공유

201

작가: RIDA Writes
last update 최신 업데이트: 2025-05-14 20:12:53

ISANG linggo ang lumipas, gabi-gabi na natutulog si Aster sa kuwarto ng ina. Hanggang tingin na lang si Jai sa asawa. Hindi niya magawang lumapit. 'Di siya madalas pansinin ni Aster. Maging sa restaurant ay hindi rin sila nag-uusap.

"Miss Aster, may nagpapabigay po ng flowers sa inyo," sabi ng isang crew habang lumalapit sa kanya na may hawak na bouquet ng pulang rosas.

Napakunot ang noo ni Aster. "Ha? Kanino galing?" tanong niya, habang dahan-dahang kinukuha ang mga bulaklak, ang tingin ay nanatili roon na para bang iniisip kung dapat ba siyang matuwa o kabahan.

"Sa table number 10 po. Mukhang may crush sa'yo, Miss Aster. Kaya pala kanina pa siya parang may hinahanap at hindi nag-o-order. Ikaw pala ang hanap," sabay kindat ng crew na nanunukso.

Napakagat-labi si Aster, hindi alam kung matatawa o maiilang. Hindi lingid sa kaalaman ng mga katrabaho niyang kasal na siya. At ang asawa niya ang ang mismong manager ng branch ng restaurant, si Jai. Ngunit kahit araw-araw niyang suot
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (3)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
kasal k dapat igalang m un aster..
goodnovel comment avatar
Amhie Banares
see Yan n nga ba cnasabi k sau eh ha Jai kala m Wala mgkkagusto KY aster ano k ngaun ... kng ako sau bakuran mna ng bongga at wag mong hayaan n mawala pg ibg Nia sau
goodnovel comment avatar
rea oliver manzano
haha selos p more ayaw mo p kc mining n mahal mo n c aster cge bagal2 k p......
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   317

    AGAD tumayo si Zander. Napatunghay ang tingin ni Vanna sa binata. Wari'y nagtataka siya sa binata. "Saan ka pupunta, Kuya?" Napabaling ng tingin si Zander sa dalaga. Nginitian niya ito. "Umiinom ka ba?" "Oo naman, Kuya," pagsisinungaling na sagot ni Vanna na napapalunok. Ang totoo, hindi talaga siya umiinom ng alak. Pero hindi parang may nagtulak sa kanya na hindi niya puwedeng tanggihan si Zander, lalo na ngayon. "Tamang-tama. May natira pa akong beer sa ref," sabi ni Zander na napatango-tango. Sinusubukan lang niya kung tayanggi si Vanna na uminom ng alak. Pero, nagtataka siya na hindi siya inurungan nito. "Ha? Dito lang tayo?" Tila nagmamayabang pa na tanong si Vanna, pero sa loob-loob ay kinakabahan. "Puwede naman. Saka, wala ka naman sigurong pasok sa university. Nabanggit mo kanina na nakabasyon ka. Di ba?" "W-Wala nga," may alinlangan na sagot ni Vanna na pinilit ngumiti. "Good. D'yan ka lang kukunin ko ang beer sa fridge. At kukuha na rin ako ng baso." Mabilis na tum

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   316

    "CONTRACT husband?" ulit ni Zander na napakunot ang noo. "Vanna, seryoso ka ba sa sinasabi?" "Oo. Alam kong ang hirap paniwalaan para sa'yo, pero kailangan ko lang talaga. Sa sitwasyon ko ngayon, hindi na sapat 'yong manahimik lang ako. Kailangan kong may ipakitang hindi sa matandang 'yon na hindi na niya ako dapat guluhin dahil pag-aari na ako ng iba. Iyon lang ang naiisip kong paraan para hindi na ako guluhin ni Mayor Oscar." Mahabang paliwanag ni Vanna, sabay tango saka umiwas ng tingin. "At ako ang naisip mong kunin bilang contract husband mo?" tanong ni Zander na may bahid ng gulat. "Ikaw lang ang taong alam kong mapagkakatiwalaan ko, Kuya Zander." Muling sagot niya, ngayon ay tumingin na kay Zander. "Kapag nalaman ng tao na may asawa ako, malaki ang tsansang umatras si Mayor Oscar. Ayaw ko ng gulo at lalong ayaw ko sa matandang 'yon." Napalunok si Zander. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o lalong mape-pressure sa mga rason ni Vanna. Parang mahirap iyong naisip ng dalag

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   315

    "KUMAIN ka na ba, Zander?" Untag ni Len sa anak. "Tapos na po," sagot ng binata na ang mata ay na kay Vanna. "Halika at magkape. Ipagtitimpla kita, Zander. Gusto mo ba?" "Ah, Ate Len, ako na lang po," sabat na prisinta ni Vanna. Napangiti si Len. May kakaibang kislap ang kanyang mga mata na napatingin sa kanyang nag-iisang anak. "Sige, Vanna. Ikaw na ang magtimpla para sa Kuya Zander mo. No sugar at no cream ang gusto niya sa kape..." sagot ni Len na tinanguan ng dalaga. "Oh, siya. Maiwan ko na kayong dalawa rito. Ako'y matutulog na." Maya-maya'y nagpaalam na si Len sa dalawa. Pagkaalis ni Len ay saglit na natahimik sina Vanna at Zander. Kumuha ng tasa ang dalaga at nagsalin ng mainit na tubig sa baso habang kinukuha rin ang garapon ng kape. Ramdam ni Zander ang bahagyang paninikip ng dibdib habang pinagmamasdan ang bawat kilos ng babae. "Na-miss ko ang bahay na 'to," biglang nasambit ni Vanna na hindi lumilingon kay Zander habang hinahalo ang kape. "Lalo na siguro ‘yong inga

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   314

    PUMASOK si Zander sa loob ng bahay nila. Hinanap kaagad ng kanyang mata ang ina. Ginabi na siya ng uwi, pero inaasahan pa rin naman siya ng ina na umuwi. "Ma..." tawag niya. Tumungo siya papunta sa kusina. Habang papalapit ay napangiti siya nang makita ang isang babae na abala sa ginagawa sa lababo. "Ma, andito lang po pala kayo. Kanina ko pa po kayo tinatawag. Bakit nasa kusina pa rin kayo? Alas nuebe na po ng gabi..." dire-diretsong sabi ni Zander. Nilapitan niya ang ina at agad hinalikan sa pisngi. Pero, bigla siyang natuod nang mapagtantong hindi iyon ang kanyang ina. Hinalikan pa naman ang pisngi nito, na ipinagdiwang na rin ng kanyang kalooban. Nanlalaki ang mga mata niyang tumitig sa babae, at sa isang iglap, parang tumigil ang lahat. "Vanna?" halos pabulong pero malinaw niyang nasambit. Ang babaeng matagal na gumulo sa kanyang isipan. Ang pinangarap niya noon. Anong ginagawa ni Vanna sa bahay nila? Ang alam niya ay hindi siya nito naalala. Bigla atang naalala nito ang

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   313

    "KUMUSTA ang Ate Velora mo?" tanong ni Len habang banayad na nakangiti. Kita sa mga mata niya ang sinserong interes. "Maayos naman po," sagot ni Vanna, sabay ayos ng pagkakaupo. "Apat na buwan pa lang mula noong manganak siya sa second baby nila ni Kuya Dewei. Babae po ang anak nila." Napangiti si Len. "Masaya ako para sa kanila ni Dewei. Mukhang naging maayos na talaga ang pagsasama nila. Tahimik na rin ang buhay nila ngayon sa Batangas… Hindi tulad dati." Tumango si Vanna. "Opo. Ang dami na pong nagbago. Nakakatuwa po silang panoorin, si Ate, laging abala sa mga bata, tapos si Kuya Dewei, mas hands-on na rin ngayon." Sandaling natahimik si Vanna bago muling nagsalita. "Puwede po kayong dumalaw sa bahay para makita n'yo si Ate at ang mga anak niya. Lagi po kayong nababanggit ni Ate Velora kapag nagkukuwentuhan kami." Napatingin si Len sa kanya, tila nabigla sa sinabi. Maya-maya’y ngumiti ito, may bahid ng lungkot at galak sa kanyang mga mata. "Talaga? Hindi ko akalaing naaalala

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   312

    PINAGMAMASDAN ni Vanna ang dating bahay na tinirhan nilang magkapatid noon. Ito ang bahay na tinuluyan nila matapos siyang gumaling sa malubhang sakit. Sandali lamang silang nanirahan dito, dahil makalipas ang ilang buwan ay dinala na sila ni Ate Velora sa poder ni Kuya Dewei, ang asawa ng kapatid niya. Parang kailan lang, pero ngayon, ang bahay ay pag-aari na ng pamilya nina Ate Len. Ang tahimik ng paligid, pero para kay Vanna, ang katahimikan ay may dalang bigat, mga alaala ng kahapon na hindi na maibabalik. Naalala niya ang dating tagapag-alaga nila. Parang nanay ang turing niya rito, siya na rin halos ang nagpalaki sa kanya sa mga taong sakitin siya. Mabait, maasikaso, at laging nariyan sa tabi niya. Tuwing may sakit siya, ito ang nagbabantay, naghahaplos sa likod niya, at nagdarasal nang mahina habang nakayuko sa paanan ng kama. Napabuntong-hininga si Vanna. Parang kahapon lang ang lahat. Pero ngayon, isa na lang itong alaala, tulad ng bahay na hindi na kanila. "Tao po... tao

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status