Se connecterKabanata 5: Ang Alok
Minsan, ang solusyon sa pinakamalaking problema mo ay ang taong hindi mo inaasahang magiging bahagi ng buhay mo. Matapos lumabas nina Isabelle, nanatiling tahimik ang malawak na opisina ng CEO. Nagtagpo ang matatalim na mata ni Chase at ang naguguluhang tingin ni Emma. Maraming bagay ang tumatakbo sa isipan ng bilyonaryoāang presyon mula sa kanyang Lolo, ang panganib na mawala ang kumpanya, at ang katotohanang ang matchmaker na nasa harap niya ngayon ay ang mismong babaeng nakasama niya sa hotel. Humakbang si Chase palapit at sumandal sa gilid ng kanyang mesa. Kaswal niyang isinubsob ang mga kamay sa bulsa ng kanyang slacks. "I know about your situation, Emma." Napapitlag si Emma. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa biglaang pagtawag nito sa kanyang unang pangalan. "A-anong ibig mong sabihin?" Nagkunot ang kanyang noo, biglang nakaramdam ng kaba. "Paano mo nalaman ang pangalan ko... ang sitwasyon ko?" "Pinaimbestigahan kita," walang kaabog-abog na sagot ni Chase. Nanlaki ang mga mata ni Emma. Ang kabang nararamdaman niya kanina ay biglang napalitan ng umaapoy na inis. "Pinaimbestigahan mo ako?! Sino ka para pakialaman ang personal kong buhay? Invasion of privacy 'yan!" "I donāt care," malamig at walang emosyong putol ni Chase sa kanyang reklamo. "I donāt trust people easily, Miss Sinclair. Kailangan kong masigurado kung anong klaseng tao ang pinapapasok ko sa kumpanya ko. At doon ko nalaman... na kung hindi ka makakabayad sa utang mo sa loob ng tatlong linggo, tatalon sa foreclosure ang bahay ng mga magulang mo." Nablangko ang isip ni Emma. Napakapit siya nang mahigpit sa strap ng kanyang bag habang ang kanyang labi ay bahagyang nangangatog. Ang pinakamasakit na bahagi ng kanyang buhay ay kaswal lang na binigkas ng lalaking ito. "Ano ba talagang kailangan mo sa akin?" bulong niya, nagbabadya muli ang mga luha sa kanyang mga mata. Nagtagal ang katahimikan sa pagitan nila bago muling nagsalita si Chase gamit ang mas malalim at seryosong boses. "Gusto kong magpropose ng isang solusyon na makakatulong sa ating dalawa." Napatitig si Emma sa kanya, hindi makapaniwala. "Solusyon?" "Kailangan kong magpakasal sa loob ng isang buwan para mapanatili ang posisyon ko bilang CEO, ayon sa utos ng Lolo ko," panimula ni Chase, dahan-dahang naglalakad pabalik sa harap ni Emma. "At ikaw naman... kailangan mo ng pera para mailigtas ang bahay mo." Para itong kidlat na tumama sa utak ni Emma, pero hindi niya pa rin makuha ang kabuuang punto. "Ano naman ang kinalaman ko sa problema mo sa Lolo mo?" Isang mapanganib ngunit determinadong ngiti ang lumitaw sa labi ni Chase. "Ikaw ang magiging asawa ko, Emma." "Ano?!" Hindi na napigilan ni Emma ang pagtaas ng kanyang boses. Halos mapatras siya sa gulat. "Nagbibiro ka ba? Nababaliw ka na ba?" "Hindi ako nagbibiro." Chase stepped closer, his voice dangerously calm and authoritative. "You need money, and I need a temporary wife. Kung papayag ka sa kasunduan ko, ako mismo ang magbabayad ng buong utang ng pamilya mo sa bangko bukas na bukas din. Mananatili sa'yo ang bahay mo." Napakapit si Emma sa kanyang dibdib. Ang alok na ito ay parang isang panaginip, pero alam niyang may malaking kapalit ang bawat pabor mula sa isang bilyonaryo. "Anong... anong kapalit? Anong klaseng kasal ito?" "Isang kontrata. A fake marriage," pagwawasto ni Chase. "Magpapakasal tayo sa harap ng pamilya ko at ng media. Kapag nakuha ko na ang buong tiwala ng Lolo ko at selyado na ang posisyon ko bilang permanenteng CEO, maghihiwalay tayo nang walang ingay. Walang komplikasyon. At higit sa lahat... walang dapat mahulog o maramdaman sa isa't isa." Napasinghap si Emma. Isang convenient deal. Isang kasunduan para sa kaligtasan ng tanging alaalang naiwan ng kanyang mga magulang kapalit ng kanyang kalayaan at apelyido. Alam niyang mali. Alam niyang delikado ang pumasok sa teritoryo ng isang lobong tulad ni Chase Donovan. Pero nang maalala niya ang "Final Notice" na nakapatong sa kanyang lamesa sa bahay, alam niyang wala na siyang ibang malalapitan. "Bakit ako?" mahinang tanong ni Emma, pilit inaarok ang tunay na motibo nito. "Maraming babae sa labas na mas bagay sa status mo. Bakit isang tulad ko na baon sa utang ang pinipili mo?" Tinitigan siya ni Chase nang matagal. Hindi niya pwedeng sabihin dito na alam niyang ito ang babaeng nakasama niya sa bar, at hindi niya pwedeng sabihin na ang amoy lavender nito ang tanging bagay na nagpapakalma sa stress niya nitong mga nakaraang araw. "Dahil ikaw ang pinakamadaling kontrolin, Emma. At alam kong hindi mo kayang tanggihan ang alok ko," may kumpiyansang sagot ni Chase sabay lahad ng kanyang kamay. "So, do we have a deal?" Napatitig si Emma sa nakalahad na kamay ng bilyonaryo. Alam niyang mula sa sandaling hawakan niya ito, hindi na muling magiging normal ang buhay niya.Kabanata 105 ā Bagong SimulaMalamig ang simoy ng hangin nang lumabas ako ng hotel. Ilang beses kong pinunasan ang mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak, ngunit para bang may sariling buhay ang mga itoāpatuloy na dumadaloy kahit ayaw ko na.Tumigil sa tapat ko ang isang taxi, at marahan akong sumakay.āSa Quezon City po,ā mahina kong sabi, halos paos ang boses.Tahimik ang biyahe. Tanging tunog lang ng ulan sa salamin ng sasakyan ang maririnig, at bawat patak ay parang kasabay ng bigat ng dibdib ko.Habang nakasandal ako sa bintana, bumalik sa isip ko ang lahatāang malamig na tinig ni Chase, ang masasakit niyang salita, at ang paraan ng pagtalikod niya na parang wala kaming pinagsamahan.Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali.Bakit parang ang bilis niyang nagbago?Pagdating ko sa harap ng bahay, matagal muna akong nanatiling nakaupo sa taxi. Tinitigan ko ang lumang bahay na itoāang bahay na minahal ko, at ang tanging hindi k
Kabanata 104 : "Ang Huling Hatol ni Chase" Ang paligid ng banyo sa marangyang hotel ay nagpalakas sa mga alingawngaw ng aking desperadong pag-iyak. Dumaloy ang mga luha sa aking mukha, tila repleksyon ng mga nabasag na pangarap na nakakalat sa pagitan namin. Mahigpit kong hinawakan ang kuwelyo ng damit ni Chase Donovan ā puno ng pagmamakaawa ang kapit ko, na para bang ang paghawak sa kanya ang tanging makapipigil sa tuluyang pagguho ng aming perpektong mundo.āChase, please,ā pagsusumamo ko, nanginginig ang boses sa hindi makapaniwalang kalungkutan. āMukha tayong perpektong masaya, planado na natin ang lahat. Paano mo lang kayang itapon ang lahat ng āyon?āBawat salita ay isang pakiusap na makita niya ang pag-ibig na minsang pinagsaluhan namin.Ngunit ang kanyang tinig ay pumutol sa hangin na parang malamig na hangin sa taglamig.āEmma, hindi ko na kaya ito.āSa mabilis na kilos, inalis niya ang sarili mula sa pagkakahawak ko, iniwan akon
CHAPTER 103: Ang Gabi ng Katotohanan(Narratorās POV)Tatlong araw na ang lumipas mula nang magdesisyon si Chase Donovan na magdaos ng isang espesyal na event sa mismong gusali ng Donovan Enterprises. Ayon sa kanya, ito raw ay āpasasalamat sa mga taong patuloy na nagtitiwala.āPero sa likod ng bawat ngiti at palamuti, may itinatagong plano si Chase ā isang gabi ng katotohanan.---(Chaseās POV)Nakatayo ako sa harap ng salamin sa dressing room ng opisina ko.Suot ko ang isang custom-made black tuxedo, may manipis na silver lining sa gilid ng blazer. Ang inner shirt ay kulay puting garing, at sa bulsa ng coat ay nakaayos ang dark wine-red pocket square ā kulay ng kumpanyang itinayo ko.Sa braso ko ay nakasabit ang Rolex na galing pa kay Don Esteban, at sa bulsa ng pantalon ay nakatago ang maliit na sulat na ilang gabi ko nang paulit-ulit na binabasa.Huminga ako nang malalim.āHanda na po ang lahat,
CHAPTER 102: Mga Lihim sa Likod ng Salamin(Chaseās POV)Kinaumagahan, tumila na ang ulan, pero hindi pa rin humuhupa ang bigat sa dibdib ko.Pagpasok ko sa Donovan Enterprises, sinalubong ako ng pamilyar na amoy ng kape at papel ā pero iba na ang pakiramdam ngayon.Habang naglalakad ako sa hallway, isa-isang bumabati ang mga empleyado.āGood morning, Sir Donovan!āāWelcome back, Sir!āNgumiti lang ako at tumango. Pero sa bawat ngiti nila, hinahanap ng isip ko kung sino ang tunay ā at sino ang nagtatago ng kutsilyo sa likod.Sa dulo ng hallway, sinalubong ako ni Ryan Carter.āMorning, boss,ā bati niya, bitbit ang folder. āNarito na po ang updated report tungkol sa security breach kagabi.āInabot ko iyon at binuklat habang naglalakad papunta sa opisina.āMay nakitang kakaiba?ā tanong ko.āWala pa pong solid lead. Pero may kakaibang access sa network kagabi. Parang internal login.āTumaas ang k
CHAPTER 101: Mga Aninong Hindi Tulog Tahimik ang gabi sa Donovan estate. Walang tunog kundi ang mahinang ugong ng hangin at ang marahang pagpatak ng ulan sa bubong. Sa unang tingin, parang payapa ang lahat ā ngunit sa loob ng bahay, hindi na alam ng pamilya ang tunay na ibig sabihin ng katahimikan. --- (Chaseās POV) Hindi pa rin ako dalawin ng antok. Tatlong araw na mula nang barilin ako sa harap ng simbahan, pero bawat sulyap ko sa sugat sa braso, parang paalala iyon na may nakatingin pa rin sa amin. Na hindi pa tapos ang laban. Sa ibabaw ng mesa, nakabukas ang tablet ko. Paulit-ulit kong pinapanood ang footage ng lalaking bumaril. Parehong galaw, parehong tikas, parehong bilis. Hindi siya ordinaryo. Trained. At higit sa lahatāmay koneksyon sa loob. āVictoriaā¦ā mahinang sambit ko. Mula sa hagdan, narinig ko ang mga yapak ni Emma. Nakasuot pa siya ng pajama, bitbit ang isang tasa ng tsaa. Tahimik siyang lumapit at inilapag iyon sa tabi ko. āHindi ka pa rin nat
CHAPTER 100: Bala ng Katahimikan Makulimlim ang langit habang tinatahak nina Chase, Emma, at Amarah ang daan patungong simbahan. Isang simpleng araw lang dapat ito. Panata ni Chase na kahit abala siya, gugugol siya ng oras para sa kanyang pamilya. May misa ng pasasalamat silang dadaluhanāunang beses nilang tatlo bilang isang buo sa harap ng Diyos. Si Amarah, nakasuot ng puting dress na may pink ribbon, masayang kumakanta sa likod ng sasakyan. Si Emma naman ay tahimik na nakatingin sa bintana, tila ba ninanamnam ang simpleng sandali ng kapayapaan. Ngunit hindi iyon nagtagal. Pagbaba nila sa harapan ng simbahan, sinalubong sila ng mga matang nakangiti. Ilang tao ang nakatingin, may kumakaway pa nga sa kanilaākilala ang pamilyang Donovan, lalo na ngayon. At saka ito nangyari. āBang!ā Napalingon si Emma. Napasigaw si Amarah. Naramdaman ni Cha
KABANATA 66: āBakit Pa Ako?āHindi na nakapaghintay si Emma. Hindi na siya mapakali. Hawak niya ang pregnancy test sa loob ng kanyang bagādalawa, parehong may dalawang malinaw na guhit At Ang papel record niya sa hospital 8 weeks so it means buntis ako ng dalawang buwan?. Buntis siy
KABANATA 65 "Walang Nakinig"Mabilis ang lakad ni Chase palabas ng gusaling iyon, habang mariing nakasara ang kanyang panga at nanggagalaiti ang dibdib sa sobrang galit at sakit. Wala siyang pakialam kung anong paliwanag pa ang ibigay ni Emma. Wala na. Tapos na.Nang maisara niy
KABANATA 64"Bitag"Sa dami ng tawag ni Chase, wala ni isa man ang sinagot ni Emma. Patay ang cellphone nito.Gabing-gabi na, pero hindi pa rin mapakali si Emma habang nakatitig sa kisame ng kanyang kwarto. Ilang ulit na niyang tiningnan ang cellphoneāwala pa ring text
KABANATA 62 "Paniningil"Isang sunod-sunod na missed calls mula kay Victoria ang bumungad kay Chase pagkagising niya. Wala siyang planong sagutin. Ilang araw na rin siyang iniiwasan ang babaeāat alam niyang hindi ito basta titigil.Habang nasa opisina, may dumating na bagon







