LOGINKabanata 4: Ang Laro ni Chase
Pagkatapos ng tawag at ng biglaang pagkakataon na ibinigay ni Chase, hindi mapakali si Emma. Hindi siya sigurado kung dapat ba siyang matuwa o mas lalong kabahan. Binigyan siya ng huling tsansa, pero nangangahulugan din ito na isang pagkakamali lang ay tuluyan na siyang babagsak. Nakapangalumbaba siya habang nakaupo sa isang tahimik na coffee shop, nakatitig sa kanyang laptop at sa mga profile ng mga babaeng maaari niyang i-recruit. Isa-isa niyang tinignan ang mga ito—matatalino, magaganda, may matagumpay na karera mula sa mga kilalang pamilya—pero wala pa rin siyang kasiguraduhan. "Ano ba talaga ang pamantayan ng lalaking ‘yun?" Napabuntong-hininga siya, sabay hilamos sa sariling mukha. Habang abala sa pag-iisip, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Napangiti si Emma nang makita ang pangalan ng tumatawag—si Mia Santos, ang matalik niyang kaibigan na palagi niyang takbuhan. "Hello, Mia?" sagot niya. "Girl, nasaan ka? Balita ko bumalik ka sa Donovan Enterprises? Ano'ng balita?" sunod-sunod na tanong ng masiglang boses ni Mia sa kabilang linya. Nagbuntong-hininga si Emma. "Andito ako sa coffee shop malapit sa kumpanya nila, nag-aayos ng listahan. Binigyan ako ng huling pagkakataon ng aroganteng CEO na 'yun, pero kailangan ko ng tatlong premium matches bukas na bukas din." "Aba, gipitan pala ang laban!" sagot ng kaibigan. "Huwag kang aalis diyan. Susunod ako, mag-usap tayo. May alam akong pwedeng irekomenda sa'yo." Ang Pagdating ni Mia at ang Unang Kandidata Ilang minuto lang ang lumipas, dumating si Mia na may dalang dalawang box ng doughnuts para pawiin ang stress ni Emma. Umupo ito sa harap niya at agad na sinipat ang mga profiles sa laptop. "Seryoso, Emma, sa ganda at talino mong 'yan, bakit hindi na lang ikaw ang mag-apply na maging asawa niya?" biro ni Mia sabay siko sa kaibigan. Halos mabilaukan si Emma sa iniinom na iced coffee. "Ano ka ba, Mia? Trabaho ang pinunta ko roon, hindi landi. Saka napakasungit at napakalamig ng lalaking 'yun. Ni hindi ko nga alam kung marunong ba siyang ngumiti." Natawa si Mia. "Sabi ko nga. Pero seryoso, dahil kailangan mo ng elite background, may kakilala akong swak sa criteria niya. Si Isabelle Dela Vega. Isang sikat na fashion designer na galing sa lumang mayamang pamilya. Maarte nga lang, pero powerful woman ang dating." Agad na nakipag-appointment sina Emma at Mia kay Isabelle nang gabing iyon sa isang high-end restaurant. Nang dumating si Isabelle, hindi muna ito nakipagkamay kay Emma. Sa halip, tinignan muna siya nito mula ulo hanggang paa, na tila sinusuri ang kalidad ng kanyang suot na blazer. "Ikaw ba ang matchmaker ng mga Donovan?" may bahid ng pagmamataas sa boses nito. Napangiti si Emma, pinipigilan ang inis dahil kailangan niya ang babaeng ito. "Yes, Miss Dela Vega. Ako ang inatasang humanap ng karapat-dapat na makasama ni Mr. Chase Donovan." Umirap si Isabelle sabay cross-arms. "At bakit ko naman gugustuhing makilala ang isang Chase Donovan? Hindi ako desperada sa lalaki, kahit bilyonaryo pa siya." Sumingit si Mia na may pilyang ngiti. "Well, Isabelle, alam naman nating lahat na si Chase ay hindi lang basta bilyonaryo—he’s the most powerful bachelor in the country right now. At sa taas ng standards mo sa lalaki, siya lang ang pwedeng pumantay sa'yo." Napatigil si Isabelle, tila tinamaan ang ego. Bahagya itong ngumiti. "You have a point. Sige, set up the meeting tomorrow. I'll show him what a real woman looks like." Ang Unang Paghaharap sa Opisina ni Chase Kinabukasan, magkakahalong kaba at pag-asa ang nararamdaman ni Emma habang dala ang tatlong babaeng napili niya—kabilang si Isabelle—sa malawak na opisina ni Chase. Nakatayo sa isang gilid si Emma habang nakahanay ang tatlong mararangyang babae sa harap ng malaking mesa ng CEO. Si Chase naman ay nanatiling nakaupo, malamig ang ekspresyon, at walang emosyong pinapasadahan ng tingin ang mga kandidata. Lumapit si Isabelle nang may matamis na ngiti at naglahad ng kamay. "Nice to meet you, Mr. Donovan. I’m Isabelle." Tumingin si Chase sa nakalahad na kamay nito, ngunit hindi niya ito inabot. Sa halip, dahan-dahan niyang inilipat ang kanyang matatalim na mata kay Emma na nasa gilid. "This is your best selection, Miss Sinclair?" malamig at may halong insultong tanong ni Chase. Nag-panic si Emma. Lumapit siya nang kaunti upang ipaliwanag ang portfolio ng tatlo. "Uh… yes, Mr. Donovan. Sila ay mga highly accomplished, independent, at nagmula sa mga respetadong pamilya—" Hindi na siya pinatapos ni Chase. Tumayo ang CEO mula sa kanyang swivel chair, nilagpasan ang tatlong babae na parang mga hangin lang, at dinala ang kanyang mabigat na presensya sa mismong harap ni Emma. Dahan-dahan itong yumuko upang magpantay ang kanilang mga mukha. Sa sobrang lapit nila, muling nasinghot ni Chase ang pamilyar na amoy ng lavender at kape mula kay Emma. Mas lalong nanalantay ang tensyon sa kanyang katawan. Sigurado na siya—ang babaeng pormal na nakatayo sa harap niya ngayon ay ang katulad na katulad ng babaeng mapusok na kasama niya sa kama kamakailan. "Kung wala na kayong ibang ipapakita, maaari na kayong umalis. Maliban sa'yo, Miss Sinclair," utos ni Chase, sabay tingin sa kanyang assistant para ihatid ang tatlong kandidata sa labas. Nainsulto at nagdadabog na lumabas si Isabelle at ang dalawa pang babae. Naiwan si Emma sa loob ng opisina na mag-isa, nanginginig ang mga tuhod sa ilalim ng matalim na titig ng bilyonaryo. "Mr. Donovan, may mali ba sa kanila?" frustrated na tanong ni Emma nang magsara ang pinto. "Lahat ng hinahanap mo, nasa kanila na!" "Hindi sila ang kailangan ko," simpleng sagot ni Chase habang dahan-dahang naglalakad paikot sa kanya, na parang isang leon na sinusuri ang kanyang biktima. "Then ano? Sino ba talaga ang gusto mo?!" Lumabas na ang galit sa tinig ni Emma. Tumingin si Chase nang diretso sa kanyang mga mata, may mapanganib na ngiti sa mga labi. "Ikaw ang matchmaker, Emma. Dapat alam mo na ang sagot." Kinilabutan si Emma sa tono ng boses nito. Ang seryosong laro ng matchmaking ay biglang nagbago ng direksyon, at pakiramdam niya, siya na mismo ang nakataya sa lamesa.Kabanata 105 – Bagong SimulaMalamig ang simoy ng hangin nang lumabas ako ng hotel. Ilang beses kong pinunasan ang mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak, ngunit para bang may sariling buhay ang mga ito—patuloy na dumadaloy kahit ayaw ko na.Tumigil sa tapat ko ang isang taxi, at marahan akong sumakay.“Sa Quezon City po,” mahina kong sabi, halos paos ang boses.Tahimik ang biyahe. Tanging tunog lang ng ulan sa salamin ng sasakyan ang maririnig, at bawat patak ay parang kasabay ng bigat ng dibdib ko.Habang nakasandal ako sa bintana, bumalik sa isip ko ang lahat—ang malamig na tinig ni Chase, ang masasakit niyang salita, at ang paraan ng pagtalikod niya na parang wala kaming pinagsamahan.Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali.Bakit parang ang bilis niyang nagbago?Pagdating ko sa harap ng bahay, matagal muna akong nanatiling nakaupo sa taxi. Tinitigan ko ang lumang bahay na ito—ang bahay na minahal ko, at ang tanging hindi k
Kabanata 104 : "Ang Huling Hatol ni Chase" Ang paligid ng banyo sa marangyang hotel ay nagpalakas sa mga alingawngaw ng aking desperadong pag-iyak. Dumaloy ang mga luha sa aking mukha, tila repleksyon ng mga nabasag na pangarap na nakakalat sa pagitan namin. Mahigpit kong hinawakan ang kuwelyo ng damit ni Chase Donovan — puno ng pagmamakaawa ang kapit ko, na para bang ang paghawak sa kanya ang tanging makapipigil sa tuluyang pagguho ng aming perpektong mundo.“Chase, please,” pagsusumamo ko, nanginginig ang boses sa hindi makapaniwalang kalungkutan. “Mukha tayong perpektong masaya, planado na natin ang lahat. Paano mo lang kayang itapon ang lahat ng ‘yon?”Bawat salita ay isang pakiusap na makita niya ang pag-ibig na minsang pinagsaluhan namin.Ngunit ang kanyang tinig ay pumutol sa hangin na parang malamig na hangin sa taglamig.“Emma, hindi ko na kaya ito.”Sa mabilis na kilos, inalis niya ang sarili mula sa pagkakahawak ko, iniwan akon
CHAPTER 103: Ang Gabi ng Katotohanan(Narrator’s POV)Tatlong araw na ang lumipas mula nang magdesisyon si Chase Donovan na magdaos ng isang espesyal na event sa mismong gusali ng Donovan Enterprises. Ayon sa kanya, ito raw ay “pasasalamat sa mga taong patuloy na nagtitiwala.”Pero sa likod ng bawat ngiti at palamuti, may itinatagong plano si Chase — isang gabi ng katotohanan.---(Chase’s POV)Nakatayo ako sa harap ng salamin sa dressing room ng opisina ko.Suot ko ang isang custom-made black tuxedo, may manipis na silver lining sa gilid ng blazer. Ang inner shirt ay kulay puting garing, at sa bulsa ng coat ay nakaayos ang dark wine-red pocket square — kulay ng kumpanyang itinayo ko.Sa braso ko ay nakasabit ang Rolex na galing pa kay Don Esteban, at sa bulsa ng pantalon ay nakatago ang maliit na sulat na ilang gabi ko nang paulit-ulit na binabasa.Huminga ako nang malalim.“Handa na po ang lahat,
CHAPTER 102: Mga Lihim sa Likod ng Salamin(Chase’s POV)Kinaumagahan, tumila na ang ulan, pero hindi pa rin humuhupa ang bigat sa dibdib ko.Pagpasok ko sa Donovan Enterprises, sinalubong ako ng pamilyar na amoy ng kape at papel — pero iba na ang pakiramdam ngayon.Habang naglalakad ako sa hallway, isa-isang bumabati ang mga empleyado.“Good morning, Sir Donovan!”“Welcome back, Sir!”Ngumiti lang ako at tumango. Pero sa bawat ngiti nila, hinahanap ng isip ko kung sino ang tunay — at sino ang nagtatago ng kutsilyo sa likod.Sa dulo ng hallway, sinalubong ako ni Ryan Carter.“Morning, boss,” bati niya, bitbit ang folder. “Narito na po ang updated report tungkol sa security breach kagabi.”Inabot ko iyon at binuklat habang naglalakad papunta sa opisina.“May nakitang kakaiba?” tanong ko.“Wala pa pong solid lead. Pero may kakaibang access sa network kagabi. Parang internal login.”Tumaas ang k
CHAPTER 101: Mga Aninong Hindi Tulog Tahimik ang gabi sa Donovan estate. Walang tunog kundi ang mahinang ugong ng hangin at ang marahang pagpatak ng ulan sa bubong. Sa unang tingin, parang payapa ang lahat — ngunit sa loob ng bahay, hindi na alam ng pamilya ang tunay na ibig sabihin ng katahimikan. --- (Chase’s POV) Hindi pa rin ako dalawin ng antok. Tatlong araw na mula nang barilin ako sa harap ng simbahan, pero bawat sulyap ko sa sugat sa braso, parang paalala iyon na may nakatingin pa rin sa amin. Na hindi pa tapos ang laban. Sa ibabaw ng mesa, nakabukas ang tablet ko. Paulit-ulit kong pinapanood ang footage ng lalaking bumaril. Parehong galaw, parehong tikas, parehong bilis. Hindi siya ordinaryo. Trained. At higit sa lahat—may koneksyon sa loob. “Victoria…” mahinang sambit ko. Mula sa hagdan, narinig ko ang mga yapak ni Emma. Nakasuot pa siya ng pajama, bitbit ang isang tasa ng tsaa. Tahimik siyang lumapit at inilapag iyon sa tabi ko. “Hindi ka pa rin nat
CHAPTER 100: Bala ng Katahimikan Makulimlim ang langit habang tinatahak nina Chase, Emma, at Amarah ang daan patungong simbahan. Isang simpleng araw lang dapat ito. Panata ni Chase na kahit abala siya, gugugol siya ng oras para sa kanyang pamilya. May misa ng pasasalamat silang dadaluhan—unang beses nilang tatlo bilang isang buo sa harap ng Diyos. Si Amarah, nakasuot ng puting dress na may pink ribbon, masayang kumakanta sa likod ng sasakyan. Si Emma naman ay tahimik na nakatingin sa bintana, tila ba ninanamnam ang simpleng sandali ng kapayapaan. Ngunit hindi iyon nagtagal. Pagbaba nila sa harapan ng simbahan, sinalubong sila ng mga matang nakangiti. Ilang tao ang nakatingin, may kumakaway pa nga sa kanila—kilala ang pamilyang Donovan, lalo na ngayon. At saka ito nangyari. “Bang!” Napalingon si Emma. Napasigaw si Amarah. Naramdaman ni Cha
Kabanata 10: Simula ng LabanBukas.Pagkatapos ng nakakagulat na eksena sa Donovan Corporation, tila ba nagbago ang simoy ng hangin sa buong gusali. Ang dating malamig na corporate atmosphere ay napalitan ng isang kakaibang tensyon—isang pakiramdam na hindi na lang basta papel na kon
Kabanata 99: "PANATAG SA GITNA NG BAGYO"Matapos ang mabigat na usapan, tahimik na pinatulog nina Chase at Emma si Amara. Maingat si Emma habang hinahaplos ang buhok ng kanilang anak na mahimbing nang natutulog sa kwarto nito.Pagbalik niya sa living room, nadatnan niya si Chase
Kabanata 9: The CEO’s Secret WifeSa unang araw ni Chase sa opisina matapos ang kasal nila—kahit peke lang ito—wala siyang ideya na may isang sorpresa ang naghihintay sa kanya.Pagdating niya sa kumpanya, gaya ng dati, agad siyang naging sentro ng atensyon.Ang Donovan
Kabanata 8: NO FALLING INLOVE Pagpasok ni Emma sa penthouse, napahinto siya sa pintuan at napatingala sa kisame. Kahit na alam niyang mayaman si Chase, hindi niya inaasahan ang ganitong klaseng luho.Mataas ang ceiling, may eleganteng chandelier na tila mas mahal pa sa buong ba







