Share

Five

Exelle

.

.

Their eyes were on me.

Looking at me with an awe. Praising me as I walk. And I guess, I really could make their heads turn. Only to me.

.

Man, who is she?

A goddess? Haha. But she looks like one.

Who is she?

I don't know.

Maybe a friend of Mr. Riguera. She's invited tonight anyways.

Is that the owner of EXiellene Royale?

I guess so. But she looks good. Not that I mean she's only that good. But really beautiful.

You know her?

Yeah, she's quiet famous as the owner of the very known EXiellene Royale. You know, the hotels and resorts in America. But actyally, kilalang-kilala worldwide.

Oh yeah, I remember. She's the so-called Miss Kim of that hotel and resort EXiellene Royale.

Miss Kim? I think that's her.

She's pretty. Or more likely more than pretty.

I smile at those people that keep on staring at me. I mean, simula nang maglakad ako galing sa pinto papasok sa kwartong ito na venue ng event, hindi na magkamayaw ang bulong-bulungan ng mga tao sa paligid ko.

Sanay na ako sa ganito, lalo na at isa lang ito sa mga events na dinaluhan ko ng personal. Minsan lang din kasi ako magpakita in media, kaya walang masyadong nakakakilala sa akin. For some reasons, kaya kinailangan kong maging mailap sa camera at sa mundo ng media.

Well, Alexis is a friend, kaya inanyayahan ko ang imbitasyon niya sa akin na pumunta ngayong gabi. I can't just ignore him, lalo na at idadamay ko siya sa plano ko.

I mentally laugh. An evil one.

Feeling ko tuloy napakasama kong kaibigan kasi idadamay ko pa siya. At pakiramdam ko, para akong bata na naglalaro lang. Sasabihin ko naman sa kanya eh.

"Hello, Miss-"

A guy in his middle twenties suddenly approach me kaya napatigil ako sa paglalakad. Bigla na lang kasi itong sumulpot sa harap ko kaya nabigla rin ako sa kanya.

"Exelle Kim." I told him with a smile, bilang pagpapatuloy sa sinasabi niya.

"I'm Clinton Mendrano." Pagpapakilala niya sa akin ng nakangiti.

Mendrano? I mentally laugh when I remember someone who is also a Mendrano. Si Mr. Anthony Mendrano, one of the board members of EXiellene Royale.

"Mendrano? How are you related to Mr. Anthony Mendrano?" I asked him.

Napangiti siya sa akin na para bang alam na alam na niya kung ano ang isasagot niya sa tanong ko sa kanya.

"He's my uncle. How are you also related to him by the way?"

"He's one of the board members of EXiellene Royale. What a coincidence to meet someone related to him." I chuckled kaya napatawa na rin siya.

Magsasalita pa sana siya ngunit bigla siyang nahinto ng mayroong yumakap na braso sa aking katawan. I almost flinched when someone did it, ngunit kumalma naman ako ng malaman ko kung sino ang nasa tabi ko ngayon. I thought it was just some stranger but it’s a relief that it’s Alexis.

"Clinton, she's mine. So back off." Malamig na sabi ni Lex kay Clinton.

Tumawa lamang si Clinton bago nito binigyan ng marahang tapik sa braso si Lex, na para bang inaasar niya ito. So, magkakilala silang dalawa?

"Calm down, Alexis. I'm just talking to her." Natatawang sabi lang ni Clinton sa kanya saka ibinaling ang tingin sa akin. "Nice meeting you, Ms. Kim. Hope to see you in the future young lady. I'll get going." Pagpapaalam nito bago tuluyang nawala sa aming paningin.

Hinampas ko naman sa braso si Lex ng maiwan na kaming dalawa rito, ngunit isang tawa lamang ang binigay nito sa akin. I'm his daw? Ha. Ha. Funny.

"Baliw. Anong ‘she's mine so back off’ ka diyan? Asa ka." Nakanguso kong sabi sa kanya pero tawa lang siya ng tawa. Kaya naman hinampas ko na naman siya. He's annoying but I find it cute anyway. Ang cute niyang tumawa. Para siyang tuta.

Ang sama ko talaga noh. Icompare ba naman siya sa tuta.

"Let's go somewhere alse." Sabi niya bigla saka ako hinatak palayo sa lugar na kinatatayuan namin.

Dinala niya ako sa may isang open area na veranda, na wala namang katao-tao. This is a perfect place for some business talk especially the atmosphere here were much more relaxing than inside the venue. Ang tanong, anong gagawin namin dito? I waited for him to talk pero nakatingin lang siya sa mga tao sa loob. Ang galing. Hahatakin ako dito tapos hindi naman pala siya magsasalita. Ano, titigan na lang namin yung mga tao sa loob? Ang dami kaya nila.

"Did you see them?" He started asking me.

"Who?" Balik kong tanong sa kanya saka ako napalingon sa kanya.

May itinuro siya sa loob at nakita ko kung sino ang tinutukoy niya. Its Hans and Rylie. They were talking with the other guest, laughing and enjoying their talk. But its only Rylie, who's enjoying some business talk dahil yung kasama niya ay halatang bored at balisang patingin-tingin sa paligid.

"I already met them earlier, sa labas." Sagot ko sa kanya at hindi iniaalis ang tingin sa dalawa. Looking at them full of hatred and disgust. If I am really an evil witch, kanina ko pa sila sinugod at nilampaso sa sahig para lang ipamukha sa kanila lahat ng kasalanan nila sakin.

But I'm not.

Hindi ako si Rylie. Troublemaker at makitid ang utak. Though naisahan nila ako nun, Rylie is still a mother dog and if I'm not mistaken, being an actress as who she is right now hides something fishy. And I can smell it. Malangsa ang amoy.

Kasi from what I remember, she sucks in acting, lacks of talent in singing and even in dancing. Sinusuka ko na nga ngayon lahat ng efforts ko sa pagcomfort sa kanya nuon. Kahit naman kasi alam kong wala siyang panalo sa pag-act, go parin ako ng go sa pagcheer up sa kanya na parang tanga.

"What are you planning to do?" He asked me again kaya napalingon na ako ng tuluyan sa kanya, only to see him also looking at me. I smile at him and totally faced him.

"I'm planning to play with them. I want to have some fun while I am here." Sabi ko sa kanya kaya napangiti rin siya sa akin. He moves closer to me then pull me closer to him, while his hands were on the lower back of my waist.

Looking at him this close, hindi ko maipagkakailang, siya ang kauna-unahang lalaki na nagpabaliw sa akin nun. A friend of mine and one of the most famous campus heartthrob way back in our college days. Ang gwapo niya kaya, at mas naging gwapo siya ngayon. Di na ako magtataka na time really affects everything, some sort of change.

Ang tanga ko lang para pakasalan si Hans. I really wonder why I choose to fall mistakenly in love with that guy and marry him like crazy, kung may mas nauna na sa kanyang much better. Well, that bratty best friend of mine answered all of my wonders in this life full of shit.

"Am I part of the play?" He ask me kaya mas lalo akong napangiti.

"Gusto mong sumali? You're free to join." I answered him but only in a whisper. He chuckled kaya tumawa din ako. Daig pa namin ang naglalandian sa itsura namin ngayon. If we were caught in this position, maybe tomorrow, kami na ang laman ng mga diyaryo. Malamang sa malamang, isa kami sa mga kilalang business tycoon internationally.

"Hans and Rylie is coming.." He whispered kaya napangiti ako. 

Ano kayang magandang gawin? 

"What do you think is the second step of this play? I've already started kanina eh, and gave them a big surprise. Anong gagawin natin?" Tanong ko sa kanya pero sinuklian niya lang ako ng isang mapaglarong mga ngiti.

"Let's make them realized what we are right now. Make them believe." He said kaya hinampas ko siya sa kanyang dibdib.

Ang galing niyang manghula, kaya natawa ako sa kanya. "You really know what's running inside this little mind of mine. Wala ka pa ring pinagbago." I told him, enough to makes him laugh.

Plan #02: Make them believe.

Akala ko, kung ano na ang gagawin ni Lex, pero nabigla ako nang halikan niya ako. My eyes were wide opened but when I realized what exactly what he meant, I closed my eyes and kissed him back. Kissing each other isn't an issue between us. Kasi, noon pa man nangyari na ang ganito sa amin.

And this kiss, brings back everything that time. Thinking that Alexis was my first love, he was also my first kiss.

My first was him.

And from what I remember, we were a college student that time, na nacurious kung ano ang feeling kapag hinalikan. Parang tanga di ba? Buti nga lang at hanggang kiss lang kaming dalawa eh.

Naramdaman ko ang marahang paghaplos ni Lex on the bare skin of my back at ang pagdiin niya lalo sa halik sa akin. Kaya ramdam ko ang paglapat lalo ng mga katawan namin.

But this kiss meant nothing at all. I didn't let my guards down at pinakiramdaman ang paligid namin. I know its kinda awkward that while we're kissing, nasa iba naman ang atensyon ko.

Then I stopped Alexis when I felt the two person's presence whom we've been waiting to appear kanina pa. Pasimpleng kinurot ko siya sa kanyang tagiliran. He flinched when I did it. Maybe I caught his sensitive side.

I chuckled when we parted and same as him.

Kunwari akong napalingon sa side nina Hans na nanonood sa amin, at nagkunwaring nabigla sa kanila. Umaakto lang ako para hindi mahalatang palabas lang ang ginawa namin.

"Oh, uhm. Hello." I acted embarrassed as I greet them.

Rylie just smiled awkwardly kaya nilingon ko saglit si Hans and caught him looking at me, but then look away when I did. Bigla naman akong nilamig sa titig niya and as the same time, natutuwa naman sa reaksiyon niya. Knowing him as my ex husband is enough to know what he meant by that look.

He's tempted.

"Sorry. We didn't mean to interrupt you guys. We're just here to greet you actually, Alexis." Awkward na pagsisimula ni Rylie.

"First name basis? A friend of yours?" I asked Alexis with a smirk sabay lingon sa kanya. Nahuli ko itong nakatitig din sakin kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko. He's really into playing with me.

Tumango siya saka ibinaling ang tingin sa dalawang taong nasa harap namin kaya ganun din ang ginawa ko. Nakatingin lang din sila sa aming dalawa. Confused and as far as I can see, Rylie is just playing nice and cool.

Kitang-kita sa itsura naman ni Hans na hindi siya komportable sa harapang ito dahil panay ang iwas niya ng tingin sa akin. Napapangiti na lang ako ng palihim dahil blisang-balisa ito sa presensya ko.

Looks like I can toture him just by standing in front of his face. This night is getting wild and the plan is running smooth.

"Hello there, miss. My name is Exelle Kim,  a friend of Alexis." Acting friendly towards them, I reach my hands to meet them na agad namang kinuha ni Rylie. From that handshake, naramdaman ko ang nerbiyos sa pulso ng kanyang braso. Pawis na pawis din ang palad nito kaya bahagya itong namula nang mapansin niyang nabasa ang palad ko ng pesteng pawis sa palad niya.

"It is- it is nice meeting you, Ms. Kim." She said keeping the cheerful tone in her voice, kahit na alam kong napilitan lamang ito. So much more for being an actress. She really knows how to act cheerful when she’s not.

"No need to be formal. Besides, you're a friend of Alexis, so call me Exelle instead. His friends are my friends." And his enemies, are my enemies.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon ni Hans na kanina pa nakatingin sa akin. Nang makuha ko ang atensyon nito agad akong napangiti ng malapad.

"And if I'm not mistaken, your name is Mr. Hans Kenji Alvez. The owner ofTe Amo. Am I right?" I said and then asked him kung nagkakamali ako o hindi. “And the chairman of MON Corporation?”

Tumikhim ito bago napilitang ngumiti saka tumango. “Yes.”

"I see. Hindi ka mahilig sa ganitong event. I can see that you're bothered." I said with a fake smile. Well, half of my smile was fake and the other part wasn’t fake at all. MON Corporation was my family’s company. Pursing my lips into a thin smile, pinanood ko si Hans na mag-react sa aking tanong, and saw him look away lalo na nang mabanggit ko ang pangalan ng korposrasyong pagmamay-ari ng aking pamilya.

I don’t actually care about anything else, but whatever that belongs to my family, will always be my family’s belonging. And knowing that he now had the corporation in his hands, it only infuriates me and angers me, further enough. But I kept my smile on my face.

Nakangiti ako sa successfully well done na plano ko at fake smile dahil nasa harapan ko ang mga traydor sa buhay ko. I'm just being friendly toward them dahil gusto kong makuha ang tiwala nila.

Make your friends closer, and your enemies closer.

He chuckled na ikinagulat ko ng kaunti dahil kita sa tawa nito na hindi ito napipilitan. Napatingin din sa kanya si Rylie nang may halong pagtataka.

So hindi ito tumatawa kapag siya ang kasama nito. Well said dahil nakakaamoy ako ng malansa sa kanilang relasyon. Mukhang hindi rin ako mahihirapan kay Hans. He seems really interested in me. And I'm so sorry in advance para sa kanya.

Nagtaas ako ng kilay and smirked before I turned around and faced Alexis, then clung my arms around his neck. Part of an act pa rin naman ito. Ngiting-ngiting sinalubong ko ang titig niya sa akin. Nakangiti rin siya sa akin. Well, I had too take advantage of having him by my side. With him, mas lalong napapadali ang mga plano ko.

He gave me a smacked kiss kaya natawa ako. Alam kong nanonood sina Hans at Rylie pero wala akong pakialam sa kanila. Manood lang sila samin.

"I think I need to go babe." Sabi ko kay Lex with my sexy voice and bit my lower lips.

"Too early for you to go. Ihahatid na kita. Hmm." Sabi niya sa akin and kiss the tip of my nose.

I chuckled saka umiling. "No need, Alexis. It’s so rude of you kung aalis ka bigla sa party ng kompanya ninyo. Mamimiss ka ng mga tao dito, sige ka." Malambing sa biro ko sa kanya kaya natawa ito.

"Fine. Fine. You win." He said and gave me one last kiss.

We may look like a real couple but we're not. We were only doing this para ipamukha kina Rylie na kami ang mga taong sinayang nila, na kami yung mga taong niloko nila at pinaglaruan.

They ruined the trust we gave them and now its time to ruin theirs.

Humarap ulit ako kina Hans at nakita kong matalim na nakatingin ito kay Alexis. Hindi ko alam kung matatawa ako sa reaksiyon na ipinapakita niya ngayon pero ang alam ko, ito ang hudyat na success na sumabit siya sa pain ko.

"I need to go. I'm sorry." Paalam ko sa kanila kaya napalingon sa akin si Hans at nakita kong nakakunot ang noo nito.

"But the party isn't staring yet. May pupuntahan ka ba?" Nagtatakang tanong sa akin ni Rylie na nginitian ko lang.

"Maaga kasi ako bukas. Besides, I've been busy the whole day at pumunta lang ako dito because its Alexis invitation." Sabi ko sa kanya. Bumaling ako ng tingin lau Hans and caught him still looking at me. I gave him my sweetest smile bago umalis ng tuluyan sa lugar na iyon.

I didn't look back at nagmamadaling lumabas ng venue. After that, agad kong tinawagan yung driver ko at sinabi sa kanya na uuwi na ako at naghihintay ako sa kanya.

"Exelle." A familiar baritone voice of a man suddenly call my name from behind kaya napalingon ako.

I smiled, an evil one.

"Mr. Alvez. What are you doing here?" I acted shocked and ask him.

Hindi ito sumagot at nagpatuloy na naglakad hanggang sa huminto ito sa harapan ko. Seryoso itong nakatingin sakin. Kaya napangiti ako sa kanya.

But deep beneath the flesh of my heart, nakakaramdam ako ng kaba. Pero bakit? Kanina, ayos lang ako sa harap niya. No fear at all.

Pero ngayon na nasa harap ko siya at kasama ko ngayon dito ng mag-isa, bigla na lang akong kinabahan.

Why?

"I know that its you, Xiellena." Sabi nito ng walang ekspresyon na ipinapakita sa kanyang mukha.

Seeing his face like this, the memory of his face looking at me ng galit na galit plays inside my mind. Kaya mas lalo kong naramdaman ang kaba sa aking dibdib.

Hindi ako nagpahalata sa kanya at hindi inalis ang ngiti sa labi ko.

"I'm sorry?"

"I clearly know that it’s you, wife."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status