KABADO si Velora, pinagpapawisan ang kanyang palad sa nerbiyos habang nakatingin sa pinto ng condo unit ng kanyang amo na si Dewei. Wala na itong atrasan, andito na siya at hindi na makakawala pa sa anumang gustong gawin ng binatang amo.
Napahinga siya ng malalim saka kinuha ang key card na inabot sa kanya sa reception kanina. Ang pakilala niya ay empleyado ni Mr. Dewei Hughes. Maigi na lamang ay nag-iwan pala ang binata ng spare key card para sa kanya. 'Di na niya maistorbo ang amo para pagbuksan siya ng pintuan. "Para sa pagpapagamot ni Vanna. Kaya ko 'to..." ani Velora, kahit halata ang pag-aalangan sa kanyang tinig. Nai-swipe niya ang key card at agad bumukas ang pinto. Naihakbang ni Velora ang paa papasok sa loob. Ito ang unang beses na nakapasok siya sa loob ng condo unit ng amo. Dinig niya na hindi ito madalas puntahan ni Dewei. Dahil naninirahan ito kasama ng parents at kapatid na bata sa kanya ng limang taon. Dahan dahan ang bawat hakbang ni Velora, tila nag-iingat na huwag makalikha ng kahit kaunting ingay. Hindi siya sigurado kung nauna nang dumating si Dewei, pero sa tingin niya, tama lang ang oras ng kanyang dating. Nasa sala si Velora ng unit, namangha siya sa ganda ng mga kagamitan sa loob. Halatang mamahalin lahat, at makikita kung gaano karangya ang buhay ng kanilang CEO. Malayong malayo sa kanilang buhay ni Vanna, na patuloy na nagtataka kung nasaan ang kanilang ama. Matagal na kasing wala siya balita at hindi na din ito nagpakita sa kanilang magkapatid. "Sir Dewei... andito na po ako..." tawag ni Velora sa amo. Ilang saglit siyang naghintay ng sagot, ngunit katahimikan lang ang bumalot sa buong paligid. "Sir..." ulit niyang tawag habang pasilip silip sa pasilyo na sigurado siyang papunta sa kwarto ng binata. "Velora, you came." Napatingala si Velora nang marinig ang baritonong boses ng amo. Napaayos siya ng tayo at pilit inalis ang bara sa kanyang lalamunan, kasabay ng pag-aayos sa kanyang damit. At paglundo ng kanyang dibdib sa kaba nang makita ang matalim na titig ni Dewei sa kanya. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng amo. Suot ni Dewei ay loose shirt at casual shorts, simple lang, pero litaw na litaw ang karisma na maging siya ay naaakit. The shirt casually drapes over his chest and shoulders, accentuating his strong physique, while the shorts, simple but well-fitted, show off his toned legs. He looks like he doesn't need to try hard, but his presence commands attention effortlessly. "O-Opo. May pinag-usapan tayo, at—" "Not now," putol ni Dewei sa kanyang sasabihin. "Let's eat first. Naghanda ako ng pagkain. Hindi ko gustong kumain na mag-isa at saka hinintay talaga kita." Natigilan si Velora, nagtaka sa pagbabago ng tono ng amo. Hindi ito ang Dewei Hughes na kilala niya sa Solara Essence. Ang Dewei na kilala niya ay malamig, mapagmataas, at laging galit sa lahat. "Nakakain na po ako. Kayo na lang po..." mahina niyang tanggi. "No, you need to eat with me. Nagugutom na ako at hinintay talaga kita." Hinawakan ni Dewei ang pulsuhan ni Velora at hinatak papunta sa kusina. "E, sir, hindi po ba dapat gawin na natin 'yung dahilan kung bakit ako andito? Para matapos na at makauwi na ako," giit niya, ngunit natigilan siya nang huminto si Dewei at mariing tumingin sa kanya. "Ang usapan natin, you'll be mine the whole night. And I'm trying to do something different for you, Velora. Gusto kong itama kahit isang beses lang. Let me show you na hindi lang ako ang lalaking kilala mo bilang boss sa Solara." Napatingin si Velora sa mga mata ni Dewei. May kung anong bigat sa boses nito na hindi niya maipaliwanag. Pero hindi rin niya maiwasang magduda sa binata sa sinasabi nito. "Let's eat first, Velora. Lalamig lang ang pagkain." At hinila nito ang upuan para sa kanya. Wala sa loob na naupo si Velora, habang sinusundan ng kanyang mata ang bawat galaw ng amo. Nang makaupo ito sa tapat niya, hindi niya napigilang magsalita. "Hindi lang ako sanay na nakakita kayong ganito, sir. Ang mga negosyo niyo at ang Solara ang importante sa inyo. Business is business at ang lahat ng bagay ay may kapalit," sabi ni Velora, na halatang nagtataka pa rin sa iginagawi ni Dewei. Saglit na natahimik si Dewei, ang mga mata niya'y nakatuon kay Velora. "I know. I don't blame you for thinking that way. Ginawa ko ang lahat para ipakita na walang halaga sa akin ang maraming bagay at mga taong nakapalibot sa akin, lalo na ikaw. Pero gusto kong malamang mo, Velora, na mali iyon." Nagulat si Velora sa sinabi ng amo, pero nanatili siyang tahimik at pinakikinggan ang bawat salita ni Dewei. "I know I’ve treated you like someone I paid for pleasure… at hindi mo alam kung gaano ko gustong baguhin 'yon. Ngayon lang ako magkakaroon ng pagkakataon na baguhin ang tingin mo sa akin." Itinaas niya ang paningin, seryoso ang mga matang tumitig sa dalaga. "You’re a virgin, and I want your first time to be something you’ll treasure, not regret." Hindi naman makatingin ng diretso si Velora kay Dewei. Napakuyom siya ng kanyang kamay sa ilalim ng mesa, ang boses ni Dewei ay puno ng emosyon, pero hindi niya maiwasang magduda sa lahat ng ipinapakita ng binata. "Sir, hindi po gano'on kadali... hindi po gano'on kabilis magbago ang tingin ko sa inyo. Dahil sa mga naranasan ko sa inyo." Hindi niya mapigilan ang panginginig ng kanyang boses. "I know, Velora. But tonight, let me try. Let me show you na hindi ako isang halimaw tulad ng iniisip mo." Tumayo si Dewei at marahang itinulak palapit ang plato ni Velora. "Let's eat, please. Para naman may lakas ka mamaya." Napakagat labi si Velora at sinimulan ang pagkain pero hindi niya maiwasang mapaisip. Totoo kaya ang nakikita niya? O isa lang itong panibagong laro ni Dewei Hughes? Mga tanong niya sa isip habang nakatingin sa kawalan. Tahimik silang kumain. May ilang kay Velora sa kakaibang pakikitungo ng amo niya. Pero pilit niya itong inaalis sa kanya at umaaktong normal sa harap ni Dewei. Nakaupo si Velora sa sopa, nakayuko ang ulo habang magkasalikop ang dalawang kamay. Napatingin siya sa amo na bumalik sa sala, kipkip ang isang bote ng alak habang may matamis na ngiti sa labi. "Uminom ka para maalis ang kaba mo. I feel you're nervous. Come on, Velora," natatawang umiiling ang binata at umupo sa tabi ng dalaga. Ang cool ng dating ni Dewei, kaya parang lovers sila kung titingnan. Pero lust lang ang nag-uugnay sa kanila. Pareho nilang kailangan ang isa’t isa para sa magkaibang dahilan. At ngayong gabi, mawawala na ang pinakamahalagang bahagi ng sarili niya. Hinding hindi niya iyon pagsisisihan dahil para kay Velora, kung hindi niya maibibigay ang sarili sa lalaking pakakasalan niya, mas mabuti pang kay Dewei na lang. Sa kabila ng mga pangit na ipinakita nito sa kanya, nagiging mahalaga na rin sa kanya ang amo. "Here," alok ni Dewei basong hawak na may lamang alak. Tinignan iyon ni Velora. "Hindi naman po ako umiinom, sir..." Napahalakhak si Dewei. "Velora Venice, my beautiful Velora. Hindi marunong uminom, ano bang alam mo?" May nakakauyam niyang tanong. "Nakakainsulto naman 'yon, sir," nakaismid na sabi ni Velora. Tinaasan niya ng kilay ang binata Humalakhak ng malakas si Dewei. "I'm just teasing you. Hindi ka kasi mangiti, kitang kita talaga ang nerbiyos sa'yo. Relax, hindi naman ako nangangain ng tao. Iba nga lang ang gusto kong kainin sa'yo." Nang-iinis pang saad ng binata na inakbayan sa balikat ang dalaga. Napaangat ang tingin ni Velora sa katabi. Nginitian siya nito ng mapang-asar. Nanadya ata talagang inisin siya. "Masaya ka na bang asarin ako, sir? We have business together, kaya ako nandito. Don’t treat me like your girlfriend. Nakakatindig ng balahibo, oh," sabi ni Velora na ipinakita ang braso kay Dewei. Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari. Parang kahapon lang, itinuturing siyang isang babaeng nagbebenta ng aliw. Ngayon, halos ituring siya bilang isang mamahaling hiyas. Kinabig ni Dewei si Velora palapit sa kanyang dibdib. Hinalikan niya ang leeg ng dalaga, kasabay ng banayad na paglanghap sa halimuyak nito. Napakislot si Velora, tila nakikiliti, at hindi na nagawang pigilan ang mapangahas na amo. "Your scent is always tempting. It drives me crazy every time, Velora. Alam mo ba 'yon? And I can't resist you," bulong ni Dewei na puno ng init at pagnanasa. Humarap si Velora sa kanya, ang mga mata niya ay nangungusap. "Kung hindi ako mabango, baka hindi mo na ako gusto," tugon niya, kasabay ng paglingkis ng kanyang mga braso sa leeg ng binata. Nag-angat ng isang sulok ng labi si Dewei at isang mapang-akit na ngiti ang sumilay. Bumaba ang kanyang tingin sa mapulang labi ni Velora — matingkad, kaakit akit, at tila humihila sa kanya palapit ang red lipstick nito. F^ćk! Napatigil siya, ang init sa katawan ay umaabot sa bawat hibla ng kanyang pagkatao. Ramdam niya ang hindi mapigilang pag-alsa ng kanyang damdamin, pati na ang kanyang pagnanasa na unti unting nagpapasikip sa pagitan ng kanyang shorts. Nakakawala ng kontrol sa sarili, buong buo siyang nalulunod sa mapang-akit na presensiya ni Velora.NAPAKAPIT ng mahigpit si Vanna sa braso ng asawa. Tila may bumalot na takot sa kanyang mukha nang makita ang matandang kinakatakutan. "Andito lang ako, Vanna. Po-protektahan kita," sabi ni Zander sa asawa na nakikitaan niya ng takot sa mga mata. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito. Napatingin si Dewei sa mag-asawang sina Zander at Vanna, bago siya lumingon kay Jai na tahimik lang sa gilid. “Jai,” mahinang tawag niya. “That man is terrorizing my sister-in-law.” Napalingon si Jai mula sa kape niyang hawak. Tumango ito matapos makita kung sino ang tinutukoy. “Mayor Oscar,” bulong ni Jai. “You sure he’s here to stir trouble?” “I don’t trust him,” mariing sagot ni Dewei. “Not around Vanna.” “Then you know what to do,” sabi ni Jai, bago muling tumingin sa matandang lalaki. Hindi na nag-aksaya ng oras si Dewei. Lumakad siya palapit sa mag-asawa para magsilbing harang mula sa paparating na hindi inaasahang bisita. “Magandang gabi,” kaswal na bati ni Mayor Oscar saka ng
PANAY ang lakad ni Zander pabalik-balik. Naghihintay sa pagdating ng kanyang pinakamamahal na bride. "Kabado ka bang hindi sisipot ang kapatid ko, Zander?" untag ni Velora nang nilapitan ang asawa ng bunsong kapatid. Napatunghay si Zander kay Velora at payak na ngumiti. "Sa totoo lang, hindi. Alam ko kasi na darating ang asawa ko sa kasal namin. Hindi niya ako iiwan na nag-iisang naghihintay sa altar." Siguradong-sigurado na sagot niya. "Malaki ang tiwala mo sa kapatid ko. Ano?" Mabilis na tumango-tango si Zander. "Siya lang ang babaeng minahal ko kaya ganoon na lang ang tiwala ko sa kanya na hindi niya ako tatalikuran. Kinakabahan lang ako na baka hindi ko kayang ibigay sa kanya ang mga bagay na nakasanayan niya. Iyong mga nakukuha niya sa inyo noong dalaga pa siya. Natatakot ako sa expectation n'ya." Napahinga nang malalim si Velora. Tiningnan niya si Zander na parang binabasa ang laman ng loob nito. "Zander..." malumanay niyang wika. "Ang kapatid ko, hindi 'yan nagpakas
"HAYAAN mo na kung ayaw. May nakuha naman na kayong bagong best man ni Zander. Di ba?" sabi ni Lyca. Magksama sila sa hotel room at naghahanda para sa kasal ni Vanna maya-maya lang. Alas siyete pa lang ng umaga at pareho sila ni Vanna na maagang nagising. Excited lang sila sa magaganap na kasal mamaya. Malungkot na tumingin si Vanna sa kaibigan at umiling. "Hindi kami kumuha ng papalit na best man. Umaasa pa rin ako na darating si Tony." "E, bakit? Ayaw na nga nung tao. Dapat hindi mo na pinilit..." "Maghihintay pa rin kami ni Zander at aasa. Kung hindi man dumating si Tony, ikaw na lang ang aming nag-iisang maid of honor at best man. Puwede naman siguro 'yon?" Giit ni Vanna na ngumiti kay Lyca. Napangiti rin si Lyca at hinawakan ang kamay ng kaibigan niya. "Dapat masaya tayo. Kasal mo na kaya. Darating na rin ang magmake-up sa atin. Yes, this is it! Sobrang maligaya ako para sa inyo ni Zander." "Ako rin. Hindi ko nga akalain na darating kami sa ganitong pagkakataon na maikakasa
HUMUGOT muna ng malalm na paghinga si Vanna habang nakatayo sa harapan ng mansyon ng mga Bautista. Napatingin siya sa kanyang tabi nang hawakan ni Zander ang kanyang kamay. "Huwag kang kabahan. At saka, alam ko naman na hindi siya galit sa'yo. Andito rin ako, kasama mo," pagpapalakas ng loob ni Zander kay Vanna. "Hindi ko alam kung tatanggapin niya na maging best man sa kasal natin. Baka kasi masama ang loob ni Tony sa akin." Hinaplos ni Zander ang likod ng kamay niya at bahagyang ngumiti. "Kung ako nga napatawad mo, si Tony pa kaya? Alam kong nasaktan siya, pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ka na niya mahal bilang kaibigan." Tumango si Vanna, bagamat bakas pa rin sa kanyang mukha ang pag-aalala. "Siguro... siguro kailangan ko lang talagang humingi ng tawad. Hindi dahil kasal na tayo kundi dahil gusto ko lang mapawi ang bigat sa pagitan namin." "Sige na, tayo na. Bago ka pa umatras," biro ni Zander sabay bahagyang hila sa kanya papasok sa gate. Habang papalapit sila sa pint
NASA Batangas muli sina Zander, Vanna at si Len para dalawin ang pamilya Hughes. "Oh, kumusta ang preparation ng kasal ninyong dalawa?" untag ni Velora habang ibinababa ang dalang tray. Karga ni Vanna ang pangalawang anak ni Velora na babae. "Okay naman po, Ate. Pero, bakit ganoon po ka-engrande? Puwede na po kami ni Zander sa simple lang." Napaayos ng tayo si Velora at seryosong tinignan ang bunsong kapatid. "Hindi naman magarbo. Ang sa akin lang gusto kong ibigay sa'yo ang nararapat. Ikaw na lang ang hindi naikakasal sa atin. Si Ate Marilyn kasal na rin siya. Saka, 'wag kang mag-alala sa gastos," sagot ni Velora. "Velora, hindi naman puwede na aakuin n'yo ni Mr. Hughes ang buong gastos sa kasal. Kahit na mahirap lang kami ay kaya ko naman ibigay sa asawa ko ang isang magandang kasal. Mahal ko siya kaya nararapat lang na maghanda rin ako para sa araw na 'yon," sabi ni Zander, sabay hawak sa kamay ni Vanna. "Hindi lang ito tungkol sa engrandeng selebrasyon, kundi sa pangako namin
"LOVE, andito na ang wedding coordinator natin. Ipinadala nina Velora at Mr. Dewei Hughes," anunsyo ni Zander habang papasok sa kusina. Napatigil si Vanna sa paghalo ng niluluto. Nilingon niya ang asawa at kunot-noong nagtanong, "Ha? Bakit kailangan pa ng wedding coordinator? Okay na sa atin ang simpleng kasal..." Naghugas siya ng kamay, nagpupunas habang patuloy na nagsasalita. "Saka akala ko ba intimate lang, 'yung tayong dalawa lang talaga at ang mga bisita ay malalapit lamang sa atin." "Alam mo naman ang mga kapatid mo, mas excited pa sila sa kasal natin kaysa sa atin," natatawang sabi ni Zander. Lumapit siya at hinawakan sa magkabilang balikat ang asawa, saka marahang inilabas sa kusina patungong sala. Natawa na rin si Vanna. "Sabagay. Lalo na si Ate Velora, parang siya ang ikakasal, eh." Tinabihan siya ni Zander at agad ipinulupot ang braso sa beywang ni Vanna, saka bumulong, "Basta ako, ang mahalaga sa akin ay ikaw ang mapapangasawa ko." Namula si Vanna at bahagyang tinam