HINILA ni Zander si Vanna sa gitna ng malawak na garden. Malawak ang kanyang ngiti sa asawa habang nakatayo sa harapan nito. Ramdam niya ang kalituhan ni Vanna. Tila mayroong naglalaro sa isip nito pero hindi masabi kung ano. "Zander, bakit dito tayo?" tanong ni Vanna, bahagyang naguguluhan pa rin pero nakangiti habang hinahaplos ang mga bulaklak na nadaanan nila. Ngumiti si Zander at dahan-dahang inabot ang kamay niya. "Kasi… dito ko gustong sabihin ang totoo kong nararamdaman at ang matagal ko nang gusto sanang gawin." Napakunot ang noo ni Vanna. "Ha? Ano’ng ibig mong sabihin?" Huminga nang malalim si Zander, saka marahang bumitaw sa kamay niya at humakbang palayo ng kaunti. Nang humarap siya muli, may hawak na siyang maliit na kahon sa bulsa. Dahan-dahan siyang lumuhod sa harap ni Vanna. "Vanna…" tumingin siya ng diretso sa mga mata nito, bakas ang emosyon at paninindigan. "Oo, kasal na tayo sa papel… pero hindi pa ako nakahingi ng pormal na sagot sa puso mo." Napaawang ang l
"OKAY, everything’s fine now! So… let’s talk about their church wedding," sabat ni Dewei na may ngiti. Napatingin sa kanya ang lahat, tila nagtataka sa bigla niyang pagsingit. "Bakit? Hindi ba ito rin ang dahilan kung bakit natin ipinatawag si Zander dito sa bahay? At saka kumpleto tayo ngayon. Of course, I want them to be married in the church. Hindi puwedeng civil lang, dapat kumpleto ang blessing." Napangiti si Papa Vener sa narinig. “’Yan ang gusto kong marinig, Dewei. Maganda nga na sa simbahan sila ikasal para kumpleto ang basbas ng Diyos at ng pamilya.” Tumango ito at tumingin kay Zander. “Handa ka ba ro’n, Zander? Kaya mo bang paghandaan ’yon?” Medyo nagulat si Zander pero mabilis na tumango. “Opo, Papa Venee. Kung ’yan po ang nais ninyo, pag-uusapan namin ni Vanna at paghahandaan namin nang maayos.” Sabay tingin niya sa asawa na bahagyang ngumiti, tila natutuwa at nabunutan ng kaba. Pagkatapos ay tinapunan niya ng tingin ang mga magulang. Napatango ang Papa niya. "Kami ay
TINAPUNAN ng malungkot na tingin ni Vanna si Zander. Tumango naman sa kanya ang kanyang asawa at ngumiti. Pilit na ngumiti si Vanna. Saka muling bumaling ng tingin sa kanyang pamilya. Magsasalita na sana siya pero inunahan siya ni Zander. "Ako na po ang magpapaliwanag sa inyo bilang asawa ni Vanna. Nahihirapan na po akong tignan siya. Wala po siyang intensyon na saktan kayo. Kung nakuha niya pong ilihim ang pagpapakasal namin sa inyo..." lakas-loob na sagip ni Zander sa asawa. Kita niya sa mga mata nito na nahihirapan na itong magsalita. Halata ni Zander ang takot at pangamba sa mukha ni Vanna, kaya lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kamay nito. "Z-Zander..." nausal ni Vanna. Napalingon ang niya sa kanya. "Dahil natakot lang po siya. Tinatakot po siya ng isang maimpluwensyang tao. At para makaligtas sa pagbabanta at pananakot sa kanya ay naisip niya na magpakasal sa akin. Baka sakali na lulubayan na siya. Mahal na mahal ni Vanna ang pamilya niya na ayaw niyang pati kayo ay maaba
NAPATIGIL si Vanna habang pinagmamasdan ang bahay ng kapatid niyang si Velora. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Mag-iisang buwan na rin noong huling dumalaw siya sa kapatid. Alam niyang ang dami na nitong iniisip tungkol sa kanya. Dumagdag pa na nalaman nito na nagpakasal na siya at 'di niya ipinaalam sa kanyang pamilya. Naramdaman niya ang kamay ni Zander sa kanyang likod. Haplos na parang nagsasabing hindi siya nag-iisa, na may magiging karamay siya. “Okay ka lang?” mahinahong tanong ni Zander habang nakatingin din sa bahay. Kabado rin siya at ninenerbiyos pero nakita niya ang takot sa mukha ni Vanna. Kaya upang may kapitan ng lakas ang asawa ay pilit niyang umaakto ng normal sa harapan nito. Huminga nang malalim si Vanna. “Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Velora. Alam kong galit pa rin siya sa akin…” Hinawakan ni Zander ang kamay niya at marahang pinisil. “Nandito lang ako, Vanna. Kung ano man ang sabihin nila, magkasama tayo. Walang iwanan, di ba?" Tumango si Vanna k
GABI ng pagpunta nina Zander at pamilya niya sa Batangas. Binubutones ni Zander ang kanyang white polo nang mapansin iyon ni Vanna. Nilapitan niya ang asawa at siya na ang nagbutones ng natitira. "Tawagin mo naman ako. Mag-asawa na tayo, ‘di ba? Siyempre, kahati mo na ako sa lahat ng bagay," malumanay na sabi ni Vanna. Napangiti si Zander at biglang kinabig si Vanna palapit sa kanya. Napaigtad naman ang asawa sa ginawa nito. "Sure, love," bulong niya, nakatitig sa mga mata ni Vanna. Hinaplos niya ang pisngi nito, mabagal at puno ng lambing. "Kahit anong mangyari mamaya, kasama mo ako. Hindi kita pababayaan sa harap nila. Tayong dalawa lang, magkasama na haharap sa kanila. Ipagmamalaki natin ang pagmamahalan natin." Napangiti si Vanna, may halong kaba at saya. "Alam kong kakayanin natin 'to, Zander. Basta magkasama tayo, ha." Ngumiti si Zander at idinikit ang noo niya sa noo ng asawa. "Yan ang gusto kong marinig. Handa ka ba?" Hinalikan ni Zander nang buong puso si Vanna
NAGLALAKAD palabas ng mall sina Vanna, Zander, at Lyca. Nagtaka si Vanna nang mapansin na patungo sila sa parking lot. "Magta-taxi lang tayo, ‘di ba? Bakit tayo nandito sa parking area?" tanong ni Vanna habang nakatingin sa asawang hawak pa ang kanyang kamay. Ngiti lang ang isinagot ni Zander. "Baka may hinihintay na taxi dito, Vanna," sabad ni Lyca. Napatingin si Vanna sa kaibigan at bahagyang tumango, tila umayon sa sinabi nito. Biglang binitawan ni Zander ang kamay niya. Naglakad ito papunta sa isang puting, bago pang SUV at nakangiting sumandal sa harap ng sasakyan. Napahinto si Vanna. Nanlaki ang mga mata at hindi siya makapagsalita habang nakatitig sa bagong-bagong sasakyan. "Z-Zander… atin ba ‘yan?" halos pabulong na tanong niya, halatang nagugulat at natutuwa. "Wow! Ang ganda!" biglang sigaw ni Lyca na halos tumakbo palapit. "Bagong-bago, amoy brand new pa! Sa inyo ba ‘to, Zander?" aniya na parang mas na-excite pa kay Vanna. Ngumiti lang si Zander at tiningnan ang asaw