Share

CHAPTER NINETEEN

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya na nagmistulang reklamo.

Pinag.asdan ko siya magmula ulo hanggang paa. Hindi ko maitatangging malaki nga ang ipinagbago ni Nathalie ngayon. Kung noon ay masyado siyang pakikay, iba na ngayon. Hindi na siya yung Nathalie na nakilala ko noon. May nagbago sa kanya. Hindi ko alam kung sa mukha niya ba o baka naman ang ugali niya talaga ang nagbago.

Aaminin kong natutuwa ako na makita siyang muli ngayon. Hindi ko inaasahan na muling magkukrus ang landas naming dalawa. Matagal ko na rin siyang hinahanap. Aminin ko man o sa hindi, hindi lang naman si Travis ang sinadya ko rito. Sinadya ko rin silang dalawa ni Lucas. Gusto ko silang bisitahin, kumustahin, dahil alam kong tulad ko, matagal din silang nangulila sa akin. Kumusta na nga ba sila?

Agad na naglaho ang ngiting nakaukit sa labi ko nang taas kilay akong nilingon ni Nathalie magmula ulo hanggang paa. Sarkastiko siyang ngumisi na animong hindi pa siya natutuwa na nagkrus ang landas naming dalawa ngay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status