Share

06

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-03-05 08:41:33

SINABUNANG maigi ni Velora ang kanyang buong katawan at nag-shave din siya ng kanyang gitna. It's her first night at gusto niyang maging memorable kahit na hindi sa lalaking pakakasalan niya.

'Di niya maintindihan ang sarili, na-e-excite siya ngayong gabi sa mangyayari. Nagsinungaling pa siya kay Rosenda para lamang mapayagang hindi pumasok sa club.

Pagkalabas niya ng banyo, nadatnan niya si Len na inihahanda ang pagkain ni Vanna.

"Papasok ka na ba, Velora, sa part time mo?" tanong ng ginang.

"Opo, ate. Kayo na po muna ang bahala kay Vanna. Dadagdagan ko na lang po ang bayad ko sa inyo." Tugon ni Velora. Pakunswelyo sa dagdag na oras na pagbabantay at pag-aalaga sa kapatid niya.

"Naku, itong batang 'to. Kahit 'wag na. Okay naman ang ibinabayad mo sa akin buwan buwan. Nakakasapat sa panggastos naming mag-anak," tangging sagot ni Len. Sobra naman ang buwanang sahod na natatanggap niya mula kay Velora.

"Nakakahiya naman po. Halos kayo na po ang palaging kasama ni Vanna. Wala din po akong makuhang ibang mag-aalaga sa kanya. Parati akong abala sa mga trabaho."

"Kaya nga at naiintindihin ko kung bakit mo iyon ginagawa. Tulong ko na rin sa inyong magkapatid. Hindi na kayo iba sa akin at parang anak na rin ang turing ko kay Vanna. Importante makaipon ka para may pangpa-opera ang kapatid mo," sabi ni Len.

Napangiti si Velora. Kung alam lang nito ang uri ng kanyang trabaho, baka tumalikod na si Len para mag-alaga sa kanyang kapatid. Kaya nga nanatiling lihim ang kanyang pagtatrabaho sa club kahit kanino. Sinisiguro din niyang walang customer ang makakilala sa kanya kapag nasa labas. Hindi naman siya nagpapalabas sa kahit na sinong lalaki. Mas pinipili niyang sa loob ng lounge ng club siya dalhin kaysa motel or sa mamahaking hotel.

"Magbibihis lang po ako, Ate Len. May ibibigay po ako sa inyo at mayroon din po akong ipapakiusap sa inyo."

"Sige na, Velora. Pakakainin ko pa si Vanna," tugon ni Len.

Tumalikod si Velora sa ginang at pumunta sa kuwarto niya. Pagkapasok sa loob ng kuwarto ay naghanap siya ng maari niyang isuot. Si Dewei Hughes ang makakasama niya buong gabi. Kailangan niyang maging maganda sa paningin ng binatang amo. Baka dagdagan ang ibabayad sa kanya.

Nang maayos ni Velora ang kanyang sarili ay kinuha niya ang kanyang shoulder bag at lumabas ng kanyang kuwarto. Tumungo siya sa kuwarto ng kanyang kapatid.

"Ate Len..." tawag niya sa tagapag-alaga ng kanyang kapatid.

"Bakit, Velora?" tanong nito, tumayo at lumapit sa dalaga.

"Puwede po bang mag-usap tayo? Sandali lang po."

Nagtaka si Len saka marahang tumango. Hinila siya ni Velora sa sala, tulog na kasi si Vanna.

"Ate, puwede po bang sa bahay niyo po muna si Vanna?"

"Ha? Bakit?"

"Mawawala po ako ng isang buwan. May trabaho po akong pupuntahan at pagbalik ko kukunin ko si Vanna sa inyo." Sagot ni Velora. Tumingin si Len na may pagtataka.

"Parang ang tagal ng isang buwan, Velora. Kaya mo bang hindi makita ang kapatid mo ng ganoon katagal?"

"Hayaan mo, ate. Huli na po 'yon. Sa pagbabalik ko po, aalis po kami ni Vanna," pinal na sagot ni Velora.

Naka-plano na ang lahat at iyon ang mangyayari. Gusto na niyang magpanibagong buhay kasama ang kapatid. Gusto niyang maranasan na maging malaya sa uri ng kanyang trabaho sa club. Hindi na niya babalikan ang masamang buhay niya.

"Saan kayo pupunta ni Vanna?"

"Bahala na po, Ate Len. Uumpisahan na din po ang operasyon niya. Magiging normal na bata na siya at makakapag-aral na siya ulit."

"Sa kabilang banda, natutuwa ako sa'yo. Naitawid mo ang kapatid mo. Pinagsikapan mo ang pagpapagamot niya. Kaya nabubuhay din si Vanna ay dahil sa'yo. Oh, siya. 'Wag kang mag-alala sa kapatid mo, ako na ang bahala. Dadalhin ko siya sa bahay bukas. E, nakapagpaalam ka na ba sa kanya?" tanong ni Len kay Velora.

"Hindi pa nga po. Pero, tatawagan ko na lang po siya. Sabihin n'yo na lang po na babalikan ko siya. Pangako 'yan. Padadalhan ko kayo ng buwanang panggastos n'yo pati ang pamilya mo, Ate Len. Iyong para na din po sa maintenance ni Vanna."

"Kay Vanna na lang, Velora. 'Wag mo ng dagdagan ang ibinabayad mo sa akin. Malaki na nga ang biente mil, buwan buwan. Nasa bahay lang ako at hindi naman mahirap alagaan si Vanna. Magagamit mo ang pera pamdagdag sa pang-opera ng kapatid mo."

Ngumiti si Velora saka may kinuha sa loob ng kanyang bag. "Tanggapin mo ito, ate. Para sa'yo talaga 'yan." Sabi niya, sabay kuha ng kamay ni Len at ibinigay ang pera.

Tiningnan ni Len ang bungkos ng pera saka napatingin kay Velora. "Sobra sobra ito... hindi ko matatanggap 'yan."

"Tanggapin mo na, ate. Gusto ko naman bigyan kayo kahit paano dahil sa tiyaga at pasensiya n'yo sa pag-aalaga kay Vanna. Kung hindi dahil sa inyo, baka palagi akong nag-aalala para sa kanyang kalusugan. Malaki ang utang na loob ko sa inyo. Alam n'yong wala akong mahanap na mag-alaga sa kanya. Kahit kamag-anak namin ay hindi ko naman mga kilala."

Maluha luha si Len na hinawakan ang kamay ni Velora. "Maraming salamat dito. Kakailanganin ito ng panganay ko para sa pag-aaral niya sa kolehiyo. 'Di na ako maghahagilap pa ng pera sa gagamitin n'ya."

"Kung kulang pa po 'yan. 'Wag kayong mahiya na humingi po ng tulong. Tutulong po ako para sa pag-aaral ni Loross."

Binitawan ni Len ang kamay ni Velora at dalawang kamay na hawak niya ang singkwenta mil na ibinigay ng dalaga.

"Tama na 'to. Kakayanin na naming mag-asawa at pagsusumikapan. Malaking biyaya na ito para sa aming buong pamilya. Maraming salamat ulit."

Tumango si Velora at ngumiti. "Inihanda ko na po pala ang gamit ni Vanna, nasa kuwarto ko po. Dalhin n'yo na rin po sa bahay n'yo ang mga gamit na natitira dito sa apartment."

Napaamang si Len. Mukhang planado na ni Velora ang lahat at wala nang makakapigil pa.

"Oh, sige. Uupa na lang ako ng hahakot. Maraming salamat ulit," taos sa pusong pasasalamat ni Len sa lahat ng ibinigay ni Velora sa kaniya.

"Puntahan ko lang po si Vanna sa kuwarto niya," paalam ni Velora na tinanguan ni Len.

Pinuntahan muli ni Velora ang kapatid niya sa kiwarto nito. Hahalik lang siya at aalis na. Sana'y mapatawad ni Vanna ang gagawin niya. Alam niyang hindi iyon rason. Pero gusto lang niyang madugtungan ang buhay ng kanyang kapatid.

Pagkapasok niya sa loob ay nadatnan niya itong nakaupo sa kama.

"Oh, bakit nagising ka?" agad niyang tanong at naglakad palapit kay Vanna.

"Ate..." umiiyak na sambit nito.

Kaagad na niyakap ni Velora ang kapatid, ilang segundo ay humiwalay siya at iniharap sa kanya si Vanna.

May naramdamang siyang kirot sa puso nang makitang lumuluha ang kapatid.

"Bakit ka umiiyak?"

"Ate, iiwan mo daw ako?" Balik na tanong ni Vanna. Nagulat naman si Velora sa kanyang kapatid. Narinig ba nito ang pinag-usapan nila ni Ate Len?

"Totoo ba, ate?"

Marahang hinagod ni Velora ang mahabang buhok ni Vanna. "Magta-trabaho lang si ate. Di ba, para kay Vanna naman 'to?"

Lumakas ang hikbi ng kapatid niya habang isinandal niya sa kanyang balikat ang ulo nito.

"Sorry po..."

"Bakit ka naman nagso-sorry?"

"Kasi alam ko na nahihirapan ka na. Alam ko naman na para sa akin lahat ng sakripisyo mo," sagot ni Vanna na umiiyak pa rin.

Mabilis na umiling si Velora. "Hindi ako nahihirapan. Kailan ba napagod si ate? Di ba, hindi naman? Basta ang gusto ko magpagaling ka. Sandali lang akong mawawala. Andito sina Ate Len para bantayan ka. Sa kanila ka na muna tutuloy pansamantala. Iyong check up mo, tapos mga bilin ng doktor. Palagi mong susundin. Iinumin mo sa tama ang mga gamot mo," mga bilin ni Velora.

Mas lalong humagulhol ng malakas na iyak si Vanna. Nakikita niya ang lahat ng sakripisyo ng sariling kapatid para lamang siya iligtas sa sakit. Sana'y makabawi siya at masuklian man lang ang mga sakripisyo at paghihirap nito. Iniangat ni Velora ang tingin ng kanyang kapatid sa kanya.

"Huwag kang umiyak. Sabi ko, di ba, dapat strong ka? Iyon lang ang gusto ni ate para lumalan din siya. Kasi mahal na mahal ka niya..." hindi na rin napigilan ni Velora ang hindi maiyak.

"Hihintayin kita, ate. Tapos ipasyal mo ako, ha?"

"Oo naman. Kahit saan mo gustong pumunta, dadalhin kita doon," sinserong sagot ni Velora. Marahan niyang hinaplos ang mukha ni Vanna.

"Mag-iingat ka sa trabaho mo. Tatawagan mo ako palagi, ate."

Tumango tango si Velora habang pinupunasan ang mga luha ng kapatid.

"Makinig ka kay Ate Len palagi. Siya ang magiging kasama mo at magbabantay sa'yo. Hindi ka niya pirababayaan." Hinalikan ni Velora sa noo ang kapatid.

Iyak nang iyak si Vanna nung umalis siya ng apartment nilang magkapatid. Hindi din niya matagalang makitang nasa ganoon ang kapatid niya. Nadudurog ang kanyang puso habang palayo sa kanyang kapatid na humahagulhol ng iyak.

Sakay siya ng taxi na palagi niyang inaarkila sa tuwing may pinupuntahan siya. Patungo siya sa isang sikat na condominium sa Makati. Doon sila magkikita ni Dewei. Bumibilis ang tíbók ng puso niya at namamawis ang kanyang mga kamay sa nerbiyos. 'Di alam ni Velora ang kanyang sasapitin sa oras na maibigay niya kay Dewei ang hinihingi nito.

Sampung milyon para sa isang gabi. Katumbas nun ay buhay ng kanyang kapatid.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   363

    NAPAKAPIT ng mahigpit si Vanna sa braso ng asawa. Tila may bumalot na takot sa kanyang mukha nang makita ang matandang kinakatakutan. "Andito lang ako, Vanna. Po-protektahan kita," sabi ni Zander sa asawa na nakikitaan niya ng takot sa mga mata. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito. Napatingin si Dewei sa mag-asawang sina Zander at Vanna, bago siya lumingon kay Jai na tahimik lang sa gilid. “Jai,” mahinang tawag niya. “That man is terrorizing my sister-in-law.” Napalingon si Jai mula sa kape niyang hawak. Tumango ito matapos makita kung sino ang tinutukoy. “Mayor Oscar,” bulong ni Jai. “You sure he’s here to stir trouble?” “I don’t trust him,” mariing sagot ni Dewei. “Not around Vanna.” “Then you know what to do,” sabi ni Jai, bago muling tumingin sa matandang lalaki. Hindi na nag-aksaya ng oras si Dewei. Lumakad siya palapit sa mag-asawa para magsilbing harang mula sa paparating na hindi inaasahang bisita. “Magandang gabi,” kaswal na bati ni Mayor Oscar saka ng

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   362

    PANAY ang lakad ni Zander pabalik-balik. Naghihintay sa pagdating ng kanyang pinakamamahal na bride. "Kabado ka bang hindi sisipot ang kapatid ko, Zander?" untag ni Velora nang nilapitan ang asawa ng bunsong kapatid. Napatunghay si Zander kay Velora at payak na ngumiti. "Sa totoo lang, hindi. Alam ko kasi na darating ang asawa ko sa kasal namin. Hindi niya ako iiwan na nag-iisang naghihintay sa altar." Siguradong-sigurado na sagot niya. "Malaki ang tiwala mo sa kapatid ko. Ano?" Mabilis na tumango-tango si Zander. "Siya lang ang babaeng minahal ko kaya ganoon na lang ang tiwala ko sa kanya na hindi niya ako tatalikuran. Kinakabahan lang ako na baka hindi ko kayang ibigay sa kanya ang mga bagay na nakasanayan niya. Iyong mga nakukuha niya sa inyo noong dalaga pa siya. Natatakot ako sa expectation n'ya." Napahinga nang malalim si Velora. Tiningnan niya si Zander na parang binabasa ang laman ng loob nito. "Zander..." malumanay niyang wika. "Ang kapatid ko, hindi 'yan nagpakas

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   361

    "HAYAAN mo na kung ayaw. May nakuha naman na kayong bagong best man ni Zander. Di ba?" sabi ni Lyca. Magksama sila sa hotel room at naghahanda para sa kasal ni Vanna maya-maya lang. Alas siyete pa lang ng umaga at pareho sila ni Vanna na maagang nagising. Excited lang sila sa magaganap na kasal mamaya. Malungkot na tumingin si Vanna sa kaibigan at umiling. "Hindi kami kumuha ng papalit na best man. Umaasa pa rin ako na darating si Tony." "E, bakit? Ayaw na nga nung tao. Dapat hindi mo na pinilit..." "Maghihintay pa rin kami ni Zander at aasa. Kung hindi man dumating si Tony, ikaw na lang ang aming nag-iisang maid of honor at best man. Puwede naman siguro 'yon?" Giit ni Vanna na ngumiti kay Lyca. Napangiti rin si Lyca at hinawakan ang kamay ng kaibigan niya. "Dapat masaya tayo. Kasal mo na kaya. Darating na rin ang magmake-up sa atin. Yes, this is it! Sobrang maligaya ako para sa inyo ni Zander." "Ako rin. Hindi ko nga akalain na darating kami sa ganitong pagkakataon na maikakasa

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   360

    HUMUGOT muna ng malalm na paghinga si Vanna habang nakatayo sa harapan ng mansyon ng mga Bautista. Napatingin siya sa kanyang tabi nang hawakan ni Zander ang kanyang kamay. "Huwag kang kabahan. At saka, alam ko naman na hindi siya galit sa'yo. Andito rin ako, kasama mo," pagpapalakas ng loob ni Zander kay Vanna. "Hindi ko alam kung tatanggapin niya na maging best man sa kasal natin. Baka kasi masama ang loob ni Tony sa akin." Hinaplos ni Zander ang likod ng kamay niya at bahagyang ngumiti. "Kung ako nga napatawad mo, si Tony pa kaya? Alam kong nasaktan siya, pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ka na niya mahal bilang kaibigan." Tumango si Vanna, bagamat bakas pa rin sa kanyang mukha ang pag-aalala. "Siguro... siguro kailangan ko lang talagang humingi ng tawad. Hindi dahil kasal na tayo kundi dahil gusto ko lang mapawi ang bigat sa pagitan namin." "Sige na, tayo na. Bago ka pa umatras," biro ni Zander sabay bahagyang hila sa kanya papasok sa gate. Habang papalapit sila sa pint

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   359

    NASA Batangas muli sina Zander, Vanna at si Len para dalawin ang pamilya Hughes. "Oh, kumusta ang preparation ng kasal ninyong dalawa?" untag ni Velora habang ibinababa ang dalang tray. Karga ni Vanna ang pangalawang anak ni Velora na babae. "Okay naman po, Ate. Pero, bakit ganoon po ka-engrande? Puwede na po kami ni Zander sa simple lang." Napaayos ng tayo si Velora at seryosong tinignan ang bunsong kapatid. "Hindi naman magarbo. Ang sa akin lang gusto kong ibigay sa'yo ang nararapat. Ikaw na lang ang hindi naikakasal sa atin. Si Ate Marilyn kasal na rin siya. Saka, 'wag kang mag-alala sa gastos," sagot ni Velora. "Velora, hindi naman puwede na aakuin n'yo ni Mr. Hughes ang buong gastos sa kasal. Kahit na mahirap lang kami ay kaya ko naman ibigay sa asawa ko ang isang magandang kasal. Mahal ko siya kaya nararapat lang na maghanda rin ako para sa araw na 'yon," sabi ni Zander, sabay hawak sa kamay ni Vanna. "Hindi lang ito tungkol sa engrandeng selebrasyon, kundi sa pangako namin

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   358

    "LOVE, andito na ang wedding coordinator natin. Ipinadala nina Velora at Mr. Dewei Hughes," anunsyo ni Zander habang papasok sa kusina. Napatigil si Vanna sa paghalo ng niluluto. Nilingon niya ang asawa at kunot-noong nagtanong, "Ha? Bakit kailangan pa ng wedding coordinator? Okay na sa atin ang simpleng kasal..." Naghugas siya ng kamay, nagpupunas habang patuloy na nagsasalita. "Saka akala ko ba intimate lang, 'yung tayong dalawa lang talaga at ang mga bisita ay malalapit lamang sa atin." "Alam mo naman ang mga kapatid mo, mas excited pa sila sa kasal natin kaysa sa atin," natatawang sabi ni Zander. Lumapit siya at hinawakan sa magkabilang balikat ang asawa, saka marahang inilabas sa kusina patungong sala. Natawa na rin si Vanna. "Sabagay. Lalo na si Ate Velora, parang siya ang ikakasal, eh." Tinabihan siya ni Zander at agad ipinulupot ang braso sa beywang ni Vanna, saka bumulong, "Basta ako, ang mahalaga sa akin ay ikaw ang mapapangasawa ko." Namula si Vanna at bahagyang tinam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status