Share

193

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-05-12 00:03:50

"ASTER!" Nagulantang sina Aster at Sandro sa malakas na sigaw na narinig mula sa kanilang likuran. Parang yelo ang biglang dumaloy sa kanyang likod. Napakabilis ng tibok ng puso niya, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa pagkabigla… at kaba nang mabosesan kung sino 'yon.

"J-Jai..." Biglang napatayo siya nang makita ang asawa. Nanlilisik ang mga mata nito at matalim ang tingin sa kanila ni Sandro. Parang inaakusahan silang nagtataksil sa uri ng tingin ni Jai kahit na hindi nito sinasabi.

Napatingin si Aster kay Sandro, na nanatiling nakaupo. Hindi nito kilala si Jai na asawa niya.

"Who is he?" madiing tanong ni Jai, nagbabanta ang kanyang tingin sa asawa. Matigas ang kanyang panga, mahigpit ang kanyang pagkakakuyom sa mga palad, isang anyo ng galit na pinipigilan lang pumutok.

Hindi makasagot si Aster. Parang nabulol ang isip niya. Gusto niyang sabihin ang totoo, na si Sandro ay walang ibang papel kundi maging tagapag-alaga ng kanyang ama. Pero bakit gano'n ang kaba sa dibdib n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Lhyn Ramos Pelemiano
ano ka ngayo jai.. napahiya ka ano.. ikaw kasi basta nalang di nagparamdam kay aster. manuyo ka ngayon.
goodnovel comment avatar
Celeste Espejon
ang ganda ng kwento,ganito gusto q basahin mabilis mag update,d katulad jn s iba abutin ng 1year kainis.
goodnovel comment avatar
Amhie Banares
ano k ngaun Jai kala mo ha purket mhal n mhal k ni aster. matinding suyuan Ang mgganap hahaha pkalmahin m ngaun Asawa m at nanggigigil Yan sau
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   203

    Tahimik na binuksan ni Aster ang pinto ng opisina. Nandoon si Jai, nakatayo sa tapat ng lamesa, tila galit pa rin. Umangat ang tingin nito sa kanya, at agad siyang sinalubong ng malamig na titig. Si Dewei naman ay napalingon at bahagyang nagulat sa pagpasok niya. "Bro, labas muna ako," mahinang paalam ni Dewei, sabay tayo at marahang tinapik si Jai sa braso bago lumabas ng opisina. Pagkaalis ni Dewei, ilang segundo silang tahimik lang, hanggang sa si Aster na ang unang nagsalita. "Bakit mo 'yon ginawa?" Hindi sumagot si Jai. Nakapamulsa ang dalawang kamay nito, at matalim pa rin ang tingin. "Wala ka man lang pakundangan. Sa harap ng maraming tao, sinugod mo si Sandro at kung ano-ano ang sinabi mo." "Anong gusto mong gawin ko? Hayaan kitang tumawa-tawa sa harap ng lalaking 'yon habang para kang wala nang pakialam kung may asawa ka?" mariing sagot ni Jai. Umusod palapit si Aster, hindi natitinag. "Ilang beses ko bang sasabihin na wala kaming ginagawang masama, Jai. At wala kang

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   202

    NAGLALAKAD si Jai patungo sa lamesa nina Sandro at Aster. Matigas ang panga, seryoso ang mga mata. Hindi alintana ang mga tauhan na bumabati o napapalingon sa kanya at diretso lang ang lakad niya. Nagtaka naman ang mga tauhan sa hindi pagpansin ng amo sa kanila. Kilala nilang pabati si Jai sa lahat ng mga tauhan, anuman ang mga posisyon nila. Nakita kaagad ni Jai si Aster. Nakaupo itong kumakain kasabay si Sandro. Nasa ibabaw ng lamesa ang bouquet ng bulaklak na ibinigay ng lalaki. Ang isang ipinuputok ng kanyang butsi ay ngiting-ngiti sila sa isa't isa, animo'y sila lamang ni Sandro ang tao sa buong restaurant. "Aster!" Tila umalingawngaw ang malakas na boses ni Jai sa buong restaurant. Napalingon si Aster sa pamilyar na boses na tumawag sa kanya. Saglit na nanlaki ang mga mata niya at halatang nabigla. "J-Jai?" Dumating na nga ang asawa niya. Biglang kumabog ang dibdib niya sa kaba at sa takot. Kita-kita niya ang galit sa mukha ni Jai. Tila akala mo ay pupunta sa isang laba

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   201

    ISANG linggo ang lumipas, gabi-gabi na natutulog si Aster sa kuwarto ng ina. Hanggang tingin na lang si Jai sa asawa. Hindi niya magawang lumapit. 'Di siya madalas pansinin ni Aster. Maging sa restaurant ay hindi rin sila nag-uusap. "Miss Aster, may nagpapabigay po ng flowers sa inyo," sabi ng isang crew habang lumalapit sa kanya na may hawak na bouquet ng pulang rosas. Napakunot ang noo ni Aster. "Ha? Kanino galing?" tanong niya, habang dahan-dahang kinukuha ang mga bulaklak, ang tingin ay nanatili roon na para bang iniisip kung dapat ba siyang matuwa o kabahan. "Sa table number 10 po. Mukhang may crush sa'yo, Miss Aster. Kaya pala kanina pa siya parang may hinahanap at hindi nag-o-order. Ikaw pala ang hanap," sabay kindat ng crew na nanunukso. Napakagat-labi si Aster, hindi alam kung matatawa o maiilang. Hindi lingid sa kaalaman ng mga katrabaho niyang kasal na siya. At ang asawa niya ang ang mismong manager ng branch ng restaurant, si Jai. Ngunit kahit araw-araw niyang suot

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   200

    Naligo muna si Aster. Pagkapasok niya sa loob ng banyo ay tumapat siya sa dutsa ng shower at umiyak nang umiyak doon. Hindi niya maibuhos ang lahat ng luha niya dahil sa nakikita niya sa mga mata ng Mama niya. Tinatatagan niya ang loob dahil hindi niya makitang iyak ng ina habang nakaburol ang Papa niya. Pagkalabas ni Aster ng banyo ay wala si Jai sa loob ng kuwarto nila. Naka-terno na pajama siya at nagblower ng buhok n'ya. Pagkatapos ay humiga sa kama. Pinilit niyang matulog. Unang gabi na kulang sila, kulang ang pagkatao niya dahil wala na ang Papa niya. Parang hindi niya alam kung kailan siya masasanay. Binuksan ni Jai ang pinto, hawak ang isang tasang tinimpla niyang gatas para kay Aster. Alam niyang kailangan iyon ng asawa niya upang maging masarap ang tulog nito magdamag. Batid niya kung gaano kalungkot si Aster nang mawala ang ama nito. "Aster, uminom ka muna ng gatas," malambing na sabi ni Jai habang nilalapitan ang asawa niyang nakahiga na sa kama. Bumangon si Aster at u

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   199

    NAKABUROL ang ama ni Aster. Palaging nasa tabi nito ang asawang si Jai. Napatingin si Aster sa ina na katabi niya. Tahimik lamang ito na nakaupo. Hindi rin ito umiiyak. "Hindi ko pa nakakasama ng matagal si Papa. Binawi na siya kaagad sa amin ni Mama," nasambit ni Aster, tumulo na naman ang mga luha niya sa mata. Ipinatong ni Jai ang kamay sa kamay ni Aster. "There’s a reason, kung bakit nawala si Papa mo. But he is free from pain. He left us, just like he is sleeping. Hindi na siya nahirapan. Di ba?" Pinalis ni Aster ang mga luha sa kanyang mata. "Iba pa rin na kasama namin ni Mama si Papa. Ang tagal kong pinangarap na sana umuwi na sila para magkakasama na kami lahat. Umuwi nga siya pero maysakit naman si Papa. Ang hirap tanggapin. Hindi ko pa nasasabi sa kanya lahat. Ang dami ko pang gustong gawin para sa kanila..." Napayuko si Aster. Ayaw na sana niyang umiyak pero hindi niya kayang pigilan ang luha niya na bumagsak. Humigpit ang kapit ni Jai sa kamay ng asawa. Dumating ang

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   198

    PINILI na muna ni Aster na palaging kasama ang ama. Napapansin niya ang unti-unting pagbabago ng lakas nito. Natatakot na siya para sa Papa niya. Parang kahit na inihahanda niya ang sarili ay tila hindi pa rin niya kayang isipin na mawawala ito sa kanila ng Mama niya. Isang linggo na silang magkahiwalay ni Jai ng tulugan. Hindi rin sila nagpapansin. Nagkakausap lang sila kapag nasa harapan ng magulang ni Aster. Hindi rin pinipilit ni Jai na kausapin siya ni Aster. Mas gusto pa nga niya ang ginagawa nitong pag-iwas, kahit masakit, mas mabuti na iyon kaysa sa paulit-ulit na pagtatalo. Ayaw niyang lalo pang masira ang natitirang koneksyon nila bilang mag-asawa. Gusto pa rin niyang manatiling kontrolado ang sitwasyon, kahit papaano'y may respeto pa rin sa pagitan nila. Kung hindi man maibalik ang dati, sana’y manatili silang may maayos na pakikitungo sa isa’t isa, at hindi tuluyang maging parang estranghero. Tumatakbo si Wendy papunta sa kusina, halatang nanginginig ang mga kamay ha

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   197

    NILINGON ni Velora ang parents ni Aster na kasama ngayon ang mag-asawa na katiwala nila sa bahay. Nasa garden silang lahat. "Ano nang lagay ng Papa mo?" "Hindi ko namin alam kung hanggang kailan o ilang araw na lang ang itatagal niya sa mundo. Minsan hindi ko na nga lang iniisip. Dumadagdag pa ang problema namin ni Jai," malungkot na sagot ni Aster. Pinapanghinaan na siya ng loob. Pero, pinipilit pa rin niyang lumaban. "Ang tapang-tapang mo na. Biruin mo iyong kakilala kong Aster, akala ko puro kalokohan lang ang alam. Mukhang mas matapang ka pa nga sa akin." Mapait na napangiti si Aster. "Natuto lang ako sa'yo. Pero hindi ko pa rin kaya ang ginawa mo. Sana mas patatagin pa ako. Hindi ko isusuko ang pagmamahal ko kay Jai," matatag pa rin ang kanyang loob. Alam niyang makukuha niya rin ang pagmamahal ng asawa niya. Darating din ang araw na hindi na ipamumukha sa kanya na contract wife lang siya. Gabi na nakauwi ang mag-anak. Pagod sila sa biyahe pero nag-enjoy sila sa pagbisita n

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   196

    SA ibang kuwarto natulog si Aster. Masama pa rin ang loob niya sa asawa. Habang si Jai ay hindi dalawin ng antok. Marahas siyang napapabuntong-hininga. Babangon sa kama at mauupo. Paulit-ulit niya iyong ginawa. "Aster, umalis si Sandro kagabi?" tanong ni Wendy sa anak. Natigilan si Aster at napatigil sa pagbibigay ng pagkain ss ama. "Opo, ma. Binigyan po ng bagong pasyente si Sandro." Pagsisinungaling niyang sagot. "Ako po muna ang mag-alaga kay Papa." Napangiti si Alfie. "Pero, paano ang trabaho mo?" Muling tanong ni Wendy. "Magpapaalam po ako. Maiintindihan naman po nila. Isa pa si Dewei po ang boss ko, asawa ng kaibigan ko." Hndi binanggit ni Aster na isa rin si Jai sa mga may-ari ng restaurant na pinapasukan niya. "Sana makilala namin ng Papa mo si Velora, anak." "Makikilala n'yo rin po s'ya. Wala po siya dito sa Manila, sa Batangas po siya nakatira." Napangiti bigla si Aster. "Gusto n'yo pong pumasyal sa probinsya?" Lulan ng taxi sina Aster at magulang niya. Papunta sila

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   195

    "YES! You are not my wife. Contract wife lang kita. Binayaran kita para maging asawa ko bg isang taon. Pero, hindi ibig sabihin nun ay gagawin mo na ang lahat ng gusto mo. Makikipaglandian ka sa kahit na sinong lalaki!" Singhal ni Jai. Gigil na gigil ito na ipinagdiinan na contract wife at binayaran lamang niya si Aster. Parang tinusok ng mga salitang iyon ni Jai ang puso ni Aster. Nanigas siya sa kinatatayuan, pilit nilulunok ang sakit na tila unti-unting bumabalot sa dibdib niya. "Ang dumi ng isip mo, Jai," mariing sagot ni Aster, pilit pinatatatag ang boses kahit nanginginig na ito. "Nag-uusap lang kami ni Sandro kanina, wala kaming ginagawang masama. Alam ko naman kung bakit ka nagkakaganyan. Dahil iniisip mo na baka sumira ako sa kasunduan." "Hindi marumi ang utak ko, Aster... Mali ang nakikita ko sa inyong dalawa kanina. Kung paano kayo magtawanan na dalawa at iyong mga tinginan n'yo. 'Di 'yun normal." Napailing si Aster. At napakuyom ng kamao, hindi dahil sa galit kundi par

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status