Share

CHAPTER 4 "WHAT HAPPENED THAT NIGHT 3"

HINDI tiyak ni Lara kung dahil ba sa iyon ang unang h***k niya, o dahil sa lasa ng alak sa bibig ni Joaquin, o sa beer na nainom niya kaya mabilis siyang nakaramdam ng matinding kalasingan dahil sa kapusukan ng h***k na iyon.

Hindi niya masabi kung kailan o paano pero nagulat nalang siya at parang natauhan nang maramdaman niya ang pagsayad ng likuran niya sa malambot na higaan.

Ganoon katindi ang naging epekto sa kaniya ng h***k ng lalaki.

Ni hindi nga niya alam kung may asawa ito o kung may nobya. Pero parang nang mga sandaling iyon ay hindi na importante sa kaniya ang lahat. Parang gusto niyang aminin sa sarili niya na katulad ng sinabi nito sa kaniya kanina, kaya siya nitong makuha sa paraan na hindi nito kailangang gumamit ng dahas, dahil siya mismo ang hihingi ng mas higit pa, nang bagay na alam niyang kaya pa nitong ibigay.

"Joaquin," anas niya nang bumaba sa leeg niya ang labi nito.

"Yes?" tanong nito bilang tugon sa kanya.

"Baka naman may asawa ka na, huwa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status