Share

CHAPTER 3 "WHAT HAPPENED THAT NIGHT 2"

MULA sa mahimbing na pagtulog ay mabilis na napabangon si Lara nang marinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kwarto.

"I'm sorry kung nagising kita," si Joaquin iyon na tumawa ng mahina.

Walang anuman siyang tumango saka niyakap ang sarili. "Hindi mo pa ba ako papayagang umalis?" ang naitanong niya saka sinulyapan ang lalaking naupo naman sa divan na nasa paanan ng kama.

Noon niya nakitang sumulyap ang lalaki sa suot nitong wrist watch. "Delikado na kung hahayaan kitang umalis ngayon, kung okay lang sa iyo, dito ka na magpalipas ng gabi," ang mabait nitong sabi saka siya nginitian.

Hindi nakaimik si Lara sa sinabing iyon ng lalaki dahil tama naman ito. Malalim na ang gabi at hindi magiging maganda at ligtas para sa isang babaeng katulad niya ang lumabas at bumiyahe nang ganoong oras.

"P-Parang ang tahimik na sa labas?" nang mapansin niyang wala na ang ingay na kaninang naririnig niya sa labas ng kwarto ay iyon ang naikomento niya.

Tumango ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status