gusali ng Donovan Enterprises. Ayon sa kanya, ito raw ay “pasasalamat sa mga taong patuloy na nagtitiwala.”Pero sa likod ng bawat ngiti at palamuti, may itinatagong plano si Chase — isang gabi ng katotohanan.---(Chase’s POV)Nakatayo ako sa harap ng salamin sa dressing room ng opisina ko.Suot ko ang isang custom-made black tuxedo, may manipis na silver lining sa gilid ng blazer. Ang inner shirt ay kulay puting garing, at sa bulsa ng coat ay nakaayos ang dark wine-red pocket square — kulay ng kumpanyang itinayo ko.Sa braso ko ay nakasabit ang Rolex na galing pa kay Don Esteban, at sa bulsa ng pantalon ay nakatago ang maliit na sulat na ilang gabi ko nang paulit-ulit na binabasa.Huminga ako nang malalim.“Handa na po ang lahat,

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [102]

    CHAPTER 102: Mga Lihim sa Likod ng Salamin(Chase’s POV)Kinaumagahan, tumila na ang ulan, pero hindi pa rin humuhupa ang bigat sa dibdib ko.Pagpasok ko sa Donovan Enterprises, sinalubong ako ng pamilyar na amoy ng kape at papel — pero iba na ang pakiramdam ngayon.Habang naglalakad ako sa hallway, isa-isang bumabati ang mga empleyado.“Good morning, Sir Donovan!”“Welcome back, Sir!”Ngumiti lang ako at tumango. Pero sa bawat ngiti nila, hinahanap ng isip ko kung sino ang tunay — at sino ang nagtatago ng kutsilyo sa likod.Sa dulo ng hallway, sinalubong ako ni Ryan Carter.“Morning, boss,” bati niya, bitbit ang folder. “Narito na po ang updated report tungkol sa security breach kagabi.”Inabot ko iyon at binuklat habang naglalakad papunta sa opisina.“May nakitang kakaiba?” tanong ko.“Wala pa pong solid lead. Pero may kakaibang access sa network kagabi. Parang internal login.”Tumaas ang k

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER 101

    CHAPTER 101: Mga Aninong Hindi TulogTahimik ang gabi sa Donovan estate.Walang tunog kundi ang mahinang ugong ng hangin at ang marahang pagpatak ng ulan sa bubong. Sa unang tingin, parang payapa ang lahat — ngunit sa loob ng bahay, hindi na alam ng pamilya ang tunay na ibig sabihin ng katahimikan.---(Chase’s POV)Hindi pa rin ako dalawin ng antok.Tatlong araw na mula nang barilin ako sa harap ng simbahan, pero bawat sulyap ko sa sugat sa braso, parang paalala iyon na may nakatingin pa rin sa amin.Na hindi pa tapos ang laban.Sa ibabaw ng mesa, nakabukas ang tablet ko. Paulit-ulit kong pinapanood ang footage ng lalaking bumaril. Parehong galaw, parehong tikas, parehong bilis.Hindi siya ordinaryo. Trained.At higit sa lahat—may koneksyon sa loob.“Victoria…” mahinang sambit ko.Mula sa hagdan, narinig ko ang mga yapak ni Emma. Nakasuot pa siya ng pajama, bitbit ang isang tasa ng tsaa. Tahimik

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [100]

    CHAPTER 100: Bala ng Katahimikan Makulimlim ang langit habang tinatahak nina Chase, Emma, at Amarah ang daan patungong simbahan. Isang simpleng araw lang dapat ito. Panata ni Chase na kahit abala siya, gugugol siya ng oras para sa kanyang pamilya. May misa ng pasasalamat silang dadaluhan—unang beses nilang tatlo bilang isang buo sa harap ng Diyos. Si Amarah, nakasuot ng puting dress na may pink ribbon, masayang kumakanta sa likod ng sasakyan. Si Emma naman ay tahimik na nakatingin sa bintana, tila ba ninanamnam ang simpleng sandali ng kapayapaan. Ngunit hindi iyon nagtagal. Pagbaba nila sa harapan ng simbahan, sinalubong sila ng mga matang nakangiti. Ilang tao ang nakatingin, may kumakaway pa nga sa kanila—kilala ang pamilyang Donovan, lalo na ngayon. At saka ito nangyari. “Bang!” Napalingon si Emma. Napasigaw si Amarah. Naramdaman ni Cha

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status