"HOY! Ano ba! Ibaba mo nga 'ko!" Mga bulyaw niyang palag at pinagpapalo sa dibdib ang binata. "Huwag kang malikot. Mahuhulog ka," pananakot ni Dewei na naglakad papunta sa kama. Hindi ininda ang mga palo ng dalaga sa kanya. Natahimik si Velora na nanghahaba ang nguso. Ikinawit na lang ang dalawang kamay sa batok ni Dewei. Baka nga mahulog siya sa sahig o baka isadya ng binata ihulog siya. Maingat na inilapag ni Dewei si Velora paupo sa gilid ng kama. Kasunod nito, napaupo rin siya at tumunghay sa dalaga. Tahimik na tinitigan ang mukha ni Velora. Kinabisado ni Dewei ang buong mukha nito at saka bumaba ang kanyang mata sa mabibilog na d!bd!b ni Velora. Lalong natakam siya sa kanyang nakikita. Nakakasabik na muling mahaplos ang balat ng dalaga. Bumilis ang tibok ng puso ni Velora sa klase ng titig ni Dewei. Parang gustong kumawala sa kanyang dbdib. Ramdam niya ang mabilis na ugong nito na parang tambol at hindi niya mapigilan. Hinawakan ni Dewei ang garter ng maong shorts ng
NAPABALING ang tingin ni Velora sa kanyang katabi. Muli naulit na may nangyari sa kanila ni Dewei. Nasa isip niya na sana ganito din siya kabilis makatulog. "Ang guwapo talaga ng g@gong ito kahit tulog," bulalas niya na titig na titig sa guwapong mukha ni Dewei. May sumilay na ngiti sa labi ni Velora pero may pait sa puso niya. Dumapo ang isang kamay niya sa pisngi ng binata. Marahang hinaplos iyon. Napagpasyahan ni Velora na bumaba sa kama. Wala siyang pakialam kung wala siyang saplot sa katawan. Hindi naman na din siya makakatulog. Dumiretso siya sa banyo para muna maligo. Nang matapos ay nagsuot lang siya ng maluwag na t-shirt at shorts na maong. Pagkatapos ay nagsuklay at lumabas ng kuwarto. Nagmamadali na pumunta si Velora sa kusina. Baka kasi magising na din si Dewei. Kung may makakita sa kanila aakalain ng iba na may relasyon o para silang mag-asawa dahil sa iisang bahay sila nakatira at natutulog sa isang kuwarto. Sila lang ni Dewei ang tao sa resthouse, wala ang katiwa
MABILIS lumipas ang isang linggo. Walang naging problema sa pagsasama nina Velora at Dewei sa resthouse ng binata, maliban na lang sa madalas na pag-alis ni Dewei, na hindi alam ni Velora kung saan ito nagpupunta. Hindi naman siya makapagtanong sa binata. Wala siyang karapatang magreklamo at sabihin ang kahit anong saloobin niya. Pero, masaya siya na kahit paano ay maayos naman ang pakikitungo ni Dewei sa kanya. Para hindi mabagot si Velora ay inaalagaan niya ang mga halaman na garden, wala namang gagawa kundi siya lang. Palagi rin siyang naiiwan sa bahay. Saka para mawala na rin ang pagkamiss niya sa kapatid. Nagiging abala ang isip niya sa paghahalaman. Kagaya ngayon, wala si Dewei. Tiyak na gagabihin na naman ng uwi ang binata. Kinagabihan, mataman na naghihintay si Velora sa binata. Alas nuebe na ng gabi ay wala pa ito. Malamig na ang mga pagkain na inihanda niya. Nagluto pa siya kung hindi rin naman pala kakainin. Masisira at masasayang lamang. Nakaidlip na lang siya sa upua
NASA kabilang kuwarto si Velora. Nakaupo sa kama, nakasandal at yakap yakap ang mga tuhod habang humahagulhol ng malakas na iyak. Bato talaga ang puso ni Dewei. Palibhasa, mayroon ito ng lahat sa mundo, kapangyarihan, yaman, at impluwensiya. Hindi ito kailanman natutong umintindi ng damdamin ng iba. Para sa kanya, walang halaga ang luha, lalo na kung tungkol ito sa mga bagay na hindi niya kailanman itinuring na mahalaga. Muli siyang napahagulgol, mas mahigpit pang niyakap ang sarili. Hanggang kailan niya titiisin ang ganito? Hanggang kailan siya magpapakat@nga sa isang lalaking ni hindi yata marunong makaramdam? "Umaasa ka bang aamuhin ka niya at patatahanin sa pag-iyak? Wake up, girl! Asa ka pa!" Kastigo ng sariling utak. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha. Parang pader sa tigas ang lalaling 'yon. Walang puwang ang sorry dito. Ni hindi ata alam ni Dewei ang salitang sorry. "Nakakainis ka talaga, Dewei Hughes! I hate you! I hate you so much!" Malakas na sigaw ni V
“ANG gusto ko lang, kumain ka. Hindi naman siguro ‘yun mahirap...” “Kita mo na? Lahat na lang inuutos mo. Lahat ng bagay gusto mong dinidiktahan ako. Hindi ako puwedeng gumalaw ng akin, para na akong robot na may master na nagkokontrol sa lahat ng kilos ko,” hinanakit ni Velora. Kitang kita ni Dewei ang sobrang pagod at panghihina sa mga mata nito. "Sa totoo lang, nakakapagod na, Dewei. Pagod na pagod na 'ko. I just want to breathe. Sobra na, e... Konting konti na lang talaga. Malapit na 'kong bumigay," dugtong ni Velora bago tumalikod sa kanya. Nagtaas baba ang balkat nito. Panay din ang punas ng mukha at maririnig ang mahihinang hikbi. He extended his hand to tap Velora's shoulder, pero hindi niya ginawa. Binawi niya ang kamay at pilit iniiwas ang sarili. Gustong gusto ni Dewei na i-comfort, yakapin, at iparamdam na hindi siya nag-iisa, na may kasama siya. Nandito lang siya sa tabi nito at hinding hindi siya iiwan. Dewei tried to compose himself. Nanatili siyang nakatayo sa
“DONNY, do you have any news about Dewei?” tanong ni Solara, puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata para sa anak. Mahigit isang linggo na din nilang hindi nakakausap ang panganay si Dewei. Ni hindi tumatawag ang binata sa kanila. Kaya hindi niya malaman kung ano na ang sitwasyon nito. Umiling iling si Donny sa asawa. Nasa terrace sila para sa kanilang almusal na mag-asawa, silang dalawa lamang. Si Dwight ay nasa Solara Essence, siya ang ipinalit nila kay Dewei matapos ang eskandalong kinasasangkutan ng panganay na anak. Tiyak nilang magiging magulo ang lahat kung mananatili ang panganay nilang anak sa kumpanya. Baka mag-pull out pa lahat ang mga investors nila, at tuluyang malugmok ang negosyong pinaghirapan ni Donny palaguin sa loob ng mahabang panahon. “Where is he? I shouldn’t have told him to leave. I shouldn’t have cursed him. Napakasama kong ina," nagsisisi na wika ni Solara at halos mangiyak ngiyak. “Nasaktan ko ang damdamin ng panganay natin. Kasalanan ko talaga ito… nas
PUMASOK ang isang maganda at seksing babae sa loob ng opisina ni Dwight. Maiksi ang palda nito at nakabukas ang tatlong unang butones ng blouse nito. "Dwight, how are you, sweetheart?" Malanding tanong ni Nathalia, naitukod pa ang dalawang kamay sa lamesa na lalong nagpaluwa ng d1bd1b nito sa suot. "Oh, hi, Nathalia. Maigi na lang at dinalaw mo ako sa opisina ko. It's so boring here." Nakangising tugon ni Dwight na tumayo mula sa kanyang swivel chair. Umikot si Dwight at nilapitan si Nathalia. Hinapit niya ito sa beywang at inamoy ang leeg ng babae. Napadaing at napakagat labi naman ang babae sa ginawa ni Dwight. "Wait for me here..." sabi ni Dwight pagkatapos ay binitawan si Nathalia. Tumango lang ang babae at mabilis na pumunta si Dwight sa labas ng kanyang opisina. "Magenta, cancel all my appointments today. Basta bahala ka na mag-isip ng alibi sa kanilang lahat. At ayoko ng istorbo, bawal ang bisita today," utos ni Dwight sa sekretarya niya, na sekretarya ng kapatid. "Pero,
GABI na at hindi pa rin pinapansin ni Velora si Dewei. Dinadaanan lang ng niya ang binata at para itong hangin sa kanya. Minsan nahuhuli niya itong titig na titig, na parang may gustong sabihin pero pinipiit lang ang sarili. Natutuwa naman siya sa nakikitang inis sa mukha ni Dewei. Pumunta si Velora sa kusina. Biglang bumuntot sa kanya ang binata. Nang makarating siya sa kusina ay kinuha niya ang bote ng tubig sa loob ng ref. "Hanggang kailan mo ako iiwasan, Velora?" mahina pero mababa ang tono na tanong ni Dewei, na nasa kanyang harapan. "Manigas ka! Hindi kita papansinin!" Gustong isinigaw ni Velora sa binata. Ngunit, pilit niyang umaakto na wala siyang nakikita o naririnig. Nagsalin siya ng tubig sa baso at ininom ang tubig. Sa gilid ng kanyang mata, nakikita niya na pinapanood lang siya ng binata. Halata sa mukha nito ang inis sa ginagawa niyang pag-deadma. Naglakad si Velora papunta sa sink para hugasan ang baso. Ramdam niya ang pagsunod ng mga mata ni Dewei sa kanya kahit
"HINDI ko alam na marunong ka palang magluto," komento ni Aster matapos silang kumain. Beef steak ang niluto ni Jai, mayroon pa itong salad at dessert. "Lumaki ako sa hirap. Sanay ako sa gawaing-bahay. Dahil hindi naman talaga kami mayaman. Naigapang ko ang pag-aaral ko noon. Magkakilala na kami ni Dewei noong mga bata pa kami. Alam mo si Nanay kasi ay dati nilang labandera sa mansyon," saad ni Jai na magaan ang loob na naikwento ang kanyang naging buhay noon sa dalaga. Lalo lang humanga si Aster sa kasipagan at dedikasyon ni Jai. He’s almost perfect, has good looks, a kind soul, and a heart of gold. Nakaka-insecure. Parang wala siyang kapintasan. Naiisip tuloy ni Aster na kung nababagay siya sa isang katulad ni Jai. Malayo na ang narating nito dahil sa pagsisikap. Ni hindi nga niya nabalitaang nagkaroon ito ng nobya o babaeng na-involved dito sa Solara Essence. "Alam mo, dati ang first impression ko sa'yo, masyado kang seryoso sa buhay, istrikto, gano’n. Pero guwapo ka, ha! Kaya
HINDI kaagad nakapagsalita si Jai. Tinitigan niya ang kaakit-akit na mukha ni Aster. Napansin niya ang mata nitong may tuyong luha pa at namumula rin ito. Nag-alala siya bigla kay Aster. Parang mayroon sa kanyang kalooban na dapat niyang tulungan ang dalaga. Ginagap ni Jai ang mga kamay ni Aster. "Do you want to talk about it? You can share it with me. I'm here if you need me," sabi niya habang umuupo sila sa sopa. Nakayuko si Aster at hindi pa rin binibitawan ni Jai ang kamay niya. Hindi na niya napigilan ang kanyang mga luha. Kusa na itong kumawala at dumaloy sa kanyang pisngi. "M-May taning na ang buhay ng Papa ko... at kailangan nilang kong mapauwi sila dito. Pero, hindi sila makakauwi kung hindi nila mababayaran ang malaking utang nila dahil sa pagpapagamot ni Papa," kuwento niya habang panay pa rin ang pag-agos ng mga luha niya. Dahan-dahang itinaas ni Jai ang kanyang isang kamay at iniakbay iyon sa balikat ni Aster, nais iparamdam ang suporta para sa dalaga. "I'm willing
NAGKATITIGAN sina Aster at Jai. Nang dahan-dahan nang lumalapit ang mukha ng binata sa kanya ay pilit niyang iginalaw ang mga daliri sa kamay at mariing napapikit ng kanyang mga mata habang tikom ang bibig. Sabay tulak kay Jai palayo. Napaiwas ng tingin si Aster. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Hindi na normal ang tibok ng puso niya. Hinihingal siya na parang tumakbo ng sampung kilometro. "Inhale, exhale, Aster. Breathe..." pagpapakalma niya sa sarili. Tumalikod si Jai at marahas na napabuga ng hangin. Muntik na siyang makalimot. Kamuntikan na niyang mahalikan si Aster. "As I was saying, pumapayag ka na ba, Aster? Or, gusto mo bang dagdagan ko pa ng limang milyong piso pa? Name your price para lamang pumayag ka..." sabi ni Jai na may pagkadesperado. Kailangan na niyang may maiharap na asawa sa Tatay Rey niya. Nang sa gayon ay mapanatag ang loob nito na magagawa niya ang lahat sa napagkasunduan. Napaawang ng malaki ang bibig ni Aster. Umaakyat ang offer ni Jai hangga't hindi si
KINAGABIHAN, kabado na kipkip ni Aster ang kanyang bag habang na tahimik nakaupo sa sopa, nasa condo siya ni Jai. Hindi pa niya alam kung ano pa ang pag-uusapan nila bukod sa magiging kontrata nila bilang mag-asawa.Puwede naman kasing totoohanin na lang nila. Bukas siya sa usaping 'yon at hinding-hindi tatanggi. Sino ba siya para tanggihan ang isang Jai Gonzales? Para siyang nagtampo sa bigas. Halos nasa binata na ang lahat ng gusto niya sa isang lalaki. Saka, si Jai na 'to, ang pangarap niyang lalaki.Napangiti si Aster sa kilig sa mga tumatakbo sa kanyang isip.Isang tikhim ang kanyang naulinagan. Napaigtad siya sa gulat at napaayos ng upo. Napatunghay siya sa matangkad na binata sa kanyang harapan.Lumabas mula sa kusina si Jai na walang pang-itaas na damit at naka-pajama lamang na puti. Inilapag nito ang dalang drinks sa ibabaw ng center table.Napaawang ng malaki ang bibig ni Aster at naihilig ang ulo.Isang mala-Piolo Pascual ang lalaking nasa kanyang harapan. Sa tindig, tangka
ANG aga-aga pa ni Aster sa bahay nina Velora at Dewei. Dumayo pa siya sa Batangas para lamang sabihin ang napag-usapan nila ni Jai kagabi. Hindi na naman mapakali ang makating dila para ikuwento sa kaibigan ang lahat ng napag-usapan nila ng kaibiga. Nangako ito na dapat sila lang dalawa ni Jai ang makakaalam ng sekreto nila. "Ewan ko sa'yo, Aster. Baka magalit si Jai na sinabi mo sa akin ang sekreto ninyong dalawa. Ikaw talaga, oh. Hindi mo talaga kayang magtago ng sekreto. Nangako ka pa naman sa kanya. Lagot ka talaga kapag nalaman ni Jai 'to." "Sa excited lang ako. Bigyan mo nga ako ng tips," sabi ni Aster. Napaismid si Velora. "Tips? Para saan?" "How to be a good kisser? Siyempre, ikaw may asawa ka na. May anak na rin kayo ni Dewei. So, may experience ka na," kaswal na sagot niya. Gustong bumanghalit ng malakas na tawa ni Velora. "Loka-loka ka talaga. Tips, paano talaga maging good kisser?" Lumapit pa siya sa kaibigan at inilapit ang bibig sa tenga niya. "Ano kaya kung 'yung a
"BE my contract wife for one year, Aster. Isang taon lang, tapos babayaran kita ng limang milyong piso," seryoso at walang pasubaling alok ni Jai. Nanlaki ang mga mata ni Aster sa pagkabigla. Hindi kaagad siya naka-react at tinapik-tapik ang mukha. "Paki-kurot nga ang pisngi ko..." Napakunot ang noo ni Jai. Tumaas ang isang kilay niya sa inasta ng babaeng kaharap. Napa-roll naman ang mga mata ni Aster sa reaksyon ng binata. "Ito naman, hindi na mabiro. Gusto ko lang malaman kung gising ba ako o nanaginip. Tapos iyong mukha mo, akala ipinaglihi sa sama ng loob..." "Act formal and normal, Aster. Seryoso ako." Nalaglag ang panga ng dalaga. Mukha ba siyang mongoloid o sinto-sinto para sabihin ni Jai 'yon? "Huh? E, kasi naman ikaw. Nangbibigla ka. Saka, bakit ako?" tanong ng dalaga na tila hindi pa rin makapaniwala sa inaalok ni Jai. "Sobrang ang laki naman ng ibabayad mo para lang maging asawa mo. Iba rin ang umaasenso, no?" Parang nabingi ata siya sa narinig niya kanina. Inaya s
AFTER three days na pahinga, nag-report na rin sa trabaho si Aster. Todo ang ngiti niya habang naglalakad papunta sa kanyang desk. "Good morning, people," masiglang niyang bati sa mga kasamahan. Napalingon isa-isa ang mga ka-trabaho ni Aster sa kanya. "Iba ka, Aster. Ang saya-saya mo, ha. Iba talaga kapag galing sa bakasyon ng tatlong araw," kantiyaw ng isang kasama niya sa trabaho. Ang gaan lang ng pakiramdam ni Aster sa trabaho. Pero ganyan naman talaga siya, laging nasa mood, kwela, at madaling pakisamahan. Hindi siya nauubusan ng kwento, at kahit pagod na ang lahat, may energy pa rin siyang magpatawa. Pero sa likod ng masigla niyang boses at matatamis na tawa, may mga gabing hindi rin siya makatulog. Nag-iisa lang siya dahil ang parehong magulang niya ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi rin siya malapit sa mga kamag-anak niya both side ng parents niya dahil hindi siya madalas makihalubilo sa kanila. Tanging si Velora lang at ang pamilya nito ang ka-close niya. "Anak, kumust
BIGLANG hinaklit ni Marlon ang braso ni Jena at hinila ang asawa papasok sa kuwarto nila. "Ang sabi ko sa'yo humingi ka ng pera kay Jai. Bakit hindi mo ginawa? Nakipagdaldalan ka pa sa anak mo.." mahinang sabi ni Marlon na may diin ang mga salita. Ayaw niyang makalikha ng ingay at marinig ni Jai ang pinag-uusapan nila ni Jena. Napadaing si Jena sa higpit ng kapit ni Marlon sa braso niya. "Nasasaktan naman ako... bitiwan mo nga ako." "May inuutos ako sa'yo, hindi mo sinunod. Alam mong wala na akong pera. Pano pa ako pupusta mamaya, ha?" Binitawan na ni Marlon ang asawa. Napadaing pa rin si Jena. Nag-iwan ng pulang marka ang hawak ng asawa sa kanyang braso. "P-Pasensiya na, nakalimutan ko..." "Nakalimutan? Ang sabihin mo, hindi ka talaga humingi ng pera. Galing ang anak mo sa Tatay niyang mapera. Malamang sa malamang, nabigyan 'yan si Jai," giit ni Marlon. Wala na itong pakialam kahit makasakit basta may pera s'ya at makapag-sugal. Napayuko na lamang si Jena. Ayaw niyang s
"I'M desperate now. Saan ako kukuha ng babaeng papayag na maging asawa ko at aanakan ko pa?" frustrated na tanong ni Jai. Inaya niya si Dewei na uminom, pero sa restaurant lang sila nagpunta. Ayaw niya sa bar, bukod sa maingay, mausok pa. Siya ngayon ang may problema. Dahil sa kagustuhan niyang patunayan ang sarili sa tunay na ama, nahihirapan siyang magdesisyon. Sa kaso niya wala naman siyang nagugustuhan na babae pa. Ni hindi pa niya nasubukan na manligaw. "I told you to ask Aster. Wala kang choice. Mapagkakatiwalaan mo pa siya sa sekreto mo. Iyong nga lang, kung papayag siyang magpabuntis sa'yo. Siyempre, may expiration ang kontrata n’yo. And it’ll be hard for her to leave her child with you," mungkahi ni Dewei. Napaisip si Jai. Paano kung tama si Dewei? Aster might be the best option to be his contract wife. Ang kinakatakot lang niya ay kung papayag ba itong may mangyari sa kanila. Hindi iyon magiging madali para sa dalaga. "Pero, mahirap mapapayag ang babaeng 'yon. Alam ko