Share

CHAPTER 40 “STARTED WITH THE KISS 1”

HINDI namalayan ni Lara na nagawa na pala siyang ilapag ni Joaquin sa gitna ng malambot nitong higaan. Hindi pa rin kasi tinigilan ng binata ang paghalik sa kanya kahit kung tutuusin ay nagparamdam o nagpahiwatig na siya dito na gusto na niyang kumawala. Iyon ay dahil ginagawa na nitong mahirap para sa kanya ang huminga.

“I’m sorry, Lara,” ani Joaquin habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Sinamantala ni Lara ang pagkakataong iyon. Kaagad siyang huminga ng malalim bagaman nakangiti pa rin niyang hinaplos at perpektong mukha ng lalaki.

“I understand,” sagot niya saka muling ngumiti.

Iyon lang at hinalikan na siyang muli ng binata. Pero sa pagkakataong iyon ay naramdaman niya kaagad ang pagiging agresibo nito. Bagay na lihim niyang ikinatuwa dahil nagbunga ang kaninang sinimulan niyang iparamdam sa kanyang nobyo sa pamamagitan ng paghalik niya dito.

At katulad ng gusto talaga niyang mangyari, hindi nagpadaig si Lara sa pagiging agresibo ng kanyang nobyo. Dahil kung gaano kalupit ang pama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status