Share

Chapter 16

"Bitawan mo nga ako, Ely! Hindi ako sasama sayo! At hindi na ako maniniwala pa sa mga kasinungalingan mo. Sapat na sa akin ang mga nakita ko at nalaman!" madiing tanggi ni Cory habang pumapalag sa pagkakahawak ni Ely sa kanyang kamay.

"I'm not going to let you go, Cory. Kung ayaw mong sumama sa akin. Kakaladkarin kita! Hindi ako bibitaw! Hinding hindi na kita ulit pakakawalan pa" matigas na pagkakasabi ni Ely habang mahigpit na hawak si Cory sa braso nito. Walang nagawa ang mga pagtanggi ni Cory at hinila siya pabalik sa restaurant ni Ely.

"Ely, please. Sabi mo mahal mo ako. Sabi mo ang kapakanan namin ni Calli ang gusto ko mong mangyari. Gusto mo bang mapahiya ako sa lahat ng tao? Ang mga kutyang sasabihin nila. Maatim mo bang marinig iyon mula sa bibig ng mga taong huhusga sa pagkatao ko dahil lang sa pumatol ako sa lalaking may girlfriend na"

"Cory, I will not let that happen. I will protect you and my child at any cost. Hindi ako tatayo lang at hahayaan ang iba na alipustahin ka.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status